Siberia

Yugto
Please Subscribe to read the full chapter

6:45 am

 

Kasalukuyan naming binabaybay ang Meralco Ave. Ilang minuto nalang naman at makakarating na kami sa condo.

 

Walang may umiimik sa aming dalawa. Seryoso syang nagmamaneho habang ako naman eh tinitingnan if nakareply na si RJ. She just left me on read sa iMessage.  Di naman ganun ka awkward yung vibes dahil naka-on naman yung Spotify nya. In fairness, ang lakas maka high school throwback ng mga nasa playlist nya. Callalily, Silent Sanctuary, Parokya Ni Edgar...

 

"Tzuyu Chou."

 

"Huh?" Bigla akong napatingin sa kanya.

 

Red light. 

 

Humarap sya sa akin at ngumiti. Luh. May dimples sya.

 

"My name is Tzuyu but you can call me Tzu. Kanina pa tayo magkasama pero we still don't know each other's names."

 

Green light. Tinapakan nya na uli yung accelerator.

 

"Winter Minjeong Kim."

 

"Winter. Your name sounds familiar. By chance, isa ka ba sa mga bagong staff na under sa Pharmacy Department?"

 

"Uhmm... Yes po." Tipid kong sagot. 

 

Pinoprocess pa ng ulo ko yung mga nangyayari.

 

Posible bang nasa same department kami ng Tzuyu na 'to?

If yes, counted sya as senior ko.

If yes, ibig sabihin...

 

 

...napagtaasan ko ng boses yung senior ko?! Tangina.

 

"Oh bat parang namumuti ka dyan, Winter? May problema ba? Di ka naman siguro nalipasan ng gutom? Gusto mo ng white flower?"

 

Ma'am, kalma lang with the questions. Biglang nag-evaporate sa katawan ko yung corned beef, itlog, at fried rice na kinain ko for breakfast. Nanlalamig yung palad ko.

 

"Can I ask po ba if saang department ka under?" Mahinahon kong tanong.

 

"Same as yours. Hehe. But doon ako sa Chemotherapy Satelite Pharmacy naka-assign."

 

"Oh."

 

"If you're worried dahil napagtaasan mo ako ng boses earlier thinking na I'm one of your seniors, don't worry. You're not officially part of the department pa naman since di ka pa na-oorient at you're not yet properly introduced pa sa mga taga Pharma. At gets ko naman yung pa sudden burst of emotions mo kanina. Kung sa akin nangyari yun, for sure, times 10 pa sa galit mo yung mararamdaman ko."

 

Ano ba naman 'tong si Ma'am. Nababasa nya ba yung mga iniisip ko?!?

 

Also, I'm making a mental note on that info: Wag pipikunin si Ma'am Tzuyu.

 

"Still, I need to apologize po sa tone na ginamit ko earlier. Whether senior kita or not, never naging okay na magtaas ng boses especially sa hindi ko naman kilala. Medyo kabado lang po talaga."

 

"Bakit ginagamitan mo ako ng 'po'? Pakiramdam ko tuloy eh ang tanda ko na." Ngumuso sya bigla na as if nagtatampo.

 

"Pasensya na. Habit lang."

 

"You can call me Ma'am if parehas tayong on duty or kapag we're together with our other colleagues. Pero kung tapos na yung shift or we're outside work, please do call me by my first name, okay?

 

"Yes Ma'am!"

 

"Hep. Nasa labas pa tayo ng work so that's Tzuyu for you."

 

"Pwede bang Ate Tzuyu nalang? Di kasi ako kumportable if I'll address someone older than me by their first name lang."

 

"O sige na nga lang. Kung saan ka okay."

 

"And ayun na pala yung condo ko. You can park there sa harap. Sabihan ko nalang si Manong Guard."

 

"Alright." Nag-reverse parking muna sya at saka pinatay na yung sasakyan.

 

"Baka gusto mo sumama sa taas? Though mabilis lang naman ako. Baka kasi mabagot ka dito sa sasakyan mo." Pagaalok ko sa kanya.

 

"Sige. Makikigamit na rin ako ng CR. Naiihi na rin ako. Hehe."

 

 

 

 

 

Binilisan ko lang ang pagpalit ng uniform ko.

 

Bilib din ako kay Ate Wends. Akala ko yung plinantsa nya lang kanina is yung uniform ko lang for today. Lahat pala ng tatlong set of uniforms ko sinakop na rin nya. Idadagdag ko nalang sa chores ko yung paglaba ng mga maruruming damit nya sa day off ko nang makapagpahing naman sya.

 

It took me around ten minutes to change sa kwarto ko. Paglabas ko, nakita ko si Ate Tzuyu na nakatingin sa mga polaroids and printed pictures na naka-magnet sa may ref namin.

 

"Let's go na?"

 

Mukhang nagulat sya nung narinig ny

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tamago_312
Pasensya na if it took a while for me to update. Madaming ganaps sa life at ngayon lang talaga ako nagka oras to finish this chapter. I guess I'm back into writing na again. Hopefully. Hehe

BTW
#HAPPYJIHYODAY 🥳

Comments

You must be logged in to comment
Jae_Rivero
#1
Chapter 5: miss u otor happy new year!
cleofierayne 58 streak #2
Chapter 5: Yieeee more and more! Hahaha 🤣 grabe Kars cutie pala haaaaaa excited na sa next chap!
Enterusername_here
22 streak #3
Chapter 5: Naks crushie na agad si wintot hahaha
osumnevercease
#4
Chapter 4: the story is great so far po, please continue this
Elatedbliss #5
Chapter 4: New reader here! Invested na ako dito sa story Author! Kelan next update? Hehehe
TakuyaKen
#6
Chapter 4: ay ou terror ung chief haha
syrenity
#7
Chapter 3: Nako nako. Parang may binabalak ata ang isang Karina ha. Ch0ur.
kimmynjeongg
#8
Chapter 3: author yung "siberia" ba, galing sa kanta ng ang bandang shirley??
Enterusername_here
22 streak #9
Chapter 3: Si tzuyu pala yung nakatapon hehehe akala ko si madam.
syrenity
#10
Chapter 1: omg first chap pa lang hooked na meee