Day 1

Yugto
Please Subscribe to read the full chapter

12:00 nn

 

Sa wakas at natapos na yung orientation namin for this morning. Sabi ni Ma'am Byul, yung HR Officer, na we can have our lunch break na then by 1pm, doon na kami sa mga designated departments namin mag rereport.

 

May special announcement sa amin na mga taga Pharmacy Department na doon na kami didiretso sa office ng Chief Pharmacist.

 

Ok. Medyo kinabahan ako. Slight lang.

 

Sakto.

Malapit lang sa canteen yung Pharmacy Office kaya no need na madaliin yung pagkain namin ng lunch.

 

Si Ryujin gusto sanang mag KFC but since tinatamad na akong lumabas, no choice na rin sya.

 

I almost forgot na nga about the packed lunch na ginawa ni Ate. Chicken adobo at isang tupperware ng rice. May brownies pa as panghimagas. Na-predict na nya siguro na hihingian nanaman ako ni RJ ng kanin kaya dinamihan nya nalang.

 

Nag hospital tour din kami kanina at itinuro ni Ma'am Byul yung mga shortcuts dito sa ospital. She also gave tips about sa elevators na gagamitin lalo na kapag nagmamadali kami. Buti nalang na between me and my best friend, di hamak na mas angat yung sense of direction ko kaya ako palagi yung in charge sa mga pasikot-sikot kapag kaming dalawa yung magkasama.

 

During orientation, kasama rin namin yung ibang mga baguhan. Most of them are also fresh grads like us kaya medyo nagkakahiyaan pa mag-usap. Pagpasok ko sa board room earlier, I saw RJ talking to another newbie. Timing lang din na magsisimula na yung presentation kaya di ko na sya natanong if sino yung kausap nya.

 

We were already in the hallway heading towards the elevator nang biglang nag-sprint pabalik sa board room si Ryujin. After a few minutes bumalik rin sya kasama yung kausap nya kanina. I gave her a puzzled look and mouthed, "Sino yan?"

 

Kapag etong best friend ko nahuli kong nagpapa-cute sa newbie na 'to, una pa syang makakatikim ng pagbigwas galing sakin bago pa malaman ng jowa nya.

 

"Hoy Winter! Alam kong iba ang tumatakbo dyan sa isip mo at 100% sure ako na napaka-asumera mo." Sabay batok sa ulo ko. Si newbie pinili nalang magtago sa likod ng mokong na 'to. Parang na culture shock saming dalawa.

 

"Ning, this is Winter. Best friend ko. Mukhang suplada, yes, pero harmless yan. Winter, this is Ning. Same batch lang natin but from UPM."

 

Nag hi lang ako sa kanya and nag-smile sya pabalik. Parang tahimik and a nerdy one. Well, kung nasurvive mo nga naman yung Pharmacy sa University of the Philippines, all I can say is sana all.

 

"Gusto mo sama ka nalang sa amin maglunch para sabay na tayong tatlo magreport sa office ni Chief. Medyo naparami rin kasi yung pabaon ng Ate ko kaya I can share some sa inyo...", Pagalok ko sa kanya.

 

"Sabi ng parents ko masama raw tumanggi kaya sino ba naman ako para umayaw?" Ang laki ng ngiti nya. Bigla nyang hinawakan  yung mga braso namin sabay hila papuntang elevator.

 

Okay. Totoo naman na mukhang tahimik. Di lang ako informed na hanggang first impression lang yun. Feeling ko parehas sila ng bestie kong maluwag ng slight yung turnilyo sa ulo.

 

St. Thomas Aquinas, pakibigyan ako ng mahabang pasensya... like fleece lang. Amen.

 

 

 

 

 

As expected, mahaba na yung pila dahil tanghalian na.

 

I can see staff from other departments with their colleagues, attending physicians na medyo intimidating ang vibes, mga residente na parang feel at home na, post-grad interns na parang wala nang tulog. I can also see student interns na yung stress lang is dahil sa academics nila. Enjoy lang kayo dyan, kiddos. Kapag nag work na kayo, you'll end up wishing na sana nag-aaral pa rin kayo. Chaz!

 

Ako nalang yung naghanap ng bakanteng lamesa para makapila na sila RJ at Ning. Last option ko na talaga na ayain sila doon sa may open lobby na mag lunch kapag di pa ako nakahanap ng space for us three.

 

"Hey. You're Minjeong, right?" May matangkad na kumalabit sa likod ko. To be honest, ang cold ng aura nya at first glance. Her eyes are kinda similar to those of a wolf. But she looks familiar. Wait lang!

 

"Yes? Do we know each other ba?" Bigla syang ngumiti. 

 

"Mukhang di mo na ako matandaan but I'm Olivia. Heejin's blockmate in UST."

 

"Teka. Ikaw ba yung nag-sub sakanya nung nagka-injury sya during our junior year?"

 

"Bingo! Haha. Tatanga-tanga kasi nung pababa ng hagdan kaya naman natapilok a day before nung match eh."

 

"Uy thanks to you kaya naka goal tayo. Kahit draw yung results ng match na yun, at least hindi zero yung score natin."

Di pa nangangalahati yung araw pero ang dami ko nang interaction with other human beings. Malapit nang ma-drain yung social battery ko.

 

"Maglulunch ka palang ba? May iba ka pa bang kasama?"

 

"I'm with RJ and yung isa pa naming co-newbie. Nakapila pa sila."

 

"OMG. First day nyo ba today? Wait. Doon nalang kayo sa table namin. Patapos na rin naman kasi kami." She lead me kung saan sila naka upo.

 

"Winter, this is Yerim but she prefers to be called Choerry. Uy Hyunjin! Bilis! You'll never guess kung sino yung na-meet ko..."

 

Biglang may yumakap sa likod ko.

 

"WINTER!!!" Lord, kota na po ako for today's video. Bat andito silang lahat? Ano to? Mini reunion?

 

"Hehehe. Hello Aeongieeeee."

 

"Di talaga nagsabi si Heej na ngayon yung first day mo. Kasama mo ba si RJ?"

 

"KIM HYUNJIN!" At ayan na nga si RJ with Ning. Legit mini reunion na ang kaganapan dito sa canteen. I can see other people looking at our direction. Di ko naman sila masisisi since ang ingay ng mga kasama ko.

 

 

 

 

 

After ng kamustahan, umuna na yung mga taga laboratory samin. Matatapos na raw kasi yung break nila.

 

"Mas nauna pa nating na meet yung mga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tamago_312
Pasensya na if it took a while for me to update. Madaming ganaps sa life at ngayon lang talaga ako nagka oras to finish this chapter. I guess I'm back into writing na again. Hopefully. Hehe

BTW
#HAPPYJIHYODAY 🥳

Comments

You must be logged in to comment
Jae_Rivero
#1
Chapter 5: miss u otor happy new year!
cleofierayne 58 streak #2
Chapter 5: Yieeee more and more! Hahaha 🤣 grabe Kars cutie pala haaaaaa excited na sa next chap!
Enterusername_here
#3
Chapter 5: Naks crushie na agad si wintot hahaha
osumnevercease
#4
Chapter 4: the story is great so far po, please continue this
Elatedbliss #5
Chapter 4: New reader here! Invested na ako dito sa story Author! Kelan next update? Hehehe
TakuyaKen
#6
Chapter 4: ay ou terror ung chief haha
syrenity
#7
Chapter 3: Nako nako. Parang may binabalak ata ang isang Karina ha. Ch0ur.
kimmynjeongg
#8
Chapter 3: author yung "siberia" ba, galing sa kanta ng ang bandang shirley??
Enterusername_here
#9
Chapter 3: Si tzuyu pala yung nakatapon hehehe akala ko si madam.
syrenity
#10
Chapter 1: omg first chap pa lang hooked na meee