eight

stop, listen, and look (at me)
Please Subscribe to read the full chapter

“Ning pasama ako sa CR.”

 

Nakatambay ulit si Ningning ngayon sa field dahil wala na naman ulit siyang gagawin sa natitirang oras. May klase dapat siya pero biglang nagkaroon ng emergency yung instructor nila kaya binigay na lang iyong time na ‘yon para gawin nila ang ibang mga requirement sa iba pa nilang klase.

 

Good for Ningning dahil tapos na niya ang mga gawain niya. Hindi kasi uso sa kanya ang pagpo-procrastinate.

 

Sa kasamaang palad nga lang (hindi naman masyado), nasakto ring vacant time rin nitong iba niyang mga kaibigan kaya sama-sama ulit sila ngayon.

 

Inabot ni Ningning ang mga kamay niya kay Giselle para hatakin siya patayo. Sinunod naman siya agad nitong isa.

 

“Ayoko sumama.”

 

“Nakatayo ka na nga. Tara na Ning.”

 

Ningning wiggled her eyebrows. “Unless ilibre mo ‘ko.”

 

Wala nang nagawa si Giselle kundi pumayag. Halata nga sa itsura niya na kailangan na niyang ilabas ‘yon. “Oo na.”

 

Napasigaw ng ‘Yes!’ si Ningning internally. Nabudol na naman niya si Giselle.

 

Nilipat niya ang tingin kila Winter at Karina na maiiwan na naman nila.

 

Actually dapat tatlo lang silang magkakasama ngayon dahil may practice ulit itong si Winter pero break daw muna nila ngayon kaya kasama siya ngayon sa kanila.

 

“Kaya niyo na ba mag-isa dyan?” pabirong tanong ni Ningning sa kanila. Usually kasi, nagsisimula na silang magsagutan sa mga hindi importanteng bagay lalo na kapag may nakita na namang pang-asar si Winter kay Karina pero pareho ata silang maayos ang mood ngayon.

 

Ningning clearly knows why.

 

Siguro nga nakakahinala na rin itong si Karina na may alam si Ningning. Minsan kasi, nahuhuli niya itong nakatitig sa kaniya.

 

Para kay Ningning, si Karina ang pinakamadaling basahin sa kanila lalo na kapag may tinatago ito.

 

Dahil na rin siguro sa mga nanunuksong tingin at ngiti ni Ningning dati, nagkakaroon na rin ng pansin si Karina tuwing magagawi ang tingin ni Ningning sa kanya. Conscious na si ate mo.

 

Sa sobrang conscious niya, nagiging lutang na siya.

 

Minsan hindi ni Karina namamalayang umaapaw na pala yung sinasalinan niyang tubig o kaya naman bigla nalang niyang nakakalimutan ang dapat niyang gawin.

 

Dinaig niya pa yung lola ni Ning na makakalimutin.

 

"Walang magsasabunutan ha," paalala ni Giselle sa kanila na inirapan ni Winter.

 

"Ano tingin mo sa 'min, mahilig mag-away?"

 

"Naninigurado lang."

 

"Trust me Giselle hindi ko sasabunutan si Karina."

 

Nagtaas si Ning ng kilay sa narinig.

 

"Anong gagawin mo kung hindi mo sasabunutan?"

 

"W-wala! Ano namang gagawin ko ha?" hamon niya sa kanila.

 

Kung tungkol rin naman sa mga kinikilos ng mga kaibigan niya ang usapan, si Winter yung tipo ng tao na bigla-bigla na lang nagiging defensive kahit wala namang ibang ibig sabihin ang tinatanong sa kanya.

 

Masaya rin pala 'to.

 

Kung palabas lang i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
and that's it! salamat po sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa SLL. see you in my next stories kapag lumuwang na ang sched ko hahaha. this week na ang midterms namin😖

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 10: SH4BUUU
ryujinie__
687 streak #2
Chapter 1: gonna reread later 🫶🏻
M_1412 #3
Chapter 6: AAAAH NAKAKATUWA TALAGA IREREAD WAHAHAHAHAHAHA KAWAWI NAMAN TO SI GISELLE
IceWolf23 #4
Chapter 10: LT HAHAHAHAHA BAGAY NA BAGAY SILA
IceWolf23 #5
Chapter 9: eat and run HAHAHAHAHAH
IceWolf23 #6
Chapter 8: Chapter 8: Giselle kaya ba today?😭
Wemon_ #7
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA eat and run
Wemon_ #8
Chapter 8: giselle 😭😭 HAHAHAHAHAHA ALIW potek
M_1412 #9
Chapter 10: HSHAHAHHAHAHA LT TALAGA NETONG MGA TO
M_1412 #10
Chapter 9: HSHAHAHAHAHAHAHHA LT AMPOTEK