ten

stop, listen, and look (at me)
Please Subscribe to read the full chapter

 

Kanina pa nagsimula yung laro.

 

Kanina pa rin sigaw nang sigaw si Ningning.

 

“WINTER IPASOK MO YUNG BOLA KUNG HINDI, HINDI KA NA MAKAKAPASOK SA BAHAY.”

 

Puro lang naman mga banta sa kaibigan niya ang lumalabas sa bibig niya. Alam niyang rinig yon ni Winter kasi kanina pa namumula ang mukha ng kaibigan niya sa hiya.

 

Wala namang pakialam si Ningning doon. Isa lang ang focus niya ngayon. Dapat manalo ang school nila.

 

Mukhang umeepekto rin naman ang mga sigaw niya kay Winter kasi leading ngayon sa scores ang team nila.

 

Hindi rin naman siya nabigo dahil hanggang sa matapos ang game, tuloy-tuloy na ang lamang nila.

 

Akala nga niya nung una, siya yung unang lalapitan ni Winter para gumanti sa pambibwisit na ginawa nito kanina sa kanya pero naunahan na siya ni Karina na yumakap dito at magcongratulate.

 

Edi kayo na ang may jowa privilege.

 

Umiwas ng tingin si Ning at tumawa sa naisip niya kahit wala namang nakakatawa.

 

“Ning," nawiwirduhan na nakatingin sa kanya si Winter. Nahuli niya kasi itong tumatawa mag-isa.

 

Naalala na pala ni Ningning kung bakit siya natatawa.

 

Kaya naman pala hindi ni Winter sasabunutan si Karina kasi iba naman pala ang gagawin niya rito.

 

Ibang klase rin talaga 'tong kaibigan niya.

 

"Ning may sasabihin kami sa inyong dalawa ni Giselle mamaya."

 

Oh.

 

Eto na.

 

Eto na. Doo bi-doo bi-doo.

 

 

 

 

 

Hindi alam ni Ningning kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon.

 

"Una sa lahat, Ningning sana hindi ka magalit," panimula ni Winter.

 

Magkatabi silang dalawa ni Karina ngayon habang katabi naman ni Ningning si Giselle.

 

Ang seryoso lang nila mga teh.

 

Naninibago si Ningning.

 

Hindi naman nila kailangang matakot sa kanya kasi okay lang naman sa kanya kung hindi nila agad nasabi kung anong meron sa kanila.

 

Choice naman kasi nila yon kung kailan nila balak sabihin, kung kailan sila ready.

 

Hindi naman magagalit si Ningning.

 

"...minsan ko lang naman nasusuot yung mga mo kapag nagmamadali ako. Pero promise nilalabhan ko naman siya."

 

“Ha?” napakurap si Ningning, hindi niya masyadong naiintindihan ang mga nangyayari. May mallit na boses na nagsasabi sa kanya na magkaiba sila ng iniisip ni Winter.

 

Nilingon ni Ningning si Giselle.

 

Hindi lang pala siya ang naguguluhan.

 

“Sinusuot ko yung mga mo,” kaswal na sabi ni Winter na parang hindi big deal ang magsuot ng ng iba.

 

“Wait—ha?! WINTER?!”  

 

Kaya pala minsan bigla na lang nababawasan yung mga niya sa drawer tapos makikita na lang niya kinabukasan na nakasabit na ito sa sampayan.

 

Muntik pa niyang mahatak si Giselle para kumuha ng espiritista dahil sa kababalaghang nangyayari sa mga niya.

 

Akala niya may manyak na multo na silang kasama sa bahay.

 

Si Winter lang pala yung multo.

 

“Aray!” daing ni Winter. Hinampas kasi siya ni Ningning. “Nilalabhan ko naman eh!” pagtatanggol niya sa sarili niya.

 

Susugurin ulit sana siya ni Ningning pero nagsalita na si Karina para awatin sila.

 

 

 

 

“Kami na ni Winter.”

 

 

 

 

 

Oo, ayan talaga yung sinabi niya.

 

 

 

 

 

Ang gandang pang-awat ‘no?

 

 

 

 

Ito talaga yung topic na inaabangan ni Ningning.

 

 

 

Maayos na umupo si Ningning at tiningnan silang dalawa.

 

Nakalabas na ngayon ang magkahawak nilang kamay.

 

"Winter and I are together," ulit ni Karina pero in english naman ngayon.

 

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Ningning na nakatingin sa kanilang dalawa habang umangat rin ang isang kamay niya para matakpan ang bibig niya.

 

For the second time, nagamit na naman ni Ningning ang acting skills niya.

 

"TOTOO BA?!" with matching pagtayo at pagturo pa sa kanila. Napapitlag si Giselle at Karina sa ginawa niya habang hindi man lang gumalaw sa pwesto niya si Winter.

 

"Alam kong alam mo na Ning. Wag ka nang magkunwaring nagulat," humalukipkip pa siya at umirap kay Ningning at nagpipigil matawa. Mahina naman siyang hinampas ni Karina para sawayin.

 

"Hoy totoo kayang nagulat ako!" pagtatanggol pa niya sa sarili niya at padabog na umupo. Kailangan na ulit siguro niyang mag-practice umarte.

 

"Akala mo ba hindi ko napapansin yung mga tanungan mo minsan."

 

Tumawa si Ningning at nag peace sign.

 

"Sa totoo lang may hula na kami ni Ning sa inyong dalawa dati pa," ani Giselle.

 

"Talaga? Paano?"

 

"Meron bang friends na naghahalikan!" bulalas ni Giselle. Hindi pa rin niya nakakalimutan yung nasaksihan nila ni Ningning sa bleachers. Nakaukit na rin siguro yon sa utak niya hanggang sa tumanda siya.

 

“As expected,” nasambit na lang ni Ningning.

 

 

 

 

 

As expected?

 

 

 

Talaga ba?

 

 

 

 

Ang bigat ng mga dala ni Ningning kaya nauuna na siya ngayon maglakad kay Giselle kasi ang bagal lang talaga ni ate mo.

 

“Sabi ko kasi sa’yo maganda yung movie na ‘yon. Panoorin mo na kasi. One of the best if I may add, marami kang makukuhang—”

 

Binuksan na ni Ningning ang pintuan. Masyado siyang preoccupied sa mga libro na bitbit niya para pakinggan si Giselle. Mamaya na lang niya ito papansinin.

 

Tahimik na bahay ang bumungad sa kanya pagkapasok niya.

 

Walang tao.

 

Walang bakas ng mga kaibigan niya.

 

Sa pagkakaalam kasi niya ay umalis rin ang mga ito kanina.

 

Linggo pa lang naman ang nakalipas simula nang umamin sila Winter na sila na ni Karina.

 

 

 

Isang linggo na ring walang ganap sa buhay si Ningning.

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
and that's it! salamat po sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa SLL. see you in my next stories kapag lumuwang na ang sched ko hahaha. this week na ang midterms namin😖

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 10: SH4BUUU
ryujinie__
683 streak #2
Chapter 1: gonna reread later 🫶🏻
M_1412 #3
Chapter 6: AAAAH NAKAKATUWA TALAGA IREREAD WAHAHAHAHAHAHA KAWAWI NAMAN TO SI GISELLE
IceWolf23 #4
Chapter 10: LT HAHAHAHAHA BAGAY NA BAGAY SILA
IceWolf23 #5
Chapter 9: eat and run HAHAHAHAHAH
IceWolf23 #6
Chapter 8: Chapter 8: Giselle kaya ba today?😭
Wemon_ 16 streak #7
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA eat and run
Wemon_ 16 streak #8
Chapter 8: giselle 😭😭 HAHAHAHAHAHA ALIW potek
M_1412 #9
Chapter 10: HSHAHAHHAHAHA LT TALAGA NETONG MGA TO
M_1412 #10
Chapter 9: HSHAHAHAHAHAHAHHA LT AMPOTEK