six

stop, listen, and look (at me)
Please Subscribe to read the full chapter

"H-ha?" 

 

Muntik nang matawa si Ningning nang mautal si Winter sa harap niya pero pinipigilan lang niya alang-alang sa plano.

 

May naisip na agad siyang kalokohan.

 

Hindi sana masyadong sang-ayon si Giselle dito pero mas nanaig rin sa kanya ang kagustuhan niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ng mga kaibigan niya rito.

 

Kasalanan talaga 'to ni Ningning. Masaya rin kasi yung naisip niyang plano.

 

"Ayaw mo ba kay Minju?" ngumuso si Ningning at umaktong nagpapaawa sa harap ni Winter na ngiwing-ngiwi na ngayon. Kulang na lang sumuka siya sa harap nito. 

 

"Hindi naman sa ayaw ko—"

 

"Gusto mo naman pala edi go na!" putol niya sa sinasabi nito.

 

Napailing na lang si Winter sa sinasabi ni Ningning. Siguro iniisip nitong nasisiraan na siya.

 

“Ngayon lang naman eh please,” ngumuso ulit si Ningning at kumapit kay Winter. “Baka nakakalimutan mo may atraso ka pa sa’kin,” banta nito nang akmang hindi ulit papayag si Winter. 

 

Kailangan niyang mapapayag si Winter rito.

 

Itong si Minju kasi, hindi na tinigilan si Ningning simula nang malaman niyang kaibigan pala niya si Winter. Itong si gaga kasi ay natamaan daw agad nang makita nito si Winter na naglalaro dati ng basketball.

 

Athlete rin kasi ‘tong si Winter eh.

 

Lakas rin ng charisma.

 

Daming nagkaka-crush.

 

Kalat pa nga sa iba na single raw ito kaya ang dami ring nagtatangka.

 

Isa na dyan si Minju na ka-block ni Ningning sa isang subject. 

 

Hulog si gaga.

 

At bilang mabait naman na kaibigan si Ningning, pumayag siya sa alok nito kapalit ng libreng tickets sa movie ng paborito niyang aktres.

 

“Oo na sige na!” wala nang nagawa si Winter kundi pumayag sa hiling nitong kaibigan niya. Wala kasi talagang balak si Ningning hiwalayan si Winter hangga’t hindi nito nasasabi ang magic word.

 

“Thanks Win!” Tuwang-tuwang niyakap ni Ningning si Winter at mabilis na hinalikan ito sa pisngi na pinandirian naman ng kaibigan.

 

“Kadiri ka.”

 

Hindi na ‘yon pinansin ni Ningning dahil masaya siya sa unang phase ng plano niya.

 

Una palang ‘yon dahil may hinihintay pa siyang balita kay Giselle.

 

Malungkot man isipin pero kasabwat talaga dito si Giselle.

 

"Nasabi ko na kay Minju na pumayag ka ha. Itetext ka na lang daw niya," paalala pa ni Ningning sa kaibigan na sinamaan lang siya ng tingin.

 

"Pag talaga ako nakaganti sa'yo," dinuro pa siya ni Winter pero kebs lang si Ning sa kanya. Kilala niya si Winter, yung mga banta niya ay pawang salita lamang.

 

"Win ano ka ba. Maganda naman si Minju, mabait, at saka pareho naman kayong single kaya i-try mo na. Malay mo siya na," tinaas baba pa ni Ningning ang kilay niya at halatang tinutukso itong isa na may sama pa rin ng loob sa kanya.

 

Tama naman si Ningning eh.

 

Single si Winter.

 

Sa perspective nga lang 'yon ni Ningning.

 

So technically, nirereto lang niya ang single niyang friend sa single niya rin na blockmate.

 

What could go wrong diba?

 

It was already mentioned na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
and that's it! salamat po sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa SLL. see you in my next stories kapag lumuwang na ang sched ko hahaha. this week na ang midterms namin😖

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh 20 streak #1
Chapter 10: SH4BUUU
ryujinie__
676 streak #2
Chapter 1: gonna reread later 🫶🏻
M_1412 #3
Chapter 6: AAAAH NAKAKATUWA TALAGA IREREAD WAHAHAHAHAHAHA KAWAWI NAMAN TO SI GISELLE
IceWolf23 #4
Chapter 10: LT HAHAHAHAHA BAGAY NA BAGAY SILA
IceWolf23 #5
Chapter 9: eat and run HAHAHAHAHAH
IceWolf23 #6
Chapter 8: Chapter 8: Giselle kaya ba today?😭
Wemon_ #7
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA eat and run
Wemon_ #8
Chapter 8: giselle 😭😭 HAHAHAHAHAHA ALIW potek
M_1412 #9
Chapter 10: HSHAHAHHAHAHA LT TALAGA NETONG MGA TO
M_1412 #10
Chapter 9: HSHAHAHAHAHAHAHHA LT AMPOTEK