seven

stop, listen, and look (at me)
Please Subscribe to read the full chapter

May mga naglalaro sa gitna ng court kaya nakaupo ngayon si Ningning sa gilid sa tabi ng mga bleachers.

 

Tapos na ang klase niya ngayong araw at hinihintay na lang niya ang mga kaibigan niya na matapos sa kanya-kanya nilang ginagawa at sabay-sabay na silang uuwi.

 

Katabi ngayon ni Ningning si Karina na nagre-rewrite ng mga lectures niya kaninang umaga. Katulad niya, wala na rin siyang klase ngayong hapon.

 

Sa kabilang gawi naman ni Ningning ay si Giselle na ginawang unan na ang bag at nakapikit na ang mga mata. Antok pa ata ito sa pinagpuyatan niyang project kagabi na ang pasahan ay kani-kanina lang. Iniwas na lang ni Ningning ang tingin niya rito at hindi na inistorbo.

 

Ang hirap talaga kapag lowbat ang cellphone.

 

Hindi na ni Ningning alam ang gagawin niya.

 

Pati kasi ang cellphone niya na gagamitin sana niya sa pakikinig ng kanta habang nagpapalipas ng oras ay mabilis na ring naubos ang baterya. Hindi pa man din niya nadala ang powerbank niya.

 

Ang tagal kasi nitong si Winter.

 

Ibinalik na ni Ningning ang tingin sa court at doon niya nahagilap ang taong kanina pa nila hinihintay.

 

May practice kasi itong si Winter sa basketball dahil pasok ang school nila sa quarterfinals. Malapit na rin kasi ang mismong game kaya puspusan na sila sa practice.

 

Halos mag-iisang oras na rin nang magsimula sila.

 

Pinagpapawisan na rin si Winter pero hindi pa naman nahahalata ang pagod sa kanya.

 

Bilib rin talaga si Ningning sa kaibigan niya.

 

Ibang klase ang stamina.

 

Hindi na nag-eenjoy si Ningning na panoorin ang kaibigan niya na magpractice kaya iniwas na niya ulit ang tingin rito.

 

Tulog pa rin si Giselle.

 

Pero si Karina, iba na ang ginagawa.

 

Mahinang natawa si Ningning.

 

"Teh punasan mo yung bibig mo, may tumutulo."

 

Hindi na nag-atubili si Karina at agad niyang ipinahid ang likod ng palad niya sa bibig niya kaya napahagikgik si Ningning.

 

Ang uto-uto naman ni Karina.

 

Masama na ang tingin sa kanya ni Karina ngayon nang makapa niyang wala naman palang tumutulo sa baba niya.

 

"Joke lang."

 

"Ewan ko sa'yo Ning," ibinalik na ni Karina ang tingin niya sa sinusulat niya.

 

Nakangiti pa rin ng may malisya si Ningning.

 

"Ikaw kasi kung makatingin ka dun sa mga naglalaro, para kang may pinagnanasaan," tukso niya pa. "Aminin mo, sino yung tinitingnan mo?"

 

"Wala!" agaran niyang deny.

 

Ang defensive naman nitong si Karina.

 

Pumahalumbaba si Ningning at saglit na sumilip sa mga naglalaro.

 

"Sure ako hindi yan si Winter, ang pangit niya kaya," inosente niyang sabi at maingat na pinagmasdan si Karina.

 

Hindi rin naman siya nabigo sa nakita.

 

Ang pula na ng mukha ni Karina.

 

“G-grabe ka naman kay Winter,” nautal pa si Karina pero hindi na lang ito pinuna ni Ningning. Kuntento na siya sa nakuha niyang reaksyon ngayon.

 

Nangingiting pinagmasdan na lang niya yung ibang mga naglalarong players nang may maalala siya.

 

“Kumusta pala kayo ni Chaewon?”

 

“Huh?” Nilingon siya ni Karina. “Pano mo alam?”

 

Ay hala.

 

Hindi pala nila alam na siya ang may pakana non.

 

“Nasabi lang sa akin ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
and that's it! salamat po sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa SLL. see you in my next stories kapag lumuwang na ang sched ko hahaha. this week na ang midterms namin😖

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 10: SH4BUUU
ryujinie__
689 streak #2
Chapter 1: gonna reread later 🫶🏻
M_1412 #3
Chapter 6: AAAAH NAKAKATUWA TALAGA IREREAD WAHAHAHAHAHAHA KAWAWI NAMAN TO SI GISELLE
IceWolf23 #4
Chapter 10: LT HAHAHAHAHA BAGAY NA BAGAY SILA
IceWolf23 #5
Chapter 9: eat and run HAHAHAHAHAH
IceWolf23 #6
Chapter 8: Chapter 8: Giselle kaya ba today?😭
Wemon_ #7
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA eat and run
Wemon_ #8
Chapter 8: giselle 😭😭 HAHAHAHAHAHA ALIW potek
M_1412 #9
Chapter 10: HSHAHAHHAHAHA LT TALAGA NETONG MGA TO
M_1412 #10
Chapter 9: HSHAHAHAHAHAHAHHA LT AMPOTEK