006

instagram buddies
Please Subscribe to read the full chapter
Someone from the past  

Seulgi

 

Nagising akong may tumatapik sa mukha ko. Pagdilat ko ng mata ko, bumungad saakin si Krystal. Huh? Umaga na ba?

 

 

Bumangon ako at kinapa ang gilid ko para kunin ang phone ko. 8 am na pala.

 

 

“Bakit dyan ka natulog?” Tanong ni Krystal. “Wala lang.” Sagot ko habang nahikab pa. Ngumuso naman siya at tinuro si Joohyun gamit ang nguso niya. “Eh siya? Bakit siya dyan natulog?”

 

 

“Sabi niya eh. Pinapatulog ko nga sa tabi mo pero nag insist siya na ako nalang daw pero dahil mabait ako sabi ko sa sahig na lang ako tapos ang ending, parehas nalang kaming natulog dito.” Sagot ko. Nakita ko namang tumango siya.

 

 

“I'm hungry na. Let's eat na kaya?” Aya niya. Tumango nalang ako at tumayo.

 

 

Gisingin ko ba si Joohyun? Mukhang mahimbing tulog niya eh.

 

 

“Wait lang, tal. Sunod ako sayo.” Sabi ko at tumango siya. Triny ko buhatin si Joohyun at inilipat sa kama para mas comfortable ang higa niya.

 

 

After non, lumabas na rin ako at bumaba para kumain. Nagulat nga si Mama nung nakita niyang andito si Krystal eh.

 

 

What more kung makita niya ring andito si Joohyun? Panigurado, mang aalaska na naman tong Nanay ko.

 

 

“Aha! Kaya pala ang daming basura kanina ha, dito pala natulog itong si Soojung!” Soojung. Real name ni Krystal. Tumawa kaming dalawa ni Krystal. “Tuwang tuwa na naman ang Oso, nakasama matulog ang first love niya.” Napailing ako. Nagsisimula na naman si Mama.

 

 

“Actually, tita.. hindi nga kami magkatabi eh. Nakakatampo tuloy.” Sabi ni Krystal at nagpout pa habang nakahawak sa braso ko.

 

 

Nakita kong magsasalita na sana si Mama nang biglang may narinig kaming pababa na. Ayan na. Mas lalo pa tong mang aasar si Mama.

 

 

“Joohyun? Andito ka rin?” Gulat na tanong ni Mama. Napatango si Joohyun at bumati ng good morning.

 

 

“Aba, nga naman! Kaya naman pala maganda ang gising nitong anak ko, ano? Kasama pala ang first love at girlfriend niya.” Agad namang niyugyog ako ni Krystal at tumingin sakin. “Girlfriend mo..?” Tanong niya. Umiling naman ako agad.

 

 

“Ma naman!” Pagrereklamo ko. Tumingin ako kay Krystal at umiling uli. “Hindi! Alam mo naman yan si Mama, maissue yan eh. Bestfriend ko nga si Joohyun. Diba, Hyun?”

 

 

Tinignan namin si Joohyun at tumango siya nang bahagya.

 

 

“Pft. Kala ko eh.” Rinig kong bulong ni Krystal. Jusme. Bakit ba kasi mapang asar ang nanay ko?

 

 

“Oh, tara na rito kumain na kayo. Seul, tumabi ka sakin para hindi ka nila pag agawan.” Natatawang sabi ni Mama. Napatawa nalang din yung dalawa at sumunod na kami kay Mama para kumain.

 

 

Si Joohyun, tahimik lang. Katapat siya ni Mama. Ako, katabi ko si Mama at katapat ko si Krystal. Gaya ng sabi ni Mama, sakanya ako tumabi kaya ang ending ay magkatabi si Joohyun at Krystal.

 

 

“Thank you po sa meal, tita.” Sabi ni Joohyun. Nagbow siya at nagpaalam muna na pupunta sa kwarto ko saglit.

 

 

Ubos na rin naman na ang pagkain ko kaya sumunod ako kay Joohyun. Kanina pa kasi siya tahimik. Baka uncomfortable siya.

 

 

“Oh, huy. Saan ka pupunta?” Tanong ni Mama. Sumenyas ako na susundan ko si Joohyun. Tumango naman siya. Napatingin ako kay Krystal na nakatingin din pala saakin. Nginitian ko nalang siya at umalis na.

 

 

Pagbukas ko ng pinto, nakaupo si Joohyun habang nagcecellphone. “Hyun..?” Napatingin siya saakin at binaba ang cellphone niya.

 

 

“Ah? Yes?” Tanong niya. Natawa naman ako. Para namang iba akong tao sakanya. “"Ah, yes?" ka dyan? Para namang di tayo magkaibigan.” Natatawa kong sabi. Lumapit ako sakanya at tumabi.

 

 

“Ano, okay ka lang?” Tanong ko. Tumango naman siya. “Okay lang.. syempre awkward..? Since diba, yung kay Taeyeon unnie tsaka sa ate ni Krystal.” Napatango naman ako. Ah, oo nga pala. May point naman bakit parang di siya mapakali rin.

 

 

“Gusto mo na umuwi ba?” Tanong ko. “Woah, grabe siya oh. Porket andyan na si Krystal, ayaw mo nang magstay ako rito.” Sagot niya. Napatawa naman ako. Joke lang ba yun o ano? Parang totoo eh.

 

 

“Sira! Naalala ko lang kasi kagabi eh gusto mo na umuwi. Eto naman, seselos agad.” Pagbibiro ko. Natawa rin siya at humilata sa kama.

 

 

“Maya maya na ako uwi.”

 

 

Tumayo ako at tumango. “Okaaaay. Balik muna ako ron saglit.” Hindi ko na siya hinintay sumagot at umalis na.

 

 

Pagkababa ko, nasa sala na pala sila Mama at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kkaihmd
YAYYYY sana maging successful tong tagalog au ko hehe enjoyyyy

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 6: Nice!! Thank you sa update authornim!
eunxiaoxlove #2
Chapter 3: Good pace
howdoyouknowmee
536 streak #3
SeulRene JenSoo WinRina finally!