005

instagram buddies
Please Subscribe to read the full chapter
Sleepover: double-trouble   

Seulgi

 

10:00 pm

 

 

Nagising ako sa malakas na tunog galing sa baba. Ano yun? Parang may nabasag.

 

 

Bumaba agad ako para tignan. Nanlaki mata ko nang makita ko si Papa na umambang sasampalin si Mama.

 

 

“Ma!” Sigaw ko. Napatigil naman sila at napalingon sakin. Agad akong lumapit kay Mama at niyakap siya nang mahigpit. Ramdam ko na nanginginig siya sa takot at kaba.

 

 

“Walang kwenta. Minsan nalang ako umuwi, ganito pa!” Sigaw ni Papa habang papalayo saamin at lumabas.

 

 

“Ma, ano nangyari? Ayos ka lang?” Nag-aalala kong tanong. Pinunasan niya ang luha niya galing sa mga mata niya. “O-oo, pasensya ka na at nakita mo pa kaming nagtatalo..” Mahina niyang sagot.

 

 

“Nagtatalo? Ma! Sinasaktan ka niya—” Tinakpan niya ang bibig ko. “Simpleng away lang yun, Seul.. wag ka na mag alala.. hindi niya naman ako nasaktan kasi bumaba ka.” Kita kong pilit ang mga ngiti na binibigay niya sakin..

 

 

“Tulungan mo nalang akong linisin ito.. baka magkasugat ka pa sa mga nabasag na vase.” Nanghihina niyang sabi.

 

 

Wala naman akong nagawa kundi sundin nalang. Kahit gusto ko pang magtanong, hindi niya rin sasabihin yun at alam kong mas lalong ikakadurog na puso niya ikwento yun.

 

 

Pag naging successful talaga ako, aalis na kami rito. Isasama ko si Mama kung saan ako titira at iiwan na namin tong walang kwenta nyang asawa.

 

 

“Seul.. nagugutom ka ba? May luto si Ms. Lee rito.. di ako nakapagluto dahil sinundo ko ang Papa mo.” Rinig kong sabi ni Mama mula sa kusina.

 

 

“Maya maya na ako kakain, Ma.” Sagot ko. Maya maya ay lumapit na uli siya saakin.

 

 

“Nak, sorry sa nakita mo. Magpapahinga na muna ako ah? Anong oras na rin kasi.” Tumango nalang ako nang bahagya. Kiniss niya ako sa forehead bago umalis at pumunta sa kwarto nila.

 

 

Lumapit ako kay Ms. Lee, ang katulong namin sa bahay, para magtanong.

 

 

“Nay, ano bang nangyari?” Nay. Nay ang tawag ko kay Ms. Lee kasi akala ko dati lola ko siya. Nasanay na ako kaya di ko na rin iniba ang tawag ko sakanya.

 

 

“Hindi ko alam kung ano talagang nangyari eh.. pero ang narinig ko nagtatanong si Ma'am Sena kung pwede bang magstay rito muna si Sir Joongi nang ilang araw para raw makapagpasyal kayong tatlo.. vacation daw.. tapos ayun. Humindi si Papa mo at nung makulitan ata kay Ma'am.. dun na siya nagsimula magwala.. nakita kong binasag niya yung vase tapos nung nagsosorry na si Ma'am.. kung hindi ka siguro bumaba, baka nasaktan na talaga si Ma'am..”

 

 

Hindi ko maprocess mga naririnig kong salita. Putangina. Ang kapal ng mukha niyang gawin sa Mama ko yun.

 

 

Nagthank you nalang ako kay Nanay at bumalik na sa kwarto.

 

 

Nakakainis. Sana iba nalang ang tatay ko.

 

 

Inopen ko ang phone ko para sana buksan ang twitter ko para magrant.

 

 

Nakita kong may message pala si Joohyun.

 

 

@jhyunnie

seul, sleep over ka samin bukas? gusto mo?

 

@hi_sseulgi

slr

 

@hi_sseulgi

sige lang

 

 

Maya maya ay nakatanggap ako ng reply.

 

 

@jhyunnie

okay ka lang ba?

 

 

Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

 

 

@hi_sseulgi

oo naman, mukha ba kong hindi okay?

 

@jhyunnie

parang, ang dry ng mga sagot mo sis

 

@hi_sseulgi

sira

 

@hi_sseulgi

antok lang siguro to

 

@jhyunnie

oki sabi mo eh, goodnight!

 

@hi_sseulgi

goodnight

 

 

Clinick ko ang home button at pumunta sa rant acc ko sa twitter.

 

 

Syempre, ano pa ba ginagawa sa rant acc sa Twitter? Edi nagrant ako. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa tatay ko. Halos puro siya na nga laman ng twitter kong to. May nahalo lang na ibang lalake pero mostly ay puro siya.

 

 

Mga lalake nga naman.

 

 

New messages from @krystal.j

 

 

Clinick ko ang notification na galing sa instagram.

 

@krystal.j

everything ok?

 

@krystal.j

saw ur tweets sa rant acc mo e

 

@hi_sseulgi

something came up lang nung andito si Papa kanina

 

@hi_sseulgi

but ok naman na, thanks for checking me tal :))

 

@krystal.j

pfft, of course noh. bestfriends tayo diba? you can always tell me everything

 

 

Napangiti ako sa message ni Krystal. Tama naman siya.

 

 

@hi_sseulgi

HAHAHAHA KAYA LOVE KITA E

 

 

Naghaha react siya sa reply ko.

 

 

New messages from @jhyunnie

 

 

Clinick ko ang conversation namin ni Joohyun.

 

 

@jhyunnie

hoy, okay ka lang? anyare?

 

@hi_sseulgi

oo ah, naglabas lang sama ng loob pero okay na me rn

 

@jhyunnie

utut mo, sure ka ba? do u want me to come over? dal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kkaihmd
YAYYYY sana maging successful tong tagalog au ko hehe enjoyyyy

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 6: Nice!! Thank you sa update authornim!
eunxiaoxlove #2
Chapter 3: Good pace
howdoyouknowmee
536 streak #3
SeulRene JenSoo WinRina finally!