004

instagram buddies
Please Subscribe to read the full chapter
Krystal Jung

 

Seulgi

 

Nasa Museum din siya kanina?

 

 

Magrereply na sana ako sa story ni renebaebae nang biglang may nagpop sa notification ko.

 

 

Galing sa gmail.

 

 

Di kaya..?

 

 

Pagkapindot ko sa notification, halos mapatalon ako sa tuwa. Gagi? Is this for real? PUTANGINA!

 

 

Natanggap na ko sa dream school ko!

 

 

Inopen ko agad yung main account ko para balitaan si Joohyun. Nagfill up din kasi yun, tatanong ko na rin kung nag email na rin ba sakanya.

 

 

@hi_sseulgi

HYUNNNN

 

@hi_sseulgi

NATANGGAP NA KO AAAAAA

 

 

Maya maya ay nagreply na rin siya.

 

 

@jhyunnie

ha saan?

 

@hi_sseulgi

SA SMU!!!

 

@hi_sseulgi

check mo gmail mo baka nag email na rin sayo

 

 

Niseen niya lang. Siguro chineck niya na rin yung sakanya.

 

 

@jhyunnie

omg

 

@jhyunnie

nung isang araw pa pala nag email sakin AHSJSHJWHAJAJH

 

 

Napatawa nalang ako sakanya. Di na ako magtataka bakit mas nauna siya matanggap. Matalino, mayaman, may connections at halos pinagaagawan din ng mga university yan. Lahat ng university na niregister-an namin, halos lahat tinanggap kaagad siya. Siya nalang mismo mamimili.

 

 

Pero ako kasi, SMU ang dream school ko. Si Irene, sa YGU talaga gusto niya pero sinamahan niya pa rin ako sa SMU. Ayaw talaga mahiwalay saakin eh.

 

 

@hi_sseulgi

gala uli tayo tom?

 

 

Ako naman ang mag aaya. For celebration lang ba. Syempre, natanggap ako sa dream school ko eh.

 

 

@jhyunnie

sure sureee

 

 

Hineart react ko nalang ang reply niya. After non, binaba ko na ang phone ko para magpahinga. Medyo sumasakit na rin mata ko.

 

 

Hindi na rin ako bumaba for dinner. Napagod rin ako kakalakad kanina, gusto ko nalang muna magpahinga. Alas otso na rin, matutulog nalang muna ako para maaga rin ako magising bukas.

 

 

After ko magskincare, pumwesto na ako sa kama at taimtim na natulog.

 

 

 

 

---

 

 

 

 

Pagkagising ko, hinanap ko agad ang cellphone ko. Although may alarm clock ako sa gilid ng kama ko sa itaas ng maliit na para bang cabinet, mas prefer ko pa rin talaga na sa cellphone tumingin.

 

 

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang oras. Putangina, alas onse na pala?

 

 

Masyado ata akong napagod sa gala kagabi at sobra sobra ang tulog ko. Hindi na to pang umaga eh, pang tanghalian na. Agad agad naman akong tumayo at nag ayos ng kama. Pagkatapos, pumunta ako sa CR para maghilamos at ayusin ang itsura. Para akong zombie sa lagay ko. Ang gulo gulo ng buhok ko.

 

 

After ko mag-ayos ng sarili, nagtoothbrush naman ako. Tapos nun ay lumabas na ako para maghanap ng makakain. Kumukulo na rin tiyan ko sa gutom. Di naman na ko nagtaka. Hindi na nga ako kumain kagabi, tanghali pa ako nagising. Talagang nalipasan na ako.

 

 

“Maaa, ano ulam?” Sigaw ko habang chinecheck ang mga nakatakip na nakahain sa lamesa. Shunga lang eh no? Tinitignan ko na nga, nagtanong pa ko.

 

 

“Wow, gising na ang señorita!” Sigaw pabalik ni Mama. Nang-asar pa. Napatawa nalang ako at kumuha ng plato para kumain.

 

 

Naring ko na papalapit na si Mama kaya kumuha na rin ako ng plato para sakanya. Inilagay ko yun sa harapan kung saan siya madalas pumepwesto.

 

 

“Oh, kumain ka na dyan. Hindi ka kumain kagabi no? Walang bawas ang kanin eh.” Napatango nalang ako habang nagsasandok. Shet, sarap ng ulam! My favorite!

 

 

Chicken Curry!

 

 

Agad agad akong kumuha ng ulam at nilagyan ang plato ko. Hindi ko pa natitikman pero nasasarapan na kaagad ako. Syempre, luto ng nanay ko to eh.

 

 

Kita ko sa mukha ni Mama na tuwang tuwa siya na panoorin ako kumain. Kaya naman, mas lalo kong pinakita sakanya na sarap na sarap ako sa luto niya. Ito na rin ang bawi ko for all of the sacrifices she made for me.

 

 

Alam kong responsibility niya naman talaga to, na pakainin ako ng masasarap na pagkain, give me a comfortable life and more. Pero diba? Masaya rin naman bumawi. Lalo na pag kay Mama. Kitang kita mo kasi na naaappreciate niya lahat ng feedbacks mo ba sa mga ginagawa niya sayo.

 

 

Yung Papa ko? Okay naman siya. Hindi kami close. It's been months na nga ata nung last na usap namin pero it was fine with me. As long as I have my Mama, okay na sakin yon. Tsaka si Papa, okay nga siya since well-provided naman kami by him.

 

Well-provided pero hindi maayos ang family namin sa totoo lang. Hmm, not really an issue, i mean for me ha, pero masakit siguro yon sa part ni Mama. Second family kasi kami.

 

 

Hahaha, yup! Anak ako sa labas. Galing no? Parang teleserye lang. Nito nga lang namin nalaman yun eh. No, ako lang pala. Nito ko lang nalaman yun. I was a bit surprised pero di ko naman talaga binigyan ng pansin. Growing up naman eh hindi na kami close. Si Mama lang lagi kong kasama and bihira siya umuwi. At kung umuwi man, hindi kami nag-uusap.

 

 

Okay na saakin yun since sabi ko nga, si Mama lang ang nagmamatter sakin. Nagwoworry lang about sa feelings ni Mama pero I once asked her about it and she told me na okay lang daw sakanya yun. As long as nagagampanan daw ni Papa ang pagiging family provider. The rest, like being a dad and mom, siya na raw bahala. Well, she's doing a great job naman. Kasi para na rin siyang Papa saakin.

 

 

“Wag ka ganong magpakabusog. Baka magka ulcer ka. Masama yang nalipasan ka tapos biglang kakain nang marami.”

 

 

Nginitian ko siya habang punong puno ang bibig ko ng kanin at tumango.  “Paanong hindi magpapakabusog eh ang sarap ng luto mo, Ma.”

 

 

Sure akong hindi niya naintindihan yun since punong puno ang bibig ko ng pagkain pero tumango nalang siya habang tumatawa.

 

 

“Balik na muna ako sa kusina. May inaayos lang ako.” Sabi niya habang papunta sa kusina. Tinuloy ko na lamang ang pagkain ko. Feel ko medyo busog na ako.

 

 

Kinapa ko ang phone ko na nilapag ko sa katabing silya ko. Inopen ko at tinignan ang notification.

 

 

New message from @jhyunnie

 

 

Clinick ko iyon para basahin.

 

 

@jhyunnie

seul, i can't go out todayy :((

 

@jhyunnie

may fe

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kkaihmd
YAYYYY sana maging successful tong tagalog au ko hehe enjoyyyy

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 6: Nice!! Thank you sa update authornim!
eunxiaoxlove #2
Chapter 3: Good pace
howdoyouknowmee
536 streak #3
SeulRene JenSoo WinRina finally!