003

instagram buddies
Please Subscribe to read the full chapter
Museum

 

Seulgi

 

New Messages from @jhyunnie

 

 

Oh tignan niyo 'to. Kakauwi lang niyan kaninang umaga sakanila, nagpaparamdam na naman. Mag aaya na siguro to gumala. Wala na kasing ulan.

 

 

Inopen ko yung Instagram App ko para icheck ang message niya. Tama nga ako.

 

 

@jhyunnie

gala tayoooo

 

 

Niseen ko muna yung message niya. Pinag iisipan ko muna kung may gagawin ba ako o ano. Nagsend ulit siya ng message.

 

 

@jhyunnie

pls pls pls treat koooo

 

 

At dahil mabuti akong kaibigan at mahilig sa libre, natuwa ako sa last message niya.

 

 

@hi_sseulgi

saan tayo

 

 

Wala pang isang minuto, nakatanggap na agad ako ng reply niya.

 

 

@jhyunnie

galing talaga pag libre eh no

 

 

Napatawa naman ako sa reply niya. Pa-type palang ako ng reply ko, nagmessage ulit siya.

 

 

@jhyunnie

intra tayo

 

 

Aba, intramuros pa ang gusto. Ang init init kaya.

 

 

@hi_sseulgi

ang init teh intra pa gusto mo

 

 

Nakita kong naghaha react siya sa message ko.

 

 

@jhyunnie

sa museum nalang? g?

 

 

Hmm. Bet.

 

 

@hi_sseulgi

game

 

@hi_sseulgi

ano oras

 

 

Nagreply naman kaagad siya.

 

 

@jhyunnie

mga 2 alis na tayo para di tayo abutin rush hour pag uwi

 

 

May point. Tinignan ko orasan namin. 12:28 palang naman. May isa't kalahating oras pa ko para magready.

 

 

Hineart react ko nalang last message niya. Matic naman na yon, meaning non ay noted na. Bumaba muna ako para magsabi kay Mama na aalis kami ni Joohyun.

 

 

Hinanap ko si Mama sa sala kaso wala. Siguro nasa kwarto siya nila ni Papa. Pumunta ako sa kwarto nila at ayun, andon nga siya.

 

 

“Ma, aalis ako mamayang 2 ah. Kasama ko si Joohyun. Pupunta kami sa Museum.” Sabi ko. Lumingon naman siya saakin na may nakakaasar na tinginan. Eto na naman po kami.

 

 

“Kakauwi lang ni Joohyun kanina, magdadate na naman kayo? Kulang nalang gawin niyo nang official ah. O, baka kayo na talaga? Magsabi ka nga!” Pang aasar ni Mama sakin. Ano kaya nakain nitong nanay ko? Parang kaedad lang namin kung mang-asar eh.

 

 

“Ewan ko sayo, Ma. Basta aalis ako mamaya ah.” Sagot ko at umalis na. Naririnig ko pa rin ang pang aasar at mga “ayie” niya mula sa kwarto. Dinedma ko nalang. Parang teenager lang si Mama eh, no?

 

 

Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang makabanggaan ko si Karina. Pinsan ko.

 

 

“Sorry, unnie!” Sabi niya. Tumango nalang ako. Nagpatuloy na ko sa paglakad nang mapansin ko na sumusunod siya sakin. Nilingon ko siya.

 

 

“May kailangan ka?” Tanong ko. Napatawa naman siya nang bahagya. Pinapasok ko siya sa kwarto ko at umupo siya sa kama.

 

 

“Ano yun?” Tanong ko ulit. Nakita ko naman na lumilihis siya ng tingin. Ano kayang meron?

 

 

“Kasi unnie..” Pagsisimula niya. Tinitignan ko siya sa salamin. Nakaupo kasi ako habang nasa harapan ng salamin. May hinahanap akong gamit.

 

 

“Unnie, diba kilala mo si Winter? Yung pinsan ni Joohyun unnie.”

 

 

Winter? Ah. Yung kapatid ni Taeyeon unnie. Isa pang pinsan ni Joohyun.

 

 

Lumingon ako sakanya. “Oo, bakit? Anong meron?” Tanong ko. Napakamot naman siya ng batok.

 

 

“Unnie kasi.. I need your help.” Napakunot ako ng noo. Help? Saan?

 

 

“About saan ba? Straight to the point, Jimin. May lakad pa ako mamaya eh.”

 

 

Nakita kong huminga siya ng malalim bago magsalita. “She's ignoring me. Akala niya ata, dinedate ko si Jeno. Eh hindi naman.”

 

 

Huh? Jeno? Sino naman yun? Pinag aagawan ba nila?

 

 

“Sinong Jeno? Teka, ano ba nangyari? Anong date?” Tanong ko. Ang gulo kasi.

 

 

“Okay ganto.. si Winter kasi ano.. Uh.. may ano.. May something saamin.” Nagulat ako sa sinabi niya.

 

 

Huh? May something sakanila? As in, fling ganon?

 

 

“Kayo ni.. Winter? Kelan pa?” Tanong ko. Napapout siya at tumango. “Last month pa. We've been going out for a month pero hindi pa kami talaga. Hindi pa official ganon. Tapos itong si Jeno, nagpaparamdam siya sakin. Ex manliligaw ko yun, pero hindi ko sinagot kasi gusto ko nga si Winter.”

 

 

Jusme. Ang komplikado talaga ng lovelife.

 

 

“Oh, tapos? Nagdadate naman na pala kayo, bakit hindi ka pinapansin si Minjeong?” Minjeong. Real name ni Winter. Si Karina naman, Jimin ang totoo niyang pangalan. Kaya Jimin ang natawag ko sakanya kanina.

 

 

“Eh ayun na nga! Akala niya nagtataksil ako sakanya, unnie. Nakita niya kasi kami magkasama ni Jeno nakaraan. Eh hindi naman talaga kami magkasama. Sumunod lang sakin yon.” Sagot niya naman. Natawa nalang ako. Pag ibig nga naman.

 

 

“May idea ako.” Sabi ko. Napakunot naman siya ng noo. Pinakuha ko sakanya yung phone ko. Pagkaabot niya saakin, minessage ko si Joohyun.

 

 

@hi_sseulgi

sama mo si minjeong mamaya

 

 

Wala pang isang minuto, nagreply na si Joohyun.

 

 

@jhyunnie

bakit? ano meron?

 

@hi_sseulgi

nagpapatulong si rina eh. lq ata sila, set up natin sila magdate HAHAHAHAH

 

 

Nihaha react ni Joohyun yung message ko.

 

 

@jhyunnie

shocks, kala ko type mo na pinsan ko

 

 

Aba'y siraulo. Straight kaya ako?

 

 

@jhyunnie

oks, wag ko sabihin na kasama si rina?

 

@hi_sseulgi

oo, baka di sumama e HAHAHAHA

 

@jhyunnie

sige sige chat ko na si winter

 

 

Pinabasa ko kay Karina yung conversation namin ni Joohyun. Natawa siya sa idea ko. Galing ko diba?

 

 

“Oh, ayan. Date kayo mamaya. Bihis ka na, punta ka rito mamaya bago mag alas dos. Sabihan ko nalang si Joohy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kkaihmd
YAYYYY sana maging successful tong tagalog au ko hehe enjoyyyy

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 6: Nice!! Thank you sa update authornim!
eunxiaoxlove #2
Chapter 3: Good pace
howdoyouknowmee
536 streak #3
SeulRene JenSoo WinRina finally!