seis

Balisong
Please Subscribe to read the full chapter

“Okay na ba kayo Irene?” Tanong ni Sana.

 

“Yes, okay na ako pres.” Sagot ni Irene.

 

“Seul?” Nag thumbs up lang si Seulgi. “Sige mag open na tayo ah.”

 

Binuksan na ni Sana ang booth nila at isa isang nag silapitan ang mga tao para makiusisa kung anong booth ang meron sila. Nag paalam naman si Sana na pupunta lang sa isa pa nilang booth kung saan kasama nila yung kabilang section. Sinabihan naman sila nito na kung may kailangan sila ay huwag mahiyang magsabi sa kanya.

 

“Hello.” Bati ni Irene sa costumer.

 

“Hi.” Pinaupo ni Irene ang customer bago tanungin ng ilang question na gagamitin niya bilang reference.

 

“So, how do you see yourself 10 years from now?” Tanong ni Irene.

 

“Doctor. I want to become a doctor.” Nakangiting sabi nito.

 

“Hmmm… May gusto ka bang ipadagdag?” Umiling lang ang customer bilang sagot.

 

Sinimulan na ni Irene ang pagd-drawing. Kahit pa busy siya sa kanyang ginagawa hindi niya kinakalimutan na kausapin ang customer para hindi ito mabored habang naghihintay.

 

“Ayan tapos na.” Iniabot ni Irene ang drawing sa customer.

 

“Wow! Ang ganda.” Manghang sabi nito. “I will put it on the frame paguwi ko. Thank you!”

 

Nagpasalamat ulit ang customer kay Irene bago ito tuluyang umalis. Sinenyasan ni Irene ang kaibigan niyang si Chae na palapitin na ang next.

 

It takes time para makatapos ng isang drawing considering na dalawa lang sila ni Seulgi kaya naman hindi maiwasan ang paghaba ng pila. Mabuti na lang nandiyan ang iba nilang kaklase para mapanatili na maayos ang pila.

 

“Huy Mark pumila ka ng maayos kung hindi bibigwasan kita.” Suway ni Byul.

 

“Nakapila naman ako ng maayos ah.”

 

“Maayos ba yan?” Turo ni Byul sa pila. “Nakakita lang maganda nagiging flexible na yang leeg mo.”

 

“Huwag mo namang ipagsigawan na maganda ako Beltran. Nakakahiya.” Sabi ni Chae.

 

“Kilabutan ka nga Saguibo.” Sabi ni Byul. “Si classmate tinutukoy ko oy.”

 

“Diring diri ah.” Hinampas ni Chae si Byul sa braso. “Huwag mo ng balaking pormahan yang si Irene dahil sakin pa lang bagsak ka na.”

 

“Pake ko kung bagsak ako sayo? Ikaw ba ang popormahan ko? Hindi naman ah.”

 

“Aish.” Sinuntok ni Chae si Byul sa braso.

 

“Aray! Masak—.”

 

“Buwan! Next na.” Tawag ni Seul kay Byul.

 

“Mamaya ka sakin.” Banta ni Byul kay Chae bago tawagin yung sunod na customer at sabay silang lumapit kay Seulgi.

 

“Hindi ka pa ba magbreak?” Tanong ni Byul sa kaibigan.

 

“Maya na lang. Dami pa tao eh.”

 

“Sige, bili lang ako pagkain sa ABM booth.”

 

“Sabay mo ako shake.”

 

“Pambili.” Inilahad ni Byul ang palad niya.

 

“Ikaw muna. Maya ko na lang bayaran.”

 

“Siguraduhin mo lang ah.” Sabi ni Byul bago umalis.

 

Kanina pa nagd-drawing si Irene at nararamdaman na nga niya ang pangangalay ng kamay. Simula kasi nung nagbukas ang booth nila ay hindi na siya nakapagpahinga dahil sunod sunod ang request sakanya.

 

“Chae, last na muna ‘to break lang ako saglit. Sakit na kamay ko.” Marahang minasahe ni Irene ang kamay niya. “Remind me nga ulit bakit ba ako nag volunteer dito.”

 

“Para maghanap ng potential jowa.” Sagot ni Chae.

 

“Right.”

 

“So, may nakita ka na ba?”

 

“Wala pa nga eh.” Sabi ni Irene. “Mali ata na nandito lang ako sa booth. Ang weird pa kamo ng ibang customer.”

 

“Bakit?”

 

Kinwento na nga ni Irene yung mga nakakatawang customer na naencounter niya.

 

“What is your dream?” Tanong ni Irene.

 

“Love is like a rosary that full of mystery.” Sagot nito habang nakatitig sakanya.

 

“Huh?” Nagtatakang tanong niya.

 

“Priest. Gusto ko maging pari.”

 

“Can you draw me na naka wedding dress?” Kakaiba ang request na ‘to mula sa mga nauna kaya nacurious si Irene.

 

“Sure.” Sagot niya. “But may I ask bakit ito request mo?”

 

“I see myself 10 years from now sa simbahan… katabi mo.” Sabi nito.

 

“Potaena HAHAHAHAHAA.” Tawang tawa si Chae ng matapos mag kwento si Irene. “Hindi ko kinaya yung gusto maging pari hahahahaha.”

 

“Tawang tawa ka teh?” Sabi ni Irene. “Tara punta tayo sa ABM booth.”

 

“Nugagawen? Pupuntahan mo si Jinyoung? Ayiee!”

 

“Gaga! Bibili ako ng makakain.” Tumayo si Irene at lumapit sa table ni Seulgi.

 

“Break lang ako saglit.” Paalam ni Irene kay Seulgi. Tinanguan lang siya nito bilang sagot. “Tss. Sungit.”

 

//

Pagkatapos kumain nagpaalam na si Irene na mauuna na siyang bumalik ng booth nila dahil aayusin pa niya yung mga gagamitin pag nagbukas ulit sila. Inalok nga siya ni Chae na samahan na siyang bumalik nito pero tinanggihan niya ito at sinabing ayos lang siya.

 

Habang papunta sa pwesto niya aksidente niyang nasagi ang isang folder na nakapatong sa table ni Seulgi kaya nahulog ito. Nagkalat ang mga drawing na nasa loob nito kaya isa isa itong dinampot ni Irene.

 

Habang dinadampot ang mga drawing hindi maiwasan ni Irene na tignan at purihin ang mga gawa ni Seulgi. Tama nga si Suho ng sabihin niyang magaling mag drawing ang kaklase.

 

Dinampot ni Irene ang huling drawing at kumunot ang noo niya dahil parang familiar ang mukha nito. Titignan niya sana ito ng mabuti pero biglang may umagaw sa kamay niya nito.

 

“Anong ginagawa mo sa gamit ko?” Masungit na tanong ni Seulgi. “Kokopyahin mo yung style ko ‘no?”

 

“Excuse me?” Hindi makapaniwalang sagot ni Irene. “Aksidente kong nasagi yung folder mo at bilang mabuting tao dinampot ko lang yung mga nahulog.”

 

“Huwag ka ng magpalusot.” Pangaasar na sabi ni Seulgi. “Hindi naman ako madamot, nagpapakopya naman ako basta magpaalam ka lang.”

 

Inis na binigay ni Irene kay Seulgi yung folder na hawak niya. Naalala kasi niya yung nakakahiyang nangyari nung nakaraang linggo.

 

Seulgi – 2

Kulit - 1

 

//

“Iclose muna natin itong booth ng 1 hour para naman makapag ikot kayo.” Sabi ni Sana.

 

“Salamat Pres.” Pasasalamat ni Chae.

 

“Yown! The best ka talaga Pres.” Masayang sabi ni Byul.

 

“Huwag niyong kalimutan dumaan sa kabilang booth ah.” Bilin ni Sana bago umalis.

 

“Irene, tara doon sa HUMMS.” Pagaya ni Chae kay Irene. “Dalian mo marami daw jowable doon sabi ni Mina.”

 

“Ikalma mo yang tumbong mo Chae at may ginagawa pa ako.”

 

“Tagal naman eh.”

 

“Sol, tara sa ABM booth.” Aya ni Byul sa kaibigan.

 

“Tss. Pupuntahan mo lang si Seori, damay mo pa ako.”

 

“Tanga kanina ka pa hinahanap sakin ni Buds mo.” Sabi ni Byul. “Btw, nasabi mo na ba sakanya?”

 

“Pfft.” Nagpipigil na tawa ni Irene. Naalala kasi niya yung kanin sa cr.

 

“Girl okay ka lang?” Tanong ni Chae sa kaibigan. “Tumatawa ka diyan magisa.”

 

“Wala may naalala lang ako.” Sabi ni Irene. “Tara na?”

 

“Kanina pa girl ikaw yung mabagal diyan.” Tumayo na yung dalawa.

 

“Alis na kayo?” Tanong ni Byul sa kaklase.

 

“Nakikita mo naman diba?” Pabalang na sagot ni Chae.

 

“Ikaw ba tinatanong ko ha? Hindi naman diba?” Inirapan ni Byul si Chae at humarap kay Irene. “Classmate, hintayin niyo na kami ni Seulgi sabay na tayo pumunta sa kabilang booth.”

 

“Tara na Irene, huwag na natin hintayin yang mga yan.” Hinila ni Chae si Irene palabas ng tent.

 

“Bilisan niyo hintayin namin kayo sa labas.” Sigaw ni Irene.

 

“Sol, tara na naghihintay sila classmate sa labas.” Tawag ni Byul sa kaibigan.

 

“Eto na.”

 

“Napakakupad mo talaga kahit kailan eh.”

 

Sabay na nga silang apat na pumunta sa kabilang booth. Pagdating doon naabutan nila si Mina na nagbabantay kasama yung isang taga STEM B.

 

“Magkano?” Tanong ni Chae.

 

“5 pesos per one chance.”

 

“Ano prize niyan?” Usisa naman ni Irene.

 

“Depende kung gaano mo kabilis matatapos yung challenge.” Sabi ni Mina. “Pero ito mga pagpipilian.”

 

Pinakita ni Mina yung mga prizes meron chocolates, chips at school supplies.

 

“Ang shala naman may pa curly tops.” Komento ni Byul. “Sige nga patry nga.”

 

Nagbayad na si Byul at nagsimula na siyang maglaro. Naka shape ng STEM yung wire at kailangan mo ito malagpasan ng hindi dumidikit yung wand sa wire.

 

“Hindi naman dumikit ah.” Reklamo ni Byul.

 

“Gagawin mo pang sinungaling yung device namin ha.”

 

“Isa pa nga ulit.” Nagbayad ulit si Byul at paikot pa lang siya sa letter T tumunog na yung alarm. “Accurate ba talaga ‘tong device niyo?”

 

“Oo naman.” Sagot ng kasama ni Mina na si Michael.

 

“Bano ka lang talaga Byul. Ako naman.” Inagaw ni Chae yung wand kay Byul.

 

Nagbayad si Chae kay Mina at nagsimula ng maglaro. Nakadalawang subok siya bago siya nanalo.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lylelow
Hello! I'm backk will try to update regularly :D

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
#1
Chapter 10: Thank you po sa update 🫶
AnneTokki #2
Chapter 10: Pssst, 👍💓💛
AnneTokki #3
Chapter 9: Huhuhu, when ulit 🥹, salamat sa update 🥺
justsomeanimelover
#4
Wow i think i will read this! Looks interesting!
gomseu #5
Chapter 8: ang ganda waiting for the update 😊
Ushay023 #6
Chapter 8: Sungit ni seul dto, ndi ko maimagine haha 😂
AnneTokki #7
Chapter 8: Waiting for more chapters ☺️
AnneTokki #8
Chapter 7: Thanks 🫶💎
AnneTokki #9
Chapter 6: Nice, update please🫶💗