-2-

Madalas Ka Ba Dito?

Weekend na naman at nagkayayaan ang mga mag-tropa na lumabas at mag-hangout sa bar. Hirap na hirap na naman si Joy maghanap ng outfit at sasabay pang magpahirap sa buhay niya ang pinsan niya na kailangan pang pilitin nang malala bago mapapayag na sumama. Sunog na ata lahat ng buhok sa katawan ni Irene kaka-aral at siyempre si Joy gustong pag-relaxin ang pinsan kahit minsan dahil baka siya na pumalit sa Mama niya sa sobrang taas ng grades. 

"Inaya mo lang ako para may mag-babysit sa'yo mamaya." Iritang sabi ni Irene habang hinihintay matapos magbihis ang pinsan.

"Alam mo mag-unwind ka rin minsan, hindi maganda 'yan napaka-studious."

"Wow kailan pa naging masama ang mag-aral?"

"Shh!!! Andyan na 'yung grab, tara na."

 

At nakarating na nga ang mag-pinsan sa bar. Nakasunod lang si Irene kay Joy at nakita naman nila agad ang iba pang mga kasama. Siyempre, unang napansin ni Irene si Wendy na nakikipagusap kay Sana sa table nila. Dikit na dikit pa nga ang kaibigan niya at halos kumandong na nga kaya naman napa-irap siya internally sa nakikita. Umunang umupo si Joy sa tabi ni Yeri kaya naman walang choice si Irene kundi umupo sa tabi ni Wendy. Nagtingin siya sa menu dahil gusto niya magpaka-lowkey pero nagulat siya nang bigla siyang kalabitin ng katabi. 

"Musta? Buti sumama ka."

Punyeta namang mapungay na mga mata yan Wendy Shon, bakit kailangan mong tumitig nang ganyan? "Ah...si Joy kasi i-flush daw niya sa toilet yung goldfish ko kapag 'di ako sumama."

Natawa pa nga si Wendy saka inabot ang baso sa kanya at nagsalin ng alak, "Hanep talaga amats ng pinsan mo no? Nandadamay pa ng pet."

"Oo nga eh." Ininom niya na ang shot at napangiwi pa nga dahil sa pait nito.

"Alam ba ni Pres 'yan?" Nang-asar bigla si Seulgi na kakarating lang at sumiksik pa nga sa kanila kaya naman na-sandwich si Wendy sa gitna nila Sana at Irene. Dahil nga sumikip, umusog si Wendy at humarap kay Irene kaya naman sobrang lapit nila sa isa't isa. Amoy na amoy ni Irene 'yung pabango niya at parang mas nakakalasing pa 'yon kaysa sa alak.

"Sorry, ang sikip kasi." Awkward na sabi ni Wendy kaya naman umiwas ng tingin si Irene.

"Ano ba 'yan Seulgi! Kumuha ka na lang ng extra chair." Inis na sabi ni Sana saka lumagok ulit ng alak, "Wendyyy kausapin mo 'ko." Hinahatak pa niya ang braso ni Wendy para sa kanya siya humarap. Sa sobrang taranta sa mga nangyayari, minabuti na ni Irene na umalis muna.

"CR muna ako." Biglang sabi ni Irene kaya halos itulak niya na si Seulgi sa upuan at tumayo na para makaalis. "Joy--" Shuta kausap na naman si Crush. "Sino sasama mag-CR?" Walang tumatayo at gulat naman siya nung tumayo rin bigla ang katabi.

"Me."

"No." , aalis nga ako para maiwan kayong dalawa.

"Ha?"

"I-I mean tara." 

Umalis na nga silang dalawa para mag-CR at habang naglalakad papalayo, naririnig pa nila si Sana na kung ano-ano sinasabi dala ng kalasingan.

"Damn." Buntong hininga ni Wendy.

"Sorry, ganyan talaga kapag lasing si Sana." Pumasok na sila sa banyo at dumiretso si Irene sa may lababo para maghugas ng kamay.

"Sobrang clingy ng friend mo at ang ingay pa. Medyo annoying."

"Ayaw mo ba ng clingy? Cute niyo kaya." Nakangiti niyang sabi habang naghahanap ng pamunas.

"How come?"

"Ah...umm parang pang-hot couple material ganon..."

"So you think I'm hot?" Nakangising sabi ni Wendy kaya naman namula ang mukha ni Irene at umiwas ng tingin. Parang gusto na lang magpakain ni Irene sa lupa dahil hindi siya makatingin ng diretso. Biglang hinatak ni Wendy yung kamay niya kaya at inilapit sa damit kaya naman kinabahan talaga siya at napasinghap. 

"H-huy."

Humugot ng panyo si Wendy sa bulsa ng jacket at ipinunas sa mga kamay niya, "What? Walang tissue."

Umiling si Irene at kumawala sa paghawak sa kanya ni Wendy. Kung ano-ano naiisip niya. "Bago ko pala makalimutan, update niyo ako ni Sana sa mga nagawa niyo na sa thesis."

"Ugh, are we really gonna talk about school sa walwalan?"

"Obviously no, nire-remind lang kita baka makalimutan niyo may deadline." 

"Okay, okay. Gagawin namin. Should I ask her to sleepover na lang ngayon sa'min?"

"No!" Gigil na sabi ni Irene kaya naman napahawak si Wendy sa dibdib sa gulat. "Baka magkalat pa siya sa inyo, ikaw din mahihirapan." Anong excuse 'yan Irene??

"Okay." Nakangiting sabi ni Wendy habang nakatitig sa kanya.

Wala na rin nasabi si Irene at parang nagkakaron ng tensyon sa hangin kaya minabuti na niyang mag-aya, "Balik na tayo baka hinahanap na nila tayo."

 

Bumalik ang dalawa sa table sa dati nilang upuan at buti na lang may sarili nang upuan si Seulgi para hindi na masikip. Dumating naman ang waiter para mag-refill ng alak at pica-pica. Bago pa makapag-open ng topic si Irene, naunahan siya ni Sana at nagpapansin kay Wendy. Naisip niya, sana pala nagpatagal pa sila nang kaunti sa banyo, pero okay lang, hindi dapat siya nalulungkot at dapat nga maging masaya siya para sa kaibigan. Kinuha na nga niya ang baso saka uminom ng shot at muntik pa nga maibuga dahil naramdaman niya bigla na ipinatong ni Wendy ang kamay sa hita niya, at take note hindi lang basta patong, parang nakakapit pa nga. Napatingin siya sa kamay at umakyat ang tingin pero likod lang ng ulo ni Wendy ang nakaharap sa kanya dahil abala itong nakikipagusap kay Sana. Wala nang chaser chaser, napalunok na lang talaga siya sa purong tequila.

 

 

Dumaan na ang weekend pero hindi pa rin mabura sa isip ni Irene 'yung kamay ni Wendy na nakapatong sa hita niya magdamag noong nasa bar sila. Naguguluhan na talaga si Irene sa kung ano ba ang gagawin niya. Maging mabuting kaibigan at masaktan o maging makasarili para sa sariling kaligayahan? Sa sobrang overwhelm sa nararamdaman, nagpaka-loner muna siya at umiwas na makipag-interact sa mga tao. Hindi muna siya sumama sa mga kaibigan nung free time nila at nagtago sa office ni Dean Taeyeon.

"Dean may iuutos po ba kayo?"

"Bili ka ng turon." Sabi naman ni Dean Taeyeon saka nag-abot ng pera.

'Di rin maintindihan ni Irene ang pagka-hilig ni Dean Taeyeon sa turon at banana cue dahil lagi na lang 'yon ang minemeryenda niya. "Hindi po ba kayo nagsasawa? Tsaka nakaka-constipate po 'diba ang saging?"

"Ha?"

"Wala po, bibili na po ako."

Habang naglalakad sa hallway, nakatingin lang siya sa tiles at walang pakialam sa paligid. Sana wala siyang makasalubong dahil gusto niya lang talaga muna mapag-isa.

"Irene." At biglang may tumawag nga sa kanya at alam niya kung sino 'yon kaya naman binilisan niya ang lakad para hindi makausap ang taong iniiwasan niya. "Hey."

Tuloy lang sa paglakad si Irene at nagmadali pa nga. 

"Irene!" Lumakas na nga ang boses ni Wendy at kinabahan si Irene dahil baka may makakita sa eksena nila kaya naman huminto siya saglit para tumingin sa kanya pero naglakad ulit.

"Oh?"

"Did I do something wrong?"

"Huh?"

"Tsk, bakit 'di mo ako pinapansin?" Nahirapan si Wendy dahil ang bilis maglakad ni Irene. Pareho naman silang maiksi ang biyas pero talo siya nito sa power walking.

"Busy lang ako..." At nakarating na nga sila sa tindahan ng banana cue.

"Wow, busy daw."

"Ang kulit mo naman Wendy." Inis na sabi nito habang iniaabot ang bayad sa tindera. "Wala ka bang ibang pwede kulitin?"

"Maraming options, pero ikaw lang gusto ko."

Natigilan si Irene at humingang malalim, "Pumunta kayo ni Sana sa comlab, gawin niyo 'yung thesis. Marami pa 'kong gagawin, 'wag mo na ako sundan."

 

 

Hindi yata sanay si Wendy na nare-reject at hindi nakukuha ang gusto. Iniisip niya kung paano ba gagawin niya para pansinin siya ni Irene at hindi siya dedmahin nito. Feeler na kung feeler pero ramdam niya na gusto naman siya ni Irene pero hindi niya maintindihan bakit siya umiiwas. Siguro kailangan niyang maging masipag, hindi na nga ako a-absent at mag-cutting. Naliligo naman siya araw-araw at nagpe-perfume pa nga kaya presentable siya tingnan everyday. Dalhan niya kaya siya ng breakfast every morning? Pwede pwede. Naabala naman ang pag-iisip niya nang tumunog ang phone.

Sana: Hi! Free ka today?

W: Yeah why?

S: About sa thesis kasi. Yung introduction and other parts need na natin tapusin.

W: Okay, let's do it.

S: May slight problem lang ako...sira kasi yung laptop ko :(

W: Come over na lang. Malakas ang ulan, ibook na kita ng grab. Send me your address.

 

S: GUYS KINUHA NIYA ADDRESS KO AT NAGBOOK PA NGA NG GRAB PARA MAKAPUNTA AKO SA KANILA 😭😭😭

SG: Sis research ang gagawin ha? Baka iba ang maresearch mo instead na yung topic natin HAHAHA

S: Okay lang willing naman ako maexplore LUH CHAR HAHAHAHA BYE ALIS NA KO 🥰🥰🥰

I: Ingat kayooo 

At binato na nga ni Irene ang phone sa kama pagkatapos niyang mag-reply. Hindi niya mapigilang magalit sa sarili kahit kagagawan niya 'to. Siya naman ang umiiwas at nagtutulak sa kaibigan kay Wendy pero nasasaktan pa rin siya kapag nagkakasama sila. Pero hindi niya rin masisi ang desisyon niya dahil ayaw niyang makasakit ng kaibigan lalo pa't alam ng lahat na gusto talaga ni Sana si Wendy. Magpaparaya na lang siya kaysa naman magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila.

"Ano ulam?" Biglang bungad ni Joy sa kanya.

"Hindi ako nagluto."

"Bili ka na lang tapsi." Iniabot ni Joy ang wallet saka nahiga sa kama ni Irene.

"Lagi na lang ako ginagawang taga-bili ng pagkain, mukha ba akong courier?"

"Love you couzzo! Bili ka na rin milktea kung gusto mo." Nakangiting mapang-asar si Joy at pinalabas na nga ang pinsan.

 

Pumila na si Irene sa bilihan ng paboritong tapsi ni Wendy. Ugh, pati ba naman tapsi si Wendy pa rin naaalala niya. Umiling pa nga siya saka inintay matapos ang mga nakapila sa harap niya. Gutom na rin talaga siya pero tinamad na lang magluto at wala rin naman laman ang ref nila. Ilang minuto pa ay siya na ang sunod sa pila at kinuha na ng cashier ang order niya. Binigyan siya ng number nito at pinaupo sa waiting area. Napatingin siya sa may table sa gilid at naalala niya 'yung huli niyang punta dito at 'yung kasama niya. Ibinaling niya ang tingin at nagmasid-masid muna siya sa paligid dahil hindi niya rin naman dala ang phone kaya walang mapaglibangan, sa kamalas-malasan nga lang, tumambad sa kanya ang dalawang tao na hindi niya inasahang makikita doon. Tumalikod siya agad at nagpanggap na walang nakita, pero malupit talaga sa kanya ang universe dahil may kumalabit sa kanya na hanggang tenga pa nga ang ngiti sa labi.

"Ireneeee!" Bati sa kanya ni Sana at una niyang napansin agad ang suot nitong jacket na pagmamay-ari ni Wendy (oo sigurado siyang kay Wendy 'yon, pero hindi niya sinasabing kabisado niya ang mga gamit nito) at malala pa naka-sukbit ang braso nito sa braso ni Wendy na para silang mag-jowa.

"Uy!" Kunwari ay surprised siya. "Andito pala kayo, akala ko--"

"Inaya ko kasi muna kumain 'to si Wendy, kagabi pa pala siya hindi kumakain!"

"Ah ganon ba?" Tahimik na sabi ni Irene at nagkatinginan pa sila ni Wendy, bakit ka nagpapalipas ng gutom?

"Hay nako ito talaga si Wendy dapat may nag-aalaga. Pwede naman kasi ako." Parang nag-panting bigla tenga ni Irene sa huli niyang sinabi. "Ay nga pala, konti na lang tapos na kami sa part namin. Balak ko na nga mag-sleepover para matapos na talaga eh."

'Di niya alam kung sa gutom o sa sinabi ni Sana 'yung dahilan ng pag-init ng ulo niya pero nairita talaga si Irene at buti na lang tinawag na ang number niya para sa order. Kinuha niya na ang paper bag sa staff at sabay umirap kay Wendy na hindi naman inasahan ng isa kung bakit siya nasungitan. "Send niyo na lang kapag finished na, ako na magco-compile. Uwi na 'ko bye."

"Babye! Ingat ka!"

 

Nilapag ni Irene ang pagkain sa table at napansin agad ni Joy ang nakalukot na mukha nito. Umupo siya sa may dining table saka binuksan ang pagkain.

"Grabe labag na labag sa kalooban mong nautusan kita ah? Nilibre na nga."

"Hindi ah."

"Eh bakit ganyan mukha mo?"

"Wala, mamaya na lang ako kakain." Pumasok na siya sa kwarto niya at humiga sa kama saka nagtalukbong ng blanket. Ramdam niya ang bigat ng dibdib dahil sa nakita niya. Sa chat nga masakit na, 'yon pa kayang makita nang harapan.

 

 

Tatlong sunod na araw hindi pumapasok si Wendy kaya naman napa-isip si Irene kung ano meron sa kanya. Oo sinusungitan niya siya at hindi pinapansin kung hindi kailangan, pero siyempre nag-aalala pa rin siya sa kanya. Kapag tinatanong naman si Sana, wala rin siyang maisagot dahil hindi naman siya sinabihan nito. Minabuti na lang ni Irene na magtanong kaysa naman mag-isip ng kung ano-ano.

I: San ka?

W: May inasikaso sa business namin dito sa province. 

I: Ahh okay

W: Why?

I:  Marami ka kasi na-miss na quiz

W: Quiz ka ba?

I: 👍

W: Hahah sungit. Ano gusto mong pasalubong?

I: Wala, uwi ka na

W: Okay po

Hindi na napansin ni Irene na nakangiti na pala siya.

"Aba aba, may nagpapangiti sa pinsan ko?"

Agad naman binaba ni Irene ang phone at hinampas si Joy sa braso, "Ingay mo."

 

 

Kinabukasan, maaga pumasok si Irene at dumiretso na nga sa classroom para maka-idlip pa nang kaunti dahil may oras pa naman pero mukhang hindi rin matutuloy ang idlip dahil bumukas ulit ang pinto at pumasok na ang mga kaibigan niya at ibang estudyante sa klase nilang 'yon, isa na 'ron si Sehun at nakabuntot pa nga si Junmyeon. May hawak na cup ng kape si Sehun at sa isang kamay naman nito ang notebook ni Irene na hiniram na naman niya.

"Irene ito na oh, thank you ulit." Ngumiti si Sehun at inabot ang notebook. Nagnakaw pa nga ng ilang segundong titig kay Irene at muntik pa hindi mabigay ang kape kundi lang dahil kay Junmyeon na natatawa pa nga sa ka-torpehan ng kaibigan. "Coffee pala kapalit."

"Bakit kami wala? Hoy Sehun crush mo ba si Irene?" Tanong agad ni Seulgi.

"Ayieee!" Nang-asar pa nga si Sana at nailang na si Irene sa mga ginagawa ng kaibigan.

"'Wag na, notes lang naman." Ibinabalik ni Irene pero pinigilan lang siya ni Sehun.

"Sa'yo 'yan okay?" Pumunta na si Sehun sa upuan niya para mag-ayos ng gamit.

Hindi naman nagtagal at dumating na si Wendy. As usual umupo na siya sa likuran nila Irene at naririnig ang sitsitan ng mga katabi nito.

"Kaya pala hiram nang hiram ng notes, nagpapahiwatig." Sabi ni Seulgi.

"Yiee kilig ako!" Dagdag pa ni Sana.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Wendy habang nag-aayos ng gamit.

"Si Irene may manliligaw." Nakatawang sabi ni Seulgi at napahinto bigla si Wendy sa narinig.

"Tsk, tumigil nga kayo." Hiyang sabi ni Irene at napansin ni Wendy ang baso ng kape sa desk nito na nakasulat pa ang pangalan ni Sehun.

"Hi Wendy!!" Lumipat si Sana ng upuan at tumabi na nga kay Wendy.

"Hi." 

"Na-miss kita--namin pala!"

Ni hindi man lang siya nilingon o kinibo ni Irene. Manliligaw pala ah.

 

W: Pinauwi mo ko tapos di mo pa rin ako papansinin?

I: 👋

W: Sarap coffee?

I: Binigay lang ni Sehun kapalit sa pag-hiram niya sa'kin ng notes di ko naman tatanggapin pero pinilit niya. Antok na antok ako sobrang puyat at ayoko na ng mahabang usapan kaya tinanggap ko na lang talaga

W: 😂

Dumating na ang prof at nagsimula na magklase. Siyempre, suki na naman ang pangalan ni Irene dahil matalino talaga at ang galing sumagot. Hanga talaga si Wendy sa kanya at hindi maiwasan na hindi tumitig. Si Irene naman nadi-distract dahil kita niya sa peripheral vision niya na nakatingin si Wendy at nakangiti sa kanya.

 

"Cr tayo mga beh." Aya ni Joy sa mga kaibigan. Sumunod naman ang iba at kanya-kanya silang pasok sa cubicle. Naiwan sa labas si Wendy at Irene sa tapat ng salamin at lababo, umiiwas ng tingin ang anak ng President pero hindi siya makakaligtas sa mga galaw ni Wendy. Hinatak siya nito bigla at niyakap nang mahigpit. Hindi nagpumiglas si Irene at hinayaan niyang yakapin siya ni Wendy, yayakap sana siya pabalik pero biglang bumukas ang pinto ng isa sa cubicle kaya naman dali-dali silang kumawala at umaktong parang walang nangyari.

"May alcohol kayo?" Walang anumang tanong ni Yeri sa dalawa at sabay naman silang umiling.

"Beh feel ko mag-movie ngayon." Sabi ni Sana.

"Ay ako rin beh." Segunda naman ni Seulgi.

Lumabas na ang grupo sa cr at sakto naman ay naglalakad ang boys sa tapat, "May horror ba?" Tanong ni Joy

"Uy ano 'yan? Sama kami diyan."

"Chismoso ka talaga Junmyeon." Asar naman ni Joy sa kanya, "Pero tara the more the merrier naman."

"Yown!"

 

Magkakatabi sa upuan si Sana, Wendy, Irene, Sehun at sa may pangalawang row sa baba naman ang iba. Hindi pa nga nagsisimula ang movie pero umaksyon na agad si Sehun at ipinatong ang braso sa bandang likuran ng ulo ni Irene. Napansin naman agad ito ni Wendy kaya naman hindi siya natutuwa sa kinauupuan niya at tumikhim.

"Ang lamig dito no, Wendy?" Umirap si Irene sa narinig pero napangisi nung sinabi ni Wendy na,

"Mainit nga eh." 

Tuluyan nang ipinalabas ang pelikula at dumilim nang husto ang silid. Lumipas ang ilang minuto at nang nasa kalagitnaang parte na sila, patagong kinalabit ni Wendy si Irene at tumuro sa banyo. Naunang umalis si Wendy at makalipas ang ilang minuto, sumunod na si Irene. Pagkapasok niya sa banyo, ni-lock agad ni Wendy ang pinto at hinatak siya para mayakap ulit tulad kanina.

"Bakit?"

"Kulang yung kanina, bawal ba?"

"Pwede naman..." Tahimik na sabi ni Irene, amoy na amoy niya ang pabango ni Wendy dahil nakasubsob siya sa leeg nito. "Baka sundan nila tayo."

"Hindi 'yan." Kumawala bahagya si Wendy at marahang itinulak si Irene hanggang tumama na sa pader ang likod nito para ma-corner niya siya. Nagkatitigan sila at bumaba pa sa mga labi ang tinginan nila, hinawakan ni Wendy ang pisngi ng kaharap at inilapit ang mukha. Wala nang paligoy-ligoy pa, hinalikan niya si Irene at napangiti dahil naramdaman niyang hinalikan niya siya pabalik. Sa oras na dumampi 'yung labi ni Wendy sa kanya para bang nawalan na siya ng pakialam sa paligid. Nakalimutan niya na yung pagpa-paraya, yung pag-iwas. Sa panahong 'yon, pinili niyang maging makasarili dahil ang hirap din talaga pigilan ng nararamdaman. Humalik ulit si Wendy pero pinigilan na siya ni Irene nung lumalalim na sila.

"We should go."

"But I still want to kiss you."

"Later na lang ulit, okay?" Hinahatak ni Irene si Wendy palabas, pero ayaw pa umalis ng isa at nagmamatigas, "Wendy."

"What?"

Napabuntong hininga si Irene at humalik na lang nang mabilis kay Wendy. Oo gusto niya rin naman makipag-momol na lang pero naghahalo ang kaba, kilig at pagka-dismaya sa sarili dahil sa ginagawa nila. "Hindi na tayo nakanood sayang ticket."

"I can rent out the whole place if you want." Umikot pa nga ang mga mata ni Wendy saka lang binuksan ang pinto. "But okay, ikaw ang masusunod." Ngumiti na ulit si Irene at bumalik na sila sa upuan habang magkahawak ang mga kamay.

 

 

~Seryoso ano meron sa mga bading at banyo? Hahaha

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wenrenes
#1
Chapter 6: awww the tension ng wr and wendy and ryujin's fight😢 looking forward for the next update!
wendelushon
#2
parang 'di natin sure yung last line sa foreword ah 😌
paradoxicalninja
#3
mabilis ako makamiss haha so rereading 🥺
WenRene_77 #4
Chapter 6: double update pero ang shaket😭 thank u pa din sa update author💙💝
Ot5langlakasam
#5
Chapter 6: Ooooo goody two shoes gagii
paradoxicalninja
#6
Chapter 6: ansaket hahahahaha 🥲 andaming angst. sa part ni wendy more on fam and lovelife...kay irene naman friendship and lovelife 🥲

kelan po sasaya ang lahat dito lalo na ang wenrene ko 🥺
paradoxicalninja
#7
Chapter 5: damn the tension 🤐 also double update hahshshs thanks po 🥺
WenRene_77 #8
Chapter 4: irene, i hope it's not what im thinking😭💙💝
paradoxicalninja
#9
Chapter 4: cliffhanger hahshshshs irene pls 😭