-3-

Madalas Ka Ba Dito?

Isa, dalawa, tatlo? Hindi na nga mabilang ni Irene kung makailang beses na sila gumagawa ng milagro ni Wendy tuwing nagpapang-abot sa banyo ng uni. Oh wait lang, hindi 'yung iniisip niyong "milagro" ha, momol lang naman. Sa tuwing nagki-kiss kasi sila, parang may gayuma 'yung labi ni Wendy at mas lalo niyang kine-crave kaya naman lagi na lang siyang feeling guilty lalo na kapag siya ang nagi-initiate. Bigla naman naabala ang iniisip niya nung biglang tumawag si Joy dahil pinapapunta siya sa bilyaran malapit sa condo niya. At napatanong nga siya sa sarili kung ano na naman kaya ang trip ng pinsan niya at kung kailan gabi na pinapapunta pa siya kung saan. Pagdating niya sa loob, naglalaro ang pinsan niya at si Wendy.

"Ugh." Buntong hininga ni Joy pagkatapos tumira sa bilyar. Hindi pa nga pumasok ang bola kaya naman lalong na-badtrip. 

"Oh bakit na naman?" Tanong ni Irene habang nanonood sa kanila.

"Naiinis ako."

"Kasi?"

"Yung ex ni Crush nagpaparamdam na gustong bumalik."

"I already told her to talk to him about it." Irita na sabi ni Wendy habang kinakaskas ng tisa ang tako niya.

"Tama naman? Communication is key."

"Ah basta, bahala siya. Hindi ako maghahabol. Wala akong pake kung makipag-balikan siya. Hindi ko naman siya gustong-gusto."

"Eh bakit ka naiinis??" Gulong tanong ni Irene. Ito talagang pinsan niyang 'to sala sa init, sala sa lamig. Hirap espelengin ng mga tao talaga!

"Eh kasi nakakainis!!"

"Damn." Bulong ni Wendy sa sarili nung nasa mahirap na angle yung dapat niyang tamaan. Tumalikod siya saka pinaraan sa likod ang tako. Lumiyad siya nang bahagya at nagkatinginan muna sila ni Irene bago niya tinamaan ang puting bola. Pumasok ang 8 ball kaya naman nanalo si Wendy at napahanga si Irene at napapalakpak pa nga.

"Wow!! Ang galing mo naman!"

"Basic." Natatawa niyang sabi dahil hangang-hanga talaga sa kanya si Irene.

"Guys respeto naman, namomroblema ako dito!" At nagdabog pa nga si Joy at umupo sa may table nila.

"Ikaw muna diyan sa pinsan mo." Ibinaba ni Wendy ang tako sa table at akmang aalis dahil may tumatawag sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"May sasagutin lang ako na call."

"Sino?"

"Si Sana."

At nakaramdam nga ng something si Irene kaya naman nagbago itsura niya. "Ah okay."

"Wait lang." Tuluyan ngang umalis si Wendy at pumunta na si Irene sa table at umupo sa tabi ni Joy.

"Hoyy anong gagawin ko? Miss ko na siya."

"'Wag mo na kakausapin kahit kailan! Tigilan mo na at maghanap ka ng ibang lalandiin!"

"Huhhh? Ayokooo."

Ibig na lang magdabog ni Irene talaga.

 

Pagkatapos maglaro, umuwi na nga sila sa condo at habangdaan ay hindi kinikibo ni Irene si Wendy. Habang nagmo-monologue si Joy tungkol sa pagka-inis at pagka-miss niya kay Crush, si Wendy na lang ang nagtiya-tiyagang mag-payo ng kung ano-ano. Nakarating na sila sa labas ng unit at naunang pumasok si Joy, papasok na rin sana si Irene pero napansin niyang hindi sumusunod si Wendy.

"Hindi ka ba papasok?"

"Actually uuwi na ako."

"Bakit?"

"Gabi na?"

"Kailan ka pa umuwi dahil "gabi na"?"

"Bakit? Ayaw mo pa ba 'ko umalis?" Nakangisi niyang tanong sabay lapit kay Irene kaya naman napaatras ang babae at tumama ang likod sa pinto.

"Hindi naman, weird reason lang." Mahina niyang sabi habang nakahalukipkip at umiiwas ng tingin. "B-bakit daw tumawag si Sana?"

"Tinanong kung nasaan ako."

"Bakit tinanong?"

"I don't know?" Ilang tahimik na segundo rin ang dumaan kaya naman tatalikuran na sana siya ni Irene para pumasok. "Umm..." 

Huminto si Irene at tumingin sa kanya, "Hm?"

"Wala...aalis na ako."

"Okay."

"Pasabi na lang kay Joy una na 'ko."

"Sige." Hahalik sana si Wendy, pero pinigilan siya ni Irene at hindi niya inaasahan 'yon dahil akala niya okay sila. Ilang beses naman na sila nagki-kiss at kahit tago, sweet naman sa kanya si Irene, "Ano ka ba? Baka may makakita."

At dahil nga napahiya siya sa ginawa niya, napakamot na lang siya ng ulo at tumuloy na, "Fine. I'm going na..."

Minsan, hindi rin talaga natin alam bakit nasasadya natin saktan at itulak palayo 'yung taong kinokonsidera nating mahalaga sa'tin. Ewan. Siguro, natural na lang talaga sa mga tao ang maging magulo.

 


Maaga pa ay nagkalupumpon na ang mga estudyante malapit sa parking ng school bus. Siyempre, si Irene ang nagche-check ng attendance kasama sila Seulgi. Tumapat na sa kanila ang pinto ng bus at isa-isa na silang sumakay. Napuno agad ang gitna at likod at nang makasakay na lahat, nagsimula na si Irene mag-headcount. Nasa gitna pa siya ng pagbibilang nang biglang may tumikhim sa likod niya, napatingin siya at nag-tama ang mga mata nila ni Wendy.

"Um..."

"Wendy!! Dito ka oh ni-reserve ko 'tong seat for you!" Tumayo pa si Sana sa upuan niya sa bandang gitna saka kumaway sa kanya.

Tumabi si Irene sa daan para paraanin si Wendy at hindi na bumati o nagsalita ng kung ano kaya naman si Seulgi ang nakatabi niya sa upuan nila sa bandang harapan.

"Irene, akin na 'yung bag mo. Ilalagay ko sa taas para hindi kayo masikipan." Sabi naman ni Sehun na nakaupo sa katapat nilang row habang naglalagay ng gamit sa itaas na compartment.

"Ay, buti na lang. Thank you Sehun!" Nakangiti niyang sabi. "Lead the prayer, Seulgi."

"Bakit ako???"

 

Hindi naman masyadong malayo ang biyahe at hindi rin masyadong traffic kaya naman nakarating sila sa destinasyon sa natakdang oras ng schedule. Bumaba na sila at isa-isa na pinamigay ni Irene 'yung mga kakailanganin nila sa activity nila. Nung bumaba na si Wendy pumulupot agad sa kanya si Sana at hindi naiwasan ni Irene na mainis.

"Fall in line! Alphabetical!"

"Ang aga gg na agad." Bulong ni Seulgi habang natatawa.

"Bakit sobra 'to? Sino pa 'yung mga walang paper?!" Tanong ni Irene sa mga kasama at unang nagtaas ng kamay si Sehun. Inabutan naman siya agad ni Irene nang nakangiti pero nung si Wendy na ang nagtaas, binigay lang na parang wala lang.

 

Nagikot-ikot na nga ang mga estudyante sa museo at kanya-kanya sila ng diskarte para magawa ang mga pinapagawa ng prof nila. Tahimik lang na nagtitingin si Irene mag-isa habang nagiikot kaya nung matanaw siya ni Junmyeon, pinagtulakan niya ang kaibigan para masamahan niya ang babae.

"Hi Irene." Bati ni Junmyeon.

"Tapos na kayo?"

"Oo. May sasabihin daw pala sa'yo si Sehun." Siniko siya ng kaibigan at parang tumiklop pa nga ang dila ni Sehun nung tumingin sa kanya si Irene.

"Ano?"

"Pwede ba--"

"Ireneeee!" Naputol na 'yung sasabihin ni Sehun dahil sa pagtawag ni Sana. Kapansin-pansin na agad 'yung 'di maipintang mukha ni Wendy. "May dala ka bang paracetamol?"

"Anong nangyari?"

"Si Wendy kasi masakit daw ulo." 

Napalitan naman agad ang inis ni Irene ng pag-aalala, "Nasa bus yung gamot." Sasama pa dapat si Sana pero nagulat sila nung nagsalita si Wendy.

"Bumalik ka na 'don. Irene and I will go."

"Huh? Eh--"

"Please masama talaga pakiramdam ko." Inalalayan na agad ni Irene si Wendy at inaya na umalis. 

"O-okay." Malungkot na sabi ni Sana. Tumuloy na sila ni Irene palabas ng museo at naiwan sila Sana at Sehun habang nakatingin sa dalawa. 

 

Pinaupo na agad ni Irene si Wendy sa upuan niya sa bus saka hinipo ang noo nito. Hindi naman mainit, medyo pawis lang dahil siguro sa init kaya naghalungkat na siya sa medicine bag niya ng paracetamol. Nang makita na ang hinahanap na gamot, dali-dali siyang nagbukas ng tubig at iniabot ang mga ito para ipinainom kay Wendy. Napansin niyang ayaw nito sa init dahil nagpapaypay ng kamay kaya pinagsasara niya yung mga kurtina sa loob ng bus.

"Okay ka lang ba?" Tumango si Wendy sa tanong niya, "May pamalit ka ba? Baka basa na ng pawis 'yung likod mo, uubuhin ka."

"Wala, don't worry about me."

"Tsk." Binuksan ni Irene ang bag niya para maghanap ng bimpo at nang makita na nga, pinatalikod niya si Wendy para punasan ang likod nito. "Pasaway mo naman, gusto mo pa dumiretso ng lagnat 'yan." 

Napangiti naman si Wendy dahil sa tuloy-tuloy na panenermon ni Irene sa kanya habang pinupunasan niya siya. Daig pa ang nanay sa pag-aalala. Humarap na nga ulit siya sa kanya at napatigil si Irene nung nakatingin sa kanya si Wendy habang nakangiti. Mukhang pati 'yung hinaharap niya gustong papunasan. "Ewan ko sa'yo punasan mo mag-isa 'yan." Iritang sabi ni Irene at binato bigla sa mukha ni Wendy 'yung bimpo.

"Is that how you should treat a patient?" Natatawa nga si Wendy dahil sa mukha ni Irene.

"Parang wala ka naman sakit."

"Masakit ulo ko, I just can't help but tease you 'cause you're cute."

"Bahala ka nga diyan." Tumayo bigla si Irene dahil sasabog ata siya kung mag-tuloy tuloy 'tong kaharutan ni Wendy. Baka 'di siya makapagpigil silang dalawa pa man din lang ang nasa loob ng bus. 

"Where are you going?"

"Bibili ng food. Ano gusto mo kainin?"

"Ikaw." Nagkatitigan na naman sila, "Kung ano na lang din kakainin mo." Nyeta.

"Okay."

 

Habang bumibili ng pagkain nila, nag-ring ang phone ni Irene. From Sana: Kamusta si Wendy? 🥺 Okay lang ba siya? Update mo kooo 🥺

At tumawag pa nga. Airplane mode sana pipindutin niya pero nireplyan na lang niya ng "Okay na siya🙂"

 

Matapos ang activity nila, nagsi-balikan na ang mga estudyante sa bus. Hindi na bumalik sa dating pwesto si Wendy at nagtulug-tulugan kaya naman si Seulgi na ang naging katabi ni Sana. Dahil hapon na, medyo mabigat na daloy ng trapiko at matatagalan pa bago makauwi. Nangangawit na si Wendy kaya naman pabiling-biling siya sa kinauupuan, napansin 'to ni Irene kaya naman tinapik niya siya.

"Gusto mo ba mahiga?"

"Yeah."

"Umm...dito oh." Pinatong ni Irene ang bag sa hita niya kaya naman nakatitig sa kanya si Wendy at lingid sa kaalaman niya pumapalakpak na ang tenga nito dahil sa alok niya.

"Thanks."

Nilagay ni Irene ang kanang braso niya sa may tagiliran ni Wendy para hindi siya malaglag kapag may nadadaanang malubak.



"I told you I'm fine."

"Magpa-check up ka na kasi." Pilit naman sabi ni Sana na kinukuha pa nga ang bag ni Wendy na kabababa lang sa bus.

Napatingin si Wendy kay Irene na nangongolekta ng mga papel. "Seriously, I'm fine. Umuwi na kayo gabi na."

"Sis, tara na wala na tayo masasakyan. Traffic pauwi uy. Pahinga ka na lang sa bahay Wendy tsaka uminom ka na rin gamot ulit." Tumango si Wendy kaya hinatak na ni Seulgi palayo si Sana at pumunta na nga si Wendy kung nasan si Irene.

"Irene tara dinner."

Nagulat pa nga si Irene dahil sabay na sabay magsalita si Wendy at Sehun. "Um..."

"Couzzzzoooo!" Salamat sa diyos at may pa-divine intervention siya palagi tuwing naiipit si Irene.

"Joy?"

"Tara sumabay na kayo ni Wendy sa'kin. Tapos na classes ko."

"Uh..."

"Oh Sehun bakit? Bawal ako magsakay ng lalaki sa kotse ko." Nang-asar pa nga, "Tara na, tara na. Gusto ko na umuwi."

 

"Akala ko ba bawal magsakay ng lalaki sa kotse mo?" Tanong ni Irene sa pinsan dahil pagdating na pagdating nila sa parking, naghihintay doon si Crush.

"Edi ibang lalaki. Duh."

"Hello!" Bumati naman si Crush sa kanila at siya na nga ang nag-drive.

Sa likod sumakay sila Wendy at pagdating sa condo ni Irene, pareho silang bumaba.

"Bakit diyan ka bumaba? Pwede ka naman namin ihatid sa inyo."

"Out of way niyo." Sabi naman ni Wendy. Hindi naman mali kasi talagang out of way sa pupuntahan nila Joy. "Mag-taxi na lang ako."

"Ay bahala ka nga diyan."

"Uuwi ka ba dito?" Tanong ni Irene.

"Hindi." Nakangiti pa nga si Joy at alam ni Irene ibig sabihin non.

"Bahala ka malaki ka na. Umiwas ka sa disgrasya please lang. Ingat na lang kayo."

"Bye couzzo! Hoy Wendy ingat ka ha, text mo plate ng taxi."

"Yeah, yeah."


At siyempre ano pa nga ba? Edi natagpuan na naman ni Wendy ang sarili niya sa loob ng condo ni Irene. Nagpa-deliver na lang sila ng makakain dahil gutom na at pagod sa biyahe. Habang kumakain talaga nga naman nakakabingi sa tahimik yung espasyo nilang dalawa, pero okay lang, hindi naman nakakailang.

"Gamot mo." Iniabot ni Irene ang orange na tableta kay Wendy at kinuha naman niya ito. 'Yun lang, tinago niya sa bulsa saka nagpanggap na ininom dahil wala naman talaga siyang sakit. Gumawa lang talaga siya way para hindi makapag-usap si Irene at Sehun sa bus kanina and Irene didn't need to know that. Baka mapagkamalan siyang nambabakod kahit walang karapatan. Actually, wala PA karapatan. 

"Sana lagi ako may sakit."

"Bakit naman?"

"Nakakaranas ako pano maalagaan." Nakangiti niyang sabi.

"Sobra ka naman, gamot lang naman binigay ko." Hiya namang sabi ni Irene.

"Seryoso." Tumingin siya sa mga mata niya. "Sarap pala may nag-aalaga."

"I-Inumin mo na 'yan para okay ka na talaga bukas."

"Thank you, Irene."

 

Binuksan ni Irene ang TV at sumunod sa kanya si Wendy sa sofa. Magkatabi sila pero hindi naman magkadikit. Gusto sana ni Irene sumandal sa kanya pero parang nahihiya siya kay Wendy. Dahil matimtimang babae for today's vidyow, nagtiis na lang siya sa kinauupuan niya. Patapos na 'yung pinapanood nila pero hindi pa rin niya mai-focus ang sarili sa palabas dahil ang laman lang ng isip niya bakit ayaw lumapit sa kanya ni Wendy? Isang oras na siyang naka-dekwatro, hindi pa ba siya nangangawit? Bakit ayaw niya mag-adjust ng pwesto? Hello?! Alone together na nga sila bakit wala pa rin nangyayari?! Hindi naman nakakatanggal ng landi ang paracetamol?? Hindi na nga nakatagal si Irene at umusog na papalapit kay Wendy na siya namang matic na nilagay ang kamay sa tagiliran ng katabi nung sinandalan na siya.

"Wendy?"

"Yeah?"

"Kwentuhan mo ako."

"About?"

"You."

"I'll just bore you to death."

"Sige na."

Pangatlo siya sa limang magkakapatid. Ang nakasama niya lang lumaki ay yung kuya niya na si Xiumin at ang bunsong kapatid na si Ryujin, at dahil nga mas madalas silang magkakahiwalay, hindi sila ganoon kalapit sa isa't isa dagdag pang rason dito ay pinalaki sila na parang magkaka-kumpitensya. Ngayon, ang kuya niya ang namamahala ng business nila sa bandang norte at si Ryujin naman, papasok pa lang na college student habang namamahala sa isa pa nilang business. Oo, lahat sila may hawak na business sa murang edad dahil nagsisilbing training nila 'to para handa na sila sa hinaharap.

"Kaya ka pala laging parang pagod. Nagbabalikan ka from Manila to your province at nagha-handle pa ng sariling business. Paano mo nakakaya pagsabay-sabayin lahat?"

"May secretary naman ako so siya madalas ko pinag-aasikaso kapag wala ako. Sa studies, well you know, need ko pa mag-effort. Gusto ko sabay ako sa inyo mag-grad."

"Kaya mo 'yan, basta tatandaan mo nandito lang ako kung kailangan mo 'ko." 

"Paano kung everyday kita kailangan?"

"Edi everyday kitang sasamahan." Naks naman, san galing 'yan, Irene?

"Sus, baka 'pag nasanay ako, iwan mo rin ako." Kunwari nagmumukmok si Wendy.

"I won't." Siguro masyadong maaga pa para sa mga panga-pangako at kung anong mga litanya, pero sa nakikita ng mga mata ni Irene, parang kinailangan niyang sabihin 'yon. Kahit ba binibiro lang siya ni Wendy, alam niyang sa likod ng birong 'yon, seryoso siya at gusto niyang marinig ang saloobin ni Irene.

"Can I kiss you?" Tumango naman si Irene sa tanong niya kaya naman dahan-dahan siyang lumapit at pinagdikit ang mga labi nila. Dumiin at lumalim sila hanggang sa bumababa ang mga halik, 'yung kamay na may sariling malay, pumupunta sa ilalim ng suot na damit. "Okay lang?"

Napakagat ng labi si Irene at halos sumara na ang talukap ng mga mata dahil sa nararamdamang sabik. Nararamdaman pa lang niya sa tiyan niya yung kamay ni Wendy nang biglang may kumatok.

"."

"Irene, anak, buksan mo 'tong pinto."

Nag-behave na nga ulit si Wendy habang nakangisi sa sofa. Nanonood lang siya sa kanya dahil 'yung isa tarantang-taranta habang nag-aayos ng sarili. "Nakakatawa 'yon?"

"Kasalanan ko ba?" 

Nung hindi na siya mukhang hayok, binuksan na agad ni Irene ang pinto at pumasok na ang Mama niya na maraming bitbit na grocery. "Akala ko po uuwi ka sa'tin?" Tanong niya sa Mama niya.

"Dinaan ko lang 'to." Napansin naman ni Tiffany ang kasama ni Irene na papalapit sa kanya.

"Good evening po." 

"Good evening." Tumingin siya kay Irene at naghahanap ng sagot kung sino 'yon.

"Si Wendy po, friend ko. Nag-aaral siya sa'tin."

"Ah yes, familiar nga siya. Kumain na ba kayo?"

"Opo."

"Ma'am tulungan ko na po kayo." Kinuha ni Wendy ang dala ni Tiffany at inilapag sa table ang mga grocery.

 

"Have you talked to your Dad?"

Silang dalawa na lang ng Mama niya ang nasa sala dahil nagpaalam na si Wendy. "Hindi pa po."

"Malapit ka na grumaduate. We think it's best if you take your Master's in the U.S. instead of here." 

"Po?"

"Maraming programs ang available and kaya ka naman namin suportahan."

"Pwede po bang pag-isipan muna?"

"Ano pang pag-iisipan mo? You have excellent grades, Irene. I'm sure makakapasok ka anywhere you want. Why waste your talent here?" Nahihirapan si Irene, kapag kasi nagsalita na ang Mama niya parang lagi non-negotiable ang usapan. "Find out the requirements needed for your application and we'll produce them right away para ma-process agad and hindi ka na ma-tengga after graduation."

"Sige po." Tahimik na sabi ni Irene.

"Aalis na ako. Don't forget to lock up."


 

Buong weekend walang natatanggap na reply si Wendy galing kay Irene. Naisip niya busy siguro siya dahil 'yon naman ang usual niya. Pinagsawalang bahala na lang niya dahil siya rin naman ay tambak ng gawain sa mga negosyo nila at kung saan-saang branches pa siya dapat mag-punta kasama na doon 'yung pinamamahalaan ng bunso nila.

"Kumusta 'yung construction sa Batangas?" Dahil wala si Ryujin sa opisina niya, 'yung secretary na lang ang tinanong niya.

"Baka po by October matapos."

"Huh? Last year pa nag-simula 'yan ah? What's taking so long?" Hindi nakasagot ang secretary dahil pumasok bigla si Ryujin habang nakangisi.

"Bakit ka ba nakikielam?"

"Because you're wasting time, Ryujin. Sana nag-ooperate na 'yan sa panahon na 'to. Ang dami mong tao pero ang bagal tapusin 'yung trabaho and what's worse is I heard binayaran mo pa agad ng buo kaya hindi mo masisante at hindi ka makahanap ng mas maayos kausap. Kapag nalaman ni Mom 'yan--"

"Sige nga, subukan mo sabihin sa kanya ngayon. Tingnan natin kung magkaroon siya ng oras para magkausap kayo."

"Are you doing this para lang magpapansin sa kanya?!"

"I don't need this. Malaki na ako, hindi na kita kailangan o kung ano mang opinyon mo sa buhay. Umalis ka na."

"Fine, gawin mo ang gusto mo but if you something up sa pag-launch niyan, wala kang matatanggap na tulong galing sa'kin."

 

Napabuntong hininga na nga lang si Wendy habang nakasakay sa van nila papauwi. Pare-pareho naman silang may mommy issues pero nasanay na rin siya sa sitwasyon nila at kahit kailan hindi siya nagpabaya sa mga negosyo nila. Bata pa rin naman kung tutuusin si Ryujin at kahit nagkakagalit sila at nagbibitaw ng masasakit na salita, alam naman ni Wendy sa sariling hindi niya siya matitiis lalo't bunsong kapatid niya siya. Tiningnan niya ang phone pero unfortunately, wala pa rin text sa kanya si Irene. Sinubukan niya siya tawagan, pero walang sagot. Parang nadagdagan ang pagod niya kaya naman itinulog na lang sa biyahe. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wenrenes
#1
Chapter 6: awww the tension ng wr and wendy and ryujin's fight😢 looking forward for the next update!
wendelushon
#2
parang 'di natin sure yung last line sa foreword ah 😌
paradoxicalninja
#3
mabilis ako makamiss haha so rereading 🥺
WenRene_77 #4
Chapter 6: double update pero ang shaket😭 thank u pa din sa update author💙💝
Ot5langlakasam
#5
Chapter 6: Ooooo goody two shoes gagii
paradoxicalninja
#6
Chapter 6: ansaket hahahahaha 🥲 andaming angst. sa part ni wendy more on fam and lovelife...kay irene naman friendship and lovelife 🥲

kelan po sasaya ang lahat dito lalo na ang wenrene ko 🥺
paradoxicalninja
#7
Chapter 5: damn the tension 🤐 also double update hahshshs thanks po 🥺
WenRene_77 #8
Chapter 4: irene, i hope it's not what im thinking😭💙💝
paradoxicalninja
#9
Chapter 4: cliffhanger hahshshshs irene pls 😭