-1-

Madalas Ka Ba Dito?

Papasok pa lang si Wendy sa gate ng eskwelahan nang batiin siya ng mga kaklase niyang sina Yeri at Joy. Actually, irregular at magka-program lang naman sila, may mga subject na nagkakatugma sa schedule nila kaya naman sila yung kabatian niya at laging kagrupo sa mga activities. Sa paningin ng iba, ang sungit at taray ni Wendy dahil palagi siyang seryoso o 'di kaya naman ay walang pakialam sa mga agenda ng ibang ka-program at umaalis na agad pagtapos ng klase, pero dahil nga medyo close na silang tatlo at nakakapag-hangout, alam nila Joy at Yeri na okay naman kasama si Wendy at hindi siya mataray tulad ng tingin ng ibang tao.

"Uy. Nag-text si Sir sa gc. Wala daw siya pero may iniwang activity at need pumunta sa lib." Sabi ni Joy habang nagsasalamin sa banyo.

Si Yeri naman naga-apply ng blush on at halos mukhang sinapak na nga sa kapal. "Ba yan, gusto ko pa naman mag-shopping. Te Wendy, ano?"

"Attendance niyo na lang ako. Uwi na 'ko."

"Ay hala siya, sumama ka na mag-attendance. Go na rin naman ako after." Sabi ni Yeri at lumabas na ang tatlo sa banyo.

 

Sa totoo lang, wala naman pakialam si Wendy kung papasa siya o hindi kasi pwede niya naman i-drop ang subject anytime at walang magagalit. Walang magulang na makikialam at sesermon dahil ang Mom niya busy palagi na parang wala na ngang pakialam sa kanya at ang Dad niya naman matagal na noong iniwan sila. Kung pera ang pag-uusapan, marami siya non at hindi basta mauubos. Dala na lang din ng kagustuhan niyang makatapos at para sa "pride" kaya siya pumapasok, pero kung susumahin hindi rin siya sigurado kung ano ba talaga silbi ng buhay niya.

 

"Pst, asan yung attendance?" Kalabit ni Joy sa kaklase nila.

"Ito oh." Sabi naman ni Sehun na pinasa ang papel sa kanila at pumirma na nga ang tatlo. Aalis na sana ang mga babae pero pinigilan sila ng kaklase, "Alis na kayo? Quiz daw 'to sabi ni Sir."

"Tsk. Ano na mga beh?" Sabi naman ni Yeri.

"Bilisan na lang natin." Bumuntong hininga na nga si Wendy at umalis na para okupahin ang isa sa mga bakanteng table. Iniwan niya muna ang bag at lumakad para maghanap ng librong kailangan sa mga bookshelf. Tamad na tamad talaga siya at gusto na lang umuwi o kaya naman mag-bilyar sa tinatambayan nila ng mga pinsan niya at ibang kaibigan niya. Finally, nakita niya ang librong hinahanap at hinatak ito mula sa hanay. Sakto naman may tao sa kabilang bahagi ng shelf na kumuha rin ng libro kaya nagtama ang mga mata nila noong nabakante ang espasyo ng mga libro at para nga silang nasa teleserye sa ganap. Hindi mahiyain si Wendy at kahit kailan wala pa siyang naranasan na na-intimidate siya sa tao kaya naman diretsong-diretso ang tingin niya hanggang sa napayuko na lang ang katitigan niya.

Oh my god, grabe siya tumitig. Intense. Ang hot niya talaga. Ito na lang ang tumatakbo sa isip ni Irene habang nagkukunwaring composed pa siya at nagbabasa ng libro. Napahinga na lang siyang malalim at umalis na agad-agad dahil nanlamig buong katawan niya sa titig ni Wendy. Kahit irregular si Wendy, kilala siya ng halos lahat ng estudyante dahil unang-una sa lahat ang lakas ng dating niya at mapapa-second, third at fourth glance ka pa nga talaga 'pag dumaan siya sa harap mo. 

 

"Irene, kaya ka siguro 'di tumangkad ang dami mo palaging bitbit." Sabi ni Seulgi habang may tinatype sa keyboard.

"Sige mang-asar ka pa. Gusto mo ma-evict?"

"Hala ka anak 'yan ng President." Pang-asar ni Sana habang humahagikgik sa tabi nila.

Napatahimik bigla silang tatlo nang may umupo sa pagitan ng dalawang babae. Walang iba siyempre kung hindi si Wendy lang naman. Para bang nag-uusap gamit ang isip sila Irene, Sana at Seulgi dahil ni isa sa kanila walang nagtangka magsalita o umimik ng tunog. Ang awkward nila at ramdam ang tensyon sa hangin dahil sa biglaang presensya ng irreg student. Pinindot ni Wendy ang power button pero hindi bumubukas ang screen.

"Umm, sira 'yang unit na 'yan." Nagulat rin si Sana sa sarili niya dahil kinausap niya si Wendy na sobrang crush niya lang naman. Parang gusto niya na ata humimlay nung tumingin siya sa kanya. "Dito ka na lang sa'kin, tapos naman na ako."

"Sige, thanks." Sabi nito at nakipag-palit na ng upuan kay Sana.

Natatawa si Irene sa kaibigan dahil kinukurot pa siyang patago nito at nandidilat pa nga ang mga singkit na mata dahil sa kilig.

 

Lumipas ang ilang minuto at dumating ang dalawang babae para tawagin si Wendy. "Uy Wends kala ko ba mabilisan lang?" Tanong ni Joy.

"'Di pa 'ko tapos."

"Joy sa'min ka ba matutulog tonight?" Biglang nagsalita si Irene at nakikinig lang si Wendy sa kanila. Close sila?

"Depends. Uwi ba si Tita sa condo niyo mamaya?"

"No, sa Cavite siya uuwi."

"Ah okay, tulog ako sa inyo later. Pero lam mo na drill 'di ba?"

Tumango si Irene at natatawa pa nga dahil alam niyang paparty muna si Joy at siguradong alas kwatro uuwi.

"Wendy ano na?"

"Tapos na." Tumayo na si Wendy at kinolekta ang mga gamit sa desk. "Kanino ba ipapasa?"

"Sa'kin." Sabi ni Irene na nakangiti sa kanya kaya naman hindi naiwasang maisip ni Wendy na ang cute niya at ipinasa na nga ang papel.

"Saan kayo?" Tanong ni Joy.

"Mag-lunch na pero dalhin muna namin to sa office." Sagot naman ni Seulgi.

"Bait niyo naman." Sarkastikong sabi ni Yeri pero may biro pa rin sa tono. "Si Joy lang talaga naiba sa inyo no?"

"Gaga ka talaga." Irap nito, "Sama na kayo sa'min mag-lunch."

Nagkatinginan ang magkakaibigan bago tumango at sumama sa tatlo.

 

Tumingin si Wendy sa orasan ng kanyang phone. February 21, 11:58 PM. 0 notifications.

Patapos na ang birthday niya at yung isang text na gusto niyang ma-receive mukhang hindi na darating. Bakit pa ba siya umaasa? Hindi naman bago na binabalewala lang siya ng sarili niyang ina.
 

 

W: Irene.

I: Hi Wendy 😂 it's late na ah bakit gising ka pa?

W: Yeah..

About that

I: Why? May problem ka?

W: Joy's really drunk and I need to know your address para mahatid ko siya sa inyo.

I: Oh...sure. Water residences tower 3. Hintayin ko kayo sa baba.

W: Be there in 5 papunta na

 

"Hayy!" Pagod na sabi ni Irene paglapag nila ni Wendy sa plakdang katawan ni Joy sa kama niya. "Buti na lang wala si Mom, lagot kami nito."

"Nakipag-beerpong kasi siya kala Crush, ang dami niya nainom."

"Hindi ka kasali?"

Lumabas na sila sa kwarto at lumipat sa sala, "I don't drink beer."

"Wow, so ano pala iniinom mo?"

"Hard lang."

"Naks, sanay na sanay pala." Natawang sabi ni Irene, "Kayo lang ni Joy?"

"No, kasama rin taga ibang program. Ikaw lang ang missing...at least for me. Hinahanap kaya kita kanina." 

"Marami tinapos kasi, maybe next time." 

Tumahimik ang paligid pero ayaw pa umuwi ni Wendy at nagwi-wish na nga siya na 'wag na siya pauwiin ni Irene dahil at least sa condo nila hindi lonely, "So anong favorite mong number sa electric fan?"

Tumawa si Irene at pinalo ang braso niya, "Number 1. Dito ka na matulog, sobrang late na and delikado."

"Was hoping you'd say that." Bulong niya at tuluyan na ngang umupo si Wendy sa maliit na sofa samantalang si Irene akmang aalis. "Where are you going?"

"May kukunin lang. 'To naman takot na takot maiwan." Di na nga nakapagsalita si Wendy dahil sa biglaang sinabi ni Irene. Hindi naman niya itatanggi dahil noon pa man, mayroon nang abandonment issues si Wendy, hindi rin nakatulong na birthday pa niya at dumaan na naman na walang pagbabago noon pa man . Ilang minuto lumipas at bumalik na siya saka umupo sa tabi ng babae. Magbibiro pa sana siya pero nakita niya si Wendy habang patagong nagpupunas ng mukha kaya naman medyo nataranta siya. "U-umiiyak ka ba?"

Ang tanging sagot lang nito, "No, inaantok lang."

"Umm ito oh." Inilapag ni Irene ang lemon square cheesecake sa kamay niya, "Sorry, sa ibang araw na lang yung totoong cake. Promise 'yan."

"What?"

"Birthday mo 'di ba? Happy birthday!" Ngumiti siya sabay yakap nang medyo awkward kay Wendy kasi 'di naman sila affectionate sa isa't isa. Hindi naman matagal pero hindi rin inaasahan ni Wendy na sa simpleng yakap at bati mula sa taong hindi naman niya pa ka-close ay parang gusto niya biglang mag-breakdown. Mula sa nanay niya, ibang kapamilya, mga kasama niya sa bar kanina, sa lahat lahat ng nakakasalamuha niya, si Irene lang ang nakaalala sa birthday niya.

"Thank you Irene..."

 

 

Kasalukuyang nakaupo ang magkakaibigan sa pinakaharap na upuan sa classroom habang naghihintay dumating ang professor. Siyempre kilalang anak ng President at top student sa school, alam ng lahat na sobrang responsible ni Irene at pinagbubutihin niya talaga dahil ayaw niya rin ma-issue na pinapaboran siya dahil may posisyon ang Mom niya sa school. Bumukas ang pinto at napatingin ang lahat kay Wendy na tahimik lang pumasok, nakasuot ang earphones sa tenga at dedma sa mga matang nakatingin sa kanya. Ang usual niyang inuupuan ay doon sa pinakalikod pero sa pagkakataong 'yon, sa second row siya tumuloy at sa likuran ni Sana umupo.

S: Skl mga mhie chinat ko si Wendy kagabi 🤭

SG: Ansabe mo?

S: Tinanong ko kung may ka-group na siya sa thesis

Tumunog ang phone ni Irene at alam naman niya na sa gc lang nila galing yung notif pero pagbukas niya, pangalan ni Wendy yung bumungad sa kanya.

W: Morning

Sumilip si Irene sa likuran at nakatingin na sa kanya agad si Wendy kaya naman binaling niya ang tingin sa phone at hindi na nga nagawang mag-reply dahil sa susunod na nabasa.

S: Push ko na ba mga sis? Crush ko talaga siya 🥰

SG: Gooo hahahah ilaban mo na 'yan. Bagay kaya kayo 😍

S: Reneeee sama na natin siya sa thesis ha? 🥰 

I: Suree😊 

"Irene..." May tumawag bigla sa likod niya at tumingin naman siya sa kumakausap sa kanya.

"Bakit Sehun?"

"Pwede pahiram ng notes?"

"Sure." Iniabot niya ang notebook nang nakangiti saka tumalikod muli.

"Para-paraan ka na naman bro." Bulong ni Junmyeon sa katabi, "Ask her out na kasi baka maunahan ka pa."

 

Natapos na ang klase at nautusan na naman ang grupo nila Irene na tulungan ang Dean sa pagdadala ng gamit papuntang office. Hindi rin nila alam kung favorite lang ba sila talaga o sa kanila gumaganti ang dean dahil baka may issue sa President. Pero okay lang, wala rin naman silang gagawin at gusto din naman nila tumatambay sa office.

"Irene, pwede ba pakibigay 'tong papers kay Ms. Kwon kailangan kasi mapirmahan 'to bago maipasa kay Ms. President."

"Sige po, Dean."

"Bumili ka na rin meryenda. Ito pera."

Napatingin naman siya sa mga kaibigan at natatawa pa nga sila sa kanya dahil nautusan na naman siyang bumili ng banana cue, "Sige po." Lumabas na si Irene sa office at binilisan ang lakad para matapos niya na mga pinapagawa sa kanya ni Dean Taeyeon. Matapos niyang maibigay ang mga papel kay Ms. Kwon, dumiretso na sa karinderya si Irene para bumili ng turon. Habang hinihintay maluto, may kumalabit sa kanya.

"Ginagawa mo?"

"Ah, nagpabili si Dean Taeyeon ng meryenda." Tumango-tango si Wendy at nanatili sa tabi niya, "May bibilhin ka ba?"

"Wala."

"Ah okay." Tumalikod na ulit siya para kuhanin yung mga turon at maglalakad na sana paalis.

"Irene."

"Hm?"

"...Pwede patulong sa homework?" Napakamot ng ulo si Wendy dahil sa dinami-dami ng pwedeng sabihin, yung magmumukha pa siyang iresponsable ang nasabi niya.

"Sige tara, papaalam lang ako. Hintayin mo na lang ako dito."

 

 

Kasalukuyang nakaupo si Irene sa loob ng kwarto ni Wendy at nagtingin-tingin sa paligid niya dahil iniwan siya saglit ng kaklase. Hindi niya naman inasahan na 'don sila pupunta dahil akala niya sa café lang na malapit o sa library. Naisip niya, sa sobrang mysterious ni Wendy, siya pa lang ang alam niyang nakapunta sa bahay nito. Siguro may lahing aswang 'to si Wendy at pagbalik niya ialay na siya sa mga kasama? De charot lang, poging ganda kaya ni Wendy.

"Sorry, may inasikaso lang ako." Nakabalik na pala ang babae at 'to naman si Irene hindi narinig na bumukas ang pinto dahil iniimagine niya ang aswang version na Wendy. "Hello?"

"Ay." Natawa siya na may halong kaba at napatayo sa kinauupuan, "Andyan ka na pala, ano ba 'yung papatulong mo?"

"Hindi ko kasi ma-gets 'to..."

 

"Ayan, gets mo na ba?" Nakangiting tanong ni Irene habang nagsusulat samantalang si Wendy nakatitig lang na parang siraulo. May mga tao talagang mas nagiging attractive kapag yung ginagawa nila forte nila. Hindi niya rin ma-explain pero gusto niya siya pinapanood habang nag-aaral o kaya nagre-report o kaya naman random lang ginagawa. Basta...nakakahanga siya sa paningin ni Wendy.
 

At natapos na nga 'yung homework kuno ni Wendy. Nag-aayos na si Irene ng mga gamit para mag-ready umuwi at yung isa naman hindi ready maiwan dahil kahit puro aral lang ginawa nila, ang saya lang na may kasama at may kausap. Kahit walang tigil si Irene sa mga kwento niyang random, masaya lang na nakikinig si Wendy. Yung iba kasi ang comfort katahimikan, samantalang si Wendy, ingay ang nagbibigay buhay sa mundo niyang ang karaniwan ay katahimikan.

"Uwi na--"

"Hatid na kita." Kinuha na nga ni Wendy ang susi ng kotse niya at hindi na nga pumalag si Irene dahil sino ba naman ang tatanggi sa free ride?

 

"Ikaw lang talaga nasa bahay niyo?" Tanong ni Irene habang si Wendy naman nakatingin sa stoplight.

"No, kasama ko yung ibang staff ng company namin. Wala lang sila kasi may something sa headquarters."

"Eh ang parents mo?" 

"Separated. I barely see my Mom because of our businesses and my Dad's not really in the picture anymore."

"Sorry, sensitive topic?"

Napangisi si Wendy, "ed up fam ang realidad ko ever since, parang nonsense na lang din maging sensitive pa sa topic na 'yun."

"Sorry ulit."

"Ano ka ba? Wala ka naman kasalanan." Natawa si Wendy at ipinarada ang sasakyan sa may paborito niyang tapsihan na malapit sa condo nila Irene. "Let's eat muna." Bumaba na nga siya at hindi rin naman inexpect ni Irene na pagbubuksan pa siya ng pinto nito na parang...jowa.

"Kumakain ka rin dito?"

"Oo favorite ko dito actually."

"Hala ako rin!"

Iniwan na nga niya siya at umorder na si Wendy para sa kanilang dalawa. Noong pabalik na nga at hawak na ang tray ng pagkain wala si Irene sa table. Ibinaba niya na ang pagkain at lumingon-lingon, nag-alala siya bigla dahil marami pa naman kawatan ngayon. Aabutin na niya ang phone sa bulsa pero may naglapag ng mini cake sa table nila. Nakangiti pa si Irene sa kasama habang sinasabi, "Ito na pala yung legit cake mo."

"Don't do that." Nerbyosong sabi ni Wendy, "Akala ko na-kidnap ka na or what."

"Sorry po. Sungit naman!"

"Tsk, 'ba 'yan, nag-alala pa ako." Iritang sabi nito at umupo na para magsimula kumain. 

Umupo na rin si Irene sa tabi niya at binunggo ang balikat nito habang natatawa, "Sorry na nga, grabe attitude ha." 

Kunwari lang siya attitude pero ang totoo, kinikilig talaga siya sa cake ni Irene. 

 

 

Makatapos ang weekend, maagang pumasok si Irene dahil kasabay niya ang Mom niya. Dumukdok muna siya sa desk dahil dalawang oras lang ang tinulog at pagod pa sa biyahe. Lalalim na sana ang idlip niya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sehun sa loob. Si Sehun yung kaklase niyang palaging nanghihiram ng notes, hindi naman sila mag-tropa pero sa kanya siya lagi nakikikopya. Ibinalik pa nga nito 'yung hiniram niya nung isang beses. Wala lang naman sa kanya 'yon, at mabuti na ang ganon kaysa naman sagot sa exam ang kopyahin sa kanya.

"Morning." Bati nito at may hawak pang kape.

"Morning." Sabi naman ni Irene. Tumabi sa kanya si Sehun kaya naman napa-ayos siya ng upo imbis na umidlip ulit.

"Inom ka oh, mukhang kailangan mo. 'Di ko pa nalawayan 'yan." Natawang sabi ng lalaki.

Kung hindi lang talaga siya puyat, hindi naman niya tatanggapin. "Thank you...Aga mo naman."

"Yeah, maaga na ako umalis ng bahay dahil mat-traffic na naman ako. Bingo na 'ko kay Dean kapag late pa ako."

Habang nag-uusap ang dalawa, bumukas ulit ang pinto at pumasok na sila Joy, Seulgi, Yeri at Wendy. Nagkatitigan na naman sila ni Irene ng ilang segundo at nabali lang ito dahil dumating din si Sana na hinatak agad si Wendy sa tabi niya.

"Hoy Sehun upuan ko 'yan." Sabi ni Sana.

Napakamot ng ulo ang lalaki at tumayo na nga sa kinauupuan, "Thank you ulit, Irene."

"You're welcome. Coffee mo pala." Itinuro niya ang paper cup kaya naman ngumiti si Sehun sa kanya.

"Just take it."

"Wendy dito ka na oh, wala naman nakaupo sa tabi ko." Halos ialay na ni Sana yung buong row sa kanya.

"Ayaw ko sa harap, dito na lang ako sa likod." Tumikhim si Wendy at dinig ito ni Irene kaya naman kumaway siya sa kanya. Tinanguan naman siya nito pero wala nang ibang sinabi. Hirap espelengin nitong Wendy na 'to, sa loob loob ni Irene. Minsan namamansin, minsan dedma amp.

"Hala mag-isa ka naman diyan." Tumayo nga ulit si Sana sa upuan at lumipat sa tabi ni Wendy.

Napatingin na lang si Irene sa kanya at nginitian naman siya ng kaibigan. Napatanong tuloy si Irene sa sarili kung kailan pa naging close si Sana at Wendy. Hindi naman lingid sa kaalaman ng grupo nila na crush ni Sana si Wendy at siya yung tipo na hanggang doon lang palagi dahil ang madalas niyang pinapatulan yung may gusto sa kanya, not the other way around. 

 

Matapos ang tatlong oras na klase, tumayo na ang mga estudyante para sa lunch break. Nilingon ni Irene si Sana at Wendy at nagtatawanan pa nga sila habang nag-uusap na parang may sarili silang mundo. Bakit ganon si Wendy sa kanya? Bakit ang friendly? Kay Sana akala mo sobrang close sila na ang natural mag-biruan. Bakit kapag siya, ang seryoso, may something na awkward pa nga sa kanila kapag magkasama at isa pa, nasusungitan pa nga siya ni Wendy. Pero ano nga ba 'tong iniisip niya? Hindi siya nagseselos, okay!! Oo happy crush niya rin kasi si Wendy, pero nauna na si Sana mag-declare. Tsaka bagay naman sila, ang dali pa nga nila nagkasundo. Siya na lang ang iiwas at magsasantabi ng nararamdaman.

 

Habang may pinipirmahan na mga papel, tumikhim si Pres. Tiffany at nagsalita, "Anak I heard may award ka na naman." 

"Ah talaga po?" Masaya naman si Irene pero alam niya na kasi ang kasunod na sasabihin ng Mama niya.

"Good job. Pagpatuloy mo lang, be a good student. 'Wag mo kaming ipapahiya 'di tulad ng Ate mo."

"Ma."

"Anyway, you should go. May meeting pa ako. Hindi pala ako uuwi sa condo."

Umalis na nga si Irene dahil nangingilid na naman ang luha niya. Hindi niya na napigilan kaya dumiretso siya isang room at doon umiyak. Hindi niya napansin na malapit doon si Wendy at nakita siyang parang bagyo na tumatakbo habang umiiyak.

"Irene?"

Tahimik lang siyang humihikbi habang nalalaglag ang mga luha.

"What happened?"

"Wala, I'm okay."

"Fine, don't tell me kung ayaw mo, pero hindi ako aalis dito until you stop crying."

"I'm fine, you should go."

"Dito ako sa labas ng room o papasok ako diyan?" Makalipas ang ilang minuto, nagpunas ng luha si Irene at nag-ayos ng sarili bago binuksan ang pinto. Bumungad agad sa kanya ang nag-aalalang mga mata ni Wendy. Dahil 'don, napaiyak siya ulit kaya niyakap siya ni Wendy habang hinihimas ang likod niya. "It's going to be okay."

"Sorry you had to see me like this."

"Napapadalas ang pag-sorry mo sa'kin kahit wala ka naman kasalanan. It's okay, lahat naman tayo may problemang pinagdadaanan and natural ang pag-iyak."

Napatitig si Irene sa mga sinserong mata ni Wendy at ilang segundo ang lumipas bago niya napansin na ang tagal pala nilang magkatitigan at magkayakap. Naalala niya ang dapat niyang pag-iwas sa babae kaya naman kumawala siya sa yakap nito at dumistansya. "Okay na ako. Naiyak lang talaga ako."

Ayaw pa niyang maniwala dahil kabisado niya ang itsura ng hindi totoong ngiti pero ayaw niya rin pilitin si Irene na magkwento kung hindi naman handa. "May kailangan ka ba? Anything?"

"Wala, thank you though. Uuwi na rin naman ako, umuwi ka na rin."

"Hatid na kita."

"'Wag na, maabala ka pa."

"'Wag ka na kumontra. Tara." Hinablot ni Wendy ang braso niya saka niya siya hinatak papuntang parking. Habang naglalakad sila sa walang katao-taong hallway, nakatingin lang siya sa kamay ng babaeng hawak ang pulso niya. Paano ba ang gagawin niya kung sa tuwing sinusubukan niyang umiwas, si Wendy naman 'tong gumagawa ng bagay na ikakarupok niya.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wenrenes
#1
Chapter 6: awww the tension ng wr and wendy and ryujin's fight😢 looking forward for the next update!
wendelushon
#2
parang 'di natin sure yung last line sa foreword ah 😌
paradoxicalninja
#3
mabilis ako makamiss haha so rereading 🥺
WenRene_77 #4
Chapter 6: double update pero ang shaket😭 thank u pa din sa update author💙💝
Ot5langlakasam
#5
Chapter 6: Ooooo goody two shoes gagii
paradoxicalninja
#6
Chapter 6: ansaket hahahahaha 🥲 andaming angst. sa part ni wendy more on fam and lovelife...kay irene naman friendship and lovelife 🥲

kelan po sasaya ang lahat dito lalo na ang wenrene ko 🥺
paradoxicalninja
#7
Chapter 5: damn the tension 🤐 also double update hahshshs thanks po 🥺
WenRene_77 #8
Chapter 4: irene, i hope it's not what im thinking😭💙💝
paradoxicalninja
#9
Chapter 4: cliffhanger hahshshshs irene pls 😭