Kulit 2.0
Pamilya Dimagiba
"Uy, Miki." Tawag ko. Lumingon naman siya habang dinidilaan ang ice cream na binili ko sa kaniya. "Paborito mo ba ang mint-choco ice cream?"
Agad naman siyang tumango. "Opo!"
Kumagat naman ako sa ice cream ko na mint-choco rin ang flavor. "Bakit?"
"Kasi po masarap!"
"Pa'nong masarap?"
"Bakit ang dami niyo pong tanong?"
"Ikaw? Bakit 'batit' ang bigkas mo sa bakit?"
"Eh~ 'Wag niyo po ako asar at sagutin niyo po tanong ko!" Aba, ang demanding naman nitong batang 'to.
Nagkibit-balikat nalang ako at kumagat sa ice cream ko na mint-choco rin ang flavor. "Trip ko lang."
Nakangusong tumango nalang siya bago nilantakan ulit 'yong ice cream niya.
Nandito pala kami sa park, tamang upo lang sa swing. Dumiretso kasi kami rito after bumili ng ice cream. Maganda rin kasi tumambay dito dahil presko lalo na't hapon na ngayon.
Uy, hindi ko kinidnap si Miki ah! Hiniram ko lang siya. At saka, nasalubong namin si Boss K kanina na pinalayas ni Mrs. Irene sa office.
Nagpaalam ako kay Boss K kung pwede ko bang mahiram si Miki at pumayag naman siya basta raw ba ibalik ko nang buo 'yong bata.
"Ay!"
Napatingin naman ako bigla kay Miki.
"Bakit?" Kunot-noo kong tanong.
"Hindi ko pa po pala alam ang name niyo."
Ahhh... Ngumiti ako.
"Ang name ko is August. Ang full name ko, Jimin Augustus Imperial. Ikaw, Miki? Ano full name mo?"
Dahil pa-ubos naman na 'yong ice cream niya, inubos niya muna 'yon bago siya sumagot.
"Ako po? Hmm... Mirion Kiesh po. Wala po me ilyedo kasi sabi ni tita Rene, niiwan lang po ako sa may pintuan tapos wala pangalan. Kaya po, sina Tita Rene at Tita Seul daw po ang nag-name sa akin." Bulol-bulol niyang paliwanag. Hiningal pa dahil masyadong mahaba ang sinabi niya tapos ang bilis.
"Full name lang naman ang tinanong ko, pero bakit ang dami mong sinabi? Hiningal ka tuloy." Saad ko bago buksan 'yong binili ko ring tubig at pinainom sa kaniya.
"Lupet naman ng pinangalan sa'yo nina Boss K. Minion. Sabagay, kamukha mo naman 'yong minions." Sabi ko at sinara 'yong bottled water matapos niyang uminom.
Oh, ba't ang sama ng tingin ng batang 'to bigla?
"Ba't gan'yan ka makatingin?"
"Mirion po ang name ko, inde minion! Tsaka, inde ko po kamukha 'yong minions! Kulay yelo sila, ako inde!"
Ngumiwi ako bago marahan pinat 'yong balikat niya. "Chill ka lang, bulinggit. Tsaka anong kulay yelo? Yellow 'yon, Miki. Hindi yelo."
"Eh~ Kayo po kasi ih~"
Napatawa naman ako dahil mukhang asar na asar na siya.
"Oh, mukha ka namang minion na nakasimangot."
"Inde nga sabi po ako mukhang minion ehhhh..."
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil namasa-masa ang mga mata niya.
Agad ko siyang kinarga. "Hoy, 'wag kang iiyak."
Kapag umiyak 'tong batang 'to, patay ako.
"Oo na, hindi ka na mukhang minions basta 'wag ka lang umiyak." Saad ko pero mukhang walang talab.
Sa sobrang taranta ko, kung ano nalang 'yong nasabi ko.
"Bibilhan kita bomba. 'Wag kang iiyak!"
Nag-tilt 'yong ulo niya. Mukhang na-curious at mukhang hindi na rin siya iiyak.
"Bomba?"
Okay na sana kaso, bakit bomba ang nasabi ko? Huhu...
Hindi ko na pwedeng atrasan 'to dahil baka umiyak siya nang tuluyan.
Tumango ako at walang nagawa kundi ang ibaba siya. "Oo. 'Yong ka-boom!"
Nag-action pa talaga ako gamit ang mga kamay ko ng pagsabog para naman mas dama niya.
Hindi ko alam pero nakita ko ang mga mata niyang kumislap. Mukhang mas yari ata ako ah.
"Tara na po! Bili na tayo!"
Patay talaga.
Tabingi akong ngumiti. "Ah eh, Miki... Bibili nga tayo pero hindi muna ngayon."
"Batit po?"
Bakit nga ba? Huhuuu...
"Ano kasi... Uhm, sa malayo pa kasi mabibili 'yon at hindi ka pa pwede ro'n. Palaki ka muna kasi bawal ang bulinggit do'n." Gumana ka, please.
Nakita kong ngumuso siya at umaasang tumingin sa akin.
"Paglaki ko po, bibili tayo?"
"Kung lalaki ka pa."
<
Comments