Empi and Ginebra
Pamilya Dimagiba
"Boom, plakda! Una ang mukha! Hahahaha!"
"Nakakainis kang yawa ka, huhuuu!"
Hindi na ako makahinga katatawa! Ang shunga kasi ni Ginebra San Miguel. Ang laki-laki na nga no'ng sanga, hindi niya pa nakita. Ayon, dumausdos tuloy siya sa lupa.
"Shunga ka kasi, kasalanan mo! Haha!" Natatawa ko pa ring saad.
Agad naman siyang tumayo habang masama ang tingin sa akin. Pinagpagan niya ang sarili niya. Sinubukan niya pang hawakan 'yong sugat niya sa may baba.
"Aray!"
Oh, 'di ba? Shunga talaga. Tsk, tsk.
"Darling koooo! Nadapa ako!"
Agad siyang tumakbo palapit kay Vivi na agad naman siyang binatukan kaya naman napahalakhak ulit ako.
Kawawang Ginebra San Miguel.
"Enough na nga. Look at your daughters, oh! Mas behave pa sa inyong dalawa!" Rinig kong saway ni Vivi.
Ito na nga po eh.
Nakakatakot din pala ang asawa ni Ginebra San Miguel.
Umupo si Nue at tumabi ako sa kaniya. Ang sama na rin kasi ng tingin ni Laloves. Ayaw ko namang mabugahan ng apoy, 'no!
"Kids! Come here!" Tawag ni Vivi sa mga bulinggit.
Nagsilapit naman 'yong dalawang bata sa amin. Ang kyut nila! Ang lalapad ng ngiti nila at ang sarap pisilin ng mga pisngi nila.
"Where do you both want to eat?" Malambing na tanong sa kanila ni Laloves.
"Hindi niyo ba kami tatanu–"
"Shut your mouth, Augustus."
Sige pi. Okay pi.
"Under si bonak." Bulong nitong katabi ko.
Sinamaan ko ng tingin si Nue bago ko siya pasimpleng siniko sa tagiliran. Tahimik naman siyang napadaing at ibinalik ang masama kong tingin.
Ulul. Deesurb.
"Pizza!" Magiliw na sagot ng dalawang bulinggit.
"Anything else?" Tanong pa ni Laloves.
"Ice cream!" Sabay ulit na sambit no'ng dalawa.
'Yong totoo? 'Di ko alam kung nag-usap ba 'tong dalawang bulinggit na 'to o sadyang magka-konekta lang 'yong mga utak nila eh.
"Okay! Tara, let's tidy our things so we can eat na." Saad ni Vivi at masaya namang sumunod sa kaniya ang mga bata.
Kami ni Nue ay tumulong na rin sa pagliligpit.
"Gusto ko ng pineapple pizza."
Nandiri ako sa narinig ko.
"Kadiri ka naman, Nueco. Piña? Sa pizza?" Nanghuhusga ko siyang tinignan.
Umirap siya. "Pake mo ba? Respect my opinion nalang."
"Pangit ng taste mo."
"Darling ko! Ang pangit daw ng taste ko sabi ni Empi Lights!"
Hala!
"Anong sabi mo, Imperial?"
Tabingi ako ngumiti kay Vivi. "Taste sa pizza kasi, Vivi. Chill ka lang diyan, hehe."
"Siguraduhin mo lang." Ipinagpatuloy na ni Vivi ang pagliligpit.
Nakita ko namang binelatan ako ni Nue. Edi wow. Mamaya ka sa'kin, sumbungerang hilaw na hapon.
Napansin kong nakangiti si Laloves. Alam ko na 'yan. Nagpipigil ng tawa 'yan.
Haha. Sakit naman. Pero sige, kung diyan siya masaya, hahayaan ko nalang siya.
"Huy, huy! Nakshie ko, hindi gan'yan!" Saway ni Nue sa bulinggit niya.
Basta-basta lang kasing pinaglalalagay ni Dandi 'yong mga gamit nila ro'n sa picnic basket na dala nila.
Napatingin naman ako
Comments