Orientation Day 2

Not Just A Chapter In Your Book
Please Subscribe to read the full chapter

Saiji's Pov

Mukhang natutulog pa ata yung magaling kong best friend, magkapitbahay lang kami at kilala na ako nila Tita at Tito parang anak narin turing nung mga yun sakin. 

Umaga pa lang pero andito nako sa harap ng bahay nila Rave. Di talaga excited yun sa Orientation Day kaya grabe yung gulat ko nung may natanggap akong text galing kay bakla na bilisan ko daw pumunta sa kanila para sabay kami pumunta ng maaga sa school.

Pagkadating ko sakanila bumungad sa akin si bes na bihis na at nakaupo lang sa couch habang naglalaro sa phone niya.

"Good morning, andito na ang pinakamaganda niyong anak!" Bati ko pa sa kanila, natawa lang sa akin sila tita. 

"Bes, di ka ba nilalagnat? Akala ko ba sabay kayo ni Kiro papunta sa Orientation day?" Tanong ko sa kanya habang kumakain, inaya kasi ako ni Tita kumain ng breakfast. Kahit nakakain na ako hindi ako hihindi sa grasya kaya nakaupo lang si Ravyn sa harap ko habang hinihintay akong matapos kumain.

"Baka ikaw ata yung nilagnat, bes. Alam kong plano mo hindi pumunta sa Orientation Day, kasi paulit ulit na lang every year."

"Ang boring kaya, walang pinagbago. Magaanounce lang tapos tour around the school."

"I've heard na may gagawin sila on this Orientation Day."

"Saan mo naman yan narinig ha?" Tanong ko, di naman kasi siya palakausap ng iba maliban sa aming magkakabarkada. So, I doubt if nalaman niya yan from someone sa ibang tao.

"Just here and there." She said and shrugged. 

"Ma, Pa, Alis na po kami ni Saiji." Paalam niya kila Tita at hinalikan pa niya yung dalawa sa pisnge bago kami umalis.

"Osige, Magingat kayo. And Ravyn anak, yung Ate Robin mo nagtext sa akin na di mo pa daw kinakausap. Mukhang nagtatampo sayo, anak." Habol pa ni Tita, tumango lang si Bes sa sinabi ni Tita. Nagpaalam rin ako sa dalawa bago kami lumabas ng tuluyan papuntang sasakyan niya.

"Bes, bat ang aga mo ata?"

"Parati naman akong maaga?" 

"Hindi, eh. May iba talaga sayo today, bes." Sabi ko habang sinusuri mukha ni bakla. 

"Guniguni mo lang yan. Bili muna tayo ng coffee, inaantok pa ako." 

Madali lang naman kami nakabili at umalis agad papuntang school. Hindi ata nawawala kay Ravyn yang bean juice daw, ewan ko ba jan ba yan yung tawag niya sa coffee.

At mas hindi nawala yung bulungan ng mga tao about kay bes nung paglabas namin ng sasakyan. Syempre di mawawala pangalan ko sa bulungan ng mga chismosa dito sa school, ang aga pa pero andami na ng tao dito. Di naman halata na excited sila sa pagpasok sa school, kami lang ata yung hindi excited, eh.

"Maya maya pa yung mga bugok pupunta."

Tumango lang ako at hinila siya papuntang cafeteria.

"Doon muna tayo caf, bes." 

Hinayaan niya lang ako hilahin siya papuntang caf, pagkapasok namin nakita kong napatigil siya.

"Huy, bes." 

"Noxxie!" Napatingin ako sa sumigaw, it was none other than Xylo Saavedra na nakangiti at kumakaway samin or kay bes lang. Tinignan ko naman agad yung kasama ko para makita yung reaction niya.

Shuta, mga bakla! Nakangiti at kumaway pabalik si gaga.

Mamaya talaga tong babae sa akin, at hinayaan niya lang na tawagin siya sa second name niya. Ang unfair netong bruhildang 'to. 

"Ikaw bes ha. Ngayon ko lang di naalala, nanghihina ako pagwalang chismis. Need mo magkwento sa meeting niyong dalawa."

"Oh bakit na naman? At walang nangyari nagmeet lang kami at kumain yun na yun."

"Ano ba yan, ang boring mong magkwento."

"Eh, sa totoo naman yun lang ginawa namin,"

"Alam mo, Halika maghi tayo sakanya,"

"Gago, nakakahiya. Tigilan moko, Saiji." 

"Halika na," Umiling iling pa siya pero wala na siyang magawa kasi hinila ko na agad siya papunta sa table ni Luxian.

"Hoy, bes lika dito!" Nakatayo lang kami kaya pumunta ako kay Ms. Saavedra.

"Ako nga pala si Saiji Ning Javier, pinakamagandang bestfriend netong bugok na 'to, and you're Xylo Saavedra," Sabi ko. 

Nakita ko yung gulat sa mata niya, tinignan niya pa si bes bago bumaling sa akin ng tingin.

"Oh, uhm...It's nice to finally meet you, Sai. Just call me Lux na lang," She said with a smile pa habang natatawa ng onti.

Grabe naman 'to si ate niyo ganda, Tinalbugan yung beauty ko. Alam kong maganda ako, pero iba yung beauty netong babaeng 'to. Di ko kinakaya yung ngiti niya at tawa niya, ang ganda talaga. Nakakabakla, kaya di ko masisisi si bes kung crush niya 'to. 

"Pinagsasabi mong maganda, bes? Di ko naman nakikita," Sabi bigla nung kupal.

"Magaganda lang kasi nakakakita ng kagandahan ko, di ka part nun," Balik kong sabi, "At ang sabihin mo, di lang ako maganda kasi nakatabi mo si Lux," dugtong ko pang asar sa kaniya.

"Saiji!" Diin niya sa pangalan kong habang nakatingin sa akin na nakabusangot na at parang sinasabing tigilan ko.

Minsan ko lang 'to maasar, kaya dapat igrab niyo yung opportunity.

"Oh bakit? Luh, so di maganda si Lux?" asar ko pa.

"I never said that!" Kita ko yung pagsalubong nung mga kilay niya. Nakatingin siya sa sakin ng masama, nagmukha tuloy siyang bulldog na galit. 

Kita ko rin yung mapaglarong ngiti sa labi ni Lux habang nakatingi kay bes, at mas kuhang kuha ko rin yung pagsulyap ni bakla kay ate ganda. Nakakaenjoy pala makita yung paglaki ng mata at pagiwas ni bes kay Lux.

Nagpapanic na 'to for sure sa utak niya.

Tinignan ko siya ng mapangasar. Di pa tayo tapos, bes.

"So, inaamin mo ng mas maganda si Lux sa akin?" tanong ko at mas nilapit yung pagkaupo ko sa kanila.

"Wala pa akong sinsabi, Sai. And yes, Xian is pretty, she's pretty just by simple existing and breathing beside me." Sabi ni bes, mukhang di narinig ata ni Lux yung narinig ko. At mukhang di niya naman ito inabala pang alamin. "Pero saan muna yung ganda na sinsabi mo?"

Bakit ko nga ba bestfriend 'to?

"Okay, tanggap kong mas lamang si Lux ng dalawang paligo sa akin. Pero di hamak na mas maganda ako sayong etchoserang gay frog ka!" 

"Hoy, mahiya ka nga sa kasama natin. Ang ingay ingay mo, bes" Sabi pa niya na parang nahihiyang napasulyap sa katabi.

Bading kang tunay, bestfriend.

"It's okay, Noxxie. Nakakatuwa nga kayong panoorin eh. And please, you're prettier than me, Sai." Nagsalita bigla si ate ganda. 

Oh, narinig niyo yon. Sinabihan akong mas maganda daw ako sa kanya. Bow down to me, mga slapsoil. Ang isang Xylo Saavedra, sinabihan akong maganda.

"Yun naman pala bes, eh! Mas gusto ko na si Lux kesa sayo, narinig mo yun? Maganda ako!" Sabi ko at naghairflip. 

Umirap lang si gaga sa akin.

"Ewan ko sayo, bes."

Rinig ko pa yung tikhim ni bes. Kaya nakinig at nanood sa dalawa.

"I thought you don't like being early, Xian."

Xian? Bongga may nickname na sila sa isa't isa. 

"I blame the excitement, mas naunahan ko pa nga yung alarm clock kong magising. Inaanotok pa ko, but I couldn't go back to sleep anymore, Noxxie." Kita ko yung paghalumbaba at yung pagkanguso ni at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
_WinPugo
Jusko Naevis, Di na ako matutulog. May pupuntahan pa pala ako, now ko lang nalala nung narinig ko yung tilako nung manok. Thank you sa nagbabasa, di ako sure when next update. Random ako magupdate eh.

Comments

You must be logged in to comment
malet99 #1
Chapter 7: thanks po sa update

nakailang balik din ako sa chapter, nawawala ako sa kung kaninong POV na yung Linya...
EzraSeige
#2
Chapter 6: Naks 💚 green flag 🏳 na 💚 green flag 🏳 ang datingan rayvn 🖤. Naway lahat nalang Noxxie x Xian lang SakaLaM 💙❄
Emgeelex
#3
Chapter 6: 🥺🥺🥺
jysowee
#4
sino po si ravyn at sino po si xylo? for clarification lang haha
ChaennieHubby
#5
Chapter 1: Kawawa, natawag pa ngang kapre 😂
ske3p-er #6
Chapter 1: kapre at dwende? eme