Yes Or Yes

Not Just A Chapter In Your Book
Please Subscribe to read the full chapter

(W) Ravyn's Pov

Hindi ko maiwasan mainis, yung phone ko kanina pa panay vibrate at notify. Hindi pa naman yun nakasilent or in do not disturb mode.

 

 

Nagiingay rin yung gc namin.

 

 

Kiro: Labas tayo, ang boring dito sa condo.

 

 

Saiji: San naman?

 

 

Echo: Hindi ako pwede, may gagawin pa ako.

 

 

Kiro: Sige na, mga chong. Parang mabubulok na ata ako dito sa condo ng wala sa oras.

 

 

Saiji: Matagal ka nang nabulok, Ro.

 

 

Hazriel: Kaya pala amoy basura ka, pre.

 

 

Kiro: Tangina niyo. Nasan si Paps?

 

 

Echo: Ligo ligo din, Jo. Kaya ayaw ka sagutin ni Kinsley, eh.

 

 

Kiro: Pakyu, Ech.

 

 

Saiji: Tulog pa ata.

 

 

Kiro: @Ravyn

 

 

Ravyn: Oh?

 

 

Hazriel: Paps, labas tayo. Sabi ni Ro.

 

 

Ravyn: Ayoko, kayo na lang. Gusto ko pang matulog.

 

 

Exactly, how did I get in this situation? If you’re gonna ask, andito ngayon ako sa isang cafe at kaharap ko yung taong nambulabog nung tulog ko, nakangiti.

 

 

Yung kapreng maingay.

 

 

Plano ko sana matulog lang buong magdamag, since tomorrow yung orientation day.

 

 

Balik tayo sa una.

 

 

The moment I woke up, my phone was filled with messages coming from her.

 

 

Akala ko nung una namalik mata lang ako kagabi. The moment I read her messages, the three dots of bubbles pop up, indicating na nagtatype siya.

 

 

Lux: Good morning, Miss Liit!

 

 

Rave: Good morning…?

 

 

Lux: You remember me, right? Ako yung bumalik nung wallet mo kahapon.

 

 

Rave: Oh, yung kapreng maingay sa pila.

 

 

Lux: Excuse me, I’m not maingay and I’m too pretty to be called a kapre.

 

 

Napatawa ako ng mahina, ang hangin ha. Umabot na hanggang dito, pero di naman siya nagkakamali, she’s very pretty.

 

 

Rave: Ang ingay mo kaya nung kahapon sa linya, onti nalang dudugo na tenga ko sa ingay mo.

 

 

Lux: Excuse me? I wasn’t that loud kahapon.

 

 

Rave: You were though. But how did you find my acc?

 

 

Lux: I have my sources.

 

 

Napaisip naman ako agad, sino kaya sa mga bugok na yun nagbigay nung acc ko?

 

 

Rave: So, what brings you here?

 

 

Lux: Ikaw.

 

 

Rave: What about me?

 

 

Lux: You just caught my attention.

 

 

Rave: Ay, crush mo ako noh?

 

 

Lux: Ang kapal mo banda diyan.

 

 

Rave: Pero nakaabot ka sa dms ko.

 

 

Lux: Bakit, di ba pwede?

 

 

Lux: Baka ikaw yung may crush sa akin, I clearly remember you staring at me, kahapon.

 

 

Rave: Ikaw ata tong makapal, hano? Nacurious lang ako kung sino yung malapterodactyl na sumigaw nun.

 

 

Lux: Ouch, Natawag na nga akong kapre tapos pterodactyl naman ngayon.

 

 

Rave: I wasn’t calling you one, sinabi ko lang that you sounded like a pterodactyl yelling. And stop calling me miss liit.

 

 

Rave: I’m Ravyn Noxx Alegre, you can call me Ravyn.

 

 

Lux: Hindi pwedeng imine?

 

 

Lux: Kidding.

 

 

Lux: I’m Xylo Saavedra, friends usually call me Lux or Xy pero you can call me Mine. ;)

 

 

Rave: Kita mo, crush mo talaga ako, eh.

 

 

Lux: Whatever, Let’s go out.

 

 

Ang bilis naman neto. Pero ayoko talaga lumabas just for today. Kaya sinabi ko na lang na busy ako.

 

 

Rave: I’m busy.

 

Lux: Are you sure? Come on, minsan lang ako nangyayaya. Libre ko. Meet me in this cafe. See you, Noxxie.

 

 

Lux: [sends location]

 

Napailing nalang ako, noticing what she called me. This girl is surely interesting and this meeting will surely be also one.

 

Rave: Okay.

 

Wala na akong nagawa kundi magbihis at agad nagdrive papunta sa location nung sinend niya. Ako una nakadating, I didn’t want to be late. And right now, I’m here at this cafe, sitting with her.

 

I was the one to order kaya ako na lang rin bumayad, even though she was the one to invite me out at nagsabi na libre niya. Nahiya pa nga siya. But I insisted, nakasanayan ko na.

 

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain siya, yung totoo bakit ata lahat ng gawin ng babaeng ito ang ganda tignan.

 

“Nox.” I blinked, a little bit taken aback di ako sanay tawagin sa second name ko. Wala rin naman tumatawag sa akin nun. And I didn’t want anyone calling me that name. Pero ang sarap pakinggan pag galing sa kanya.

 

“Yes?”

 

“Your phone, kanina pa nagvivibrate.” Napakunot noo akong tumingin sa phone ko, yung mga bugok nagiingay sa gc. I immediately turn it off at tinago muna.

 

“Hayaan mo, they can wait. Sorry about that.” I said at ngumiti, inayos upo ko.

 

“And rather than, Nox. Call me, Rave.”

 

“So, bakit mo ako inaya dito?”

 

“I just felt like it,” She innocently said and shrugged.

 

“Alam mo ikaw, nangaaya ka lang. You don’t know me that well, what if may masama pala akong balak sayo? What if masama pala akong tao?” Nakita ko pa kung paano siya nakatingin sa akin, she looked amused as she drank her coffee.

 

“Well, may balak ka ba?” Tanong niya.

 

“Wala, but that’s not the point, I’m still practically a stranger, Xian.”

 

“Yun naman pala, eh. And you’re no stranger, I already know your name. Besides, kung meron ka mang balak gawin sa akin, wag di pa ako ready sa matured roles, direk.” Sabi pa niya bago tumawa.

I just shook my head.

Ang kulit talaga.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
_WinPugo
Jusko Naevis, Di na ako matutulog. May pupuntahan pa pala ako, now ko lang nalala nung narinig ko yung tilako nung manok. Thank you sa nagbabasa, di ako sure when next update. Random ako magupdate eh.

Comments

You must be logged in to comment
malet99 #1
Chapter 7: thanks po sa update

nakailang balik din ako sa chapter, nawawala ako sa kung kaninong POV na yung Linya...
EzraSeige
#2
Chapter 6: Naks 💚 green flag 🏳 na 💚 green flag 🏳 ang datingan rayvn 🖤. Naway lahat nalang Noxxie x Xian lang SakaLaM 💙❄
Emgeelex
#3
Chapter 6: 🥺🥺🥺
jysowee
#4
sino po si ravyn at sino po si xylo? for clarification lang haha
ChaennieHubby
#5
Chapter 1: Kawawa, natawag pa ngang kapre 😂
ske3p-er #6
Chapter 1: kapre at dwende? eme