Tulog Na Tayo

Huling Takbo
Please Subscribe to read the full chapter

 

medj short ud muna : * 

 

Irene

 

Inabot ng hapon ang event dito sa school dahil may pa victory party pa ang nangyari sa oval, sobrang saya ng party after ng TFR. 

 

 

May libreng drinks at snacks kanina sa party at may mga tugtugan pa. Sobrang daming students ang nakisali sa libreng victory party after umuwi ng mga taga ibang school. 

 

 

Kaming magkakaibigan ay hindi na rin umuwi at naki join sa victory party kasi kaibigan namin yung mga players kanina. 

 

 

"Dinner na tayo sa Jollibee, tapos uwi na tayo." Yakag ni Seulgi na naka-akbay pa kay LIsa. 

 

 

Paalis na kami ng school dahil patapos na rin ang party, grabe kapagod sumayaw at kumain at the same time. Buti nalang may taga kuha ako ng snacks kanina. 

 

 

Yung tinatawag na blue-blood cheetah ng Makilon ay taga kuha ko lang ng snacks kanina. Kahit busy si Vantot kanina makipag chikahan sa mga ibang students ay pinapakuha ko siya ng snack ko.

 

 

Sunod lang naman siya at hindi umaangal. 

 

 

Ngayon ay hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami paalis ng school tapos sa kabila naman ay ang duffle bag niya, nakapagpalit na siya ng damit dahil pawis na pawis siya kanina. Wala akong dala na extra kasi hindi ko akalain na may pa victory party pa pala after ng event. 

 

 

Nauna na umuwi kanina si Eunbi, Byul at Yeri dahil may ibang lakad ang tatlo. Kami nalang naiwan ni Jennie kasama sila Seulgi, Lisa at Vantot. 

 

 

Naramdaman ko ang pag pisil ni Vantot sa kamay ko, napatingin ako sa kaniya. 

 

 

"Gutom ka na?" Malambing na tanong niya. 

 

 

Umiling ako, busog pa naman ako kahit snacks lang kinain namin kanina. I also enjoy the party masyado kaya hindi ko ramdam ang gutom ko. 

 

 

"Hindi mo ba ako tatanungin Van?" Kantyaw ni Lisa kay Vantot. Narinig niya ata si Vantot. 

 

 

"Si Jennie nga hindi ka tinanong, e. Ako pa kaya." Natawa naman kaming lahat sa sagot ni Vantot. 

 

 

Kawawa talaga si Lisa sa mga kaibigan niya, jusko. 

 

 

Sumakay kami ng trike para tipid sa pamasahe at saka ayaw na namin maglakad, medyo malayo rin yung Jollibee dito kaya sasakay nalang kami. 

 

 

Hiwalay kami ng trike, kasama ko si Vantot sa isang trike tapos yung tatlo ay nasa isa pang trike. 

 

 

Hindi pa kami umaandar kasi nag-iintay pa si Kuya ng isa pang pasahero na uupo sa likod niya. 

 

 

"Galing ko ba kanina?" Tanong ni Vantot. 

 

 

"Pwede na." Sagot ko at bigla niyang hinampas ang tuhod ko. 

 

 

"Ano? alangan naman mag sinungaling ako." Inis na sabi ko sa kaniya, nagulat ako kasi bigla niya akong hinampas. 

 

 

Umiling nalang siya sa akin at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. 

 

 

Kinilig ako. 

 

 

Jusko.. 

 

 

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko, mabubuking ako ng wala sa oras nito. Chinat ko na si Mommy kanina na may spotaneous na lakad kami kasama ang mga kaibigan ko. Pumayag naman siya agad ng sinabi ko na kasama ko si Vander. 

 

 

"Anong oras ka pinapauwi ng Mommy mo?" Tanong ni Vantot. 

 

 

"Wala naman siyang sinabi, she just said na umuwi ako."

 

 

Tumango naman siya.  

 

 

"Pwede ka ba mag sleepover sa amin? "

 

 

Napa lingon ako sa kaniya at mukha naman siyang seryoso. Lumingon din siya sa akin and she smiled. 

 

 

"Im not sure.." 

 

 

Sumilip pa siya sa labas ng trike bago nilipat ang tingin sa akin. "Gagabihin na kasi tayo, and medyo malayo yung Jollibee na kakainan natin pero malapit lang siya sa amin." 

 

 

Naramdaman ko ang pag-init ng tainga ko, sobrang lapit lang ng mukha ni Vantot. 

 

 

"T-tanungin ko nalang si Mommy kung pwede ako." , nautal pa ako pero sana hindi niya napansin. 

 

 

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang ngumiti sa akin. 

 

 

Napako lang ang tingin ko sa mukha niya, i feel her thumb caressing the back of my hands. 

 

 

"You look tired." Sambit ko. 

 

 

Kita sa mata niya ang pagod. 

 

 

She look away at napako ang tingin niya sa duffle bag niya na nasa paahan namin. 

 

 

"Kaya i'm asking kung pwede ka mag sleepover sa amin kasi hindi na kita mahahatid sa inyo." She weakly smiled. 

 

 

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mommy. 

 

 

 

"Nasa house na ako Revi, tapos na kayo kumain?" 

 

 

"Hindi pa po, papunta palang po kami." 

 

 

"Mommy.. can i sleepover kela Vant-der?"

 

 

Napatingin sa akln si Vantot. 

 

 

"Hmmm..sinong kasama niyo?" 

 

 

"Wala po, uuwi rin po ako agad sa bahay." 

 

 

"Payagan mo na po Tita, kilala ko naman po si Ate Vander." 

 

 

Narinig ko si Karina sa kabilang linya. 

 

 

Kaka talaga masyadong love ako. 

 

 

"Okay but make sure na uuwi ng maaga bukas ah?" 

 

 

"Opo." 

 

 

 

Hindi naman masyadong strict si Mommy when it comes to me na may mga gala kasama ang kaibigan ko, kahit pa dati ay pinapayagan niya ako. 

 

 

Naalala ko nung grade 8 ako na minsan ay inabot na kami ng madaling araw nila Baek at Chae dahil ang hirap sumakay, after yata iyon ng birthday nung classmate namin. My mom didn't scold me, pinasundo pa nga kami kay Tito dahil hirap kami sumakay. 

 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
smorph
wahhh 2k views naaaa and 12 upvotes and 140 subs ebarggg gumaganern na ang Huling Takbo, enjoy the new chap hehe!!

Comments

You must be logged in to comment
Ot5langlakasam
#1
Chapter 11: Woi may nararamdaman ako kakaiba........
hyehye29
#2
Chapter 11: hmm parang may something emz
mellifluouswan
1706 streak #3
Chapter 11: SHET BAKIT AMOY KAFEDERASYON ANG DADDY NI REVI HDHCJDJS
juhyuneeeee
96 streak #4
Chapter 11: teka bigla akong kinabahan sa daddy ni revi 😳
Paparapakyaw #5
Chapter 11: Ay mhie tatay mo amoy bambiniiii~~~~
mellifluouswan
1706 streak #6
Chapter 10: ang kilig ko naman kila Vantot at Revi huhuhu pero sila Rina at Minjeong awit. Kala ko si Ryujin betsung ni Rina. Nangangamoy selos awit
hyehye29
#7
Chapter 10: agshssjksksg kilig sheeems huhu sanaol fuuu
Paparapakyaw #8
Chapter 10: Naks ang sweet haha putangina kainggit
Ot5langlakasam
#9
Chapter 10: Hayst. Rodlt when naman po ako??😔😔✊✊
EzraSeige
#10
Chapter 10: Naurr 😏🥰❤💙