Master Irene To The Rescue

Huling Takbo
Please Subscribe to read the full chapter

 

note: i'm not familiar with manila so please bear with me, i decided to use an imaginary place para mas control ko ang daloy ng story. yun lang! 

 

 

Wendy

 

 

"Bagong ligo ang Bear na iyan achuchu~" 

 

 

Pinunasan ko ng towel si Bear yung ulo niya papunta sa buntot niya at ayan malinis na siya at mabango. Kanina ang daming dumi sa balahibo niya tapos may grasa pa yung nguso niya, ngayon wala na.

 

 

"Saan galing 'yang tuta na iyan?" 

 

 

"Nakatambay lagi sa tapat ng karinderya kaya kinuha ko kasi kawawa naman saka naging close na kami nito, e." Sagot ko kay Woodz. 

 

 

Lagi kasing nakatambay itong tuta na ito sa karinderyang pinapasukan ko kada sabado at linggo. Doon na nga natutulog minsan kaya sinabi sa akin ni Nanay Loreng na kuhain ko na lang daw yung tuta kesa laging tumatambay sa karinderya para naman hindi na palaboy-laboy at baka kung ano pa ang mangyari. 

 

 

May alaga akong aso dati kaso namatay na, ngayon ay may bago nanaman akong aalagaan. Handa naman akong alagaan si Bear at maging responsableng amo niya kasi napamahal na ito sa akin kahit minsan ko lang makasama kasi lagi siyang nasa karinderya.

 

 

"Anong pangalan? Herb?" 

 

 

"Bear, tanga."

 

 

"Bear ang pangalan pero aso." Natatawang sabi ni Woodz. 

 

 

"Eh bakit ikaw Woodz pangalan pero hindi ka kahoy." Rebat ko.

 

 

"Bear ang pinangalan ko kasi pwedeng maging Bearonica or Bearinda, oh diba! ang talino ko." 

 

 

Napailing nalang si Woodz sa sinabi ko. Sarap kaltukan ang bwiset. Maganda naman idea ko 'di ba? saka ako naman yung amo ni Bear at karapatan ko na pangalanan siya sa kung anong gusto ko. Ang cute kaya ng bear. 

 

 

"Bili ka na ng ulam natin. Aalis ako mamaya at isasama si Bear para naman makagala siya." Utos ko kay Woodz. 

 

 

"Saan ka pupunta? Loh hindi mo ako isasama?" 

 

 

"Walang tatao sa bahay kapag sumama ka. Diba nakabili ka na ng school supplies mo para sa lunes?" 

 


Malapit na ang pasukan at wala pa rin akong nabibiling gamit pero may backpack na ako, ang kulang nalang talaga ay yung mga ballpen and notebooks at yung iba  pang gamit. Pupunta nalang ako sa mall tutal may NBS naman doon at para rin makagala si Bear. Bibilhan ko na rin siya ng tali, diaper at syempre laruan.

 

 

Oo nga pala, nakalimutan ko. Si Woodz at ako ay half siblings, magkaiba kasi kami ng nanay pero dahil hindi siya kayang alagaan ng nanay niya ay napunta siya sa amin. Ang nanay ko naman ay namatay dahil sa aksidente noong bata pa ako at ang tanging tatay nalang namin ang nagtataguyod sa amin na nagtatrabaho sa barko. Pinapadalhan niya kami ng pera pero iniipon kasi namin ni Woodz at hindi namin ginagastos masyado kaya sumasideline ako sa karinderya ni Nanay Loreng. 

 

 

Si Nanay Loreng kasi yung tumulong sa amin nung napunta kami dito sa Manila kaya malaki ang utang na loob namin sa kaniya, kaya sa simpleng pagtulong ko sa karinderya niya upang maging waiter sa karinderya niya kada sabado at linggo kasi malakas ang karinderya kada weekend. 

 

 

Hindi naman kasi ako pwedeng buong linggo nag tatrabaho kasi isa ako sa mga student-athlete sa school namin. Ayaw ko rin na maalis ako sa pagiging honor student dahil lang sa pagtatrabaho. 

 

 

 


 

Ay gago, nakalimutan ko na hindi pala nagpapasok ng hayop dito sa loob ng NBS. 

 

 

"Bear ano? iiwan muna kita dito saglit." Tinignan ko si Bear na naka-upo sa lapag. 

 

 

Ginamit ko muna kay Bear yung tali nung dati naming aso, medyo maluwag nga lang kay Bear pero okay na iyan.

 

 

Paano na ba 'to? hindi ko naman pwedeng iwan dito si Bear kasi baka paalisin ng guard. Dapat pala pinasama ko si Woodz. 

 

 

Ay wait! alam ko na!

 

 

"Halika Bear, punta tayo sa iba." 

 

 

Naalala ko sa Pandayan ay nagpapasok ng alagang hayop, doon nalang ako bibili.

 

 

Nakapasok nga kami sa loob ng Pandayan at tumingin na ako ng mga gamit. 

 

 

Notebook? Check.

 

 

Eraser? Check? 

 

 

Kumuha na rin ako ng ruler para naman sure. Napagod na nga si Bear kakalakad kaya binuhat ko nalang siya habang tumitingin pa ako ng ibang gamit. Ang cute niya matulog, nang gigigil tuloy ako at gusto kong kurutin ang pisngi niya.

 


Ano pa bang kulang ko? Ah! ballpen, oo nga pala.

 

 

Maganda naman yung ibang brand pero mas gusto ko talaga yung Flexstick lalo na kapag 0.7 na Flexstick na kulay black, Naku mas nakakagana mag-aral. 

 

 

Oh tamang tama, isa nalang yung natitira. 

 

 

Chineck ko kung may tinta tapos nilagay ko na sa basket. 

 

 

Paano kung maubusan ako ng tinta? 

 

 

Kinuha ko nalang yung Panda na nasa tabi nito, no choice mga pare, ubos na flexstick. 

 

 

"Wala ng Flexstick , Ka?"  

 


"Oo ate Revi eh, ano Panda nalang ba?" 

 

 

"Ayoko ng Panda, e." 

 

 

Pinaparinggan yata ako nung katabi ko na dalawang babae. Tinignan ko yung ballpen na nasa basket na nilagay ko kanina. Hays...

 

 

Ibinalik ko nalang yung ballpen na panda at pumunta ako sa counter para bayaran yung binili ko. Bumili nalang ako ng pilot para naman may pangreserba ako. 

 

 

Hindi ko isusuko yung flexstick ano! 

 

 

Hindi naman sa madamot ako pero kasi ako yung nauna, e. Hindi ko naman kilala yung mga babae na 'yon at kahit mukha nga ay hindi ko nakita, at isa pa malay ko ba na gusto niya rin yung Flexstick edi sana hindi ko nalang kinuha pero dahil nga hindi ko kilala sila ay hindi ko iggive up yung Flexstick na iyon.

 

 

 

 

 

"Isang kanin pa nga po!"

 

 

Agad akong nagsandok ng kanin sa kaldero at nilagay sa maliit na mangkok tapos naglakad nang mabilis papunta doon sa table ni kuya. 




"Salamat po ate." Pasasalamat nito. 

 


Bumalik na agad ako sa kusina para iluto yung porkchop at ilagay sa counter mamaya. Maraming umoorder nito kada tanghali. Si Nanay Loreng naman ay nandoon sa counter at nagbabantay. Hindi kasi ako nakatoka ngayon mag waiter kasi si Kuya Chen yung pumalit sa akin. 

 

 

Pinagluto ako dito sa kusina ng porkchop at taga bigay ng kanin kapag may gusto pang umorder. Wala kasi si Ate Maria, yung apo ni Nanay Loreng na taga luto dito kasi manganganak na kaya ako muna taga luto pansamantala.

 

 

Malakas kasi ang benta ngayong umaga palang kaya't sobrang abala kami sa ginagampanan namin na trabaho. 

 

 

Luto na yung porkchop at dinisplay ko na doon sa counter bago umupo saglit kasi nangalay ako kakatayo pa kanina.

 

 

"Dalawang order nga po Nay Loreng sa laing ."

 

 

Nanay pala ni Minjeong at kasama si Minjeong ang umorder nung laing, Ako nalang nag asikaso nung order nila kasi may inaasikaso na costumer si Nanay Loreng.

 

 

"Dito po ba kayo kakain or ibabalot?" 

 


"Balot nga Wendy." Sagot ni Ate Minji. 

 

 

"Ay oo nga pala Wendy, may alam ka ba na pwedeng salihan ni Minjeong? yung singing contest ganon." 

 

 

Ang tagal ko na kasing hindi sumasali sa mga contest simula nung naging student athlete ako sa school namin. Mas nag focus ako sa pagtakbo kesa sa pag kanta dahil nga sa pagiging sprinter ko. Ngayon lang ako napahinga kasi bakasyon at sa lunes ay simula nanaman ng karera ng buhay ko. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
smorph
wahhh 2k views naaaa and 12 upvotes and 140 subs ebarggg gumaganern na ang Huling Takbo, enjoy the new chap hehe!!

Comments

You must be logged in to comment
Ot5langlakasam
#1
Chapter 11: Woi may nararamdaman ako kakaiba........
hyehye29
#2
Chapter 11: hmm parang may something emz
mellifluouswan
1689 streak #3
Chapter 11: SHET BAKIT AMOY KAFEDERASYON ANG DADDY NI REVI HDHCJDJS
juhyuneeeee
88 streak #4
Chapter 11: teka bigla akong kinabahan sa daddy ni revi 😳
Paparapakyaw #5
Chapter 11: Ay mhie tatay mo amoy bambiniiii~~~~
mellifluouswan
1689 streak #6
Chapter 10: ang kilig ko naman kila Vantot at Revi huhuhu pero sila Rina at Minjeong awit. Kala ko si Ryujin betsung ni Rina. Nangangamoy selos awit
hyehye29
#7
Chapter 10: agshssjksksg kilig sheeems huhu sanaol fuuu
Paparapakyaw #8
Chapter 10: Naks ang sweet haha putangina kainggit
Ot5langlakasam
#9
Chapter 10: Hayst. Rodlt when naman po ako??😔😔✊✊
EzraSeige
#10
Chapter 10: Naurr 😏🥰❤💙