Babe's J Party

Huling Takbo
Please Subscribe to read the full chapter

 

Irene

 

Natatawa nalang ako dito sa gilid habang pinapanood si Bogum na kumain ng fishball, halatang hindi lumalabas ng bahay aba. Wala siyang idea kung paano kuhain yung fishball kanina pero ngayon sarap na sarap. Ayaw pa nga kuhaan ni Van kanina ng fishball si Bogum kasi raw malaki na siya. Ang funny ni Van sa part na iyon, sarap ikiss. 

 

 

Pero in the end kinuhaan niya na si Bogum kasi naawa na siya, slight lang.

 

 

"Ako na magbabayad, it's my first trying this." Bogum said while his mouth is still stuffed with fishball. 

 

 

"Ako na. Si Irene niyaya ko pero sumama ka kaya kasama ka na rin sa ililibre ko." Masyadong galante si Van, minsan magdamot naman tayo sa mga tao. 

 

 

Tumango nalang si Bogum at patuloy na kumain ng fishball sa tabi. Kanina pa ako tapos kumain ng fishball hindi na ako tumuhog ulit dahil i don't feel like eating much today, sakit ng tiyan ko, parang gusto nang sumabog. 

 

 

"Saan ka pala nag-aaral?" Usisa ko kay Bogum. Feeling ko taga private school siya. Obvious naman pero dapat hindi tayo mag assume.

 

 

"I'm actually homeschool since kinder pero ngayon ay nag enroll na ako sa Balivar malapit sa uni nila Mommy." Sagot naman ni Bogum. Hindi pa rin siya tapos kumain, jusko. 

 

 

"May pupuntahan pa kami ni Irene, e. Sasama ka pa rin ba?" Pag-iiba ni Van sa pinag-uusapan namin, mukhang tapos nang kainin yung fishball niya na nasa plastic cup. 

 

 

May pupuntahan pa pala kami? akala ko fishball lang gala namin, akala ko hanggang fisball-an lang kami. 

 

 

"Malapit na dumilim, sabi ni TIta Lilibeth na h'wag magpapagabi 'di ba" Sarap suntukin sa mukha ni Bogum ngayon. 

 

 

Nakita ko na tinignan ni Van yung cellphone niya at mukhang tinignan ang oras. I just hope that Van will reason out that it's still early to go back and we have enough time to spend more together or else, ako gagawa. Uncrush ko na 'to kapag hindi niya ginawa iyon. 

 

 

"Si-" I cut her off. "It's still early pa naman bro, pwede pa kaming gumala." 
 

 

Hinatak ko si Van paalis mula kay Bogum kasi nakatitig lang siya sa akin. 

 

 

"Balik ka na sa house, bye!" I said, waving goodbye to Bogum. 

 

 

Medyo nakalayo na kami kay Bogum at tumambay nalang kami dito sa 7/11 para bumili ng maiinom. 

 

 

"Manliligaw mo ba 'yon?" 
 

 

"Ha? Manliligaw? Hindi 'no." Agad kong itinanggi. 

 

 

"Mukha siyang interesado sa'yo, e. Biruin mo mukha siyang rich kid pero kumain siya ng fishball kasi nandiyan ka." Natatawa niyang sabi, tinakpan niya na yung iniinom niyang mineral. 

 

 

Ayaw niya mag juice, tubig lang kasi nga baka mahirapan siyang matunawan nang maayos. 

 

 

"Ikaw ba, may balak ka bang ligawan ako?" Pagpapabebe ko. Yuck! Hindi ako talaga nagpapabebe pero i feel like ito na ang time para naman mapansin ako ni Van. 

 

 

"Crush mo ba 'ko?" Tanong niya pabalik.

 

 

"Hindi ba obvious?" 

 

 

"Bilis mo naman magka crush, hindi pa nga tayo masyadong magkakilala." Naiiling niyang sabi. 

 

 

"May estimated ba na buwan para magustuhan mo ang isang tao?" Tanong ko sa kaniya. i'm serious about that question.

 

 

"Wala naman. I'm just wondering bakit ang bilis?" 

 

 

"Yabang mo naman, crush lang naman kita pero hindi ko sinabi na nahal na kita, iba iyon, jusko." 

 

 

Tumango naman siya at tumawa. "May naalala tuloy akong isang tao na nagsabi niyan sa akin pero at the end nareject ko siya because ang kaya ko lang i-offer for now is friendship." 

 

 

"Crush pa nga lang kita nireject mo na ako." Kunwari naiiyak ako. Buwisit talaga aba. 

 

 

Natawa na naman siya, funny lang ako pero hindi enough para bigyan mo ng chance, joke!

 

 

"Hatid na kita sa inyo." 

 

 

"Tse! matapos mo ako i-indirectly reject tapos ihahatid mo 'ko." Medyo naiinis kong sabi. 

 

 

"Layo sa bituka Irene." 

 

 

Bwiset talaga!

 

 

 

 

 

Nagluluto kami ng shanghai kasi dapat ay magluluto si Tita Andeng ng dynamite kaso wala kaming sili kaya nauwi nalang kami sa shanghai. Sarap naman ng shanghai lalo na ako ang naghiwa ng carrots kanina at nagpiprito. 

 

 

"Huwag mong masyadong lakasan ang apoy." Sambit ni Mommy sa tabi ko na naghahalo ng juice. 

 

 

"I got this Mom, stir stir ka nalang diyan." 

 

 

"Nag missed call si Lola kagabi sa iyo kaso tulog ka na kaya sa akin tumawag." Sambit ni Mommy before she left me in the kitchen kasi inilapag na niya yung pitcher sa dining table.

 

 

Nilagay ko na rin yung shanghai sa dining table at kumain na rin kami, unang kagat ko palang doon sa shanghai ang crispy and sobrang sarap. Basta talaga ako ang nagluluto ay masarap lagi. 

 

 

After namin kumain ng tanghalian ay naghugas na ako ng plato kasi ako yung naka sched ngayong linggo. After ko maghugas ay umakyat ako ng kwarto para tawagan si Lola kasi baka magtampo na iyon. 

 

 

 

"Hello." 

 

 

"I'm calling you kagabi kaso tulog ka na raw sabi ni Mommy mo." 

 

 

"Sorry na La, gumala kasi kami ng kaibigan ko kaya medyo pagod na ako. Kamusta na kayo?" 

 

 

"Ito okay naman, nagpapagawa kami ng pool sa kabilang bahay kasi medyo mainit dito pero ang may pakana talaga nito ay ang lolo mo." 

 

 

Natawa naman ako sa balita ni Lola, my Lolo really wants to have a pool kahit isa sa mga bahay nila and i don't know really why. 

 

 

"Lolo talaga.. saan po siya ngayon?" 

 

 

"Nasa kabilang house binabantayan yung mga gumagawa." 

 

 

"Anyways balak ko pumunta diyan kasi miss na kita and also si baby Kaka." 

 

 

"Will wait for you La, mwa mwa." 

 

 

 

Medyo napahaba yung pag-uusap namin ni Lola tapos nabanggit niya si Bogum, nakwento ni Mommy sa kaniya kahapon and now gusto niyang makilala si Bogum, ito na nga ang aking sinasabi at ayoko na mangyari ulit, hindi pa ba enough yung failed courtship ni Junmyeon, gosh..

 

 

This is why i don't like carrying 'Agustin' on my name, wala naman akong sama ng loob pero hindi ko lang talaga gusto na they act like cupid in our life. I'm thankful that they want us to have a good partner for our future but i'm old enough to make my own decisions. I let Junmyeon court me para tigilan na ako ni Lola at Mommy sa pangugulit na jowain ko si Baek, jusko!

 

 

Hindi nga namin type ang isa't-isa at syempre Baek is gay. He have someone else na rin and they're together na for 2 years na.

 

 

Gusto ko na tumanggi and speak up for myself na hindi ako pumapayag sa ginagawa nila pero hindi ko magawa kasi i'm scared of what could happen. With the idea of us in a bad terms, kasi ayoko ng maulit pa yung nangyayari ngayon, i know that my Mom and Dad are in a bad terms. That is enough to stop me from speaking up for my rights to decide for myself. 

 

 

 

 

 

"Saan punta mo 'te?" 

 

 

Kinuha ko yung notebook ko sa sci and kinuha ko na rin yung dala kong lunchbox. Nag lunchbox ako for today kasi alam kong hindi ako makakain sa canteen. Start na ng review sesh namin ni Van and hindi pa kami nagkakasundo kung saan kami magkikita kada session. Swerte niya at medyo madali lang maabutan yung mga lesson namin and hindi kami magagahol sa oras. 

 

 

Our first option ay dito sa school, the downside lang ay limited lang ang time namin and we can't always review every lunch, masyadong mailki ang 30 minutes para isaulo ang isang lesson. 

 

 

Second option, sa bahay ni Tita. Well spacious naman sa bahay nila Tita and pwede ko naman kausapin si Tita about dito and for sure papayag naman siya. Ang problema, masyadong malayo si Van sa amin. 

 

 

Dalawang option lang ang mayroon kami sa ngayon at iniisip ko pa kung rerenta ba ako ng apartment or hindi, yayamanin talaga aba. Hati naman kami ni Van sa bayad kung papayag siya kaso masyadong magastos naman ang idea ko, para ko naman siyang asawa kung makapag-isip ako ng pagrereview-han namin.

 

 

Rejected nga ako, e. Crush ko palang siya ah. Hindi naman masakit, para lang naman kinurot ang fallopian tube ko.

 

 

Papunta na ako sa oval para kitain si kotse. Sabi niya ay wala raw sila training ngayon kasi umalis yung bago nilang coach, buti naman bago na coach nila, baho ng ugali nung dati, e. 

 

 

While walking to the oval i suddenly remember my old school in province, it's a private catholic school pero mga demonyo estudyante, syempre isa na ako sa mga demonyo. Sobrang higpit and very boring pero napaka lupet ng mga students. 

 

 

Rule breaker yung section namin, laging napapatawag sa guidance kasi kung ano-anong ginagawa sa room at pati ibang section ay gumagaya. What can i say? Masyadong boring school namin at kulang sa issues at kaguluhan. Thankful nalang talaga ako na hindi sila nagpatawag ng magulang nung unang beses kaming na guidance, at dahil doon ay sinigurado namin na hindi kami mahuhuli. 

 

 

Nandito na ako sa oval at hinanap kung nasaan na yung Vantot na iyon. Pasalamat siya at cute siya, hindi ko magawang mainis sa kaniya. Ang inet inet tapos pag-iintayin pa yata ako dito mag-isa sa oval.

 

 

"Ang aga mo naman pumunta dito, sabi ko mga 11:45 ka pumunta." 

 

 

Nilingon ko si Vander na naglalakad papunta sa akin, may hawak siya na isang box ng dunkin donut. Taray may dalang suhol si Vantot.

 

Nang makalapit siya sa akin ay agad niyang inabot sa akin yung hawak niya, "Ano bang gusto mong flavor ng donut?" 

 

 

"Yung sprinkles, bakit?" 

 

 

"Ah goods, wala akong napili na sprinkles kasi ubos na pero masarap naman yung mga napili ko." Nang-aasar na sabi ni Vander sa akin, sarap talaga hampasin gamit ng bakal aba.

 

 

"Sci muna tayo ngayon kasi bet ko, isang sub lang kada session ah, 'wag mo ako samantalahin." Naglakad na ako papunta sa may bench at nakita ko na sinundan na ako ni Vander. 

 

 

"Sa library tayo Irene, masyadong mainit dito." Saka lang sinabi ni Vander nang naka-upo na ako sa bench, may pagka ano rin itong cutie na 'to. 

 

 

"Layo pa ng lib, tinatamad na ako maglakad." Bagot na sabi ko, kumuha ako ng isang donut sa loob ng box. Masarap nga ang mga nakuha ni Vander, ganda ng taste niya sa donut. 

 

 

"Sure ka ba na makakapagreview pa tayo sa lagay na 'to?" Tinignan ko si Vander na nakatingin sa wrist watch niya. 

 

 

"Hindi, pero sure ako na uuwi akong busog mamaya." Inubos ko na yung donut, isa palang ito, may lima pa akong donut na need ubusin. 

 

 

"Let's eat lunch nalang, hindi pa ako kumakain, nagpabili lang ako ng donut kay Kuya Peds dahil hindi ako pwede palabasin." Tumayo na ako sa bench at kinuha yung box ng donut, madali naman ako kausap. Mukha na yatang mahihimatay itong si Vander dahil namumutla yung pisngi niya. 

 

 

Ako na yung umorder ng lunch ni Van sa canteen kasi nahihilo na talaga siya dahil sa gutom, medyo nag-alala na ako kasi nakatungo lang siya nung iniwan ko siya. Marami akong biniling pagkain sa kaniya para naman hindi na siya magutom and also dalawang bottle na ng mineral water ang binili ko.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
smorph
wahhh 2k views naaaa and 12 upvotes and 140 subs ebarggg gumaganern na ang Huling Takbo, enjoy the new chap hehe!!

Comments

You must be logged in to comment
Ot5langlakasam
#1
Chapter 11: Woi may nararamdaman ako kakaiba........
hyehye29
#2
Chapter 11: hmm parang may something emz
mellifluouswan
1689 streak #3
Chapter 11: SHET BAKIT AMOY KAFEDERASYON ANG DADDY NI REVI HDHCJDJS
juhyuneeeee
88 streak #4
Chapter 11: teka bigla akong kinabahan sa daddy ni revi 😳
Paparapakyaw #5
Chapter 11: Ay mhie tatay mo amoy bambiniiii~~~~
mellifluouswan
1689 streak #6
Chapter 10: ang kilig ko naman kila Vantot at Revi huhuhu pero sila Rina at Minjeong awit. Kala ko si Ryujin betsung ni Rina. Nangangamoy selos awit
hyehye29
#7
Chapter 10: agshssjksksg kilig sheeems huhu sanaol fuuu
Paparapakyaw #8
Chapter 10: Naks ang sweet haha putangina kainggit
Ot5langlakasam
#9
Chapter 10: Hayst. Rodlt when naman po ako??😔😔✊✊
EzraSeige
#10
Chapter 10: Naurr 😏🥰❤💙