Babe's J Party II

Huling Takbo
Please Subscribe to read the full chapter

 

continuation for babes jen party but in van's pov :) may 2 random diary entry si van for this chap, u can skip it if you want :))

 

 

Wendy

 

Pagkamulat ng mata ko ay bumungad sa akin si Bear na natutulog sa tiyan ko. Malambing ko siya na ginising para makapag prepare na kami sa jogging namin ngayong umaga. Buti hindi pa maliwanag sa labas, makakagala pa kami siguro ni Bear sa buong kanto. 

 

 

Kumatok si Woodz sa pintuan ko at nang binuksan ang pinto ay inabot niya sa akin yung phone niya. 

 

 

"Ano 'to?" 

 

 

"Pili ka ng gusto mo diyan, ako na magbabayad."  Anong nakain nito? 

 

 

"Kakagising ko lang tapos papakainin mo agad ako." 

 

 

"Ako nalang pipili, dami mong sinasabi." 

 

 

Lakas ng tama nitong kapatid ko amputa, ewan ko ba bakit ganito siya noong mga nakaraang araw, lakas mamikon at mang-asar tapos biglang mag-iiba ang mood. Parang tanga 'di ba? 

 

 

Bumababa na kami ni Bear para kumain na ng almusal. Binababa ko si Bear sa sahig at pumunta sa kusina para kuhain yung dog food niya. Paubos na pala dog food ni Bear, need ko na mamili. 

 

 

Nag order si Woodz ng breakfast namin ngayon kasi nakalimutan naming mamalengke, puro kasi basketball kada weekend. Hindi tuloy kami makapunta sa palengke.

 

 

"Ate,"

 

 

Tinawag ako ni Woodz. 

 

 

"Oh?" 

 

 

Nasa sala si loko at busy mag cellphone. 

 

 

"Lab you." 

 

 

Anong nakain nitong loko na 'to? lakas talaga ng trip potanes. Nakakabanas na ang gago. 

 

 

"Anong kailangan mo?" Bagot na tanong ko sa kaniya. 

 

 

Sinalinan ko na ng dog food yung bowl ni Bear at tumakbo naman siya agad papunta sa bowl niya, gutom na ang baby bear ko. 

 

 

"Wala naman, masama na ba mag sabi ng 'lab you' sa'yo?" Sagot ni Woodz. 

 

 

"Hindi magandang pakinggan kapag sa'yo galing, tanga." Tumawa nalang siya sa sinabi ko at binalik yung atensyon niya sa cellphone niya. 

 

 

Mamaya na pala ako rereview-hin ni Irene sa mga hindi ko naabutan na lessons dahil sa pag mahigpit na training namin dahil malapit na ang finals. Meydo strict yung bagong coach namin pero mas better naman kesa kay coach Anton. Pero temporary lang yung new coach namin,  paternity leave siya kaya pumalit muna sa kaniya yung bagong teacher.

 

 

Hindi ko pa rin talaga maalis sa isipan ko yung biglaang confession niya nung nasa 7/11 kami, hindi ako makasagot dahil sa gulat ko. Wala akong maisip na sasabihin kasi sobrang seryoso ng mukha niya, mahilig siya mag-biro kaya nagulat ako nang bigla siyang nag-seryoso.

 

 

I'm not a observant person pero nitong mga nakaraan ay kakaiba siya but in a good way. Gusto ko yung tapang ng loob niya, her company is very comfortable at napansin ko iyon nung nasa 7/11 kami at nung hinatid ko siya sa kanila.

 

 

Akala ko ay magiging awkward kami pagkatapos nung hindi ko inaasahang mangyayari, ibang-iba sa naiisip ko. Lakas niya magbato ng joke na sobrang benta, parang walang nangyari nga, e.

 

 

I'm starting to like that side of her at yung pakiramdam ko na komportable na ako sa kaniya kahit kailan lang kami nagkakilala. I'm hoping to see the other sides of her if our friendship will continue even after the sudden confession.

 

 

 

 

 

Hindi pa naman lunch namin pero kumakain na ng lunch si Seulgi at Lisa sa likod namin ni Byul habang may pinapasulat yung filo teacher namin ngayon. Lakas talaga ng loob nitong dalawa na 'to, hindi pa kasi kumain sa bahay nila kanina kasi tinanghali na nang gising. 

 

 

"Nangangamoy corned beef ba diyan?" Bulong ni Seulgi sa amin na mukhang hindi pa tapos kumain. 

 

 

"Hindi gago, bilisan niyo kumain baka mahuli na kayo ni Ma'am." Sagot ko kay Seulgi, hindi ko pinapahalata na may kausap ako sa likod at baka mahalata ni Ma'am. 

 

 

Buti nga sa may pinakadulo kami naka-upo kung hindi ay kanina pa kami pinagalitan ni Ma'am Edna. Tinapos ko na yung notes ni Lisa kasi busy kumain dito sa likod. 

 

 

Kanina pa ako nagpipigil ng tawa kasi nasipat ko si Byul na parang sulat ng doctor sa notes ni Seulgi, nagmamadali na siya, e.

 

 

Bagal pa naman niya magsulat kaya laging nahuhuli mag-sulat nung grade 7 kami.

 

 

"Pasubo nga Seul, gutom na ako." Utos ni Byul.

 

 

Inabot naman ni Seulgi yung kutsara niya sa bunganga ni Byul at sinubuan siya. 

 

 

Mga walang takot talaga 'tong mga tropa ko kaya pati na rin ako ay nahawa na. Mahal ko naman silang tatlo kahit medyo masakit sa ulo ang mga kalokohan nila. 

 

 

Naalala ko tuloy nung grade 7 kami ay dinala si Lisa sa hospital kasi biglang tumalon sa tricycle kasi ang bilis magpatakbo nung driver, sabay-sabay kaming pauwi na nun at nag trike nalang kami. Si Lisa biglang tumalon kasi nasusuka na talaga sa sobrang bilis nang takbo pero pahinto na yung driver kasi may pumara sa kaniya saka doon tumalon si Lisa.

 

 

Hindi naman siya nabalian ng buto, tibay talaga amputa, nagkasugat lang sa binti kasi natumba siya pagka-talon niya. 

 

 

Nagawa pa nga niyang tumawa nun nung dinala namin siya sa hospital, tinakbuhan lang kami nung driver nun pero hindi na namin sinabi sa magulang ni Lisa kung bakit siya dinala sa hospital kasi kasama rin si Lisa sa may kasalanan.

 

 

Dami naming ginawang kalokohan noon pero ngayon ay medyo nag matured na kami, umiiwas na kami sa disgrasya kasi hindi naman kami pusa na maraming buhay. 

 

 

After nung filo sub namin kanina ay umalis na kami ng room para kumain ng lunch pero lumihis na ako ng landas sa kanila. Magkikita kami ni Irene sa oval para makapag simula na kami mag review. 

 

 

"Una na kami pre, abangan ka nalang namin mamaya sa room." Tinapik ni Seulgi likod ko. "Geh, bye muna." 

 

 

Dumiretso ako sa first gate kasi balak ko na bumili ng donuts para kay Irene, advance thank you gift ko na sa kaniya kasi she's willing to help me to review the lessons. 

 

 

"Kuya Peds, nagpapalabas po ba kayo ng student ngayon? May bibilhin lang kasi ako, e." 

 

 

Buti si Kuya Peds ang nasa gate ngayon, ka-close ko 'to, e. May number pa nga niya ako kasi minsan, dito ko naiisipan na mag jogging doon sa oval, allowed kasi na magpapasok ang school namin kahit hindi school days ang mga student-athlete na gamitin ang oval, pero depende pa rin sa araw kaya tinetext ko muna si Kuya Peds kung pwede. 

 

 

"Hindi pwede kasi Vander, ano bang bibilhin mo?" Tanong naman ni Kuya Peds, lakas ko talaga sa kaniya. 

 

 

"Bibili sana ako sa dunkin donuts, pwede makisuyo?" 

 

 

"Sige sige, sabihan ko lang si Jacob na palitan muna ako dito." 

 

 

Naks! Binigay ko kay Kuya Pedro yung pera at dumating na rin si Kuya Jacob para palitan siya na magbantay dito sa gate. 

 

 

Mga ilang minuto ang nakalipas at nakatanggap na ako ng text kay Kuya Peds. 

 

 

(11:34) Kuya Peds: [sent a photo] 

 

 

(11:34) Kuya Peds: pli k na vnder...

 

 

(11:34) Vander: Wala na po bang sprinkles? 

 

 

(11:34) Kuya Peds: wla n..

 

 

(11:34) Vander: Sige yung choco butternut, choco frosted at maple marble nalang po, kayo na po bahala kung ilan. 

 

 

 

Habang hinihintay na bumalik si Kuya Peds ay nakaramdam ako ng hilo, ang init potanes, kanina pa ako dito. Tagal ni Kuya Peds. Feeling ko rin na namumutla na ako ngayon dahil medyo lumalabo na ang paningin ko. Gutom na talaga ako. 

 

 

Nang makabalik na si Kuya Peds dala yung pinabili kong dunkin donut ay agad na akong tumakbo papunta sa oval, gusto kong makarating agad sa oval bago pa makarating si Irene. 

 

 

Nang malapit na ako sa oval ay nasipat ko na si Irene na nakatayo, mukhang kanina pa siya naghihintay.

 

 

Pagkatapos ng ilang minuto ay napagpasyahan namin na hindi na muna magpatuloy ngayon kasi kulang na kami sa oras kay pumunta nalang kami sa canteen para kumain. 

 

 

Nakaramdam ako ng hilo kaya si Irene nalang yung bumili ng lunch ko, binilhan niya ako ng tatlong egg sandwich tapos may dalawang pizza roll pa at dalawang tubig. Habang kumakain kami ay napansin ko ang pag-aalala sa mukha niya. 

 

 

I can't eat my lunch properly tloy kasi nakatingin lagi siya sa akin habang kumakain kami.

 

 

I feel bad tuloy kasi pinag-aalala ko siya ngayon, kung hindi lang talaga halata sa mukha ko ngayon na hindi ako okay ay magsasabi pa ako ng joke about sa egg sandwich kaso hindi talaga maayos pakiramdam ko. 

 

 

 

 

 

"Hello Bear!!" 

 

 

Naka-uwi na ako galing school and feeling ko na pagod na pagod ako ngayon kahit wala kaming training kanina. Bigla naman tumakbo si Bear papunta sa akin nang makita niya akong pumasok sa loob ng bahay. 

 

 

Wala pa si Wodz, naglalaro siguro ng basketball sa kanto. 

 

 

"Miss na ako ng bear ko?"

 

 

Tumahol naman si Bear.

 

 

Binuhat ko siya at umakyat sa taas, magpapalit na ako ng damit. 

 

 

Habang nagpapalit ako ay napansin ko yung diary ko sa study desk ko na nakapatong sa ipad ko, nakita ko pala ulit yung diary ko kagabi habang nag-aayos ako ng study desk. Balak ko sana na basahin kaso nakatulog ako, kagabi.

 

 

Hindi na pala ako nakakapag sulat ng entry ko, tagal na rin pala akong walang nasusulat about sa mga ganap ko sa buhay after mangyari ang pandemic. Pero dahil medyo maraming nangyari ngayong araw ay susulat ako ng entry. 

 

 

 

 

    /  Vantry /

   Nothing is special naman today pero nakita ko ulit itong diary ko na ngayon kay maglalgay na ulit ako ng new entry. May bagong alagang tuta na pala ulit ako, pangalan niya ay Bear, medyo makulit pero mabait naman siya kahit papaano, siya na ang kasama ko kapag nag jojogging ako kada umaga. Nagsimba rin ako nung sunday bago pumunta sa karinderya, ayaw ako samahan ni Woodz kasi may gagawin daw siyang project. 

 

   Nahilo ako kanina sa school pero buti nalang at mabait si Irene para bilhan ako ng pagkain kasi nagugutom na ako, para akong mamatay sa hilo kanina pero dahil nandoon si Irene, medyo pumanatag ang loob ko. She's really kind and very pretty, medyo close na kami (i think)

 

   She also said na may crush siya sa akin, nagulat ako dahil biglaan at kailan lang kasi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
smorph
wahhh 2k views naaaa and 12 upvotes and 140 subs ebarggg gumaganern na ang Huling Takbo, enjoy the new chap hehe!!

Comments

You must be logged in to comment
Ot5langlakasam
#1
Chapter 11: Woi may nararamdaman ako kakaiba........
hyehye29
#2
Chapter 11: hmm parang may something emz
mellifluouswan
1685 streak #3
Chapter 11: SHET BAKIT AMOY KAFEDERASYON ANG DADDY NI REVI HDHCJDJS
juhyuneeeee
84 streak #4
Chapter 11: teka bigla akong kinabahan sa daddy ni revi 😳
Paparapakyaw #5
Chapter 11: Ay mhie tatay mo amoy bambiniiii~~~~
mellifluouswan
1685 streak #6
Chapter 10: ang kilig ko naman kila Vantot at Revi huhuhu pero sila Rina at Minjeong awit. Kala ko si Ryujin betsung ni Rina. Nangangamoy selos awit
hyehye29
#7
Chapter 10: agshssjksksg kilig sheeems huhu sanaol fuuu
Paparapakyaw #8
Chapter 10: Naks ang sweet haha putangina kainggit
Ot5langlakasam
#9
Chapter 10: Hayst. Rodlt when naman po ako??😔😔✊✊
EzraSeige
#10
Chapter 10: Naurr 😏🥰❤💙