Chapter 2

I almost ruined the wedding of Mrs. Shen Xiaoting

Winter

 

 

 

 

Hindi kami mapakaling tatlo nila yujin sa harap ng pintuan ng room namin. Nakita na kasi naming nakatayo ang professor ngunit hindi kita ang mukha nito

 

 

 

"Uy winter ikaw na mag bukas" utos sakin ni yujin kaya sinamaan ko 'to ng tingin

 

 

 

Pare-parehas lang naman kaming kinakabahan pero bakit ako yung inuutusan nila ngayon? Napabuntong hininga muna ako at nagipon saglit ng konting lakas bago dahan dahang kumatok sa pintuan. Saglit lang naman kaming nag-antay at unti-unti ng bumukas ang pinto. 

 

 

 

"You're all 10 minutes late" Malamig nitong sabi samin

 

 

 

Nanigas ang buong katawan ko ng marinig ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Pinagpapaiwasan ako ng malamig ngayon dahil hindi matanggap o maproseso ng utak ko na kaharap namin siya at ang malala pa ay professor namin ito. Naalala ko na naman kung paano ko sinubukang puntahan ito sa kanyang kasal ngunit sadyang nahuli na talaga ako. Kaya noong oras na iyon ay bigo kaming umuwi ni chaehyun. 

 

 

 

Huwag na natin pag-usapan kung ano ang pinaggagawa ko noong umuwi kami. Alam naman natin ang laging ginagawa ng mga sawi sa pag-ibig. Hindi ko nga alam kung matatawa ako o maiiyak dahil hindi naman talaga ako kilala ni karina. Lagi ko lang siyang tinitignan at inaabangan noon sa canteen para masilayan dahil graduating na ito noon habang third year pa lamang kami

 

 

 

"Hindi ba kayo magsasalitang tatlo riyan?" Tanong ulit nito samin pero batid mong naiinis na ito sa hindi namin pagsagot sa kanya

 

 

 

"A-ano miss pasensya na ho. Nagkaroon po kasi kami ng emergency kanina bago pumasok. Sabay sabay naman po kasi kaming pumapasok dahil malapit lang naman ang bahay namin sa Isa't isa" Paliwanag ni ryujin dito

 

 

 

Hindi ko magawang salubungin ang tingin nito at pinatili ko lang nasa baba ang mga mata ko. Hindi ko pa talaga siya kayang harapin kahit na hindi naman niya ako kilala. Pano na lang kaya kung natuloy yung pag pigil ko sa kasal nila? Malamang hindi niya ko pipiliin kasi hindi niya naman ako kilala. Napaka impulsive ko talaga noong time na yun. 

 

 

 

"Okay you may go inside" Mukha namang tinanggap niya ang dahilan ni ryujin kaya tuwang tuwa sila ni yujin na naunana ng pumasok

 

 

 

Hahakbang pa lang sana ako papasok ng humarang ito. Sinubukan kong iwasan ito at dumeretyo pakanan. Ngunit humarang muli ito kaya hindi ko maiwasang kumunot ang noo. Sinubukan kong muli humakbang pakaliwa at ganun pa rin ang ginawa niya. Kaya kahit ayokong tignan ito ay wala akong nagawa

 

 

 

"P-padaan po miss" Mahina kong sabi rito ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay

 

 

 

"No can do Ms. Kim. Nakita kitang nasa tapat ng gate kanina. You're not allowed to go inside because you don't have a valid reason to come in. Aside from that, you have a detention" Deretyo deretyong sabi nito na nakapagpatanga sa akin

 

 

 

Gago. English yun eh. Mahina tayo sa english huhuhu. Ilang minuto muna ang lumpipas bago tuluyang na translate ng utak ko ang mga sinabi niya. Masasabi ko lang ay 'potangina'. Nakita niya pala kami ni chae kanina sa tapat ng gate. 

 

 

 

"M-miss sure na ba talaga yan? Wala ng bawian?" Muntik pa kong mautal sa pagtanong dito at nakita ko namang tumaas muli ang kilay niya

 

 

 

"Yes. No buts Ms. Kim. If you may, kindly close the door" 

 

 

 

Bagsak balikat naman akong sumunod dito. Napaka malas ko naman ngayong araw. Kasal na nga ang taong mahal ko, naging professor ko pa, hindi pa ko pinapasok sa room, at nagkaroon pa ng detention. Ang gandang umaga naman talaga oh. Dahil dalawang oras pa kong 'bakante' ay naisipan ko na lamang pumunta sa library. Itutulog ko na lang 'tong inis at lungkot na nararamdaman ko.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yurielle
#1
Chapter 2: shuhua miss na miss ko na si soojin baka naman beh
Ljzshxwiii
187 streak #2
Chapter 1: Shuhua ano ba buhayin mo nmn dto yung sooshu
Ljzshxwiii
187 streak #3
SHUTA lt