Chapter 1

I almost ruined the wedding of Mrs. Shen Xiaoting

Chaehyun

 

 

 

Kanina pa kami ni winter naghihintay sa mga kaibigan namin. Ang usapan 6:30 magkikita sa tapat ng gate ng school pero mag aalas-siete na wala pa rin ang mga loko. 

 

 

 

"Heyow! Kim's sisters!" Bati samin ni ryujin at inakbayan kaming dalawa

 

 

 

Agad ko namang itong sinuntok sa tyan kaya natanggal ang pagkakaakbay niya samin habang sapo-sapo na ngayon ang kanyang tiyan

 

 

 

"Aray! Bakit ka ba nanununtok diyan?!" 

 

 

 

"Ang tagal mo" Balewala kong sagot dito

 

 

 

"Tsk. Kasalanan ko bang maaga kayo?" Inirapan pa ko ng loko

 

 

 

"Tumigil na kayo riyan. Nasaan na ba yung iba? Malapit na magtime oh!" Awat samin ni winter at pinakita ang orasan niya

 

 

 

Limang minuto na lang kasi at malalate na kami. Hindi talaga kami gumising ng maaga ng kapatid ko para lang malate. Kaya oras na dumating sila shuhua makikita nila ang langit. 

 

 

 

"Oo gago. Muntanga yung babae kanina sa daan hahaha" Nagpantig naman ang mga tenga namin ng marinig ang mga kupal kong kaibigan

 

 

 

"Mga gago kayo bilisan niyo na at malalate na tayo!" Agaw pansin na sumigaw si winter sa kanila

 

 

 

Mukhang nag-antayan pa silang tatlo. Kaya siguro sobrang tagal nilang pumasok. Pinipigilan ko lang talaga tumakbo papunta sa kanila at baka masakal ko sila ng wala sa oras. Agaran din naman silang tumakbo papunta samin kaya't nung nasa tapat na namin sila ay pinagbabatukan namin sila ng malakas. Yung tipong nakita na nila si Lord

 

 

 

"Gago kayo ang sakit huhuhu" Maluha luha namang hinawakan ni shuhua yung batok niya

 

 

 

"Wala namang ganyan mga pare" Nakangiwing reklamo ni yujin samin kaya sinamaan namin siya ng tingin

 

 

 

"Di na lang ako magtalk hehehe" umiwas lang ng tingin samin si youngeun 

 

 

 

"Bakit ba kasi nag-antayan pa kayo?!" Naiinis kong tanong

 

 

 

"Si shuhua kasi eh! Gustong makikain samin tapos sinama pa yang bwiset na yan!" Parang batang sumbong naman samin ni youngeun

 

 

 

Napailing na lang kami rito. Tinignan ko naman ang cellphone ko para macheck if hindi pa kami late. Halos takasan na ko ng kaluluwa nang mapansing sampung minuto na kaming late.

 

 

 

"Gago! Late na tayo nang sampung minto!" Natataranta kong sabi sa mga ito

 

 

 

Agad agad naman kaming nagsitakbo papasok ng school at tinungo ang classroom namin. Mahirap pa naman sa eskwelahan na ito kahit na first day pa lang naglelesson agad sila maliban pa roon may mga quizzes at assignments na rin silang pinapagawa kaya hindi kami pwedeng malate o umabsent. Minsan kasi hindi na pinapapasok ang mga nalalate. 

 

 

 

"Kasalanan niyo 'to eh!" Sumbat ni ryujin sa tatlo kahit na tumatakbo pa rin kami

 

 

 

"Sorry na nga eh! Libre na lang namin kayo ng lunch" Naguguilty naman kaming sinuhulan ni shuhua at effective naman yung panunuhol niya kasi nakangiti na kaming tatlo habang tumatakbo papuntang classroom

 

 

 

"Hoy baka nakakalimutan niyong di tayo magkaklase!" Paalala samin ni youngeun

 

 

 

Ngayon lang talaga kami hindi naging magkaklase. Ang kaklase ko sa aming magkakaibigan ay sila youngeun at shuhua. Habang si yujin, winter, at ryujin ang magkakasama. Magkatabi lang naman yung room namin kaya parang wala ring kwenta. Rinig pa rin kasi yung maiingay nilang boses. 

 

 

 

Nang makarating naman kami sa tapat ng room namin ay nakita naming nandoon na ang professor kaya alam na naming late na talaga kami. Nagkatinginan pa kaming anim kahit na sa kabilang room yung tatlo. Para bang nagsasabing goodluck sa inyo. Huminga muna kami ng malalim bago ko kinatok ang pinto. Unti-unti naman itong binuksan ng professor namin ngunit halos mahigit ko naman ang aking hininga ng makita ko ang mukha nito

 

 

 

Sa pangalawang pagkakataon natulala na naman ako sa mukha nito. Ang babaeng naging dahilan kung bakit ako naging baliko. Ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng ilang araw at ang dahilan kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. 

 

 

 

"Why are you all late?" Masungit kami nitong tinanong habang nakataas ang isa niyang kilay at ramdam mo rin sa boses niya ang pasko sa sobrang lamig

 

 

 

Siniko naman ako ng dalawa kong kaibigan na para bang sinasabing ako ang magpaliwanag. Napaka galing naman talaga nila, sila na nga ang dahilan kung bakit kami nalate ako pa ang mageexplain

 

 

 

"P-pasensya na po miss kung nalate kami. Ibinalik pa po kasi namin yung asong nakasalubong namin sa may-ari kaya kami natagalan sa pagpasok" Muntik pa kong mautal sa pageexplain dito nang hindi ako tumitingin sa magandang mata nito

 

 

 

Syempre hindi totoo yung dahilan na sinabi ko rito. Sino bang tanga ang magsasabi na nag-antayan kaming magkakaibigan kaya kami na late. Ramdam kong kinikilatis niya kong mabuti kung nagsasabi ba ako ng totoo kaya hindi ko maiwasan na kabahan. 

 

 

 

"Oh. So mabubuti pa lang ang mga puso niyo. Pumasok na kayo" Hindi ko alam kung sarcastic ba yung pagkakasabi niya o imahinasyon ko lamang iyon

 

 

 

Ngiting-ngiti naman yung dalawa ng pumasok habang ako'y kinakabahan pa rin. Paano ako hindi kakabahan kung naalala ko kung paano ko ay mali pala kung paano ni WINTER sinira yung kasal niya at pinasa lang naman sakin ng magaling kong kapatid ang ginawa niya. Susunod na sana ako kila shuhua ng harangin ako nito

 

 

 

"Detention Ms. Kim" Biglang sabi nito at umalis na sa harapan ko

 

 

 

Napanganga ako ng wala sa oras at hindi makapaniwalang tinignan ito. Tangina?! Bakit ako na detention?! 

 

 

 

"Luh miss bakit po? Wala naman akong ginawang masama?" Nagtataka kong tanong dito

 

 

 

"Nakita kita kaninang umaga na nag-aabang sa tapat ng gate" 

 

 

 

Nanlamig naman ako sa sinabi nito. Alam niyang nagsinungaling ako sa kanya pero ang hindi ko matanggap bakit ako lang?! Yung mga kupal kong kaibigan hindi naman niya binigyan ng detention?!

 

 

 

"Bakit po sila hindi mo binigyan ng detention?" Turo ko sa dalawang kupal na nakangisi sa akin ngayon

 

 

 

"They didn't lie Ms. Kim" balewala akong sinagot nito kaya bagsak balikat na kong pumasok at umupo sa tabi nila shuhua

 

 

 

Ang unfair naman kasi! Sila shuhua yung dahil kung bakit ako nalate tapos ako yung nagkaroon ng detention?! Ginagantihan niya ba ko sa paninira ko sa kasal niya? Hindi ko maiwasang guluhin ang buhok ko sa sobrang pagkainis. First day na first day may detention agad ako. 

 

 

 

"What are you doing Ms. Kim? Stop throwing tantrums on my class" Saway nito sakin

 

 

 

Tangina naman. May mata ba 'tong agila at lahat ng ginagawa ko napapansin niya? Nasa likod kami nakaupo pero nakita niya pa rin ako. Kung hindi ka lang talaga maganda 

 

 

 

"A-ano po nagprapractice lang umakting ng el fili po miss. Yung kila basilio at sisa hehehe" Kamot batok kong paliwanag dito na tinaasan naman niya ng kilay ang naging sagot ko

 

 

 

"Sa oras ng klase ko talaga ikaw nagpractice? Tell me Ms. Kim, hindi ba mahalaga ang subject ko para sayo?" Nanlamig naman ako sa tanong nito

 

 

 

Imbes na makalusot ako sa palusot ko ay lalo pa itong lumala. First day na first day ganito ang nararanasan ko.

 

 

 

"Hindi naman po sa ganun miss. Sorry po" Hinging paumanhin ko na lang rito pero inirapan niya lang ako at nagsimula magpakilala sa amin

 

 

 

"Okay. Everyone will introduce yourself. I will start first. My name is Shen Xiaoting. 23 years old. I'm already married and I don't tolerate tardiness. You at the back, introduce yourself here at the center" Turo ni Mrs. Shen kay youngeun

 

 

 

Hindi na rin ako nagulat na kasal ito pero nagulat ako na 23 pa lang siya. Meaning lang nun na bago lang siyang professor. Nang matapos ng magpakilala si youngeun ay ako naman ang sumunod dito. Kinakabahan naman akong nagtungo sa gitna ng room lalo na at nakatingin ito sakin 

 

 

 

"Ahem. I'm Kim Chaehyun. 19 years ng nabubuhay sa mundong ibabaw. Hindi ko pinangarap maging kabit pero mukhang papangarapin ko na ngayon" 

 

 

 

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa huli kong sinabi. Syempre nanguna sila shuhua at youngeun sa pag-iingay. Nasabi ko lang naman yun dahil sa crush ko talaga yung masungit na may asawang professor namin. 

 

 

 

"Enough! Anong pinagsasabi mo Ms. Kim" Nakatatakot naman ako nitong tinignan at yung boses niya parang gusto na kong patayin

 

 

 

"Joke lang yun miss hehehe" kinakabahan kong sagot dito

 

 

 

"Hindi nakatatawang biro yang sinasabi mo Ms. Kim. Nang dahil sa ginawa mo ay apat na oras ka sa detention room" halos pagbasakan naman ako ng langit at lupa sa sinabi niya

 

 

 

Kadalasan kasi ang oras ng detention sa school ay 1-2 hours lang. Lugmok akong bumalik sa upuan ko habang yung dalawang tukmol tawang-tawa sa akin

 

 

 

"Kabit pala ha" Asar sakin ni shuhua na sinimangutan ko lang

 

 

 

"Hindi na pala pag-aarki ang pangarap mo" Natatawang asar naman nung isa sakin kaya pinakyuhan ko na lang ito

 

 

 

Nilingon ko naman si Mrs. Shen at nakita kong nakatingin siya sakin. Masamang tingin iyong mga pinupukol niya sakin na para bang sinasabi niyang nakita niya yung ginawa ko kaya wala sa oras akong napalunok ng aking laway. Please naman wag mo ng dagdagan yung detention hours ko Mrs. Shen

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yurielle
#1
Chapter 2: shuhua miss na miss ko na si soojin baka naman beh
Ljzshxwiii
187 streak #2
Chapter 1: Shuhua ano ba buhayin mo nmn dto yung sooshu
Ljzshxwiii
187 streak #3
SHUTA lt