I almost ruined the wedding of Mrs. Shen Xiaoting

Description

Halos mawalan na kami ng hininga ni winter kakatakbo sa simbahan kung saan ikakasal si karina. Napakatanga kasi nitong kapatid ko kung kailan ikakasal na tyaka niya pa ipaglalaban. 

 

 

 

"Bilisan mo naman chae! Baka di na natin sila maabutan" Pagmamadali sakin niya sakin kung kaya't nairapan ko ito dahil sa inis at wala ng nagawa kung hindi tumakbo pa ng mas mabilis

 

 

 

Nakita naman namin agad yung simbahan kaya mabilis na rin kaming tumakbo papunta roon ni winter. Nang dumating na kami sa tapat ng simbahan ay walang pagaalinlangan itong binuksan ni winter

 

 

 

"ITIGIL ANG KASAL!" Malakas na sigaw nito habang nakatingin lang ako sa kanya at hirap na hirap na nakakapit sa aking mga tuhod dahil sa sobrang kapaguran

 

 

 

Lahat ng bisita ay tumingin sa amin kaya parang gusto ko na lamang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Nakita ko namang tumayo yung parang magulang ng dalawang nagpapakasal at naguguluhan kaming tinignan ng magaling kong kapatid. Unti-unti namang lumingon ang 'bride' sa amin at pakiramdam ko tumigil ang mundo. Yung pakiramdam na nagiging blurry yung paligid mo tapos siya lang yung main focus ng mata mo. Kumbaga parang sa camera. Hindi rin maiwasan ng puso ko na magrambulan at mabilis na tumibok ng tumapat ang kanyang mukha sa amin. 

 

 

 

"Ay gago. Mali palang simbahan ang napasukan natin" Narinig kong sabi ni winter pero binalewala ko lang dahil nakatitig pa rin ako sa 'bride'

 

 

 

"Ay pasensya na ho. Ito po kasing katabi ko ang tumutol sa kasal nila. Chaehyun oh" bigla naman akong tinapik ni winter kaya naguguluhan ko 'tong tinignan 

 

 

 

Napansin ko namang nasa akin lahat ang mga mata ng mga tao at ngayon ko lang rin na gets kung bakit. Tangina talaga nitong kapatid ko. Masasakal ko 'to mamaya. Nakita ko ring naguguluhan akong tinignan ng 'bride' wala akong pake sa groom di siya gwapo. Napakamot na lang tuloy ako sa sarili at kumaripas ng takbo paalis. Naramdaman ko namang sumunod si winter sa akin. 

 

 

 

"POTANGINA KA! AKO PA TINURO MO SA KAGAGUHAN MO!" Nanggagalaiti kong sigaw rito habang kami'y tumatakbo papunta sa kabilang simbahan

 

 

 

"Sorry na hehehe. Di ko naman alam na mali palang simbahan napuntahan natin. Mamaya mo na ko awayin kailangan ko pang maabutan si karina" 

 

 

 

Wala na rin akong nagawa kung hindi tumakbo na lang para samahan siyang pigilan ang kasal nila karina. 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
yurielle
#1
Chapter 2: shuhua miss na miss ko na si soojin baka naman beh
Ljzshxwiii
187 streak #2
Chapter 1: Shuhua ano ba buhayin mo nmn dto yung sooshu
Ljzshxwiii
187 streak #3
SHUTA lt