Chapter 18

Life here is Good
Please Subscribe to read the full chapter

Long Chapter ahead

 

LASIL'S POV(Ryujin)

"Ay punyeta, talo na naman" bulong ko sa sarili ko ng makitang out of moves na ako

Pinatay ko ang aking brand new phone

Yes,padala ni Ate

Pinatay ko ang aking cellphone at ichinarge ito bago tumayo para kuhanin yung wallet ko sa may lamesa sa kwarto ko

"RYUJIN LASIL!" Rinig kong sigaw ni Lola 

"Hayst, heto na naman po tayo," 

 

"PO?" Sigaw ko naman pabalik habang nag aayos ng sarili dahil nagugutom ako at gusto ko bumili ng pagkain sa labas 

"Pumunta ka dito wag kang puro po ng Po!" 

"Eto na!" Inis kong sigaw 

"Bakit po?"

"Pumunta ka kila Tere, sabihin mo pupunta ako sa may hall mag bibinggo," Utos ni Lola habang nag gagayat ng patatas 

"La naman, mag biibinggo na naman kayo di nyo naman ako binibigyan pag nananalo kayo," reklamo ko kaya napatigil ito sa pag gagayat at tuminigin sa akin kaya napaatras ako ng bahagya 

"Abat- ang dami dami mong pera kung ano ano naman ang pinag bibibili mo! Isusumbong talaga kita sa mama mo ha, " sabi nito kaya napa irap ako 

"Dudukutin ko yang Mata mo Rujen ha tigilan mo ako at gawin mo na ang inuuots ko bilis na," sabi nya at bumalik na ulit sa pag gagayat 

" na peke ang dami mong dada, isampal ko kaya ang suso ko sayong mukha," Kanta ko habang palabas ng bahay 

Naglakad lakad ako ng kaunti papunta sa tindahan nila Ate Lita para bumili ng meryenda

"Pabili po!" Tawag ko ng makita kong walang tao ang tindahan, maya maya pa ay lumabas na ang pamangkin ni Ate Lita 

"Uy, Ryujin. Ano sayo?" tanong sakin nito 

"Pabili nga akong mountain dew tsaka isang Honeybutter Heej," sabi ko 

Iniabot nya din saakin ang bite ng isang malaig na Mountain dew at honeybutter

"24 nga noh?" Tanong ko rito at tumango naman sya 

nagbigay ako sa kanya ng bente pesos at kumuha ng barya 

"Candy na lang yung piso. Mentos na lang," sabi ko at umupo sa may upuan sa labas ng tindahan 

"Musta pala? Napauwi ka ata?" Tanong ko kay Heejin na lumabas ng tindahan at sinamahan akong tumambay dito sa labas nila 

"Ah, oo baka babalik din ako next month sa Manila since walang kasama si papa don. Pero gusto kong bumalik dito para mag-aral. Medyo diko kinakaya sa Manila beh, grabe yung polusyon dun. Bawat langhap mo para kang nababawasan ng isang taon na buhay grabe lang. Madalas ako magkasakit dun eh. Pero nung bumalik ako dito para magbkasyon di na ako nagkakasakit, medyo tumaba nga ako kesa nung andon ako eh," Kwento nya saakin at dumukot sa kinakain ko, napataas ang kilay ko pero dina ako nagsalita at nakinig lang sa kanya 

"Pwede ka naman bumalik dito ah?" sabi ko rito pero umiling lang sya 

"Maiiwan mag-sia si papa don. Si mama namanayaw sumunod sa Manila,"

"Oh edi magtiis ka beh," biro ko rito kaya naman tumawa sya at hinampas ako 

"Painom nga ako," sabi nya sabay abot dun sa bote ng softdrinks na hawak ko 

Tanginang 'toh, nakapag Maynila na't lahat buraot padin\

"Una na ako Heejin ha, may inuutos din kasi sakin si Lola," sabi ko rito ng maubos ko na yung MERYENDA ko pero hinatian pa ako 

"Oh sige, sa susunod na lang ulit na punta mo dito. Or kaya message mo ko gala tayo, sama natin sila Rina," suggest nito kaya tumango ako at kumaway na sa kanya at naglakad na paalis sa tindahan at naglakad na pabalik sa amin at gawin ang utos ng aking sinle lola na tawagin si Lola Tere para mag binggo

 

Napatigil ako sa paglalakad ng makitang nakabukas ang gate nila Rina 

Nakakapagtaka lang kasi di naman nila iniiwan na bukas tong gate nila, at eto pa. Yung truck ni Lolo Ale nasa labas. Wala bang ititinda ngayon si Lolo? 

Pumasok na ako sa loob at nakitang may itim na sasakyan na nakaparada

 

"Wow, BMW 'sa loob ng aking BMW sedan , in' saking BMW sedan Ang hiling 'di malagot na masilip sa loob, sa loob ng aking  BMW seda- Lola Tere, tao po!" Tawag ko pagdating ko sa may unang step ng hagdan ng mini mansion nila Rina

 

sumilip naman si Abo mula sa may Terrace na naka kunot ang Noo 

'Naku po, magtataray na naman 'tong taong 'toh'

"Ano na naman kailangan mo Lasil? Ang ingay talaga ng bunganga mo kababae mong tao," Masungit na sabi nya

"Luh, epal kana naman, ikaw ba si Lola Tere? Alis nga dyan, di naman ikaw kailangan ko eh," sabi ko sabay irap kay Abo at nagpatuloy na sa pagakyat ng hagdan 

Nakita ko naman sila Rina at Tan-tan na nanonood sa medyo away namin ng kanilang demonyitang pinsan 

"Ay, Rina, Tantan, Si lola Tere pala?" Tanong ko sa mga ito pagka akyat ko 

Nakita ko naman na pumasok sa loob si Abo 

"Ay, tulog, bakit?" Sagot ni Ethan at naupo kaya naupo na din kami ni Rina 

"Pinapasabi kasi ni Lola kung sasama daw sya mamaya papuntang baranggay, mag bibinggo," sagot ko 

Narinig ko naman ang  tawa ni Rina, may mura pang kasama 

"Hay nako, yang si inay Josie ang hilig hilig mag binggo," sabi ni Abo na may dala dalang isang plato ng mga meryenda at isang baso ng juice at iniabot iyon sa akin kaya napangiti ao ang nagpasalamat 

"Ay wow, salamat. Ano ba meron? at may sasakyan dyan sa may harapan ng bahay ng bahay nyo? May bisita kayo?" Tanong ko habang sumusubo ng maruya, Tumango naman si Rina bago sumagot 

"Oo, dito daw titigil ng matagal. Dito na din papasok," 

"Highschool palang sya?" Tanong ko dahil baka magkameron ako ng new friend 

"Huh? Hindi ah, kasing tanda lang natin, tsaka ano apat sila," sagot naman ni Ethan kaya nagulat ako 

"Ay weh? Akala ko may kasamang magulang, sana all may kotse na," sabi ko habang nakatingin sa kotse sa labas 

 

Sorry, motor lang kasi meron ako eh

 

"Asan pala yung tatlong bruhilda? Bat dimo kabuntot?' tanong ni Abo 

Medyo na offend ako ha. 

 

Ako yung andito tapos iba yung hinahanap? Tama ba yon?

 

"Gaga, di naman bawat galaw ko eh kabuntot ko yung tatlo, may sari sarili ding buhay yung mga yun noh, di kailangan na lagi kami magkakasama, we're all different and independent people kaya," proud ko pa na sagot pero maya maya lang ay narinig ko na ang delubyo 

Nabilaukan lang naman ako dahil sa lakas ng boses ni Via 

Ni hindiman lang iniabot saakin ang juice, inilayo pa lalo ng Gagong si Abo na tuwang tuwa naman sa aking paghihirap

 

"Lasil, andyan ka pala, hinahanap ka namin kay inay Josie, eh nalamon kalang pala dyan, pahingi din kami," sabi ni Chae at umupo sa tabi ko 

 

Kakarecover ko lang mula sa aking near death experience, salamat kay Rina dahil nakontra nya ang kanyang demonyitang pinsan 

"Ethan, samahan mo nga akong ipaghain itong mga bruha, parang mga di pa kumakain eh," mataray na sabi ni Abo kay Ethan tsaka tumayo pero nakipag irapan pa kay Via bago sya hilahin ni Ta-tan papasok ng bahay 

 

 

"Oi, anong meron? Bat andaming meryenda?" Tanong ni Din-din na nasa tabi ni Via   pagkababa ng mga pagkain at isang pitsel ng juice sa mesa

"May dumating na taga Maynila, eh dito titigil samin para mag-aral , apat sila tapos yung si Tito Chris naman nandito kanina naghatid, nakauwi na din kani kanina lang," sagot ni Ethan habang umiinom ng juice 

"Ahh, tara mamaya sa court? Volleyball tayo, wala naman daw dayo mg basketball mamaya eh," Yaya ni Chae 

"kapag  pinayagan kami nila Lola, lasi baka di pumayag na ipaiwan yung apat eh," sagot ni Rina 

"Asus, edi isama natin para naman makagala man lang kahit saglit tsaka para makilala namin, new friends ganon," sagot naman ni Via 

"Sige, mamaya ipapasabi ko, kapagka hindi sumama edi hindi," Sagot naman ni Abo 

 

 

--------------------------

 

 

Hindi nakasama yung mga taga Maynila dahil mga borlogs daw pala kaya naman kami na lang ang pumunta, Si lola Tere kanina lumabas habang nasa terrace pa kami kaya sinabi ko 

Agad din naman syang bumama at dumiretso sa bahay namin kaya natawa kami 

Isa pa din naman kasi si Lola Tere na anak binggo

Pauwi na kai ngayon dahil may nag away sa court kanina habang naglalaro kami, malapait na sana namin matalo yung team nila Tonya eh 

"Sayang di nakasama yung mga bisita nyo noh? Saya pa naman kanina sa court," sabi ni Chae 

"Jusko, buti nga di nakasama yung apat, nalalahiya kunga nakita nila yung sa court kanina, nakak stress si Ronnie, akala mo naman ang gwapo gwapo," maarteng saad ni Din-din na nakaakbay kay Via habang naglalakad

May nag away kasi na dalawang bakla kanina sa court habang naglalaro kami, muntik pa nga ma square sa mukha yung isa dahil sa lakas ng palo ni Din-din bigla ba naman papasok sa may line, buti at nasalag din 

"Nako kung sumama yung apat naming bisita nakakaawa si Ronnie kasi hindi papansinin nung dalawa," Komento ni Abo kaya napatingin kami sa kanya 

"Gwapo ba?"Agad na tanong ni Via na agad namang ikinatango ni Abo, kita ko naman ang pag iiba ng mood ji Din-din bigla 

"oo beh, gwapo nung lalaki nilang kasama, Si lyle tapos yung tatlong babae shawty lahat,"

"Ay nakakexcite tuloy mameet yang yung mga bisita nyo," 

"Ay ako anytime pwede kong makita yung mga taga Manila, perks of being the kapit bahay nga naman," nakangising sabi ko kaya naman inirapan lang ako ni Via 

"Oh,mga gaga dito na ako ha, ingat paguwi lalo na kila Chae at Din-din, mga tanga pa naman kayo," Mapang asar na sabi ni Via nung nakarating na kami sa tapat ng bahay nila

 

 

Sila Chae at Din-din naman ay pinakyuhan lang si Via na tatawa tawang pumasok sa gate nila pero pinakyuhan din muna ang dalawa at kumindat pa bago tuluyang sinarhan ang gate

 

"Ay, kailan pala kayo mamimili ng mga gamit?" Tanong ni Tanp-tan

"Baka bukas o sa makalawa, baka kasi aalis si lola bukas walang maiiwan sa bahay," sagot ko naman

"Ako anytime," sagot naman ni Chae

"Oh sya, sige dito na kami ha, ingat kayo pauwi," paalam nila Rina nag paalam na din naman kaming tatlo nila Din-din sa kanila 

"Hoy, mga tanga kayo. Dumiretso na kayo pauwi ha, baka kung san pa kayo pumunta," sabi ko sa dalawa nung nasa harapan na kami ng bahay namin

 

Tumango naman ang dalawa at nginitian ako bago nagpaalam at umalis na din 

 

Magkapit bahay lang yung dalawang yun. Ang bahay nila ay makapalagpas sa tindahan nila Heejin kaya di naman ganon kalayo.

 

Pagpasok ko ay patay ay ilaw sa salas pati sa kusina, ilaw lang sa may labas at sa terrace ang ilaw ang buhay 

Wala pa din pala si lola 

 

Binuhay ko na ang ilaw at binukasn ang TV pati na ang gaming console 

Pumunta ako sa kusina para tignan kung may pagkain na naluto si Lola 

Merong Adobo at pinakbet sa lamesa na nakataklob, tinignan ko naman kung may saing na na kanin at meron na nga kaya umakyat muna ako para magpalit ng damit, mamaya na ako kakain oagdating ni Lola para sabay na kami. Maglalaro na lang muna ako 


 

------------------------------------

 

 

Medyo maaga akong nagising ngayon dahil si Lola tumatalak na naman sa kusina, opo kahit nasa second floor ako rinig ko si Lola 

Naligo na din ako tsaka nagbihis bago bumaba kasi nga aalis kami ngayon...Ayun ay kung hindi aalis si lola

Yung tinatalak lang naman nya ay yung aabout dun sa tindera na napagbilhan nya sa palengke na dinaya daw sya 

"Aba, sabihin ba namang tatlong kilo na daw itong baboy na bili ko eh kitang kita ko na wala pa sa ikatlong number yung guhit tapos dadayain pa din sa sa sukli," gigil na sabi ni lola kaya naman napatawa ako 

"La, easy. Yang dugo mo baka tumaas na naman, nakuha mo naman ata yung sukli mo tsaka tinama na yung kilo. Wag kana lang dun bumili ulit," sabi ko at hinalikan ang lola sa noo 

"Aalis ka ba ngayon lola?" Tanong ko dito

"Mamaya pa sa hapon, bakit? Aalis kaba?" Tanong nito

"Opo, mamimili kami ng gamit para sa school, asukan na namin diba next week," Sagot ko tumango naman sya

"Ah, sige, bili ka nga muna ng asin," Utos ni lola at nag abot ng singkwenta

"La, wala kang barya lang? Magkano lang asin eh,"

"Ay nako wala, puros isang daan na lahat,"

 

Lumabas na ako para bumili 

 

Naka shorts lang ako tsaka oversized shirt 

"Pabili po!" Tawag ko pagdating ko sa may tindahan 

Sumilip naman si Heeji ulit at ngumiti sakin 

"Nu yon beh?" Tanong nya 

"Aga mo naman na bantay sa tindahan nyo , wala kabang ibang ginagawa? Pagbilhan mo nga ako ng sampung piso na asin- ay wait, gawin mo ng bente pesos, tsaka paminta na din," Sabi ko 

"May ginagawa kasi si Lola sa loob, tapos si mama nagluluto kaya ako muna nagbabantay since ,aaga naman ako nagising, Ito lang ba?" 

"Samahan mo nga ng isang fudgee bar na chocolate," sagot ko 

"Nakabihis ka ata, pasan ka?" Tanong ni Heejin habang kinukwenta yung mga binili ko

"thirty eight pesos beh," sabi nya 

Inabot ko naman sa kanya yung singkwenta pesos 

"Papunta kami sa bayan, mamimili ng mga gamit sa school, kasama sila Rina," 

sinukilan nya naman ako tsaka inabot sakin yung mga pinamili ko 

Napatingin naman ako sa kanya kaya takang tinaasan nya ako ng kilay 

"Oh bakit? May kulang ba? Kulang ba sukli ko?" Tanong nya pero umiling ako at itinaas ang binili ko sa kanya at ipinakita

"Teh, sabi ko asin hindi shabu, asin binibili ko bat mo ko bibigyan ng shabu? mamaya mahuli ako dyan! Paltan mo to" Sabi ko sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay 

"Oo beh, di ko naman kayo ilalaglag sa mga parak, pero paltan mo na toh, asin kasi kailangan talaga ni Lola hindi shabu," sabi ko at pilit na iniaabot yung haawak ko sa kanya 

"Ikaw ang aga aga ang tangina mo," Inis na sabi nya sakin kaya natawa ako 

"Ikaw ha, nagtitinda kayo ng good items dito tapos bente pesos lang," Biro ko pa kaya mukhang mas lalo syang nainis at akmang ibabato sakin yung tsinelas na binebenta nila kaya patakbo akong tumakbo paalis ng tindahan 

 

"Hayop ka RUJEN!!! Wag kana babalik dito ha! Di na kita pagbibilhan" Sigaw pa ni Heejin mula sa loob kaya mas lalo akong natawa 

"SIGE BEH, UUTANG NA LANG AKO!" 

Pinayuhan nya naman ako tsaka pumasok sa loob ng bahay nila 

"HOY LASIL!" Rinig kong sigaw mula sa likod kaya napalingon ako at nakita ko sila chae at Din-din na papalapit sakin 

"Oh? Aga nyo naman?" Tanong ko nang makalapit sila

"Ah, ito kasing si Din-din nagpapasama kila Via, bihis na kasi si hitad tapos umalis daw mga kasama nya sa bahay kaya wala syang kasama, ito naman si Din-din dahil nga momol deprived ang bilis ng ipinaligo ni gaga, napagalitan pa nga yan ng mama nya, nabasag ata yung tasa nila dahil sa kapandalasan ," Sagot ni Chae kaya natawa ako 

"HOY! Tanginang 'toh, kung ano ano sinasabi mo, imbento ka bhie! Nagpapasunda na kasi si Via, makikikain daw tayo kila Rina, surprised breakfast daw, isusurprise daw natin sila sa breakfast ang twist daw ay tayo ang makikikain," sagot ni Din-din kaya natawa ako

"Hoy beh, gago ka! Bat ka may hawak na shabu!" Taranta na tanong ni Chae nung nakita nya yung binili ko kila Heejin, natawa ako dahil halatang panic na panic sya

 

"Tanga, asin yan. Inaasar ko nga din si Heeji kanina kung bakit nya ako binigyan ng shabu, aba babatuhin ba naman ako ng tsinelas," Sabi ko sa dalawa 

Papasok na kami ng bahay at yung dalawa ay tumigil muna sa terrace 

 

"La, oh. bumili na din ako ng paminta, wala na tayo nun eh," Sabi ko sabay abot sa kanya nung paminta, asin na mukhang shabu dahil sa itsura nito tsaka yung fudgee bar na favorite ni Lola

 

"La, una na kami ha, nasa labas kasi sila Chae, punta kami kila Rina" Paalam ko dito 

"Saglit lang Lasil," Sabi nya at tumayo 

KInuha nya yung bag doon sa may taas ng ref at lumapit saakin 

"Oh, pambili mo ng gamit, ang bibilhin ay yung mga kailangan lang sa school ha, wag kung ano ano, ibalik mo sukli sakin," sabi ni lola at nag-abot ng pera

Wow, 12k 

"Sige la, una na kami ha"paalam ko at umakyat muna sa kwarto para kuhanin ang cellphone ko at wallet, nagsuot na din ako ng cap 

 

"Hoy mga panget tara na," Yaya ko sa dalawa na nakaupo sa may pasimano ng terrace 

"Wag na daw natin suduin si Via, dun na lang natin sya antayin sa gate nila rina," Sabi Din-din habang nakatuktok sa kanyang cellphone 

 

"HOY! PADELIVER KAMI NG TUBIG SA BAHAY TATLO!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Chae 

"OO, MAMAYA DADALHAN NAMIN KAYO," sigaw naman pabalik nung dumaan 

Ahh, yung magkapatid na sila Adrian at Demi pala

 

"Ayus yung dalawang yun ah, ang aga mag deliver, mukhang galing pa sa bayan," sabi ni Chae nung makarating kami kila Rina, aantayin na lang namin si Via 

"Businessman na businessman ang datingan nung magkapatid eh, lagi na lang magkabuntot," sabi ko 

"Palagi kaya yan napapagalitan ni Tita Myla. Kasi naman, ang bilis magpatakbo ni Demi ng bangkulong kaya nililipad na yung ibang galon, tapos yung nagmamaganda ko naman na pinsan na si Adrian di man lang sabihin sa kuya nya, kaya ang ending pagdating nila sa bahay kulang kulay na yung mga galon" sabi naman ni Din-din 

"Buti di sila nalulugi," komento ni Chae napatango naman ako 

"Inaabonohan naman nung magkapatid yung mga galon na nawawala, pero kapag ka customer yung nakawala or nakasira syempre taga singil na dyan si Adrian, medyo makapal mukha nun kesa kay Demial eh," 

 

Sila Demial Sunghoon At Adrian Sunoo ay magkapatid na pinsan ni Din-din may isa pang kapatid sila Demi kaso nasa Japan nagtratrabaho. Sila yung may Ari ng water station dito samin na nakakabot hanggang sa bayan kaya ang chika samin ni Adrian ay nagbabalak daw ang nanay nya na magtayo ng isa pang water station sa may sentro ng bayan para din daw hindi na magpabalik balik yung magkapatid sa pagdedeliver, delikado din nga naman 

Yung tatay naman nila ay isang direktor sa Maynila,madalang lang ito umuwi dahil madami itong projects, may mga series, pelikula, at iba pa. Kapag nagbabaksyaon naman ang tatay nila Adrian ay umaalis silang buong pamilya, minsan ay binibisita ang ate nila sa Japan, oh kaya naman ay namamasyal ang mga ito kapag nakakauwi din si Ate Mina. 

Si Adrian eh madalas nagmamagdan dahil nga madami ng nakasalamuhang mga artista dahil minsan ay sya ang isinasama ng kanyang tatay sa mga shootings nito kapag walang pasok, kakarating rating nga lang ni Sunoo Last week eh, si Demi naiwan dito,sinamahan ang kanilang mama. May kasama naman sila sa bahay pero ayaw talagang iwan ito si Demi, mama's boy kasi si pogi 

 

"Ito na pala si Via. Teh ang bagal mo maglakad bilisan mo naman gutom na ako," reklamo ni Chae 

 

"Dika pwedeng magreklamo pag dika maganda Chae ha, magaganda lang pwede magreklamo, pag panegt shot off ha," Pagmamalditang sagot naman ni VIa kaya muntik na sya masabunutan mabuti na lamang ay mabilis syang nahila ni Din-din papunta sa likod nya at sya na din ang nag sorry 

 

"Tara na nga, baka igapos ko pa sa poste yang ka momol mo Din-din, patigilin mo yan ha," Sabi ni Chae kaya naman inirapan lang ulit sya ni Via 

 

Itinulak ko na ang maliit na gate nila Rina dahil bukas naman ito, nakalabas din ang motor ni Ethan na nakaprada malapit dun sa itim na kotse, tapos yung truck ni Lolo Ale ay nasa may malapit naman gate, yung mga motor naman nila Rina at Abo nasa loob ng grahe, ingat na ingat ng dalawang bading at talagang naka cover pa ng tela 

 

Umakyat na kaming apat sa may hagdan at tuloy tuloy na pumasok 

 

 

"TAO PO!!!" nagulat ako sa biglang pagsigawa ni Chae na nasa likod ko

 

Dirediretso lang naman ang pasok namin at nakita silang nasa may harap ng mesa

 

"Oh wow, penge," sabi ko ng pagkapasok ko sa kusina at nakita ang nasa hapag, tumabi naman agad ako kay Rina at kinuha yung kutsara nya at sumubo na ng pagkain 

 

"Good morning lola Tere, Lolo Ale, pasensya na kayo dito kayla Chae at Lasil ha," Rinig kong sabi ni Via kaya naman sinamaan ko sya ng tingin habang puno ng pagkain ang aking bibig

 

Pero natigilan ako nung tumunghay ako at nakitang may apat na pares ng mga mata ang nakatingin saamin. Napatitig ako dun sa isang singkit na may maliit na ngiti na nakatingin sa akin. 

 

Shet ang ganda, kamukha nya future girfriend ko

sheeshhhhhh

 

Mukhang pati ang mga kasama ko ay nagulat sa mga bagong tao sa lamesa 

 

"Ah, nga pala, sila Winter, Yeji, Yuna, at Lyle," Pakilala ni Rina dunsa apat habang tinuturo isa isa

 

Ahh, Yeji pala name ni Baby ghorl 

 

"Tapos eto namang mga ito ay sila Via, Din-din, Chae, at Lasil," Sunod na pagpapakilala nya saamin 

 

"Nice to meet you, sit kayo, then sabay na kayo samin mag eat," nakangiting yaya samin ni Ms. beautiful, pero hindi ako makapagsalita. Nagbuhol buhol ata dila ko, ano ba tong pagkain ni Rina, may lason ba toh?

Narinig ko ang pagtikhim ni Ethan kaya para akong bumalik sa wisyo at napakurap 

"P-po?" Utal kong sagot 

"Eat with us na, you're eating Rina's food kasi eh," Ulit ni Yeji na parang nahihiya 

 

Naku baby ghorl, wag ka mahiya, ako lang toh, future dad-bebe mo 

 

bebe mo kasi yun guys 

 

"Kumain na nga kayo, mag aayos lang din kami maya maya tapos aalis na din tayo," sabi ni Abo

 

May plato, lutsara at tinidor na sa harap ko kaya nagsandok na ako ng pagkain, wala ng hiya hiya toh, gutom na ako eh 

 

"If you don't mind , pwede bang itanong saan kayo pupunta?" Rinig komg tanong nung lalaking gwapo 

 

Wow, english spokening dollar pala tng mga toh, di yata kakayanin ng ilong ko, sayang iniipon ko pa naman yung mga english ko para sa pasukan 

 

"Ahh, pupunta kami sa bayan kassi mamimili kami ng mga gamit, sama ba kayo?" 

 

Ay wow, nakakaintindi naman pala ng tagalog, safe ang aking english words

 

"Ah, the one na ipinagpaalam nyo kila Lola last night?" Tanong naman ni Baby ghorl Yeji

"Is it ok ba? I mean, if we're nit nakakaistorbo," dagdag pa nito,  cute naman nag abunjing bunjing na yan

"Ay naku hindi ayos lang para makalabas din kayo at ng medyo masanay sanay kayo sa paligid sa labas," Sagot ni Abo 

"Ay, papasabi ko kay Arnel pala na maghanap na ng tricycle na masasakyan natin papunta ng bayan," Sabi ni Via at akma ng ilalabas ang Cellphone 

Magmomotor lang sana dapat kami eh, pero since kasama namin yung apat na bago eh mag tra tricycle kami, baka kasi hindi sanay sa motor, nakakhiya naman tsaka amadami dami din kaming mapapamili for sure 

 

"Urm, we have car naman, we can use that as our transpo kung ayos lang," offer ni Lyle kaya medyo nagliwanag ang aking buhay 

 

Tinatamad kasi ako magmotor tapos medyo malayo yung bayan kaya mag gagas pa ako, syempre dahil isa akong dakilang foodie, char 
 

 

Medyo matakaw ako kaya malakas ako gumastos sa pagkain, eh may pinaiipunan pa naman ako. Bibili ako ng nintendo switch 

 

" Huh? Ok lang ba?" Tanong ni Abo 

 

Ngumiti naman si Lyle ng pagka ganda ganda bago sumagot 

 

"Ayos lang, tsaka para di na gumastos ng pamasahe, malaki naman sasakyan ko kasya tayong lahat dun,"

OMG so very very happy naman nito 

 

" Talaga ba? Yiee, thank you na agad Boss Lyle pogi," sabi ko sabay ngiti sa kanya 

 

Narinig ko na medyo nag-ubuhan ang mga kasama ko sa lamesa kaya napatigin ako sa kanila 

 

Grabe naman dito, may epidemya pa ata

 

Yung mga friends naman ni Lyle mukhang nagpipigil ng tawa 

 

Bakit ba?

 

Nagulat naman ako ng bigla akong hinampas ni Via 

 

"Hoy gaga, dika man lang nahiya shuta," sabi nito 

 

"Eh? Totoo naman, nagpasalamat lang naman ako, tsaka pogi naman talaga si Lyle, diba Lyle pogi ka? Tropa na tayo ha, pareho tayong pogi eh, wag ka didikit sa

mga 'toh, chaka sila, alam mo ba wala pang nagkakagusto sa mga yan," Sabi ko sa kanya tapos yung tatlong babae naman ay biglang nagsipagtawanan, may mali ba sa sinabi ko? di naman ako nag jojoke ah?

 

"Manahimik nga kayong tatlo, lalo kana Yuna, ang plastic ng tawa mo nakakaburyo, sasalpakan ko ng pandesal bibig mo eh," Nagulat ako sa sinabi ni Lyle. 

Di kasi sya mukhang bardugal magsalita. Ayos pala toh, parang si chae lang

 

"Kapal mo naman beh, eh ikaw nga 'tong di na kacrushback eh, dugyot dugyot mo na jologs pa," Pagsusungit na sabi naman ni Via saakin 

 

Aray? Nakaka offend, ako Jologs? 

 

Sasagot na sana ako ng biglang may nagsalita 

 

"Actually Lasil, saming apat? Ako pinaka the best looking at hindi sa pagmamayabang , per mas madaming nagkakagusto sakin nung nasa Manila kami," - Si Yuna pala

 

Napangisi ako

 

"Ay weh? Totoo ba? Ngiti ka nga," sabi ko rito, ngumiti naman si Yuna 

 

Wow, gf material din pala toh. Ganda ng ngipin mga beh

 

"Pogi ka nga tol, pasok kana sa bagong buo kong tropa ha," ngisi kong sabi bago sya iparinan

 

Tumingin naman ako sa aking 'EX-FRIENDS' at ngumisi 

 

"Goodbye na mga slapsoils, may bago na akong tropa," proud kong sabi 

 

Nakita ko naman ang pag irap nung dalawang nilalang na walang label 

 

"Edi mabuti  kung ganon, di na namin kailang makita mukha mo araw-araw, nakakasawa, mukha kang unggoy jusko," Sabi ni Din-din kaya naman sinamaan ko sya ng tingin ng may biglang nagsalita 

 

"Lasil, I'm quite qualified as a pogi din, does that mean na I can join sa tropa mo?" Tanong ni Baby ghorl Yeji kaya medyo natulala ako 

 

"Ngiti ka nga par," Sabi ko, DIko pwedeng tawaging 'Baby ghorl' si Yeji baka ihagis ako nito palabas ng bahay 

 

Ngumiti naman sya at shet, ang ganda ganda ni baby ghorl

 

Napapalakpak naman ako nung may naalala akong kamukha nya at napatawa bago lumapit sa kanya para icheck kung kamukha nya 

 

Yes, ichecheck ko mga accla, hindi ako na nananching ha 

 

"Ay par, kamukha mo yung nasa Disney, yung sa how to train your dragon, si Light Fury," sabi ko habang pinipisil ang magkabilang pisngi nya 

 

Take note ha, di ako nanananching

 

Nagtawanan naman ang kanyang friends pati sila Rina nagtawanan, ako naman ay bumalik na sa upuan ko, baka diko kayanin [ag nag stay pa ako ng matagal sa tabi ni Baby ghorl Yeji. Kaya umupo na lang ulit ako at itinuloy ang pagkain

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Baby ghorl 

 

"Is that an insult?" tanong nya na ikinailing ko naman at nilunok muna ang aking kinakain bago sumagot 

 

Dugyot naman kung magsasalita ako ng may laman bibig ko, mamaya may tumalsik na kung ano ano mula sa aking mouth, baka ma turn off si Baby ghorl Yeji sakin

 

"Cute kaya si Light Fury pare, kaya ikaw cute ka, pwede ka sumama sa tropa namin," Sagot ko 

 

Kahit sakin kana lang sumama pang habangbuhay pwedeng pwede, di ako mag rereklamo 

 

"Stop calling me pare nga, I should be called like mare," sabi nya at nag cross pa ng arms 

 

Gagalit yarn? Char

 

Ano ba? Kahit mahal, lalove, baby ko pa yan Baby ghorl, ok na ok sakin na itawag yan say basta ganyan din tawag mo sakin hehe

 

Napatingin namanako dun sa isang babae na tahimik; Si Winter, na nakamasid saamin at kumakain kaya sya naman kinausap ko, baka ma left ut eh, di naman ako ganon ka favoritism eh 

 

"Ikaw, Winter? Gusto mo ba sumali sa Tropang pogi?" Tanong ko rito, mukha namang nagulat sya dahil sa biglang pagtatanong ko sa kanya kaya di muna sya nakasagot at nilunok muna ang kanyang kinakain

 

Umiling naman ito ng may maliit na ngiti 

 

"No thanks, I'm gonna joon their group nalang," sabay turo kila Din-din 

 

"They're full of visuals and i'm nananawa na sa faces nila Yuna, so it's fine," dagdag pa ni Winter kaya inabot sya ni Din-din at mayabang akong nginisian 

Pano ba yan par, visuals daw kami, uwi kana pagkatapos mo kumain, wag kana sumama samin, panget mo," Sabi pa ni Din-din kaya inabot ko ang baso at muntik nang ibato sa kanya ng biglang magsalita si Lolo Ale 

 

Ay, wala pala ako sa bahay hehe

"Oh sya sya, mauuna na ko mga apo ha? At may lalakarin din ako sa may Malvar," sabi ni Lola atsaka tumayo 

 

"Lo, kala ko po may ani kayo mamaya?" Tanong ni Rina 

"Ah, oo, pero pupunta muna ako sa Malvar at may aayusin akong papeles dun sa lupa na binili nung taga kabilang bayan, pagkatapos ay babalik din ako sa bukid," 

"Lo, punta kami dun nila Yuna mamaya, gagala namin sila," sabi ni Abo kaya napatingin naman ako habang kumakain

"Ganon ba? Oh sige, mamaya punta kayo, papadala na lang tayo ng meryenda kay Lola ninyo, isasama nyo ba ang mga ito?" Tanong ni Lolo na naka turo sa amin 

Tumango ako kay Rina dahil busy kumain yung mga ungas 

"Bahala na po lolo, kapag di ako naburyo sa mukha nila Lasil, Chae, Din0-din, at Via," Sagot naman ni Abo kaya inirapan ko sya

"Wow, ikaw pa talaga mabuburyo sa mukhang 'toh?" Tanong ni Via habang nakaturo sa kanyang mukha "Excuse me, ang mukhang ko ay hindi ginawa para pag sawaan at pagka buryuhan," maarteng dagdag pa nito 

Yes, we stan a confident intsik 

Ngumisi naman si Abo at  sumadal sa upuan 

"Weh? mamaya mananawa na sayo si Din-din, lagi mo kasing itinatanggi kapag may nagtatanong, bahala ka, ikaw din, pag yan may nahanap na iba na hindi sya itatanggi maiiwan ka, kawawa ka naman," Mapang asar na sabi nito kay Via 

Si Via naman ay mabilis na nilingon ang katabi, kala ko nga mag 360 ikot nya eh

Si Din-din naman nabilaukan dahil sa biglang pa spotligth sa kanyan ni Abo at sa titig ni Via na nilalafang sya pero not in a good way kaya mabili syang umiling 

"Luh, wag ka maniwala dyan kay Abo, palibhasa walangkalampungan yan, naiinggit lang sayo yan," sabi ni Din-din habang sinasamaan ng tingin si Abo na tumawa naman along with Rina 

Nagpaalam na sila Lolo Ale at lola Tere, si Lola Tere pupunta daw sa bahay 

 

Chismis all the way na naman toh 

 

 

"Winter, may mga naging jowa na ba kayo?" Nagulat ako sa tanong ni Chae, pati sila Ethan nagulat 

Pero cure use ako sa isasagot nila, lalo na kay Baby ghorl Yeji 

"Erm, not ye pa, pero I had flings before," mahinang sagot naman ni Winter 

 

Naku beh Winter, walang masama kung dika pa nagkakajowa, at lalong hindi masama kung may mga nakalandian kana before. 

Ang masama nyan ay may Jowa ka tapos may iba kapang kalandian, it's a big No-No for me

 

"Ah, eh kayo? Meron?" Tanong niya naman dun sa tatlo 

"I had one before, pero we broke it off ma dahil he seems to have maraming babae eh, and we're not that serious naman," Sagot ni Baby ghorl Yeji 

Awts, naka boyfriend na pala ang aking baby ghorl,kaso babaero

 

What if sakin ka magseryoso baby ghorl? Stick to one ako

 

Char

 

"Ayos pala kayo nuh? Mga conyoters," Komento ko at tumawa

Hehe, ako lang yung tumawa, tapos silang lahat nakatingin lang sakin

"Gaga, anong conyoters ka, imbento ka talaga bwisit," Masungit na sabi ni Via 

"Ay! Si Jal meron naging girlfriend , kao umalis na nagpunta sa France dun na piang-aaral ng parents," sabi ni Yuna 

Beh, ang tinatanong naman namin eh kayo, sino naman si Jal?

"Sinong Jal beh?" Tanong ni Chae 

"Yang si Lyle, Jay Archer Lyle kai pangalan nyan, kaya Jal nickname nyan sa Manila, kami kami lang tumatawag na Lyle dyan," Sagot naman ni Yuna at kumuha ng daing sa plato ni Chae na hindi naman ito pinansin at kumuha lang din ng manok sa plato 

Edi wow, share share

"Haba ng name mo pala 'nuh?" sabi ni Via 

"Tao po! Tantan, Abo yung mineral nyo!" Rinig namin na sigaw mula sa labas 

"Beh, yung bespren mo nasa labas," sabi ni DIn-din na natatawa kaya tumayo naman si Abo at nagpunas ng kamay bago lumabas

"Hoy, ikaw andito ka pala, hinahanap ka ng mama mo," sabi ni Adrian sa pinsan nya 

Si Adrian, ang magaling na Ex ni Karina, sya lang yung naging jowa ni Rina na pinaka nagustuhan namin 

"Sus beh, umupo kana dyan at kumain din, dami mong dada," sabi ni Din-din at hinila paupo ang pinsan 

"Hoy, bah naman 'toh, di man lang ako tinulungan magbaba ng mga galong ng tubig," si Abo na may dalang dalawang galon ng mineral water

Aba, kahit maldita yan kaya ka nyan sipain palabas ng Baranggay

Tinignan lang sya ni Adrian at tumawa 

"kaya mo na yan bhie, support," 

Tumayo naman si Lyle at kinuha yung isang galon na hawak ni Abo 

Nabigla ata si Lyle sa bigat nito at medyo na out of balance pa 

"Hoy Ethan. Tapos kana kumain, meron pang anim na galon dun sa baba, tumulong ka kaya," sabi ni Abo sa pinsan na nakikipag kwentuhan kayla Yuna at Winter 

"Wait lang ito na," sabi naman nito at tumayo na 

"Ay, Yeji, Yuna, Winter, si Adrian pala, pinsan ko.Rian, sila Yeji, Yuna, at Winter pala, taga Manila yan, pero dito mag-aaral," sabi ni Din-din 

"Gusto ko sana makipagkamay mga sismars kaso nakakamay ako eh," Sabi ni Adrian kaya ngumiti lamang ang tatlo dito 

"It's ok, how old are you pala?" 

"Ano po, kaka 18 ko lang last week," SAgot naman ni Adrian sa tanong ni Baby ghorl Yeji 

Ngiting ngiti naman si Baby Ghorl 

"Same age kayo nung brother ko, si Ni-ki! I think you two would be great friends," Sabi ni Yeji kay Adrian 

"Ay bet! Pakilala mo sakin teh, nananawa na ako kila Rina at kay Abo," sagot naman ng maldita ding bespren ni abo kaya namaan nakita kong inirapan sya ni Rina 

Bigla naman pumasok si Demi; yung kuya ni Adrian

"Hoy Adrian! Isusumbong kita kay Mama, pinadeliver lang 'tong mga tubig at uuwi na, tapos lumalantak kapa dyan ng kain,"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kimyu_winrina
I am so sorry for the sudden ending at sa pagka bitin.
So that was my first ever story that i finished na napublish ko. I really do hope that you guys liked it! Watch out for my next story! See you soon

Comments

You must be logged in to comment
bbiiWinkim #1
Chapter 41: 💙💙💙
shajanie
#2
Chapter 41: At least magkasama padin cla sa isang bubong!
maxiclaine #3
hindi sila ldr!!!!!!! okay. start ko na to.
ryujinie__
691 streak #4
Chapter 41: AHHHHHHHH MY HEART 🥺 been a reader since day 1!!! huhu it's been a roller coaster cute ride with them. thank you sharing lifehlife here is good. hindi naging LDR and may anak na sila 🥺💙 tysm <3 will surely miss them
iamriou_
1159 streak #5
Chapter 40: uy may lapag!!!!
ryujinie__
691 streak #6
Chapter 40: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1502948/40'>Chapter 33</a></span>
AHHH UPDATE 🫶🏻🫶🏻 THANK YOUUUUU

edit: malapit na matapos 🥺 excited sa next chap if magiging LDR ba sila or not :<
iamriou_
1159 streak #7
Chapter 39: 🥺
ryujinie__
691 streak #8
Chapter 39: Possible LDR? :<
Maatt_booii #9
Chapter 39: Salamat sa update!!
ryujinie__
691 streak #10
Chapter 39: OMG UD 😻