Chapter 17

Life here is Good
Please Subscribe to read the full chapter

KARINA'S POV

Monday na.

Opening for intramurals
Hindi ako makatulog kagabi dahil ang dami pang tinapos na requirements. Mga certificates of awards for winners, tapos yung ibang mga activities na ipapasa sa mga teachers

Ang aga ko gumising, paglabas ko kanina ng kwarto bihis na ako. Kakain na lang, pag baba ko naman andon na sila Ethan at Abo kumakain na rin, naka bihis na din sila.

We aren't wearing our athlete's uniform yet dahil nga part kami ng SC kaya naka Tshirt (SC shirt) and pantalon palang kami

"Hoy, nag next kanina sakin si Rei,kasabay nya daw sila Jed,"
"Sobra namang aga nila?" Tanong ko naman pagkaupo ko sa tabi ni Abo

"Ewan ko din dun sa mga yun, pero feel ko tatapusin nila yung mga requirements na hindi nila natapos kahapon. Grabe naman kasi sa dami jusko, daig pa natin yung mga nagtratrabaho sa NASA beh," Reklamo ni Abo kaya natawa ako

"Anong oras laro nyo?" Tanong ko kay Abo

"Mga 1:30 daw. Ang alam ko lahat ng martial arts may laro agad eh, tapos gymnastics din,"

"Eh? Lalaro kapa? Bat last year hindi ka pinalaro ng intramurals? Deretso Division meet agad?" Tanong ni Ethan

"Pinalaro ako eh, for gold naman yung paglalabanan namin kaya keribels,"

"Kayo?" Tanong ko naman

Hindi kasi kami ang nag ayos ng schedules ng mga laro. Mga kanya kanyang teachers na assigned per team at coaches lang. 

"Pano pala sila Yeji? Maaga tayong aalis diba?" Tanong ni Ethan 

"Sabay ba daw sila satin or hindi?" Tanong ko naman 

"Nakausap ko kagabi si Yuna eh, sabi nya kung maaga daw tayo need sa school mauna na daw tayo kasi baka malate sila," 

"Sabagay, pwede naman siguro nila gamitin yung mga sasakyan nila. Isabay nalang nila sila Lasil." sagot naman ni Tan-tan 

"Hoy, pano pala si Jake? Maaga daw ba syang papasok?" 

"Gurl, ilang kembot lang naman bahay nila sa school jusko lang, pag sya nalate pa ewan kona lang talaga."

 

 

 

 

 

______________________

 

 

 

"La, alis na po kami," Paalam ni Ethan kay Lola na nasa salas, may tinatahing damit 

"Ay sya sige sige. May mga pera paba naman kayo? Saglit lamang kukunin ko ang aking pitaka" Akma ng tatayo sana si lolo pero pinigilan namin sya 

"La, wag na may pera pa kami. Di ko pa nga nagagstos yung bigay ni Ate ace eh, tsaka may natira pa samin bigay nyo nung nakaraan," Sagot naman ni Ethan 

"Eh paano naman pagkain nyo doon? Mga tubig nyo?"

"La, may budget ang school dun, may pa lunch kami tapos mga tubig. Meron ding pamerienda ang school kaya ok na yun," Sagot ko naman kaya napatango si Lola 

"Oh sya, alis na kayo at baka kayo ay mahuli pa, magiingat sa pagda drive ha, Ikaw Jungwon Ashley napaka kaskasero mo magdrive, ayus ayusin mo pagmamaneho, pag talaga ikaw nalaman kong  bastahan na naman sa pagdadrive tatanggalan kita ng motor ha," Pag papaalala saamin ni Lola 

Natawa naman ako sa kaitsurahan ni Abo, mukha syang tinaraydor ni Lola at may paghawak pa sa kanyang dibdib 

"Lola, kung may kaskasero man dito sa pamamahay na ito, iyon ay si lolo. Wag nyo ako idamay La, expert ako sa pagmomotor kahit paliparin ko pa yan maganda padin landing ko with matching pose pa, " Pabalang na sagot naman ni Abo kaya muntik na syang mabato ni Lola ng tsinelas mabuti na lamang ay nakatakbo na sya palabas at tumatawa pa kaya umalis na din kami pagkapaalam ni Lola 

"Gaga ka talaga, aga aga hina-highblood mo si lola," sabi ko kay Abo habang nag susuot ng helmet

"Hoy, buksan mo muna ang gate bonak, bat nakatayo ka lang dyan?" tanong ni Abo kay ethan na nakatayo malapit sa kanyang motor at nakatitig sa kanyang cellphone

"Wait lang naman!" Sagot ni Tan-tan 

Sinusian nya muna yung lock bago ito buksan 

Pinaandar ko na ang aking motor at chinenck ko muna ang mga gamit ko kung kumpleto na ba habang nag aantay na lumabas sila Abo

 

 

Cellphone. Check 

Wallet na may lamang five thousand three hunder six. Check

School id na may SC Member tag at other sabit. Check 

Ok na , kumpleto na gamit ko. Nasa bag kona din yung Jersey ko panlaro tapos yung sapatos ko naman panlaro nakalagay sa Nike blue shoe bag   

 

 

__________

 

 

 

 

Nakarating din naman agad kami sa school at mabilis na ipinarada ang mga motor namin sa malapit sa school gate dahil wala pa namang mga students na andon. May mga mangilan ngilan na sasakyan na nakaparada siguro sa mga teachers 

 

 

"Bongga talaga ng school, inubos talaga yung budget na napagsulisitan," Komento si Abo pagkapasok namin sa loob

"Hayaan mo na, ang alam ko may malaking pondo padin ang school. Andami kaya nating binigyan ng solicitation letter tapos ang lalaki ng bigay,"

"Good morning Pres, Vice tsaka po secretary," Bati saamin ni Rei pagkapasok namin sa SC room 

Buhay na ang aircon tsaka ang mangilan ngilan na computers na nasa loob 

"Bat buhay mga computers beh?" Taning ni Abo pagkababa nya ng kanyang gamit sa table 

"Ah, tinatapos po kasi ng ibang members yung ibang activites na due today, lumabas lang po sila para bumili ng breakfast," sagot naman ni Rei 

 

Si Rei lang ang naabutan namin na nasa loob ng room at meron naman syang dalang laptop at dun ata sya nag gagawa ng requirements nya

Diko ata kaya na maiwan mag isa dito sa SC room, sobrang lamig kasi tapos kailangan bukas lahat ng ilaw dahil walang bintana ang room na ito kaya sobrang dilim kapag brown out.

 

"May sinalihan kang sport diba Rei?" Tanong ko sa school treasurer namin at tumango naman sya 

"Ah, opo sumali po ako sa Girls sepak," sagot nya kaya napatango lang ako at nginitian sya 

"Goodluck. Kailan ba laro nyo?" 

"Ah, wala pa po kaming game ngayon eh. Thursday pa po," 

 

Sana all

 

"Pres, may naghahanap po sa inyo sa labas," Sabi ng bagong pasok na SC member sa room 

"Hmm? Sino?" Tanong ko naman 

"Si Kuya Gino po,"

Napatango naman ako at tumingin sa dalawa kong pinsan, nakangisi sakin si Abo at kumindat pa kaya sinimangutan ko ito bago tumayo at lumabas ng SC room 

 

 

 

 

"Oh, hi Rina" Bati sa aking ni Gino 

"Hi, hinahanap mo daw ako?" Tanong ko naman dito tumango sya at hindi padin nawawala ang mga ngiti sa labi 

"Ah, oo. Actually nung isang araw pa kita hinahanap kaso di talaga kita mahagilapan eh," Natatawang sabi nya at napakamot pa sa batok 

"May ibibgay sana ako sayo eh," dagdag nito kaya naman napataas ang kilay ko 

"Huh?" 

"Ah, eto oh. " sabi nya sabay abot saakin ng Teddy bear na kulay pink tapos meron ding paper bag na maliit tapos may kinukuha pa sya na isa pang medyo mas malaking paper bag dun sa upuan na nasa tabi lang din ng pinto

"salamat, para san 'toh?" Tanong ko naman pagka tanggap nung mga binigay nya 

Para naman syang nahiya at hindi agad makasagot 

"Ah, wala, bigay ko lang. Umuwi kasi si Mama galing abroad tapos medyo madaming chocolates kaya humingi ako sabi ko nga bibigay ko sayo," Paliwanag nya sabay turo dun sa maliit na paper bag kaya binuksan ko ito at ang daming laman na iba't ibang klase ng chocolates meron pang mga candies 

"Ah, ganon ba?Salamat pasabi kay mama mo," sabi ko kaya tumango naman sya 

"Pati ba toh galing sa kanya?" dagdag ko at napailing naman sya at binigyan ako ng ngiti 

"Ah hindi, yang teddy bear galing sakin tsaka yang paper bag," Sabi nya 

"Para saan?" 

"Uhmm- ano gusto sana kitang ayain sa labas?" kabadong tanong nya

"Huh? Ngyaon na? Anong gagawin natin sa labas?" naguguluhan kong tanong kaya naman medyo natawa sya 

"H-hindi, i mean ano. Like kung pwede ba kitang ayain sana mag date?Kung free ka lang naman," sabi nya at nagets ko na 

Date?

"Date?" Tanong ko at tumango naman sya 

"Ano, gusto kasi sana kitang ligawan Rina," sabi nya habang diretsong nakatingin na sabi nya sakin 

 

 

_______________________

 

 

"Ay wow, sana all coach handbag," sabi ni Abo ng binuksan nya yung isang paperbag na binigay ni Gino

"galing yan kay Gino?" Tanong ni Ethan

 

Sinundan ako ng dalawa kong pinsan sa loob ng office ko pagkapasok ko kanina at eto kami ngayon nakatingin lahat sa bigay ni Gino 

 

"Oo, yung chocolates daw bigay ng mama nya," mahina kong sabi 

"Ay weh? Bait naman nyan," sabi ni Abo at kumuha ng chocolate galing sa paper bag ganon din naman ang ginawa ni Ethan

"Eh yang teddy bear at itong bag? "

"Sa kanyan din galing,"

"Manliligaw daw sya," Dugtong ko kaya natigilan sa pag lafang ng chocolates ang dalawa kong pinsan at nagtitigan bago tumingin saakin bago dun sa mga bigay ni Gino at tumingin ulit saakin bago dahan dahang ibinaba ang kinain nilang chocolate 

 

"Ibalik mo na yan beh, wag ka papayag na liligawan ka beh," sabi ni Abo at tumango naman naman si Ethan kaya naman nagtataka ako kung bakit

"Huh?" 

"Basta wag," sagot ni Tan-tan 

"Niyaya kaba manood ng laro nya?" Tanong ni Abo kaya tumango ako at napailing naman sya 

Niyaya ako kanina ni Gino na manood ng Laro nya mamaya, track and field kasi ang event nya kaya medyo malayo sa school ang venue nila 

"Wag kang pupunta ha,"sabi ni Abo at tinapik ako sa balikat bago sila tuluyang lumabas ni Ethan

 

_______________

 

 

 

" HOY GURL! Ano yung narinig ko mula sa aking mumunting ibon na nanliligaw daw sayo si Gino na nagmula sa GAS?!" eksahaderang sabi ni Adrian pagkalapit nya sa pwesto ko buti na lang at  sobrang ingay ng paligud kaya hindi masyadong naririnig ng mga students sa paligid

" Gaga, kilala ko kung sino yang mumunti mong ibon! Pareho kaya kayong parrot! "Sagot ko naman at hinila ang kanyang buhok

" Grabe ha, pero totoo ba?"

Sasagot na sana ako ng bigla namang may umakbay sa kanya kaya napatingin kaming pareho.

Si Ni-ki

Napangisi ako nung nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Adrian at mapanukso ko syang tinignan

"Sino kasama mo?" Tanong ko rito

"Sila Ate Taeyeon po, si Mis- Ate

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kimyu_winrina
I am so sorry for the sudden ending at sa pagka bitin.
So that was my first ever story that i finished na napublish ko. I really do hope that you guys liked it! Watch out for my next story! See you soon

Comments

You must be logged in to comment
bbiiWinkim #1
Chapter 41: 💙💙💙
shajanie
#2
Chapter 41: At least magkasama padin cla sa isang bubong!
maxiclaine #3
hindi sila ldr!!!!!!! okay. start ko na to.
ryujinie__
682 streak #4
Chapter 41: AHHHHHHHH MY HEART 🥺 been a reader since day 1!!! huhu it's been a roller coaster cute ride with them. thank you sharing lifehlife here is good. hindi naging LDR and may anak na sila 🥺💙 tysm <3 will surely miss them
iamriou_
1149 streak #5
Chapter 40: uy may lapag!!!!
ryujinie__
682 streak #6
Chapter 40: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1502948/40'>Chapter 33</a></span>
AHHH UPDATE 🫶🏻🫶🏻 THANK YOUUUUU

edit: malapit na matapos 🥺 excited sa next chap if magiging LDR ba sila or not :<
iamriou_
1149 streak #7
Chapter 39: 🥺
ryujinie__
682 streak #8
Chapter 39: Possible LDR? :<
Maatt_booii #9
Chapter 39: Salamat sa update!!
ryujinie__
682 streak #10
Chapter 39: OMG UD 😻