Chapter 16

Life here is Good
Please Subscribe to read the full chapter

Karina's POV

 

 

Wednesday na mga beh

Malapit na intramurals. So todo kayod kaming mga SC officers. Ako busy sa Sc, sa trainings tapos walang paawat yung ibang teachers sa mga pa activities, kesyo graduating na daw kami kaya kailangan namin yun.

Si Abo sobrang busy sa training lalo na sya ang Star player ng buong school dahil nga "Palarong Pambansa" gold medalist si Gaga, Sana all

Si Ethan ang alam ko nagtry outs din sa Basketball eh at nakuha na sya kaya may training din tuwing hapon kaya ginagabi na ng uwi

Eto ang bago, Winter and friends din ay nag try out din kaya sila ngayon ay players na for Intrams.

Si Lyle ay nag table Tennis, kasama nya si Jake. Pero feeling ko kung may golf, dun sasali itong dalawang ito eh

Si Yeji nasa Badminton naman 

Si Yuna nasa Futsal

Si Winter naman nasa Archery team. Oh diba bongga?

Ang alam ko tig tatlo sila ng pinag try outan eh. Siguro ang pinili nila ay yung talagang best nila.

Ang aming friends naman ay di papahuli syempre

Si Adrian nasa Men's volleyball team, sya ang Team captain. Muntik na sya makarating ng regionals dati, kaso na injured kaya ayun, naligwak 

Si Lasil at Chae naman nasa Dance sports, oh diba bonggabells

Via at Din-din. Actually si Din-din lang naman ang maglalaro, pero since lagi naman magkasama yung dalawa sa lahat ng programs pag-iisahin kona. Nasa Volleyball po sila pareho. yes, kalaban ko po si Din-din.

5:30 Pm na, tapos na ang aming classes at ang Sc hours kaya ngayon ay training.

Ang men's volleyball team ay kasama namin sa covered court at kitang kita namin ang field dahil open na open ang court. Ang mga nasa field naman ay football at Futsal, sa kabilang court ang badminton. And Archery ang alam ko sa may medyo palikod na ng school na field dahil wala masyadong tao dun. Syempre naman, delikado kapag dun sila sa maraming tao nag training, baka naglalakad kalang makikita mona lang may arrow kana sa dibdib mo, dimo pa naabutan ang intrams.

 

Ang Basketball Girls and Boys nasa may gymnasium sa loob ng school, ang alam ko ang table tennis sa may stage nag tretraining eh.

 

 

 

 

"Mine!!!" Sigaw ko sabay palo ng bola at hindi naman iyon nasalo ng kalaban namin which is ang team ng volleyball boys.

By the way, ang team namin ay ang Black Mamba

Kasali sa team ko sila Winter, Yuna, Yeji at kila Lyle, nasa team White Wolves naman Sila Lasil, Chae, Din-din at Adrian. Yes po, nahati ang team namin.

Meron din syempreng pageant dyan nuh 

Muse ng Team namin  ay galing sa grade 11 na si Wonyoung tapos naman si Ethan. Sa team naman nila Chae ay ang Muse nila is si Yujin na grade 11 din tapos grade 11 din ang nila na si Daniel (ex I-land participant)

Ang alam ko nga ay mag shawty sila Wonyoung at Yujin eh. Yun ang chika ni Via, kita nyo yun? Hanggang Grade 11 department nakaabot para sa chismis.

 

 

 

 

"Great Job team, water break na muna and then cool down na, tapos na training natin for today," sabi ng coach namin na si Sir K

Madilim na, buti na lang may dala akong motor, lately dinadala na namin ang aming sarisariling motor dahil nga madalas na kaming gabihin ng uwi. Minsan ng nag vovolunteer pa sila Lyle na dalhin na lang nila yung sasakyan nila papunta ng school para less hassle

Pero syempre, may hiya din naman kasi sa katawan ang aming friends at tumanggi sila. Next time na lang daw.

Pero feeling ko gusto lang nila masolo mga angkas nila sa motor eh. Si Chae kasi ang angkas nya si ang kanyang bebeloves na si Yuna, Si Lasil naman si Yeji. Syempre angkas ko si Winter. Ayaw pa nga ni Winter umangkas nung una dahil natatakot daw sya. Medyo malaki kasi yung motor ko at mukha nga namag hindi ko kayang dalahin kasi nga babae ako. Pero dzuhh, kahit babae ako kaya ko dalhin yung NMAX kong kulay navy green nuh. Baka ihampas ko pa toh sa mga tambay sa may kanto malapit sa school na lagi na lang kami sipulan kapag dumadaan kami. 

 

 

 

Habang nag cocool down kami nakita ko si Winter na naupo na sa may bleachers hawak hawak ang kanyang cellphone tapos nakasukbit sa likod nyang yung bag na naglalaman ng kanyang Bow and arrow. Pinadala pa talaga nila ate Morgan sa driver nila yung mga Bow at arrows ni Winter sa bahay . Bale dalawang Bows yung iniuwi tapos 12 na Arrows.

 

 

 

So ayun nga, medyo nagbago na ang aking mood, kasi naman si Winter ngiting ngiti sa kanyang cellphone. For Sure si Ni-ki na naman kachat nito. Jusko. kakauwi lang nun kagabi eh. pero ang alam ko babalik yun mamaya. May binalikan lang ata sa Manila. Sasabay na ata sya kay Ate Lia pabalik para hindi mag commute si Ate Lia

 

"Hoy, tapos na ang training tapos naka busangot kapa dyan, anyare 'teh?" Tanong ni Adrian saakin pero di ko sya pinansin at nagtuloy lang ng cool down, patapos na din naman 

 

"Luh, sige hangin na lang ako, parang di mo ako sinabihan na wag magpuyat, tapos parang dika nagagalit sakin dati pag di ako kumakain, parang di mo ako minahal noon, punyeta na toh eh." narinig ko ulit na ungot ni Rian. 

Binatukan ko naman sya kaya nag peace sign lang sya saakin at tumawa 

 

"Kay Ethan kaba ulit sasabay?" Tanong ko kay Rian 

Tumango lamang naman ito at humarap kay Dongpyo dahil nilapitan sya nito 

Diko din alam bat sumasabay si Adrian samin pagpasok at paguwi eh may sarili namang syang motor. Si gaga pumupunta sa bahay ng nakamotor tapos pag aalis na iiwan sa sa garahe tapos aangkas na lang sya kay Ethan. Ewan ko din kung ano ang trip nito eh. Dun na din sa bahay madalas maghapunan. Minsan nga sinusundo na ng kuya nya eh. 

 

 

__________________________________

 

 

 

 

"Wait lang, nasan si Jake?" Tanong ni Ethan kay Lyle

"Ah, umuna na sya, tatawag daw kasi daddy nya" Sagot naman nito kaya tumango lang si Ethan 

"Hoy, tara na, ang lagkit ng pakiramdam ko gusto kona umuwi," Maarteng sabi ni Lasil 

"Ayan, dance sport pa beh, edi kapit kung kapit sa hatdog," Asar naman ni Abo dito 

 

"Parang dika naman hatdog ah," 

"Oh, sabi ko nga hatdog din kami," bulong naman ni Abo

 

"Gusto ko magkwek kwek," Sabi ni Yuna habang nakakapit kay Chae 

"Hoy, nakita kita kanina ah, dinalhan ka ni Chae ng burger and fries, di mo man lang ako binigyan teh! Tapos gusto mo pa ng kwek kwek? Ilang buwaya meron yang tyan mo ?" Sabi ni Via dito 

 

"Edi magpabili ka din sa kaharutan mo na wala naman kayong label, jusko naunahan pa namin kayo ni Chae," mataray naman na sagot ni Yuna kaya napatahimik si Via na ikinangisi naman ng magjowa 

"Oh edi shut off ka ngayon," Hagikgik na sabi naman ni Chae kaya sinamaan ito ng tingin ni Via bago tinignan si Din-din at inirapan ito 

 

Napatingin naman ako sa likod at nakita si Winter na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa kanyang cellphone. Jusko hindi ba sumasakit ang ulo nyang si Ni-ki kakacellphone habang nasa byahe? Nag commute lang kasi sya nung pauwi tapos papahatid na lang daw sya pabalik dito kaya no worries kung nag ccp sya habang nasa byahe.

 

DO NOT TEXT AND DRIVE EVERYONE

 

Ang delikado lang naman dito ay ang pag ngiti ngiti nitong si Winter eh. Nakakainis, what if ihulog ko sa kanal cellphone nya?

 

'De joke lang, iPhone 13 cellphone nyan baka maibenta ko motor ko ng wala sa oras para lang mabilhan sya ng cellphone

 

 

 

 

"Hoy, may training kayo bukas?" Tanong ni Abo habang puno ang bibig ng fishballs 

"Kami wala, rest daw namin," sagot ni Chae habang sinusubuan ng kwekwek ang jowa 

 

"Kami ata meron pero halfday lang," sagot naman ni Abo. 

Excused kasi lagi yan sa klase maghapon, tapos hindi naman sya masyado hinahanap sa office kaya tuloy ang training 

 

"Kami meron. Bat kayo wala? Ang daya!" Pagmamaktol na sabi ni Adrian kaya naman napatango ako. Hindi ako makapagsalita may laman kasi bibig ko, ang dugyot ko naman kung magsasalita ako ng may laman ang bibig diba?

 

"Ikaw Winter, may training kayo bukas?" Tanong ko sa aking katabi na busy sa pagkain

Umiling n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kimyu_winrina
I am so sorry for the sudden ending at sa pagka bitin.
So that was my first ever story that i finished na napublish ko. I really do hope that you guys liked it! Watch out for my next story! See you soon

Comments

You must be logged in to comment
bbiiWinkim #1
Chapter 41: 💙💙💙
shajanie
#2
Chapter 41: At least magkasama padin cla sa isang bubong!
maxiclaine #3
hindi sila ldr!!!!!!! okay. start ko na to.
ryujinie__
654 streak #4
Chapter 41: AHHHHHHHH MY HEART 🥺 been a reader since day 1!!! huhu it's been a roller coaster cute ride with them. thank you sharing lifehlife here is good. hindi naging LDR and may anak na sila 🥺💙 tysm <3 will surely miss them
iamriou_
1120 streak #5
Chapter 40: uy may lapag!!!!
ryujinie__
654 streak #6
Chapter 40: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1502948/40'>Chapter 33</a></span>
AHHH UPDATE 🫶🏻🫶🏻 THANK YOUUUUU

edit: malapit na matapos 🥺 excited sa next chap if magiging LDR ba sila or not :<
iamriou_
1120 streak #7
Chapter 39: 🥺
ryujinie__
654 streak #8
Chapter 39: Possible LDR? :<
Maatt_booii #9
Chapter 39: Salamat sa update!!
ryujinie__
654 streak #10
Chapter 39: OMG UD 😻