Chapter 9

Life here is Good
Please Subscribe to read the full chapter

KARINA'S POV

Another Day, another slay
Charing

Another day...
Second day of school

Hindi naman kami masyadong busy sa Class kahapon since first day nga, panay "Introduce yourself" lang tapos mga Pa essay ng mga Ginawa nung Summer break

Yung iba kong kaklase nagpunta sa Manila para Doon mag bakasyon, yung iba nag Mindoro ata

Ako? Well, nasa bahay lang naman kaming tatlong magpipinsan buong summer

Gala gala lang with friends pag magkakayayaan, Minsan inom inom din kapag may birthday tsaka nung fiesta

Di ako lasinggera ha, slight lang

Andito kami ngayon sa SC office dahil may mga papers na inaayos

Oh diba, second day lang namin pero andami na agad gagawin sa SC

Naiwan kasi 'toh ng mga officers last year, yung naka graduate na kaya kami ang tumatapos

Diko nga din alam bakit andaming paganto dito, mga students palang naman kami pero para kaming mga trabahador sa kompanya na 8 hours ang pasok

"Ms. Pres, hindi pa po pala na aayos yung budget para sa Intramurals," Sabi nung Auditor namin, si
Jarvin

Napakunot naman ang noo ko

3-4 months pa ang Intramurals ah? And second day palang

"Bakit ang aga naman ata?" Tanong ni Abo

"Sabi po kasi ni Ms. Nivera madami ngayon na enrolled Grade 7 so baka po kelangan natin magdagdag ng Team Colors tapos medyo madami din pong transferees," Sagot naman nya

Tumango tango naman ako bago iniabot yung papel na hawak nya

Merong 2,500 enrolled grade 7 students

Tapos 579 ang Transferees

Ang dami nga

" Ano ang suggestion ni Ms. Nivera? " tanong ni Ethan

"Na baka daw po pwede tayo mag request ng Sponsors sa Munisipyo po then mag papa parents meeting po para nga po kahit papaano baka daw po may magbigay ng pera for budget," Sagot naman ni Rei, yung treasurer namin

"Pwede, then we can ask students na magbigay ng at least 50 pesos para dagdag budget," dagdag ko naman, tumango naman sila at ibinigay yung files na hawak nila na nasa folder kay Abo

"Kelan pala yung balak na opening ng mga clubs?" Tanong ko naman

"By Friday po mag papa Audition para po sa ibang Clubs like Music club, Dance club, theatre club. Friday din po yung registrations for sports clubs, Tapos po sa Saturday and Sunday naman yung try-outs for sports. Tapos siguro po Monday-Tuesday after class ang announcements ng mga pasok each club,"Sagot naman ni Luigi, Grade 9 representative

"Ay, sige mamaya yung mga Committees ipatawag nyo para mahati natin yung mga assigned sa bawat clubs, tapos mag a-assign din ako ng mga SC members na kasama ng Committees sa para sa pag momonitor ng mga pa auditions and try outs," Sabi ko naman

Tumango naman silang lahat at si Abo ay naglabas na ng Cellphone, mag me message na siguro sa GC kung saan kasama lahat ng Committees na may Meeting later

"Ok, everyone pwede na kayo mag lunch at bumalik sa klase nyo, bukas na lang siguro ulit tayo mag kita kita, Have a great day," Ngiting sabi ko sa kanila

11:25 na kasi, and 11:30 ang lunch namin, then 1:00 ang simula ng klase namin sa hapon

Nagsitayuan na ang mga SC members at niligpit ang kanilang mga gamit bago ito dinala sa kani kanilang Assigned table dito sa Office at isa isa ng nagpaalam para lumabas

"Hoy, tara na, nag text na si Via, nasa labas na daw sila ng Gate tayo nalang daw tatlo ang inaantay," Sabi ni Abo sa akin

Tumayo naman na ako at pinagpatong patong ang mga folders na kailangan kong ayusin at ipinasok sa maliit na office kung saan naka lagay ang sarili kong table

Ako lang ang may sariling kwarto as an office since andun yung mga shelves ng mga Papers and other memos for school

Nilock na ni Ethan ang SC office at inilagay sa wallet ang susi para hindi mawala at sabay sabay na kaming bumaba ng building papunta sa may labas ng gate kung saan namin kikitain ang mga kaibigan namin
 

? _? _? _? _? _? _? _? 

 

"Girl, gusto ko ng tokwa't baboy, may nakita kasi ako kahapon sa mga display ni Aling Bernis, kaso naubusan ako kaagad," Sabi ni Chae sa amin, naka akbay lang naman sya kay Yuna

Parang may Something lang naman

"Ano yun Chae?" Tanong ni Yuna sa Kanya

"Ano yun, parang Pork tapos Tofu? Tofu ba English ng Tokwa?" Tanong Ni Chae sa amin

Diko din alam eh hehe

"Basta masarap yun, tapos ang sawsawan mo ay toyo na may Calamnsi? Girl, masarap promise," Sabi ni Chae na mas mabilis maglakad nung malapit lapit na kami sa Karinderya

"I'd like to try that Tokwa't baboy, it sounds masarap," Sabi ni Yeji sa katabi ko

Tumango naman ako

Nakapasok na kami sa Karinderya at nakuha na namin ang mga orders namin

Tokwa't baboy ang kinuhang ulam nila Chae, Yeji, Yuna, Lyle, Din-din at Si Abo

Tapos Sisig naman ang Kay Ethan, Winter at Adrian

Tapos ay champayni ang amin ni Lasil

"It's so masarap nga nuh?" Sabi ni Yeji habang ngumunguya

Tumango naman ang mga kasama, hindi na makapagsalita dahil busy sa Pagkain

"Gusto ko pa ng kanin, ang sarap ng sisig," Sabi ni Adrian

"Sa True, deserve ko ng isa pang bulos ng kanin, productive ako today," sabi ni Abo at luminga linga

Wala masyadong tao ngayon sa Karinderya dahil yung ibang students ay sa Cafeteria na ata nag lunch, yung iba naman ay packed lunch at yung iba sa may Mcdo na ata kumain

Halos iilan lamang na students ang nandidito, karamihan ay mga trabahador from factory na di kalayuan dito, yung iba naman ay tricycle drivers at ang iba ay mga taga dito lang din

"Ate Bernis, tatlo pa nga pong rice," Sabi ni Adrian kay Aling Bernis na nakaupo sa malapit sa amin at may kausap

Tumingin naman ito sa amin at Tumango bago may tinawag

"JACOB! Tatlo daw kanin dine kina Adriyan!"

Maya maya pa ay may narinig kaming sumigaw sa may loob ng kitchen

"Wait lang po Tita! I'm just making lagay some water sa Pitcher!"

Oh wow, conyo

Yun lang ang nasa isip ko

Maya maya pa ay may lumabas na lalaki na blonde ang buhok, matangos ang ilong, matangkad at maputi na may dala dalang pitsel ng tubig pagkatapos ay inilagay sa table na malapit kay Aling Bernis. Bumalik din naman agad sa loob ng kitchen at lumabas na may dala dalang 3 kanin at ibinaba ito sa table namin

"Do you need anything else pa ba or is this all?" Tanong nya pagkababa ng kanin

Hindi ko pa masyado maintindihan ang pagkakasabi nya dahil medyo may something sa way ng pagsasalita nya

May accent si koya pogi

"Ah, can you understand tagalog?" Tanong ni Lyle

Tumango naman yung Jacob bago sumagot

"I can Understand Tagalog, pero I can only speak few words, I'm nag-aaral pa," Sabi nya

Tumango naman kami

Nagulat naman ako ng tumayo si Yuna at naglahad ng kanyang palad

"Hi! I'm Yuna," Pakilala nito

Napataas naman ang kilay ng lalaki pero nginitian ito at kinamayan

"Jacob, but you can just Call me Jake," Sabi nya Tumango naman kami at isa isang nagpakilala

"Abo,"
"Adrian, pero Rian na lang kung gusto mo,"
"Yeji,"
"Lyle"
"Lasil,"
"Chae,"
"Din-din,"
"Via, Pero pwedeng baby na lang sayo," Banat ni Via kaya naman nagbago ang mukha ni Din-din at biglang natahimik at inubos nalang ang pagkain

"Karina, but you can just call me Rina," Ngiting sabi ko
"Winter,"

Napatingin kaming lahat sa nag iisang hindi na lang nagpapakilala

"E-Ethan," Nauutal na sabi ng Pinsan ko kaya taka akong napatitig sa kanya pero di na iyon pinansin nung magsalita na ulit si Jake

"Well nice to meet you guys, It's good to know people aside from my Tita," Sabi nya

"San ka pala nag aaral?" Tanong ni Lyle

"Ah, I transferred here from Australia. Just the school nearby lang," Sabi nya

"Ah! Ikaw yung isang student na dipa pumapasok," Sabi ni Abo

Para namang nahiya si Jake at napayuko

"Oh yeah, That. I haven't bought any school supplies pa kasi, I arrived nung Sunday lang, and Tita Bernis told me na inaayos padaw nila yung papers ko para there will be no more problema na I aask sakin,"

"Ok lang, di pa naman nagsisimula ang klase, baka next week pa," Sabi ko naman

"Ah Yes, Jake, This is the Council President sa School natin, and then yung Si Ethan ay yung Vice and then si Abo sa Secretary," Sabi mo Yuna

Tumango tango naman si Jake at ngumiti ulit

Cute, mukhang Golden Retriever

"Oh, it's nice to know someone from the council, Anyway I need to go back, I think the Kitchen staff needs help," sabi nya at tumingin sa may entrance ng Karinderya, nagdadatingan yung iba pang customers

Mukhang Lunch na nung iba

Tumango naman kami at nagpaalam na sya

Tumuloy na kami sa pagkain para makabalik na din sa school.

0_0_0_0_0_0_0_0_0_0_0_0_0_0_0

"Are you ok?" Rinig ko mula sa katabi ko

Tumunghay naman ako at tumingin sa kanya at ngumiti

"Ok lang, medyo masakit lang likod at batok ko dahil kanina pa ko nakayuko," Sagot ko lang sa kanya

Tumango naman sya kaya ipinatong ko na lang ulit sa braso ko ang aking noo at pumikit

Mamaya pa sig

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kimyu_winrina
I am so sorry for the sudden ending at sa pagka bitin.
So that was my first ever story that i finished na napublish ko. I really do hope that you guys liked it! Watch out for my next story! See you soon

Comments

You must be logged in to comment
bbiiWinkim #1
Chapter 41: 💙💙💙
shajanie
#2
Chapter 41: At least magkasama padin cla sa isang bubong!
maxiclaine #3
hindi sila ldr!!!!!!! okay. start ko na to.
ryujinie__
696 streak #4
Chapter 41: AHHHHHHHH MY HEART 🥺 been a reader since day 1!!! huhu it's been a roller coaster cute ride with them. thank you sharing lifehlife here is good. hindi naging LDR and may anak na sila 🥺💙 tysm <3 will surely miss them
iamriou_
1163 streak #5
Chapter 40: uy may lapag!!!!
ryujinie__
696 streak #6
Chapter 40: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1502948/40'>Chapter 33</a></span>
AHHH UPDATE 🫶🏻🫶🏻 THANK YOUUUUU

edit: malapit na matapos 🥺 excited sa next chap if magiging LDR ba sila or not :<
iamriou_
1163 streak #7
Chapter 39: 🥺
ryujinie__
696 streak #8
Chapter 39: Possible LDR? :<
Maatt_booii #9
Chapter 39: Salamat sa update!!
ryujinie__
696 streak #10
Chapter 39: OMG UD 😻