Chapter 2
Life here is GoodKARINA'S POV
"Maayos na ba si Winter sa Kwarto nya, Rina?" Tanong ni lola pagkababa ko ng kwarto
Tumango ako at dumiretso sa Lababo para maghugas ng kamay bago bumalik sa lamesa at umupo
"Opo, kaso pagod pa ata, nagsusungit ei," Sagot ko naman
Nagulat ako ng tumawa si Tito Christopher
"Pagpa-senysahan mo na ang anak ko, ganyan talaga yan. Pero mabait naman yan pag naka close mo, atsaka Pagpa-senysahan nyo na kung panay English, nahihirapan pa mag tagalog pero marunong at nakakaintindi naman sya," Sabi nya
"Ah, so hindi naman po Kailangan na puro English kami pagkausap namin sya?" Tanong ko at tumango naman sya
"Oo, pero may mga words na di sya maiintindihan, pero mas maganda kung tagalog nyo sa kakausapin, para naman matuto kahit papaano,"
"Akyat ka ulit sa taas, Rina, tawagin mo, sabihin mo kakain na" Sabi sakin ni Lolo pero umiling si Tito Chris
"Wag na ho Uncle, hindi iyon kakain, busog pa, kumain ng Mcdo kanina papunta dito, nagpa drive thru sya ei,"
"Ah, osige, ikaw kumain kana dyan, mamaya na syang meryenda kumain, pagpahingahin nalang siguro," Sabi ni Lolo
Nagsimula na kami kumain ng tanghalian, sila Lolo at Tito Chris nagkwekwentuhan, habang kami naman ni Lola at tahimik na kumakain
---
"Oh, Hija, kain kana," Sabi ni Lola Tere kaya napatingin ako sa may hagdan, at andon nakatayo si Winter
Putangina, ang ganda/pogi pala ng masunget na to, bumagay naman pala pag susunget nya, ganda naman ei
Nakahubad na yung hoodie nya at ang kanyang Face mask, tapos naka bun yung Blonde nyang buhok
"Uhm, can I ask where's your restroom po?" Tanong nya
"Rina, tapos kana naman kumain, samahan mo sya sa CR," Sabi ni Lolo kaya tumango ako at tumayo
---
"Oh, yan CR, pasok kana," Sabi ko sa kanya pagdating namin sa May CR pumasok naman sya at isinara yung pinto
Nilapitan ko naman ang lamesa na malapit sa banyo at kinuha yung Cellphone ko na nakacharge
Nakita ko naman na may Text Sila Ethan at Abo
Ethan matsing
Hoy, Abo, nasan kana ba? Bat bigla kang nawala? Sabi ko antayin moko!
Abong maputi
Andito ako sa may gilid ng simbahan, bilisan mo ang init at ang bigat bigat netong mga pinabili nila Lola Tere
Rina cutie
Ginagawa nyo pa dyan? Kaninang umaga pa inuutos yan nila Lola ah?
Ethan Matsing
Aba, ang dami dami kaya neto, kung sumama ka edi sana napabilis tayo ano?
Rina cutie
Sorry ka par, pinaiwan ako nila lola para tumulong dito sa bahay
Abong maputi
Kamusta naman bisita natin dyan?
Rina cutie
Ayos lang, yung anak ni Tito Chris Masunget, kasing tanda lang siguro natin to pero kasing tangkad mo siguro pero feeling ko mas matangkad ka
Abong maputi
True ba Par? Baka nga kasing tanda lang natin, pero baka kasing Tanda yan ni RJ
Rina cutie
Aba ewan ko, diko naman tinatanong, tsaka english ng english, iniipon ko mga english ko para sa pasukan ano ba
Ethan matsing
Ay, so dito papasok yan? Satin? Sanay ba yan?
Rina cutie
Diko alam, baka siguro, iiwan to ni Tito Chris dito sa Probinsya ei, so baka nga dito papasok toh
Abong maputi
Punyeta naman Ethan, bilisan mo, babad na ko dito sa initan, asan kana? mamaya mapipigtas na tong mga braso ko
Ethan matsing
Patpatin kasi, ayaw kumain ng madami, antayin moko malapit nako, bumibili lang ako ng sampaguita para sa Santo nina ni Lola Tere
"Hey," nagulat ako ng may Tumapik sakin mula sa likod
"Oh, tara na, kakain kaba?" Tanong ko sa kanya
Umiling naman sya, Tinanggal ko mula sa pagkakacharge yung cellphone ko at naglakad na pabalik sa kusina
Pagkadating namin si Kusina, nakita namin sila Lola, Lolo, at Tito Chris na nakatayo na
"Oh, Winter. I'm leaving, Your Sister said that They need me sa Company," Tito Chris said at Lumapit kay Winter
"Ok, Drive safe dad," Sabi naman ni Winter mula sa pagkakayakap ni Tito Chris
Tumingin
Comments