Sands of Time

Musings


 

 

 

 

They say that saying goodbye is the hardest thing to do when you have to do it


 

Seulgi and I have been a couple for a long time now. Nagkakilala kami noong third year high school, we became a couple in our fourth year. Sabay kaming nag-graduate ng college, nagkatrabaho, at nag-invest sa property in preparation for our future. Kasama niya ako noong mga gabing nagr review siya para sa board exam to become a licensed Engineer. 


 

Hinihintay niya din na matapos akong mag-review kahit abutin ng umaga, dahil halos linggo linggo yata and quizzes namin sa med-school. 


 

We are the type of couple who have been through a lot together. Of course, we weren't always happy. Sa halos isang dekada naming magkasama, saulado na namin ang isa't isa, at madami na din kaming napagdaanan, nasolusyonang mga problema. There were countless nights when we thought that it will be the end of our relationship. 


 

But we managed to fix it, still. We stayed, and we tried to make it work. 


 

It's funny, though. Because for a long period of time, we made a fool out of ourselves. Matagal na pala naming niloloko ang mga sarili namin na ayos pa kami, na maayos pa ang relasyon na ito, na kaya pang patagalin. At na kami talaga ang endgame ng isa't isa. Sabi nga nila, ipilit natin, kahit hindi naman talaga yun ang gusto ni life. 


 

Ipinilit namin. Sinubukan namin. Kasi akala namin, kaya pa. Pero habang tumatagal, that tiny glimpse of hope we were holding on to is slowly showing us that instead of trying to fix this relationship, we were just slowly ruining each other. 


 

Masama pala na ipinipilit mo ang hindi naman para sa iyo. Masakit, unhealthy. Toxic. 


 

"I realized we're not growing. As individuals, and as a couple.." panimula niya, isang umaga habang nagkakape kami. "The.. once healthy relationship that we had turned into something so draining. Nakakapagod." 


 

Nitong mga nakaraan, pansin ko na ang pagbabago sa relationship namin. 


 

Mali. Pag-babago sa sarili ko pala. I slowly turned into someone I couldn't recognize. I turned into someone unrecognizable, I was no longer the same person she fell in love with. 


 

Ramdam ko ang pagbabago ko kahit pilit kong itinatanggi iyon. Hindi ko din alam kung bakit nagkaganoon. Palagi akong iritable, parang galit sa mundo. Palagi ko siyang inaaway, pinaghihinalaan. Hindi ko din naman siya masisi kung bakit lagi kaming nag-aaway -- dahil pinapatos niya ako sa tuwing pinupuna ko siya. 


 

We were supposed to be each other's rest but we slowly turned into each other's stress. Paurong yung character development. 


 

"You tell me, Hyun. Ako lang ba ang nakakaramdam noon? Or do you feel it, too?" 


 

"Na we're slowly drifting apart?" tumango siya. "And that our relationship is on the verge of its end? Yeah, I can feel it too." 


 

Tinitigan niya ako na para bang binabasa niya kung ano ang iniisip ko. Pagkatapos, malungkot siyang ngumiti.


 

"I've been denying everything for weeks now. Kasi alam ko na kung saan tayo papunta." 


 

Sigurado na kami sa isa't isa. Hindi naman kami bibili ng condominium na nakapangalan sa aming dalawa kung may balak pa kaming maghanap ng ibang makakasamang tumanda. 


 

We already planned our future together. Ni hindi pa nga namin natutupad ang mga pangarap na sabay naming binuo. 


 

Hindi siya mahilig sa bata pero napapayag ko siyang subukan naming mag-anak, kahit isa. Pero ang kundisyon, magt-travel daw muna kami sa Europe nang kami lang. Gagawin na sana namin iyon last year, but the pandemic happened. Kaya't hindi natuloy ang balak naming 6 months na tour sa Europe. 

 

Pinag-iipunan na din namin ang dream house namin. We agreed to buy a land and build a house that's located in the heart of the city. Parehong malapit sa office namin. Lahat, halos, tungkol sa future namin ay naiplano na namin. Kulang na lang ay ang tuparin iyon isa isa. 


 

Pero tama sila. Life doesn’t always go as planned. 


 

Kung iyong outing niyo ngang magt tropa na planadong planado ultimo maliit na detalye, hindi natuloy, paano pa kaya itong detailed plan din tungkol sa future namin ng girlfriend ko? 


 

"I've been denying everything, too. Sa totoo lang.. pagod na din ako." napakagat ako sa labi nang sabihin ko iyon. "But I chose to stay and hold on, kasi I did not want to hurt you." 



 

"You ended up hurting yourself." tinanguan ko ang sinabi niyang iyon. 


 

Totoo naman. 


 

All throughout, I have protected her, I cared for her. Ayokong isipin niya na napakahirap niyang mahalin at napakading bitawan, kapag ako yung unang sumuko. Siya. Siya yung palaging inuuna ko. 


 

But now I'm slowly realizing how toxic that is. Because how can I give her something I don't have for myself? 



 

How can I care for her when I can't even do it sa sarili ko? 



 

Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, nakalimutan kong sarili nga pala ang dapat inuuna. 



 

"I'm sorry this had to happen, Hyun." 



 

Napapikit ako. At least. 



 

She called me Hyun. 



 

I love it when she calls me Hyun. Siya lang ang kaisa-isang tao na hinahayaan kong tawagin ako ng ganoon. 



 

I find it sweet. 


 

"Ang dami kong tanong." mahinang sabi ko, binubuo ang mga tanong sa utak ko. 



 

Bakit parang matagal na niya akong binitawan kahit kami pa, technically? Bakit palagi niya akong hinahayaang mag-isa? Bakit.. bakit nagkaganito? 



 

"You can ask anything." 



 

"It would be better if we leave things as is." pilit akong ngumiti, hindi na pinigilan ang mga luha. "Just one. One question." 



 

"Kahit ilan pa, Hyun." 


 

"May iba na ba?" 



 

Natahimik ako, hindi din inaasahan na sa dinami-dami kong tanong sa kaniya, iyon pa ang napiling ilabas ko sa bibig ko. 



 

"Wala." firm na sagot niya sa tanong kong iyon. "Never namang nagkaroon ng iba, Hyun. So please don't ever think na may iba." 



 

At muli, hanggang sa dulo ng relasyon na ito, pinagdudahan ko siya. Pinag-isip ko na wala talaga akong tiwala sa kaniya. 



 

Ang gago ko ba sa part na 'yon? 


 

Sobra. 





 

=





 

Sa kauna-unahang pagkakataon, solo ko ang kwarto. 


 

She insisted, sa guestroom daw siya matutulog ngayong gabi para magkaroon ng space ang isa't isa. 


 

Space. 


 

Matagal ko nang ibinigay sa kaniya iyon. Nasobrahan na nga kaya't heto kami ngayon. 


 

Permanent space naman pala ang nais. 


 

Mahirap ba akong mahalin? Madali ba akong pag-sawaan? Nag-iba ba ang feelings mo? Naniniwala naman akong walang iba, pero paano kung bigla ka pa lang naconfuse dahil bumalik yung ex mo -- iyong ex na.. mahal na mahal mo? Mahal mo pa ba ako? 


 

Mas pinili kong huwag nang alamin ang sagot niya sa mga tanong na iyan. Dahil, ano pa nga ba ang magagawa ng magiging sagot niya? Would it change anything? 


 

Hindi, wala na. It is what it is. At kagaya ng ilang mga naging desisyon niya tungkol sa relationship namin, wala akong ibang nagawa kung hindi ang um-agree sa gusto niyang mangyari ngayon. 


 

Mabuti na lang pala at doon siya sa guest room matutulog. Paano naman kasi ako makakaiyak ng husto kung nandito lang siya sa tabi ko? 



 

Edi narinig niya pa kung gaano ako karupok sa kaniya. 






 

=





 

The next day felt like nothing happened. Sabado naman kaya wala akong klase, wala din siyang pasok. We did our usual morning routine. 



 

Kahit naka-ilang hilamos ako, maga pa din ang mata ko kaiiyak. Tiningnan ko siya na palaging nag-iiwas ng tingin, ganoon din kasi ang mga mata niya. Bakit pa kasi kailangang magkaganito? 


 

"Nakatulog ka ba?" I asked, in an attempt to start a conversation with her. 


 

Since when did it become this hard? 


 

"Nah. Dilat ako buong magdamag. You?" 


 

Umiling ako, "I couldn't sleep, too." 


 

Pareho kaming natahimik. Ano pa nga ba ang paguusapan namin? We can't pretend like last night didn't happen. Hanga ako at nagawa pa naming mag-almusal ng sabay. 


 

Tiningnan ko na lang ang phone ko dahil hindi ko makayanan ang awkwardness sa lamesa. Baka maiyak lang ako. Naalala kong ngayong araw nga pala iyong send-off concert ng paborito naming band. 


 

I slightly smiled when I remembered how enthusiastic we were when the band announced that they will be having a world tour and a send-off concert before that. Bumili kami agad ng tickets at nagplano kung saang bansa namin sila susundan. 


 

Nagplano, nanaman. 


 

At hindi nanaman matutupad. 


 

"You're really weird, hyun." 


 

"Ha?" 


 

"Smiling without a reason? Baliw ba talaga ang taong mahal ko," 


 

Nawala ang ngiti ko nang sabihin niya iyon. 


 

Taong mahal ko. 


 

Ibig sabihin, sa kabila ng lahat, ako pa din pala. Mahal niya pa din ako. 


 

"Sira.." parang tanga, Bae Joohyun. Hindi ito ang panahon para magpabebe at kiligin! "I just remembered what today is." 


 

"Anong meron?" tanong niya, halatang nakalimutan din. 


 

Sabagay, sa dami ba naman ng nangyayari sa buhay namin nitong mga nakaraan. 


 

"Napaka forgetful mo talaga, 'no?" 


 

"Pasensya, walang tulog yung tao." 


 

"Sabi ko nga.." hinanap ko sa gallery ng phone ko ang picture ng tickets nakin para sa concert mamayang gabi. "Ben&Ben send-off concert?" 


 

"Ah, oo nga pala! That's tonight?" tumango ako. 


 

Life's really unfair, 'no? Parang tanga lang na ngayon pa talaga sumakto ang concert na ito. 


 

Magwawala ba ako mamayang gabi? Kailangan ko bang magdala ng timba sa concert? 


 

"Can you do me a favor, Seul?" mahina ang pagtawag ko sa pangalan niya. 



 

I'm not really used to calling her by her name. Nasanay akong "babe" , "baby" , "love" ang tawag sa kaniya kaya ngayon na... ngayon na tapos na kami, kailangan kong sanayin ang sarili ko sa paggamit ng pangalan niya. 


 

"Hearing you say my name is refreshing." sinamaan ko lang siya ng tingin. "What is it?" 



 

"Can we.. attend the concert for the last time..." tumango tango siya. "as a couple?" 



 

Hindi siya agad sumagot. 


 

This is the first time that we will be attending our favorite band's concert. Online lang ang pinanuod namin noon. Alam kong impossible na matuloy ang pag-attend namin sa world tour dahil magiging busy na din siguro ako sa mga darating na buwan. 


 

If we're breaking up, I want our last moments together to be fun, pure, and special. Iyong wala kaming ibang iniisip, wala kaming ibang gagawin kung hindi ang mag-enjoy. 


 

I want to remember our relationship, our love as how it started. Not how it slowly ended. 



 

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko, "Of course, Hyun."


 

=



 

Excited akong nagprepare para sa concert ngayong gabi. Sa sandaling panahon, kinalimutan ko muna ang nangyari kagabi, at ang mangyayari sa aming dalawa pagkatapos ng concert na ito. 



 

Hindi na muna namin pinag-usapan ang magiging arrangements after tonight. The condo where we're currently living is a joint property. We bought this when we first started working. I had to let go of my condo sa Pasay at lumipat kami dito sa Taguig after college. Siguro, hindi na muna ako dito uuwi mamayang gabi at saka na namin paguusapan ang tungkol sa property na ito, kapag natapos na ang lahat. 



 

Lumabas siya ng kwarto suot suot ang isang puting statement shirt, with another shirt on her hand. Nakangiti niya itong inabot sa akin. 



 

"I had that customized before. Gusto kong pareho tayo ng suot kapag pumunta sa concert." 



 

Namula ang mukha ko nang mabasa kung ano ang nasa shirt niya. 



 

Isang salita. Lyrics ng paboritong kanta namin. 



 

At ang sa akin naman ay karugtong na parte ng lyrics ng kantang ito. 



 

Kang Seulgi. Did you really? 


 

Pinigilan ko ang sarili sa pag-iyak habang nagpapalit ng suot. Tinitigan ko iyong mabuti bago tuluyang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. 



 

Akala ko ba, strong ka, Bae Joohyun? 



 

"Perfect! Let's go?" tumango na lang ako sa kaniya at sabay na kaming lumabas. 



 

=



 

We bought VIP standing tickets. Maaga kami sa location ng concert para nasa harapan kami, hindi ganoon kalayo sa stage. I realized Seulgi's too ready for this, kahit kanina niya lang naalala ang tungkol sa concert na ito. 



 

7pm pa ang simula at 4pm pa lang ay nandito na kami. She bought linens at inilatag iyon sa sahig para maupuan namin habang naghihintay. May dala din siyang payong, sunglasses, at sunscreen? 



 

"You know how sensitive my skin can be. At alam kong ayaw mo mangitim so.." inabot niya sa akin ang sunscreen at saka ako naglagay noon sa kamay ko, ipinahid sa braso ko. 


 

Inilingan ko siya habang ibinabalik ang sunscreen. "Yeah, your skin's very sensitive. Dapat ay sa reserved seating na lang tayo para hindi tayo ganito kaaga at hindi nakabilad sa araw." 


 

Natawa siya. "Baby, for better experience nga diba? Besides, may gamot naman for my eczema so.." 


 

I flinched. Ikinagulat ang biglang pagtawag niya sa akin noon. Seulgi's really into this favor I asked. Feeling ko tuloy ay mga magjowa kaming high school students. 



 

"When did you have the time to prepare for all these?"  


 

"Ang tagal tagal mo kaya sa banyo, as always. Nakagawa na ako ng sandwich at nakapag-iron ng shirts, naliligo ka pa din." 


 

Lagi niyang reklamo ang bagal kong maligo. Come to think of it, lampas isang oras nga yata ako sa banyo kanina. Sa dami ko ba naman kasing ritual kapag naliligo.. 


 

"Wag mo akong dino-dogshow." 


 

Natahimik kami pareho, gutom yata kasi siya at nagsimula nang kumain ng sandwich na may tuna spread na dala niya. Mainit, kaya suot niya ang sunglasses niya. Palihim ko siyang kinukuhanan ng picture using my phone pero hindi pala ito naka-silent kaya rinig niya ang camera. 


 

I thought she would protest, kasi she hates it when I take pictures of her kapag kumakain siya. But I guess today is an excemption. Huli na kasi 'to. Huling araw na 'to. 



 

=


 

"Ang daming tao." bulong niya sa akin nang magdilim na. Unti unti na din nagsisidatingan ang mga tao sa area ng reserved seating. 


 

Mabuti na lang at maaga kami, mahirap na kung sa likod kami napwesto. Sa liit kong 'to, baka wala na akong makita. 


 

"Grabe 'no? Remember how we used to watch them perform for free? Tapos ngayon ang dami na nilang fans." 



 

We reminisced the time when Ben&Ben was just starting. College sila noon, kasabayan namin. They would sometimes perform sa university namin kapag may event, o sa university nila Seulgi. 


 

We were also there when they performed for UST Paskuhan back in 2019. Kilala na sila noon at madami nang fans kaya madami din ang dumayo from outside UST just to see them perform. 



 

Then, the pandemic happened. Kaya ngayon lang sila magkakaroon ng world tour, at ngayon lang kami makakanuod ni Seulgi ng concert nila talaga. Mabuti na lang, hindi namin nalimutan. Muntik na. 



 

"Akala ko pa nga sasali ka sa band nila noon." natawa si Seulgi sa sinabi kong iyon. 


 

Ang isang member kasi ng band ay batchmate niya sa UP. Muntik siyang yayain one time dahil narinig siyang kumanta. Maganda din kasi ang boses ni Seulgi and if she accepted the band's offer, baka isa na siya ngayon sa kasama nilang magpe-perform in front of this humungous crowd. 


 

"Ang dami mong kaagaw sa akin, kung nagkataon." 



 

Ngumisi ako. "Question is, magpapaagaw ka ba?" 



 

Pinitik niya ako sa noo sabay sabing, "Siyempre, hindi." 






 

Kakainis na ayaw mong

Maniwalang mahal kita

Ano pa bang kailangan kong

Patunayan sa'yo sinta







 

Nagsimula na ang concert. Una nilang tinugtog ang isa sa mga bagong released lang na kanta. 



 

Nakakaproud kasi inspired ang kantang ito sa members nilang sila Pat at Agnes, gay couple sila na low-key lang noon. Pero ever since they made their relationship out in the open, the fans supported them. I remember back then, sa UST Paskuhan, pasulyap suluap lang si Pat kay Agnes. Siyempre, hindi pa pwede ang PDA noon dahil low key nga lang sila. Ngayon, may music video na sila tapos sa kanila pa centered ang kanta. 




 

Paninindigan kita oo

Mamahalin kitang buong buo

Kahit sa pagtanda ako'y sa'yo






 

Nangiti na lang ako habang pinapanuod si Seulgi na nakikisabay pa sa band, halatang nage enjoy sa concert. 



 

This song was released on our monthsary, sumakto. Kaya't sabay namin itong pinakinggan during breakfast. 



 

The song is about loving your person even when everyone -- even the world is against it. It really is for people like us. 



 

Pinanindigan ko si Seulgi. Pinanindigan niya ako. Kahit noong una, hindi matanggap ng lahat -- lalo ng mga pamilya namin. 




 

Isang tingin mo lang, tapos na ang usapan

Isang tingin mo lang, nahulog sa upuan





 

The succeeding song reminds me so much of our time in high school. Ang theme ng kanta ay para sa lovers from school. Saktong sakto sa kung paano kami nagsimula ni Seulgi. 



 

"Hyun.." Natigil ako sa pagpalakpak nang tawagin niya ako. 



 

"Hmm?" 



 

"Did I ever mention na since day one, I already have a huge crush on you?" tumawa siya. "You're blushing!" 



 

Lalaki nanaman ang ulo ng babaeng ito dahil masyadong kakaiba ang epekto niya sa akin, at alam niya iyon! 



 

"Shut up! You're making up things. I'm not blushing." I defended, although I can feel my face burning! 



 

"Oh I can see it even though it's dark, babe. Don't worry. Alam ko namang crush na crush mo din ako."  kumindat pa nga ng nakakaloko. 


 

"So ibig sabihin, tinamaan ka na agad sa akin, unang kita mo pa lang?" 



 

"Hmm..." ngumisi siya at hindi sinagot ang tanong ko, kahit paulit ulit ko siyang kinulit tungkol doon. 


 

Sa pangingulit ko sa kaniya, hindi ko na namalayang patapos na pala ang concert at pangalawa na ito sa huling kanta na tutugtugin nila. 





 

'Lang-hiyang pag-ibig 'yan

Ang dami mong isusugal

Kung balak mo akong iwan

Oh, ba't mo pa 'ko minahal?





 

This song... when it was released.. our relationship was already beginning to be on edge. 



 

Muntik na siyang makipaghiwalay noon. But we managed to fix it and hold on. Pareho kaming may kasalanan sa nangyayari sa aming dalawa ngayon. 


 

The song was about resenting someone who failed to keep their promise, someone who left and gave up on the other person. 


 

Asking Seulgi to attend this concert as a couple even though we broke up last night is ridiculous, I know. Hindi din naman ako umaasa na pagkatapos ng concert na ito, somehow, maisalba ulit namin ang relasyon namin. 



 

Hindi ko naman hiniling sa kaniya na magstay nang isa pang araw hoping na mababago nito ang lahat at magpapatuloy pa ang relationship namin. 



 

Last night, I realized the part that I played kung kaya't nagkaganito kami ngayon. We both needed to grow, and although we don't want it, we need time away from each other. Hindi nga lang ako sigurado kung permanent na ito o temporary lang. Only time and life could tell. 



 

So if there's one thing.. I will never resent Seulgi nor blame her for whatever happened to us, and our relationship. 



 

Unlike the person who wrote the song, si Seulgi ay hindi isang malaking pagkakamali. At kahit na hindi na matutupad ang mga ipinangako niya, hindi ko siya sisisihin. It's not like she had a choice when life itself is trying to getaway. 



 

"Of course, they had to save this song for the encore." 



 

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Seulgi sa kamay ko nang magsimula ang banda sa pagtugtog ng huling kanta. 






 

Umaga na sa ating duyan

'Wag nang mawawala

Umaga na sa ating duyan

Magmamahal o mahiwaga





 

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. 



 

If the eyes could speak, I could have heard a thousand words from her. 



 

Regrets, Pain, Guilt, and most of all, sadness. 



 

Life's been really tough on her lately and I could feel how hard she's trying to pretend like everything is okay - she's okay, she's happy. 


 

But Seulgi reached her limit. And she had no other choice but to choose herself this time. 



 

She did something I couldn't do. 




 

Matang magkakilala

Sa unang pagtagpo

Paano dahan-dahang

Sinuyo ang puso





 

"Hyun, do you know the reason why I love this song?" marahang tanong niya sa akin. 


 

"Kasi.. it reminds you of the person na araw araw mong pinipili?" 



 

Tumango siya. "That's part of it. Pero the whole reason is that I know na things may change between us, the intensity of our love will change, too. Kasi hindi naman palaging ayos bawat araw. But despite everything, I would still choose the same person every day." 



 

Kay tagal ko nang nag-iisa

Andiyan ka lang pala




 

"Napakahiwaga ng love, 'no? Just like this part of the song. It's amazing, how you can feel this type of love only for one person." hinawakan niya ang pisngi ko, na ngayon ay may tumutulo nang luha. "And I already found that person, Hyun." 




 

Mahiwaga

Pipiliin ka sa araw-araw

Mahiwaga

Ang nadarama sa yo'y malinaw





 

"And I want you to know that even when our relationship is ending after tonight, after this concert.. I will keep on choosing you every day, Hyun." 



 

Tuluyan na akong naiyak. Walang pakielam kahit pagtinginan kami ng mga tao sa paligid. 



 

I just love this person so much and I don't want to let her go. 



 

I can't, I just can't see her walk away from my life because she is already part of it. 




 

But I love her, and this is what she needs, this is what we need. 



 

Kaya sa ayaw at sa gusto ko, kasabay ng pagtatapos nang gabing ito ay pagsasara din ng isang kabanata ng buhay ko.  



 

I have to let her go. 



 

"I love you most, Seul." I finally had the courage to say. 



 

"I love you more than anything, Hyun." 


 

Sagot niya, habang ang mga noo namin ay magkadikit, sinabayan din ng pagdikit ng labi niya sa akin. 



 

For the last time, she made me feel at home. 





 

=

 

 

 

September 3, 11:30PM




 

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili. Tapos na ang concert. Malapit na din matapos ang gabing ito. 



 

Tahimik kaming dalawa na naglalakad sa parking, pabalik sa sasakyan niya. We kept a comfortable distance from each other. 



 

Nilalamig ako. 


 

Pwede bang.. pigilan ang oras? Pwede bang.. huwag nang matapos ang gabing ito para hindi kami maghiwalay? 



 

Each step I take, seconds..minutes pass and I want so bad to stop it. 



 

"Saan ka uuwi?" tanong ko sa kaniya, nanginginig ang boses. 



 

"Sa Cavite, Sunday naman bukas." pilit siyang ngumiti. "Let's talk about the condo next time. Do you want to sell it?" 


 

"Do you?" hindi siya nakasagot agad. 



 

That's the place where most of our memories together are kept. I wonder what she would want to do with it... now that we're no longer together. 



 

"Let's just keep it."


 

Para akong nabunutan ng tinik. I did not want to lose that condo, too. 



 

"Ihahatid kita. Doon ka muna sa condo matulog, bukas ka na lang umuwi sa inyo if you're planning to." 


 

"I already booked an uber." 


 

She looked like she was about to protest pero pinigilan niya din agad ang sarili. 


 

Tumigil kami sa paglalakad nang nasa tapat na ng sasakyan. 



 

=



 

11:50PM. Sampung minuto. 



 

Sampung minuto na lang at matatapos na ang relasyon namin ng babaeng pangarap kong makasama hanggang pagtanda. The person I want to make a family with. 



 

How do I maximize that short period of time.. or how do I.. how do I make it stop? 



 

"I have one question.." paninimula ko ulit.. 


 

"Yeah, what is it?" 



 

"If you could.. if life would allow us to reverse everything... and go back to that day a few years ago..," I gulped. "Would you still say yes to me?" 



 

How we started... I could say that it was somehow an impulsive decision. 


 

Hindi naman kagaya ng sinasabi na napilitan lang, o nadala kasi sa biruan kaya ang bilis naging kami ni Seulgi. 



 

I was the one who asked the big question. Sinabi niya na hindi niya ako tinatanong dahil aware siya sa uality ko -- na inamin ko din naman sa kaniya. Noong una, I thought she treated my question as a joke. Biniro ko pa nga noong um-oo siya sa akin. Until.. I knew that there is no backing out. 



 

Hulog na hulog na ako sa kaniya. 



 

"No." nawala ang ngiti sa mukha ko. "I would have asked the question, instead." 



 

Nakakawala daw ng astig na ako pa ang nagtanong, hindi siya! Kaya pinaguusapan na namin na siya ang luluhod at magp propose ng kasal, sa future. 



 

Plano, usapan nanaman. Hanggang usap na lang. 



 

"Would you say yes?" 



 

"Of course. When I said na I would choose you each lifetime, I meant it." 



 

Nakatanggap ako bigla ng message mula sa uber driver ko. He's five minutes early. Naghihintay na siya sa tapat kung nasaan kami mismo ni Seulgi. 



 

Kuya, bakit naman sa dinami-dami ng panahon na pwede mong agahan.. bakit ngayon pa? 



 

"Five minutes.." mahinang bulong ko. "Can I hug you for five minutes?" 



 

Hindi na ako naghintay ng sagot niya. Her way of responding was by pulling me for a tight hug. 



 

Kahit pigilan ko, bumuhos nanaman ang mga luha mula sa mata ko. 



 

Five minutes. I wish for the world to stop or at least make this five minutes longer. 



 

Longer. Huwag muna.. Huwag ka munang bibitaw, Kang Seulgi.. 


 

"Is this really necessary?" tanong ko, hindi na mapigilan ang pagiging unreasonable.



 

Four minutes. The clock is ticking. 



 

"I'm sorry." was all that she can say. 



 

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kaniya nang sabihin niya iyon. Ramdam ko din ang init ng mga luha niya na pumapatak sa tshirt ko. 



 

Kung hindi lang sana ganoon ka-gago ang mundo... hindi na sana kailangang mangyari ito. 



 

Tatlong minuto... 


 

Sinubukan kong punasan ang luha ko para nakangiti ako kapag hinarap siya ulit. Pero kahit anong gawin ko, wala talaga. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luhang matagal kong inipon, matagal kong pinigilan. 



 

Dalawang minuto... 


 

Inangat ko ang ulo ko para titigan siya. 



 

Sa huling pagkakataon.. 


 

"Will I ever see you again?" 



 

"Of course." tumango ako, dinama ang paghaplos niya sa pisngi ko. 



 

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at marahang hinalikan siya sa noo. Huli na 'to. 



 

Isang minuto... 



 

"Hyun?" 


 

"Hmm?"


 

"Mahiwaga." 



 

Ngumiti ako nang sabihin niya iyon. "Pipiliin ka pa din sa araw araw, Seul." 


 

12am. 



 

September 4, 2022. 



 

"Tapos na anniversary natin, Hyun." 



 

Tumango ako, kita ang lungkot sa mga mata niya nang bumitaw sa yakap. 



 

"Please don't walk me to the car." 



 

"Ingat ka." 



 

Unti-unti ang pagbitaw ko sa kamay niya. Ang higpit ng pagkakahawak ko dito kanina, pero alam kong tapos na. 



 

It's time. 



 

I asked for one more day. And it's over. 



 

At least, we still got to celebrate our anniversary. For the last time. 



 

"Drive safely." 



 

Malakas ang pagpipigil ko sa sarili na lumingon dahil alam kong once I do, tatakbo lang ulit ako sa kaniya para yakapin siya nang mahigpit. 



 

Hindi ko na nasagot ang pagbati sa akin ng driver when I got in the car. Bumuhos nanaman ang mga luha na pilit kong pinipigilan. 



 

At kung hindi nga naman mapaglaro ang tadhana.. 



 

"You're listening on Wish 107.5 It is 12:02 in the midnight and this is Ben&Ben's Sa Susunod na Habang Buhay." 



 

Iba pala talaga sa pakiramdam kapag kailangan mong bitawan, kahit hindi mo kaya. Kahit hindi mo gusto. 




 

I've read somewhere that Sometimes, the biggest declaration of love is in letting go. 



 

Agreeing to this break-up was the hardest decision I had to make. But I knew that this is what we need most. 

 

 

 

I never wanted to let her go, but I still did. 



 

Today was probably the biggest declaration of our love for each other. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
Writing a new one shot and i’ll be done with it soon! When I say soon i mean a month or two. 🤣 in the mean time!! https://open.spotify.com/playlist/3j9z7Gq3DZIH2ghnYoxMYy?si=Uen-iVboSiaoDREbQSJF0g

Comments

You must be logged in to comment
works_ni_maria #1
Chapter 5: mare pwede ba magmura dito, ang sakit sakit mo na
Today_is_Irene #2
Chapter 5: Pain😔
2014605911
#3
Chapter 5: Langya ang hapdi. Sobrang ganda and wholesome pero napaka bittersweet 😭🤧.
iamriou_
1178 streak #4
Upvoted and subscribed agad. 🥳