Chapter 2

Tropapips

Winter

"Nasaan na ba si shuhua? Kanina pa natin siya hinihintay rito. Pinagpapaiwasan na ko rito" reklamo ni ryujin habang nagpupunas ng pawis niya

 

"Sino ba kasing nagsabing magsisikan tayo sa maliit na upuan na 'to? Sa may tabi pa ng basurahan niyo naisipan maghintayan" inis na sagot ni chaehyun sa kanya

 

Asan nga ba kami? Sa labas ng school kung saan itinatambak ang basurahan. Sino ang may pakana? Yung taong kanina pa namin inaantay. 

 

"Bakit nga ba tayo ulit sumang-ayon sa lokong yun? Baka mamaya pag hinarana na natin sila amoy baktol na tayo. Imbes na oo ang isagot nila baka 'ang babaho niyo' pa" pag sabay ko sa reklamo nila

 

"U-uy guys! Sorry na late ako p-pinaalis ng nanay ko. Pinatanggal pa niya ko ng puting buhok niya jusko. Umagang umaga nagpapabunot" hinihingal na bati samin ni shuhua

 

"Bwiset ka. Ang baho ng meeting place na plinano mo. Ililibre mo kami sa kalokohan mo ha" 

 

Nambuburaot na naman si ryujin kaya wala ng nagawa si shuhua at sumang-ayon na lang. Upakan namin siya kapag tumanggi siya. Takot niya lang.

 

Agad naman kaming umalis sa pwesto namin. Syempre hawak hawak na nila shuhua at ryujin ang gitara kasama ang amplifier. Sila kasi ang tutugtog habang kami ni chaehyun ang kakanta. Kakanta rin naman sila ryujin kaso kami yung parang main vocalist ganun. 

 

"Sandali! Magpapango muna ako. Amoy patay na daga talaga ako eh" pigil samin ni chaehyun sabay labas ng Johnson's baby cologne

 

"Legit yan? Johnson's talaga?" Di makapaniwalang tanong naman ni shuhua kay chae

 

"Pareng shuhua. Hindi mo ba nababasa sa simp tweet ng mga babae or sa wattpad? Masarap daw amuyin kapag amoy Johnson's baby cologne ang isang tao" umakbay pa ang magaling na si ryujin kay shuhua habang may pagslide ng kamay sa ere. Yung tipong may iniimagine siyang ewan

 

"Dami niyong alam. Penge na nga lang ako niyan" agad naman inabot sakin ni chae ang pabango at nakigaya naman ang dalawa

 

Nagsimula na ulit kaming puntahan ang classroom nila karina. Nang makarating kami sa kanilang classroom, hindi namin nakita maski anino nila kaya kinalabit agad ni shuhua yung lalakeng natutulog

 

"Shuhua naman! Bakit yung tulog pa kinalabit mo?!" Mahinang bulyaw ni chaehyun dito

 

"Ayaw niyo nun? Mauuna siyang magising sa bell" balewalang sagot naman ni shuhua rito

 

Pupungas pungas pang nagkamot ng mata si kuya habang si ryujin halos mamatay na kakatawa kila shuhua. Ayoko naman umasa na magiging matino ang mga 'to kaya ako na agad ang unang nagtanong

 

"Kyah. Nakita mo ba sila karina?" 

 

"Ginising niyo ko para riyan? Eh kung ipukpok ko kaya sa ulo niyo 'tong bangko?" Galit na galit naman kaming tinignan nito

 

"Ay nagagalet. Pasensya na ho. Kayo lang po kasi ang gising sa classroom niyo" pang-asar pa na tinignan ito ni shuhua

 

Wala talagang matinong ginagawa ang babaeng 'to jusko. Si ryujin at chaehyun naman minasahe pa ang likod ni shuhua. Akala mo ihahanda sa sapakan ang isa. Si koyah naman umuusok na ang ilong sa galit.

 

"Sorry na kyah. Ikaw kasi yung mukhang guard dito eh. Alam mo na? Kayo nagbabantay sa pintuan diba?" Pagkasabi ko nun ay agad ko itong binatukan at tumakbo agad kaming apat palabas ng classroom nila karina

 

"Tangina mo winter! Bakit mo binatukan?! porket ba kalbo?!" Tatawa tawang tanong naman ni chaehyun habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo

 

"Akala ko pa naman ikaw aawat sa kanila pero ikaw pa ata itong nagpalala" halos mamatay naman si ryujin sa kakatawa 

 

"Oo nga win. Pano na tayo makakadalaw kila soojin niyan? May kaaway na tayo sa room nila" natatawa pero nagaalala naman akong tinanong ni shuhua

 

"Tyaka niyo na problemahin. Ayaw niya pa kasi sagutin yung simpleng tanong natin eh. Basta hanapin muna natin sila karina. Anong oras na oh" 

 

Ilang tao pa ang pinagtanungan namin para magtanong kung nakita nila sila karina. Malapit na kasi magtime at tyak na kapag nalate kami sa unang subject namin ay hindi na kami papapasukin ni manong jewaype

 

"Balak ba nilang tumira sa cr? Magtitime na kaya?" 

 

"Sinabi mo pa shu. Limang minuto na tayo nag-aantay rito sa labas oh" sagot ni chaehyun dito

 

"Mapipilitan ata tayong haranahin sila rito" 

 

Hindi makapaniwala naman akong tinignan nilang tatlo pagkatapos kong sabihin yun pero agad din naman nabago at napalitan ng excitement ang mga itsura nila

 

"Oh. Bakit parang natuwa pa kayo sa sinabi ko?" Nagtataka ko naman silang tinanong

 

"Eh kasi hindi siya katulad sa mga nasa cliché na movie" nagniningning pa yung mga mata ni chae habang sinasabi yun 

 

"Oo nga. Tyaka kahit panget tignan na sa labas ng cr natin sila hinarana atleast ang sweet ng atmosphere paglabas nila" pumapalakpak pang dagdag ni ryujin dito

 

"Hindi lang yun. Malay mo deretyo makeout sa cr after ng harana diba" tumaas baba pa yung kilay ni shuhua habang sinasabi yun

 

"Mandiri ka nga shuhua! Baka nga sampal na mag-asawa matanggap natin eh" pagputol ko agad sa maruming kaisipan ng aking kaibigan

 

"Uy! Ayan na ata sila! Pabukas na yung pinto oh!" 

 

Unti unti na ngang bumukas yung pinto kaya agaran din kaming umayos. Nagsimula na rin inistrum nila shuhua ang kanilang mga gitara habang pinagmamasdan namin ang magagandang mukha ng aming iniirog

 

[Ryujin]
Binibini

Alam mo ba kung pano nahulog sayo

Naramdaman lang bigla ng puso

 

[Shuhua]

Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sakin
Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba ako

 

[Ryujin]
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko

 

[Shuhua]
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako

 

[Winter]
Binibini
Sabi mo noon sakin
Ayaw mo pa
Pero ang yakap ngayo'y kakaiba

 

[Chaehyun]
Hindi ka ba nalilito
Totoo na bang gusto ako
Wag ng labanan ang puso
Alam kong mahal mo na ko
Kung ganon halika na't wag lumayo

 

[Winter]
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako oh yeah

 

[Chaehyun]
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako oh

 

Nagbow pa kami pagkatapos kumanta at agad tinignan ang reaksyon nila karina. Ngunit hindi ko alam kung malulungkot ako o ano. Kung tignan kasi nila kami ay parang malaki ang ginawa naming kasalanan

 

"Tapos na ba kayo sa kalokohan niyo?" Malamig na tinanong kami ni karina kaya agad kaming pinag pawisan at kinabahan ng todo

 

"Ah ano. Hindi niyo b-ba nagustuhan?" Nagkanda utal utal na tanong ko sa kaniya

 

"Pano namin magugustuhan kung sa labas ng cr niyo kami hinarana? Mukha ba kaming cheap?" Kung nakakapaso lang talaga ang tingin, malamang matagal na kaming nakabulagta sa sama ng tingin samin ni karina

 

"A-ano kasi. M-mag titime na kasi. K-kaya d-di na namin natuloy ang plano namin" kung kanina konting utal lang ang nangyari sakin, mas malala pala ang mangyayari kay chaehyun

 

Tinignan lang siya ni xiaoting ng malamig at tuluyan na nga itong umalis sa harap namin. Wala naman nagawa si chaehyun kung hindi tignan na lang ito papalayo

 

"Jinjin. Ayaw mo ba?"

 

Ang tapang naman ni shuhua. Hindi man lang nautal at nagawa pang salabungin ang mata ni soojin. Tinaasan lang siya ni soojin ng kilay at umirap sabay umalis na rin sa harap namin. Kita kong nasaktan si shuhua sa inasal ni soojin sa kanya

 

"Hoy bulinggit. Tigil tigilan niyo na ang pangungulit samin kasi may mga boyfriend na kami. At isa pa, hindi kami pumapatol sa mga babae 'no. Halika na nga karina" nagflip hair pang nagwalkout si yeji habang nakasunod sa kanya si karina

 

Mukha naman kaming namatayang apat sa nalaman namin. Nagkamabutihan na nga siguro sila nung kasama nila kahapon. Habang kami broken sa kanila. 

 

"Talo na ata talaga tayo hahaha" pagak na tawa ni shuhua

 

Habang si chaehyun at ryujin nagyayakapan na sa pagiyak. Dumagdag pa ko sa kanila. Kaya ang ending? Ito mukha kaming tangang apat na ngumangawa sa tapat ng cr.

 

"Mukha silang tanga" may demonyong tumawa kaya agad nagpantig ang tenga naming apat

 

Agad naman na bumungad sa amin ang cellphone na mukhang vinivideohan kaming apat. 

 

"Mga peykprends kayo! Pinagtatawanan niyo pa kami imbes na damayan niyo kami" tumutulo pa yung uhog ni shuhua habang sinasamaan ng tingin sila yujin

 

"Pinagpipilitan niyo pa kasi sarili niyo sa kanila. Huwag nga kayong marupok at desperada sa pagmamahal nila. Mahalin niyo naman mga sarili niyo" ang dakilang taga payo namin na si liz

 

"Oo nga mga tsong. Ilang beses niyo ng hinahabol habol sila karina eh. Pahinga naman kayo ng 1 week tapos balik ulit sa pagiging marupok" taas-baba naman na pang eeganyo samin ni youngeun

 

Agad naman siyang binatukan ni liz at sinamaan ng tingin

 

"Kinukunsinti mo pa talaga. Umayos na nga kayo riyan at time na. Kapag kayo di pinapasok ni sir. Bahala kayo sa buhay niyo" umalis din agad si liz pagkasabi niya nun

 

Wala na rin kaming nagawa at ipinunas na lang namin ang mga uhog namin kay yujin at youngeun sabay takbo papunta sa classroom namin habang inis na inis naman kaming hinabol nila yujin. Syempre hindi kami takot sa kanila 'no. Kay sir talaga kami takot.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ljzshxwiii
187 streak #1
Chapter 3: SHUTA CHOKE ME MOMMY!!! ANO BAAAAaaa
Ljzshxwiii
187 streak #2
Chapter 2: Dapat grupo nila soojin maghahabol kila shuhua demonyong soojin sarap tanggalin mata sa pag ka irap sa asawa ko shuta
Ljzshxwiii
187 streak #3
Chapter 1: Soojin naman bat ka kase lumalayo baka sa future ikaw na layuan ni shuhua SHUTA ka
yurielle
#4
Chapter 3: i bet sila karina naman ang maghahabol sa group nila winter in the future MWAHAHAHAHAHAHHAHAHAH
yurielle
#5
mukhang magiging makalat itong au na ito kaya sub na agad ako