Chapter 1

Tropapips

Chaehyun

Nandito kami ngayong magtroptropa sa luneta. Wala lang, trip lang namin. Di ko nga alam kung panong napag tiisan naming pumunta rito kahit puro magjojowa ang nakatambay rito. 


"Win. Tuloy ba talaga yung harana portion natin kila xiaoting? Hindi kaya tayo niyan masampal?" Nagdadalawang isip kong tanong sa magaling kong kapatid


"Ngayon pa ba tayo magbaback-out? Jusko chae, walang mahina sa pamilya natin. Maliban pala kay liz" pagkasabing pagkasabi ni winter nun ay siya rin agad sinampulan ng batok ni liz


"Kapal naman ng mukha mo. Kaya nga kayo hindi pinapansin ng mga crush niyo kase ang papanget niyo." Mataray naman kaming tinignan ng bunso namin. 


"Hoy Liz. Yang mga kapatid mo lang awayin mo. Idadamay mo pa kaming matitino" agad namang ariba ni shuhua


"Hay salamat at di ako masasali kasi wala naman akong crush." Mapang asar na tinignan kami ni yujin 


"Wag kang ano riyan yujin. Baka bukas may pumana riyan sa puso mo. Ikaw rin" Sagot ni ryujin dito


Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit magkakaibigan pa yung nagustuhan namin nila ryujin, winter, at shuhua. Ang malala pa rito ay mga sikat pa ang napupusuan namin. Ang gagaling ba naman kasing sumayaw tapos ang gaganda pa. Huwag na natin banggitin ang height nila hehehe. Alam naman naming apat na pinagpala sila sa height eh. Atleast cute height namin diba? Swerte nga ng magiging jowa nila eh. Tinatanong pa ba kung sino ang mga yun? Syempre kami.


"Sus, tama na nga yan. Basta bukas itutuloy na natin ha? Ngapala kaming apat lang naman nila ryu ang maghaharana 'no?" Tanong ko naman sa kanila


"Malamang. Alangang samahan pa namin kayo eh wala naman kaming gusto sa mga yun. Kaya niyo na mga sarili niyo 'no" Ang epal naman nitong si liz. Akala mo pinaglihi sa sama ng loob


"Siguro nung nasa sinapupunan ka pa lang ng nanay mo pinaglilihi ka na niya sa sama ng loob" asar ni youngeun dito


Lahat naman kami nagsitawanan habang si liz ay umirap lang samin. Inantay muna namin lumipas ang bente minutos bago na pagpasyahang tumayo. 


"Pst. Mga crush niyo ba yun? Grabe mga tol. Talo na ata kayo! Grabe makakapit sa mga mala adonis na yun oh!" Agaw pansin naman na tawag sa amin ni youngeun kaya agad naming tinignan kung saan yung tinuturo niya


"Tangina. Adonis na yan? Eh mukha ngang paa" nandidiring insulto ni winter sa lalakeng medyo makapal ang labi


"Halika rito youngeun at izozonrox natin yang mata mo. Hindi na malinaw eh" naiinis ko namang sabi kay youngeun


"Sino ba yung mga yun at kung makakapit naman si yeji akala mo mawawala" halos masunog naman sila yeji sa paraan ng pagtitig sa kanila ni ryujin. 


Agad ko rin pinagmasdan yung kinakapitan ng mahal kong si xiaoting. Ponyeta, naalibadbaran ako sa lalaking kinakapitan niya ngayon. Lakas pa ng loob nung lalake humawak sa bewang niya


"Pano naman ako~ nahulog na sa'yo~" feel na feel pa kumanta ni liz habang kaming apat dito umuusok na ang mga ilong sa galit


"Tigilan mo kami liz at nandidilim paningin ko sa'yo. Kapag ako kumakapit kay jinjin ng ganyan akala mo may malala akong sakit kung makalayo ng sobra at tinitignan pa ko na parang nandidiri. Tapos sa mukhang kulugo na yan? Okay na okay lang?" Nanggagalaiti naman na tinignan ni shuhua sila soojin

 


"Mga pare tama na muna yan. Ikalma niyo ang mga sarili ninyo. Sa pagkakaalam ko yung mga lalakeng yun ang kapartner nila sa sayaw. Hindi ko nga lang alam kung nagkakamabutihan na sila" agad kaming napatingin kay yujin ng banggitin niya yun


"Ano? Kailan pa? Lagi naman kaming updated sa dance schedule nila? Bakit ngayon lang namin nalaman?" Agad na tanong ni ryujin


Totoo naman kasing alam naming lahat ang nangyayari sa dance troupe nila xiaoting. Araw-araw ba naman naming tinatanong kay pareng chaeyeon eh. 


"Patay ako kay chaeyeon nito. Ah a-ano. Sikretong malupet dapat yun hehehe. Parang surprise sa event ganorn" kamot kamotakamot naman ni yujin ang kanyang kilay habang sinasabi sa amin ang kanilang 'sikreto'


"Tinatraydor pala kayo ni chaeyeon eh" Humalakhak pa ang bruhang si liz pagkatapos niyang sabihin yun


"Sarap sapakin ng mukha mo liz. Kaso mas masarap kung si rei ang sasapak sayo" asar ko rito


"Oo nga. Mas masarap kung si rei sasapak sayo. Yung tipong lips to lips kayo ayieeee" gatong naman ni winter


Namumula naman na nagwalk out ang kapatid namin pagkatapos gatungan din nila shuhua. Aasarin pa kasi kaming apat. Naiinis na nga kami sa mga kabit nila xiaoting eh.


"Tama na nga yan. Bukas niyo na lang kausapin yang mga crush niyo. Haharanahin niyo sila diba? Kaya umuwi na tayo para makapag pahinga na rin kayo" yaya ni youngeun


Wala na rin naman kaming nagawa at tuluyan na naming nilisan ang luneta park. Pinapangako ko, hinding hindi ko dadalhin si xiaoting roon. Sa cloud 9 kami para abot langit ang kasiyahan namin. Charot. Mas masarap kasing tumambay roon kahit na kulang na lang lumusot na ang mga paa mo kada humahakbang ka sa tulay dahil wala na yung ibang piraso ng kahoy na naggagabay bilang apakan ng tulay. Tapos yung tipong liliparin ka na rin sa sobrang lakas ng hangin kaya mapapakapit sakin si xiaoting. Iniisip ko pa lang yun, para na kong naiihi sa kilig.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ljzshxwiii
187 streak #1
Chapter 3: SHUTA CHOKE ME MOMMY!!! ANO BAAAAaaa
Ljzshxwiii
187 streak #2
Chapter 2: Dapat grupo nila soojin maghahabol kila shuhua demonyong soojin sarap tanggalin mata sa pag ka irap sa asawa ko shuta
Ljzshxwiii
187 streak #3
Chapter 1: Soojin naman bat ka kase lumalayo baka sa future ikaw na layuan ni shuhua SHUTA ka
yurielle
#4
Chapter 3: i bet sila karina naman ang maghahabol sa group nila winter in the future MWAHAHAHAHAHAHHAHAHAH
yurielle
#5
mukhang magiging makalat itong au na ito kaya sub na agad ako