Chapter 3

Tropapips

Ryujin 

 

 

"Sandali nga mga tol. Di ko pa rin talaga maintindihan kung bakit sinasabi niyong kayo ang top sa mga crush niyo pero kasing height niyo lang naman si imaw?" Pigil sa amin ni yujin habang kami'y naglalakad papunta sa canteen

 

 

 

"Ah talaga ba yujin? Pakyu!" Napipikon na pinakyuhan naman ito ni shuhua habang ang dalawang magkapatid naman ay hinabol ito. Kaya ang ending paikot-ikot sila sa harapan namin

 

 

 

Di ko rin maiwasan mapaisip sa sinabi ni yujin. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin na ang tatangkad ng mga crush namin? Hindi lang yun, lahat din sila dancer at mas matanda samin. Talaga bang bot kami at hindi top? 

 

 

 

"Bakit mukha kang pinag sakluban ng langit at lupa riyan ryu?" Nagtatakang tanong sa akin ni liz

 

 

 

"Bottom na ba talaga kami liz? Kasi mas matangkad sila, mas matanda, tapos mas magaling sumayaw? Huhuhu papagalitan ako ni mama jeongyeon nito" naiiyak kong tanong kay liz

 

 

 

"Ang panget mo umiyak ryu" pinagtatawanan pa ko ngayon nila shuhua imbes na magkakaramay kami rito

 

 

 

"Ano naman kung bot tayo? Atleast pwede nating sabihing 'choke me momm—" Hindi na natuloy ni chaehyun ang sasabihin niya ng batukan siya ni winter 

 

 

 

"Tangina. Bakit ka ba nambabatok? Kung sipain kaya kita riyan?!" 

 

 

 

"Kung ano-ano kasi lumalabas sa bunganga mo. Tyaka ang panget naman kung magiging bot tayo 'no. Porket mas matangkad, mas magaling sumayaw, at mas matanda lang sila magiging bot na tayo? Walang ganun uy! Sa performance tayo dapat bumase" 

 

 

 

"Tama! Kaya sino ang top?!" Panggagatong pa ni shuhua rito

 

 

 

"TAYO!" 

 

 

 

Sabay sabay naman kaming apat nagsitaasan ng mga kamay sa ere 

 

 

 

"Teka. Nasaan na yung tatlo?" 

 

 

 

"Ikinahiya na naman siguro tayo" sagot ni winter kay chae

 

 

 

"Hayaan mo na. Palibhasa mga walang love life yung mga yun" 

 

 

 

"Tama ka ryu. Halik na at tumuloy na sa canteen. Kanina pa ko nagugutom" tumango na lang kami at nagsimula ng maglakad papuntang canteen

 

 

 

Nang makarating kami sa canteen ay nakita naman agad namin ang tatlong kaibigan na nang-iwan samin kasama si chaeyeon. Naka upo ang mga ito malapit sa bintana. Agad namang sinakal ni shuhua si chaeyeon habang ang magkapatid ay hinawakan ang paa at kamay nito

 

 

 

"M-mga g-gago bitawan n-niyo ko!" Nagpupumiglas naman na utos ni chaeyeon sa kanila

 

 

 

Dahil naiinis din ako rito kung kaya't tinulungan ko ang magkapatid na hawakan ito habang si shuhua patuloy pa rin sa pag sakal sa kanya. Yung tatlo naman ay halos mamatay na kakatawa sa pinag-gagawa namin

 

 

 

"G-gago h-hindi na ko m-makahinga!" Namumula na nitong sigaw kaya binitawan na rin namin siya

 

 

 

Nagkanda ubo ubo naman ito at agarang huminga ng malalim sabay tingin ng masama sa amin.

 

 

 

"Ano bang kalokohan pinaggagawa niyo sakin? Halos mamatay na ko kanina?!" Galit na tanong nito sa amin

 

 

 

"Kung sinabi mo lang naman samin na may mga kapartner yung crush namin sa sayaw at jowa pa pala nila ang mga lalakeng shokoy na yun. Hindi ka sana maghahagilap ng hangin diyan" bagot na sagot ni chae rito habang kaming tatlo ay masama pa rin ang tingin dito

 

 

 

"Mamaya ka sakin yujin" sabi nito habang masama ang tingin kay yujin. Napakamot na lang tuloy si yujin sa kilay niya habang naka peace sign

 

 

 

"Oo na. Kasalanan ko na. Hindi naman kasi namin pwedeng ipagsabi sa hindi member ng dance crew dahil surprise nga dapat iyon at yung sa jowa pala nila ang mga partner nila ay wala akong alam doon promise" itinaas pa nito ang kanang kamay habang nakatingin sa aming apat

 

 

 

"Sobrang wasak ang mga puso ng apat na 'yan kanina pareng chaeyeon. Alam mo bang hinarana nila kaninang umaga sila yeji sa harap ng cr? Tapos ayun na basted" Natatawang sabi ni liz dito kaya napayuko na lang kaming apat sa hiya

 

 

 

"Mga bopols kayo. Bakit niyo naman kasi hinarana sa tapat ng cr?!" 

 

 

 

"Dun na kasi namin sila naabutan. Mag titime na kasi noong nasa cr sila kaya no choice na kami" nakangusong sagot ni winter dito

 

 

 

"Kung alam lang namin na ganun ang isasagot nila sa amin ay hindi na lang sana namin itinuloy" malungkot na dagdag ni chaehyun dito

 

 

 

Hindi ko rin maiwasang malungkot. Hindi ko matake na may boyfriend na si yeji at mukhang shokoy pa ito. Ang nakakainis pa rito ay kakakilala pa lang nila at sinagot nila agad ang mga yun. Samatalang kami? Isang taon ng nagpapapansin sa kanila. 

 

 

 

"Tara shot puno" nanghihinang yaya ni shuhua sa amin

 

 

 

"Anong shot puno ka riyan?! Nasa canteen tayo oy! Charot. Mukhang kailangan ko rin uminom mga pre. Binasted din ako kanina ni eunbi yawa" nanlulumo rin ang mukha ngayon ni chaeyeon kaya ang ending? Ayun, tawang tawa yung tatlo kulugo. Palibhasa walang problema sa love life nila

 

 

 

"Tama na nga yan. Umorder na kayo ng makakain na tayo" 

 

 

 

Sumang-ayon na lang kaming lima sa sinabi ni youngeun at kanya kanya na kaming bigay ng gusto naming pagkain sa kanya

 

 

 

"Ay wow? Ang sabi ko umorder na kayo hindi ko sinabing anong order niyo" nakasimangot niyang sabi samin habang inaabot ang mga bayad namin

 

 

 

Tinawanan lang namin ito kung kaya't naglakad na ito para umorder ng kakainin namin habang kaming natitira rito ay nag-aasaran na lang. Ayaw na muna naming isipin yung mga crush namin na lagi na lang kaming binabasted. 

 

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Sorry for the late update. Wala kasi akong maisip na pwedeng ilagay sa chapter na 'to eh. Tapos naging positive pa si chaehyun, youngeun, at eunbi sa covid :<. Kaya gumawa na lang ako ngayon para maibsan ang pagkamiss ko sa baby chaehyun ko :< get well soon chaehyun, youngeun, at eunbi :<

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ljzshxwiii
187 streak #1
Chapter 3: SHUTA CHOKE ME MOMMY!!! ANO BAAAAaaa
Ljzshxwiii
187 streak #2
Chapter 2: Dapat grupo nila soojin maghahabol kila shuhua demonyong soojin sarap tanggalin mata sa pag ka irap sa asawa ko shuta
Ljzshxwiii
187 streak #3
Chapter 1: Soojin naman bat ka kase lumalayo baka sa future ikaw na layuan ni shuhua SHUTA ka
yurielle
#4
Chapter 3: i bet sila karina naman ang maghahabol sa group nila winter in the future MWAHAHAHAHAHAHHAHAHAH
yurielle
#5
mukhang magiging makalat itong au na ito kaya sub na agad ako