CHAPTER 2- RED CARD + PAGEANT
Muni-MuniWinter’s
*Ay, ay, ay I'm your little butterfly, Green, black and blue, Make the colours in the sky*
“Ay shuta!” napabalikwas naman ako sa gulat ng marinig ko ang tunog ng aking cellphone. Isa lang naman ang kilala ko naka-custom ang ringtone sa cellphone ko na ganyan ang kanta, si Ningning. Ano nanaman kaya kailangan nitong bruha na ‘to at aga-aga nambulabog.
“HUY GAGA ASAN KA NA?” Pambungad niya. Ang ingay talaga nitong babae na ‘to at aba wala man lang pagbati sa umaga!
“Sa bahay malamang, nasaan ba dapat ako?” pagsusungit kong balik habang nakapikit pa rin. Pano ba naman kasi aga-aga nakasigaw na.
“HA? ALAM MO BA KUNG ANONG ARAW AT ANONG ORAS NA? ANG LAKAS NAMAN NG LOOB MO MAGTANONG? GAGA DAPAT NANDITO KA NA SA SCHOOL NGAYON!” bakit ba lagi na lang galit at nakasigaw ‘tong si Ning?
“Anong araw na? January 12 at 9 A.M na” tugon ko habang sinisilip ang orasan sa aking cellphone. Teka nga parang may mali at may hindi pa ako nagagawa.
“AY HALA LATE NA AKO NING! 9:15 PALA START NG CLASS KAY PROF. CHOI, HINDI AKO MAKAKAABOT! CHIKAHIN MO MUNA SI SIR.” Aligagang sabi ko kay Ning. Maliligo na lang ako tapos sa school na lang ako mag-almusal.
Habang naliligo ay naisip ko nanaman kung anong dahilan ng late kong paggising. Karina, palabok, date… kakaisip ko sa interaction namin kahapon at dahil na rin sa kilig ay hindi ako agad nakatulog kaya heto ako ngayon, late nanaman.
After ko naman maligo at mag-ayos ay nag-book na lang ako ng angkas kesa mag drive ng sarili ko baka kase sa taranta ko ay maaksidente pa ako. Buti na lang medyo may malapit na rider at hindi naman gaanong ka-traffic kaya by 15-20 minutes siguro makakarating na ako sa school. Ipagdarasal ko na rin na sana hindi sila Sister Tess ang nagbabantay sa gate kasi sigurado lagot nanaman ako. Ayaw ko na sa detention at community service, please lang.
Huminto na ang rider at agad naman na akong nagbayad. Sinilip ko ang aking relo, 9:18 na. “Patay…” Nakita ko kasi sila Sister Tess sa gate inaasikaso ang ibang mga late, paano kaya ako makakadaan ng hindi nila nakikita. Mag-isip ka Winter, gamitin ang utak.
Buti na lang napansin ko na nakatalikod sila Sister at kaya ko naman siguro makadaan kung tatakbo ako ng mabilis. Isa, dalawa, TAKBO!! Nilingon ko naman sila Sister Tess at mukhang wala naman nakakakita sa akin kaya habang nakalingon sa kanila ay patuloy pa rin ang aking pagtakbo, ngayon naman ay may ngiti na sa aking labi kasi success-
*THUD*
Hindi naman natapos ang pagce-celebrate sa utak ko kasi may bigla akong narinig na kumalabog at naramdaman ko na may tinamaan ata ako. “Ano ba naman ‘yan! Late na nga ako eh, sino ba ‘tong shungang nakaharang sa daan? Nakita naman na may tumatakbo eh” Inis na sambit ko sa utak ko.
Pag-tingin ko sa aking nabangga, agad ako nag pasalamat kay Papa G dahil hindi ko verbally nasabi yung nasa-isip ko kanina. Paano ba naman kasi, si Karina my bebelabs pala ang nabangga ko.
Mukhang galit naman na tumingin ang dalaga sa akin. Bakit ganun? Kahit galit at nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa akin ay ang ganda pa rin? Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kikiligin. Papa G, Sister Tess, and other Sisters please help me po huhu. Ay teka, nabanggit ko ba kahapon na aside sa pagiging part ng dance team at pagsali sa beauty pageants ay siya rin ang student council president??
Sa daming puwedeng makabangga at makasalubong sa ganitong sitwasyon bakit siya pa? Syempre gusto ko rin naman siya makita pero naman kasi pawis ako sa pagtakbo tapos mukhang alam pa niya na late na naman ako. Umagang-umaga may kahihiyan na naman ako.
"Are you just gonna stand there, Miss Kim?" may authority niyang tanong. Grabe naman ganito pala ang boses niya sa umaga, mas mababa tapos tinawag pa akong Miss Kim hihi para naman kaming nasa Korean na palabas yung may secretary. Siya yung boss tapos ako yung secretary niya then na-inlove kami sa isa’t isa- Hindi ko na naman natapos ang pag daydream ko nang may narinig akong tumikhim.
“Ay sorry po bebelabs- I mean, Pres. Nagmamadali po kasi ako. Hindi na rin po ako tatakbo, PROMISE mamatay man ako!” Aligaga kong sabi na medyo namumula pa dahil sa tumatakbo sa aking isipan.
“I presume you are running late. Did you make a note of yo
Comments