CHAPTER 1- PALABOK DATE?

Muni-Muni
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's

Grabe mag alas-siyete ng gabi na pala, ngayon palang ako nakalabas sa university. Jiritz kasi tong si Dean Suman (Soo man) eh nakita pa ko kanina kaya nautusan pa magpapirma sa mga Profs. sa department namin, may gaganapin nanaman ata na event. Ang dami kayang Profs. sa department namin tapos hindi ko pa alam kung saang sulok ng university sila napaparoon.

Matapos na masiguro na nakapirma na ang lahat ay bumalik na ko kay Dean at ipinasa na ang papel. Grabe wala man lang pa-dinner o kaya patubig man lang, nakakapagod kaya!

Anyways, puro rants agad ako eh di pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala ang nag-iisang super cute at talented na baby sa department namin, Kim Minjeong o kilala bilang "Winter" sa aming paaralan. Medyo makulit daw ako sabi ni Sister Tess pero keri naman. 

Gutom na gutom na talaga ako dahil sa pagod sa maghapong klase tapos nautusan pa maghanap sa mga nawawalang bibe- este mga Profs. matutuwa sana ako kung bibigyan nila ako ng grade na uno eh kaso ang mga bigayan kala mo kumakapit sa tres eh. 

 Nga pala, nag c-crave ako parang gusto ko kumain ng palabok yung bagong luto, mainit-init, maraming toppings na chicharon, habang nasisilayan ang nakakabighaning anak nung tindera. (ewan ko ba kung romantic o manyak pakinggan nung sinasabi ko) 

Siguro naman bukas pa naman ang karinderya nila Aling Ayren. Oo, si Aling Ayren ang may-ari nung karinderya at nanay nung magandang laging andoon. Medyo may pagka-sungit si Aling Ayren pero dahil cute at suki ako ay may special treatment hehe. Yung special treatment ay ang pag-upo sa tapat ng electric fan tuwing nakain ako sa karinderya nila. 

Napagdesisyunan ko na lang na maglakad kaysa mag tricycle kasi 3 kanto lang naman mula sa school yung karinderya tsaka mas okay na toh nakakapag-exercise na ako may sobrang pangkain pa. Agad ko naman sinukbit yung airpods ko sa tenga ko at nag-shuffle na lang sa spotify. 

"Hambog Ng Sapro Krew" ay teka parang alam ko toh ah.  "Teka, nag aaral ka ba? OO, Ulol, ano course mo Astronaut" Hindi ko na namalayan na napapasabay na ko sa intro ng kanta. Grabe kabisado ko pa pala ito kasi lagi pinapatugtog nung tsong ko toh dati. Ayos na rin siguro itong kanta na pakinggan habang naglalakad sa kinaroroonan ng karinderya, sana naman andoon yung magandang anak ni Aling Ayren. 

Isang kanto na lang at malapit na ako. Kwento ko na lang sainyo yung tungkol sa anak ni Aling Ayren. Karina ang pangalan niya at same school din kami, madalas ko siya makita kasama yung conyo niyang kaibigan na si Giselle. Medical student pala siya at hindi naman makakaila kasi bagay na bagay ang puting uniporme sa kanya. Unang sulyap ko pa lang sakanya nabihag na ata niya ang puso ko, paano ba naman kasi napaka-ganda niya, maputi, matalino, at maganda rin ang hubog ng katawan, kamukha kaya niya si Mama Mary tsaka sabi nga ni Daniel Padilla "nasa 'yo na ang lahat." Nasa kanya na nga ang lahat eh pati ang puso ko, boom paniz.  Si Karina nga pala ay sikat din sa school kasi part siya ng dance team at sumasali sa mga beauty pageants kaya hindi makakaila na pinipilahan siya ng mga kalalakihan at kung bakit inggit na inggit sa kaniya ang ibang mga babae na ang chaka naman tignan. 

Sa sobrang pag-iisip ko tungkol kay Karina ay muntik pa ko mapatid sa bato at hindi ko pa mapapansin na andito na pala ako sa Karinderya. Sumilip naman ako agad at nakita si Aling Ayren. 

"Aling Ayren, andito na po ang cute na cute at paborito niyong suki!" Bati ko naman habang paupo. 

"Hay nako Winter gusto mo lang siguro ng libreng softdrinks kaya ganiyan ka ngumiti at bumati." 

"Huy grabe naman po kayo, nakakahiya po kaya magpalibre, pero coke zero po sana. Thank you Aling Ayren" pagpapa-cute ko. 

"Sige na, maupo ka na diyan at alam ko naman na ang order mo. Isang mainit-init, maraming chicharon na toppings na palabok." 

"Yes na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Illusion315
Hi! Instead of making this a collection of different stories, I decided to make it a single story!Thank you for taking the time to vote and subscribe. I appreciate each of you<3

P.s. Please bear with my Filipino writing skills, as I am not that fluent.

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
899 streak #1
Chapter 1: Naku winteong, chapter 1 pa lang pero down bad ka na kaagad hahaha
gomtokkim
2161 streak #2
Chapter 1: kyot naman nito
kwonjess13 #3
Chapter 6: uy namiss ko to! nireread ko nakakakilig pa rin! looking forward sa kung ano pa ganap if mapush yang fake dating na yan at ano magiging reaction ng friends ni win.
kang_ddeul
#4
Chapter 6: hala ang cutie po ng story hahaha!
Gwapako987
#5
Chapter 6: Thank u po sa ud!!
ryujinie__
703 streak #6
Chapter 6: halaaaa tho parang on hold ang muni-muni, salamat po sa filler chap otor! ><
theia-quinn
#7
Chapter 5: bitiiiiiin!! more po otor hehe
Flyinglily
#8
Chapter 5: shet ka winter sinwerte ka sa pagpasok ng maaga! kung f2f na, gagawin ko yarn
Gab_17
#9
Chapter 5: Fake jowa yernnn