CHAPTER 5- GOOD MORNING + HA??

Muni-Muni
Please Subscribe to read the full chapter

*5:00 a.m 

 

Lunes na naman and unlike before maaga na ako nagising ngayon dahil balak ko maging productive na sa buhay. May nabasa kasi ako sa twitter na yung mga naging successful sa buhay ay gumigising ng ala-singko at dahil nga New Year at New Me ay nakapag-desisyon ako na gawin din ito, wala naman mawawala kung susubukan ‘di ba? Tsaka feeling ko gagana ito at mababawasan na ang pagka-inis sa akin ni Ning tuwing kailangan niya ako gisingin dahil mala-late nanaman ako. 

 

Alam kong late na ako nagsimula sa pagplano kung ano ang aking ganap ngayong taon. Usually kasi January 1 pa lang ay maririnig mo na ang mga New Year’s resolution ng iba pero I personally think na it’s better to be late than never. Tama ba?

 

Ilang araw na pala simula nung last interaction namin ni bebelabs sa detention at sa paghatid ko sa kanya. Kumusta na kaya siya? Hindi ko kasi siya nakikita sa university marahil panigurado ay busy siya sa mga council duties niya at sa sports niya. Actually, isa rin si bebelabs kung bakit nagbabagong buhay na ako kasi na-inspired ako sa kasipagan niya. 

 

What if i-text ko kaya si Ning at batiin siya ng magandang umaga? Feeling ko magugulat yun HAHAHA kasi nga lagi siya yung gumigising sa akin bukod sa alarm. 



Winter: NINGGGG

: Gising ka na ba? 

: RISE AND SHINE!!

: NING!!

: Kapag hindi ka nag-reply tatawagan kita!

 

Dahil ayaw talaga mag-reply ni Ning dahil mukhang tulog pa siya ay naka-isip na naman ako ng nakakalokong trip hehe. Dahil isa akong mabuting kaibigan at gusto kong kasama ang bestfriend ko sa pagiging successful ay tatawagan ko siya para magising! Hindi ko naman talaga se-seryosohin ang text ko na tatawagan ko siya pero dahil good mood ay dapat lang na i-share ko sa iba. #concernedfriend #happymonday

 

Sinumalan ko na tawagan si Ning pero napupunta lang sa voicemail pero syempre hindi ako nagpatinag at paulit-ulit siyang tinawagan. Mabuti naman at sa pang-limang tawag ko ay sumagot na siya sa wakas. 

 

*Winter & Ning’s Convo.  

 

-Winter

- Ning

 

“RISE AND SHI-” excited akong bumati kaso naputol naman agad dahil sa sigaw ni Ning. 

 

“HELLO? SINO BA ‘TO? PLEASE LANG ANG AGA MO MAMBULABOG MAMAYA KA NA LANG ALAS-OTSO TUMAWAG!! IBABABA KO NA ‘TO BYE!” Mukhang hindi tinignan ni Ning ang caller i.d at hindi aware na ako ang tumawag. 

 

“SI WINTER ‘TO!!” agad ko namang sabi dahil baka ibaba niya ang tawag, hindi ko pa nga siya na babati since pinutol niya yung sasabihin ko kanina. 

 

“Alam mo kung balak mong mang-scam iba na lang tawagan mo” ha? Anong scam? Hindi ako scammer noh!

 

“HA? SCAM? SI WINTER NGA TOH!” pagpipilit kong banggit sa kanya. Hindi ba ako si Winter? Ako naman talaga si Winter ah! Nagkakaroon pa ata ako ng identity crisis dahil sa sinasabi ni NIng. 

 

“HAHAHA wala ka maloloko dito kung sino ka man. Tulog pa yun panigurado sa bahay nila. Kaya please lang sa iba ka na mambulabog.” Natatawa namang sabi ni Ning. Ganun ba talaga ka imposible na maaga ako nagising? 

 

Hindi na ata talaga tinignan ni Ning yung caller i.d at ayaw niya talaga maniwala sa akin na ako si Winter, edi sino ako? Binaba naman niya na agad ang tawag matapos yung huli niyang sinabi at muling bumalik sa dreamland niya. 

 

Dahil sa nakakalokang eksena namin ni Ning ay naisipan ko na mag-ayos na lang ng aking sarili. Dahil 10 a.m pa naman simula ng klase ay nag-almusal na ako, naligo, at nag-ayos ng gamit. Habang naliligo naman ay naisipan ko na maaga pumasok ngayon para naman makapag-ikot sa university at malay niyo makita ko pa si bebelabs. 



*8:30 a.m

 

Lahat na ata ng nakakakilala sa akin sa school ay napapatingin sa akin. Hirap talaga maging pogi, masyadong agaw pansin. Alam ko naman talaga na yung totoong rason ay dahil sa maaga kong pagpasok, sanay na sanay na kasi silang nakikita ako na nagsusulat ng pangalan sa may gate o kaya naman ay tumatakbo ng mabilis para umabot sa klase on-time. 

 

Himala at hindi pa ako tinatawagan ni Ning para gisingin. Siguro nag-aayos na rin yun ng kanyang sarili dahil sanay siya na 9:30 a.m nakakarating sa school tuwing may klase kami ng 10 a.m. 

 

Dahil nandito na rin naman ako ay mag-iikot na lang ako. Una kong pinuntahan yung room namin para tingnan kung may tao na ba at para mababa na rin ang iba kong gamit. Mayroon naman akong iilan na naabutan na nagpapalamig na sa room, ang laki nga ng gulat nila noong nakita nila ako at dahil good mood ako ngayon ay binati ko na sila ng magandang umaga at sinabihan na kapag nakarating na si Ning at si Rj tapos hindi pa ako nakabalik ay itago muna nila ang bag ko dahil balak ko surpresahin ang dalawa. 

 

Pagkatapos ko sila kausapin ay lumabas na ako at dumiretso sa library dahil mas malapit ito. Tumi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Illusion315
Hi! Instead of making this a collection of different stories, I decided to make it a single story!Thank you for taking the time to vote and subscribe. I appreciate each of you<3

P.s. Please bear with my Filipino writing skills, as I am not that fluent.

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
899 streak #1
Chapter 1: Naku winteong, chapter 1 pa lang pero down bad ka na kaagad hahaha
gomtokkim
2161 streak #2
Chapter 1: kyot naman nito
kwonjess13 #3
Chapter 6: uy namiss ko to! nireread ko nakakakilig pa rin! looking forward sa kung ano pa ganap if mapush yang fake dating na yan at ano magiging reaction ng friends ni win.
kang_ddeul
#4
Chapter 6: hala ang cutie po ng story hahaha!
Gwapako987
#5
Chapter 6: Thank u po sa ud!!
ryujinie__
703 streak #6
Chapter 6: halaaaa tho parang on hold ang muni-muni, salamat po sa filler chap otor! ><
theia-quinn
#7
Chapter 5: bitiiiiiin!! more po otor hehe
Flyinglily
#8
Chapter 5: shet ka winter sinwerte ka sa pagpasok ng maaga! kung f2f na, gagawin ko yarn
Gab_17
#9
Chapter 5: Fake jowa yernnn