CHAPTER 4- GINISA SA YABU?

Muni-Muni
Please Subscribe to read the full chapter

Ang hirap talaga maging maganda! Paano ba naman kasi ang bilis ng chismis at kalat agad sa buong university. Sabagay sikat na sikat si bebelabs kaya hindi malabo na maraming nakakakilala sa kanya tsaka student council president nga siya at athlete tapos ako ito, cute lang. 

 

After ko kasi ihatid si bebelabs sa room nila kanina ay diretso agad ako sa last class ko kasi every wednesday ay dalawa lang ang klase ko ayun nga lang tig-tatlong oras. 

 

Pagkarating ko sa room ay napansin ko na agad ang nakakalokong tingin ni Ning. Ano nanaman ba trip nitong bruha na 'to? Matapos akong iwan kaninang lunch!

 

"Oh! Buti buhay ka pa?" Agad na bati niya nung ako'y umupo. Hindi na rin naman kami nakapag-usap agad dahil dumating rin ang aming prof. 

 

Matapos ang 3 oras na pasakit ay nag-dismiss na rin naman na ang prof namin. Agad-agad naman kami nagliligpit ng gamit dahil nag-aya si Rj na kakain daw kaming tatlo sa labas at magkita na lang daw kami sa parking. 

 

"Alam mo bes, kanina pa nangangati yung bibig ko na gisahin ka kaso biglang dumating si Prof. Humanda ka sakin mamayang dinner at marami kang dapat ikwento!" Baggit ni Ning habang kami ay naglalakad papuntang parking. 

 

"Anong marami? Halos mamatay na nga ako kaninang lunch habang nag e-enjoy kayo ni Rj kumain sa caf!" Hirit ko naman. 

 

"Sus, usap-usapan nga kayo ni madam Pres." 

 

"Saan mo naman nakuha 'yan, aber? Napaka-marites mo talaga!" Sasagot pa sana siya pabalik noong nakita namin si Rj na nakasandal sa kotse niya at aba si mokong naka-shades pa! Artista yarn? Agad naman kami natawa ni Ning sa get-up niya. 

 

"Huy! Gwapo natin ah? Anong trip 'yan at nakasalamin ka dito sa parking lot?" Bati ko naman sa kanya habang nang aasar. 

 

"Alam kong gwapo ako! Tsaka malay mo kasi may mga shawty dito!" Mayabang na saad niya. 

 

"Shawty-shawty ka diyan, tara na nga!" Pag-aaya ni Ning. 



Wala naman masyadong ganap sa kotse bukod sa halos kalahating oras na pagtatalo ni Ning at Rj kung saan ba kami kakain. Nag-aaway pa sila kung Japanese, Chinese, Korean, o Filipino cuisine ang kakainin. Hindi naman kami maarte sa pagkain kaya wala naman sanang problema kahit kung saan doon kaso nag-request si Ning kung pwede daw ba Chinese cuisine kami for this night. Kaya nga lang sumabat si Rj na gusto niya mag-samgyup at dapat daw na siya ang masunod kasi siya nag-aya at ang driver namin ngayon. Hindi talaga sila nagpatinag at tuloy-tuloy na nagbangayan pati mga health benefits nung mga pagkain ay nabanggit na nila. Minsan nga isu-suggest ko sa kanilang dalawa na sumali sa debate club. At dahil wala talagang gusto magpatalo at naririndi na ko sa ingay nila ay ako na lang ang nag-decide na sa Japanese restaurant na lang kami kumain. Agad naman natahimik ang dalawa at napangisi na lang sa kalokohan nila. 



*Yabu: House of Katsu*

 

Pagkarating namin ay agad naman kami binati at inasikaso ng mga staffs. Kilala na kasi kami sa branch na toh kasi kapag nag c-crave kami ng mga katsu ay dito agad ang diretso namin. Hindi na rin naman nagtagal noong nagdesisyon na kami sa aming kakainin, hindi ko nga alam kung bakit ang tagal namin mag-decide eh pareho lang naman lagi inoorder namin. Hinintay muna namin dumating ang usual order namin na mga appetizers (Agedashi tofu at mozzarella katsu sticks) at main dish. 

 

Hindi na rin naman nagtagal at dumating na ang mga appetizers kaya nagsimula na rin kami magkwentuhan tungkol sa mga ganap namin ngayong araw. Syempre nanguna si Rj pagdating sa mga ganito. Nabanggit niya na yung Prof. nila sa major subject ay nagpa-surprise quiz at legit daw ang gulat nila dahil nasa laylayan ang grade na nakuha nila sa quiz pero masaya naman daw siya kasi nakita niya si Ms. Yeji n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Illusion315
Hi! Instead of making this a collection of different stories, I decided to make it a single story!Thank you for taking the time to vote and subscribe. I appreciate each of you<3

P.s. Please bear with my Filipino writing skills, as I am not that fluent.

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
899 streak #1
Chapter 1: Naku winteong, chapter 1 pa lang pero down bad ka na kaagad hahaha
gomtokkim
2161 streak #2
Chapter 1: kyot naman nito
kwonjess13 #3
Chapter 6: uy namiss ko to! nireread ko nakakakilig pa rin! looking forward sa kung ano pa ganap if mapush yang fake dating na yan at ano magiging reaction ng friends ni win.
kang_ddeul
#4
Chapter 6: hala ang cutie po ng story hahaha!
Gwapako987
#5
Chapter 6: Thank u po sa ud!!
ryujinie__
703 streak #6
Chapter 6: halaaaa tho parang on hold ang muni-muni, salamat po sa filler chap otor! ><
theia-quinn
#7
Chapter 5: bitiiiiiin!! more po otor hehe
Flyinglily
#8
Chapter 5: shet ka winter sinwerte ka sa pagpasok ng maaga! kung f2f na, gagawin ko yarn
Gab_17
#9
Chapter 5: Fake jowa yernnn