Chapter 2

hoy! bawal mainlove!

"Karina!!" tawag ni Ningning habang tumatakbo papalapit sa akin, "Oh ano na naman yan?" tanong ko. Si Ningning, best friend ko dito sa campus. Isa sa mga kaibigan ko kasama si Ryujin. 

"Guess what? I have a new crush!!" excited na sabi niya, "Ayan ka na naman sa crush crush tas iiyakan mo ulit" bigla namang sumulpot si Ryujin.

Ganyan lagi si Ryu eh, bigla biglang sumusulpot kaya minsan magugulat ka na lang talaga kasi bigla biglang lilitaw yan sa harap mo. "Crush lang naman.. Di naman jowa."

 

 

Andito ako ngayon sa isang coffee shop nag aaral may readings kasi ako kaya kailangan ko na simulan magbasa dahil marami rami pa 'to. Dito lang talaga ako nakakapag focus dahil pag nasa bahay ako panay distraction lang.

Habang nagbabasa ako nakatanggap ako ng message mula kay Winter. Syempre ako 'tong may gusto sa kaibigan ko, kinilig agad ako.

 

From Winter

Rina, pupunta ka pa ba dito? May readings ka? Tara dating gawi, doon sa dapitan

 

Nang mabasa ko iyon ay nawalan na akong ganang magbasa, wala na eh nagyaya na siya. Agad ko naman siyang rineplayan na "ok" at nag ayos na ako ng gamit ko.

Dali-dali akong lumabas at sakto namang paglabas ko ay nandoon na siya. Sakto dahil may vacant kaming 2 hours, "May klase ka pa ba?" tanong niya. 

Nakasuot lang siya na plain white tshirt tas naka pants, ang pogi niya tignan pota. "Ahh, 1pm pa next class ko" sagot ko naman.

 

Actually medyo malayo yung coffee shop na 'to sa UST, dinadayo pa namin isa't isa kahit malayo. Siya taga UST ako naman na taga ADMU. Pero keribels na ang pag babyahe kung si Winter ang makikita. Harot ko.

 

"Aba! May date ata tayo diyan!" sigaw ni Jeno nang makita kami na kumakain ng street foods. Puta heto na naman tayo. Andito na naman sila, pwede 'bang ma solo ko si Winter?!

"Aba, aba! Hoy Karina! Pahiram naman ako ng kaibigan mo" saad ni Giselle. Feel ko tuloy alam ni Gigi na may gusto ako sa kaibigan namin, masyado ba akong halata? Should I ask her ba if halata?

"Libre niyo ko" sabi ni Yeji pero natusok na siya ng fishball, "Sige lang, kuha lang kayo" sabi naman ni Winter na ikinatuwa naman nila. Buti na lang mabait 'tong si Winter.

Mga taga UST 'tong apat eh, si Yeji naman taga UP. Di ko alam kung kailan pa nandito yan. "Kung nagtataka ka kung bakit ako nandito is maaga kaming dinismiss" bigla nagsalita si Yeji na ikinagulat ko. Nabasa niya ba nasa isip ko?

 

Maya-maya ay natapos na kami at pumunta na sa building nila Winter, archi kasi 'tong si Win habang si Jeno ay engineer kaya lagi silang sabay na napasok dahil malapit lang building nila sa isa't isa.

"Oh pano ba yan, Karina. Mauna na kami, ha. May klase pa kami" hilig nitong magbiro, nakakainis. "Win, puntahan ulit kita mamaya ha" sabi ko, ngumiti naman siya at tumango. 

"Pero baka mahirapan ka sumakay mamaya" pag aalala niya. Crush rin ba ako nito, ha? Joke, assumera eh. "Ahh hindi, isasama ko mamaya yung kaibigan ko. Trip pumunta dito eh" sagot ko naman at um-oo na lang siya.

 

Nagpaalam na sila sa akin at ako naman ay bumalik sa univ. Mag aaral na naman ako, medyo nagsasawa na ako. Charot.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
locksmith_19 #1
Otornim.. susubaybayan ko to. 🥺 fluff naman to db?