Chapter 1

hoy! bawal mainlove!

"Beh, mukhang nababakla ka na naman diyan ah" saad ni Giselle sa kaibigan, "Gaga, anong nababakla?" pag iwas ko naman. 

 

Andito kami ngayon sa court may practice kasi si Winter ngayon sa Volleyball, magkaiba kami ng pinapasukan kaya naman tuwing uwian lang kami nagkikita.

Si Winter nga pala, childhood bestfriend ko. Simula pagkabata siya na lagi kasama ko, friends kasi parents niya sa parents ko kaya dahil doon naging sobrang close kami. Childhood bestfriends.. Ayan kami ngayon kaso para sa akin, iba na.

 

"Aba! Andito ka na naman?" bungad ni Jeno, mukhang kakagaling lang din sa practice ng basketball. "Pake mo?" pagtataray ko. Si Jeno naman bestfriend ni Winter, siya naging buddy niya nung nagkahiwalay kami ng school. Isama mo pa sila Giselle, Jaemin at Yeji, maiingay na mag totropa.

"Sus, sungit naman natin diyan, miss" inirapan ko na lang siya at tumayo na, tapos na rin sila mag practice. 

 

"Win!" tawag ko at kumaway, ngumiti naman siya sa akin. Teka bakit pati pag ngiti niya nakakakilig? Ganoon na ba ako kalala?

"Late na ah, I already told you naman na if it's late umuwi ka na lang" sabi niya habang inaayos ang duffle bag niya. "Ayoko umuwi mag isa eh." 

 

Nag ayos lang siya at nagpalit ng damit, andito kami ngayon sa gate ng school nila inaantay siya dahil may inaannounce lang daw siya. Captain siya eh. "Aray! Di naman mabiro!" sigaw ni Jeno nang kurutin namin siya ni Yeji. "Pangit mo mag biro." inis na sabi ni Yeji.

 

Maya-maya lang ay dumating na rin si Winter, naglakad na kami papuntang papuntang terminal ng jeep. Pare-pareho kasi kami ng sasakayan, mabuti na yun para masaya kaso ang iingay nila. 

 

"Nauna na kami ni Winter kasabah si Jeno, nakasakay na kasi ka agad si Jaemin eh. Tsaka ewan ko ba laging nandito 'yang si Jeno kasama namin. 

 

"Pano ba yan mga lodi, mauuna na ako. Mawawala na naman yung pogi niyong kaibigan" biro nito, "Wala naman talaga kaming kaibigan na pogi.." pagbabara naman ni Winter. 

Tawang-tawa naman ako dahil yung mukha ni Jeno ay parang iiyak na, "Sige. Sabi niyo eh, sana di na lang ako inere ng nanay ko." malungkot na sabi nito at naglakad na palayo.

 

"Baliw talaga yun" asar pa ni Winter, "May dumi ba ako sa mukha? Titig na titig ka na sa akin eh." 

Di ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Winter kanina pa. Kasi naman sinong di mapapatitigdiyan, sobrang ganda niya. "Tara na, hatid na kita sainyo" sabi nito at nauna na maglakad. 

Hinabol ko naman siya at inakbayan, lagi namin 'tong ginagawa kaya tignan mo may bumighay. Nahulog na ako sa kaibigan ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
locksmith_19 #1
Otornim.. susubaybayan ko to. 🥺 fluff naman to db?