Chapter 3

hoy! bawal mainlove!

"Oh my God! Look at him oh! He's so very very handsome talaga kahit pawis na pawis. Sobrang ready ako na amuyin siya" kinikilig na sabi ni Ningning. "Ang dugyot mo" seryosong sabi ni Ryujin.

 

Andito kasi kami ngayon sa fields, nanonood ng practice ng baseball team. Nandito lang naman kami dahil dito kay Ningning, balak mag confess aa crush after their game. Sana ol 'no? May lakas koob mag confess.

 

"Omg! They're done na! Rin! Do I look good? Is my hair ok? How about my breath? Wait let me-" di niya na natuloy ang sasabihin niya nang dumating ang crush niya.

Pogi naman siya, matalino pa. From what I know med student siya, masipag. "H-Hi!" nahihiyang bati ni Ningning. "Mauna na muna kami, tara Karina."

 

Syempre di naman talaga kami umalis, andito lang kami nakaupo sa malayo pinapanood kung paano umamin kaibigan namin at kung paano siya mareject. Charot, pero di mo sure.

"Why do I feel like na marereject siya?" sabi ni Ryujin habang nakatingin kay Ningning, "Same." pag sang ayon ko.

 

Umalis na muna kami ni Ryujin dahil mukhang lumabas pa ang dalawa. "Hoy! Ryu, ikaw? Wala ka bang crush?" tanong ko, "Bakit gusto mo ba ikaw?"  Iba talaga ''tong babaeng ''to. 

"Of course, not! We're friends" pag tanggi ko. Andito kami ngayon sa Coffee shop malapit sa españa, ayun nga balak ko kasing pumunta doon kasama si Ningning, tinatamad kasi 'tong si Ryu gumala.

 

"Rina! Ryu!" sinasabi ko na nga ba, may iiyak. "What happened?" pag aalala ko. "He.. He rejected me" pag iyak niya lalo. Hinimas-himas naman ni Ryu ang likod nito at pinapatahan. 

"Ok lang yan, marami pa naman diyan. He doesn't deserved you" pag comfort ni Ryujin. "Tama, wag mo sayangin 'yang luha mo sa kanya"

 

 

Andito kami ngayon ni Ningning sa España, inaantay si Winter kasi may practice ulit sila ngayon. Malapit na daw kasi UAAP kaya panay ang practice sila. "Matagal pa ba siya? I'm hungry na eh" walang gana na sabi ni Ningning while scrolling down through her phone. "Malapit na yun."

 

Maya-maya ay dumating na rin sila Winter kasama ang ibang naming kaibigan dito sa UST. "May dalang tayong chicks ah!" binatukan ko naman si Jeno, siraulo talaga 'to. "Gago, anong chicks? Kaibigan ko 'to."

 

"Hi! I'm Ningning! And you guys are?" pagpapakilala ni Ningning. "Winter" pagpapakilala naman ni Winter. Nagpakilala silang lahat, naging mabait pa si Jeno at Jaemin kay Ning. But I guessed someone got her attention.

"Giselle, I'm Giselle" sabi ni Giselle at inilahad ang kamay niya, tinanggap naman ito ni Ningning. Parang nawala yung lungkot sa mukha niya nung nakita niya si Giselle.

 

 

Kakain lang dapat sa Jollibee para makamura kami kaso itong burgis kong kaibigan dinala kami sa steak house. "Wala akong pera.." bulong ni Jaemin sa akin. Kahit ako kulang pera ko pero ito kasing si Ning eh, buti sana kung andito si Yeji magpapa libre pa kami mabait naman yun kaso wala!

 

"Daming utensils naman dito, kutsara at tinidor lang alam ko" rinig kong bulong ni Jeno kay Jaemin. Shuta ngayon lang din ako ngayon kakain sa steak house! Pero bakit ba kasi ang dami!

 

Na serve na yung steak namin kaya nagsimula na kaming kumain, ang sosyal naman pala dito jusko. Tapos ang yayaman pa nung mga kumakain. 

"Rina? You good?" tanong ni Ningning sa akin, I'm having a hard time to cut this steak! Sila nakain na ako naghihiwa pa rin, marunong naman ako kaso ewan ko ba bakit ako ganito. Nanginginig pa kamay ko.

"Let me help you" hinawakan ni Winter ang kamay ko at kinuha sa akin yung knife, kilig malala. She helped me to cut the steak, after nun nakakain na rin ako. 

 

 

 

"Thank you for treating us, Ningning! Next time kami naman" pasasalamat ni Winter. "No problem, next time ulit. Kasama naman yung isa pa naming friend" saad ni Ningning. "Are you guys going home na ba?" she asked.

"Uuwi na kami ni Jaem, may research pa siya tapos ako may gagawin pang project" sabi ni Jeno. "Mauna na kami, baka wala na kaming masakyan tas may dadaanan pa kami. Ningning, thank you ulit!" pasasalamat ni Jaemin at tuluyan nang umalis.

"Ikaw Giselle? Sasabay ka ba sa amin ni Karina?" tanong ni Winter sa kanina pang nakatitig kay Ningning, inlove na ata 'tong si Giselle.

"Ah ano, may dadaanan pa ako. Kaso mukhang maglalakad na lang ako, wala na akong masasakyan eh" saad nito, may sasabihin sana ako nang biglang magsalita si Ningning, "Hatid kita. I-I have a car" nahihiya pang sabi ni Ningning. Giselle nodded at tumungo na sila sa sasakyan niya. 

"Tara uwi na rin tayo" yaya ni Winter. Sumakay na kami sa jeep at nakapag bayad na rin, ako na nag bayad kasi rich ako. Charot. Habang nasa byahe kami ay nakatulog na si Winter, napagod siguro sa practice nila. 

Ang sarap ng tulog niya parang ayoko nang gisingin, sumandal na nga siya sa balikat ko. "Bakit ang bango niya kahit pawisan? Ang fresh pa huhu. Mamatay na ata ako sa kilig dito, parang ayoko nang bumaba gusto ko ganito na lang"

 

"Oh may baba ba dito?" tanong ni manong driverdriver. Trial lang pala yun kilig, sad. "Meron po!" sagot ko. Ginising ko na si Winter at bumaba na.

Medyo malayo pa bahay nila sa amin siguro mga limang kanto pa, antok na antok na eh. "Win, gusto mo bang dito matulog? Pagod ka na eh, 9 AM pa naman klase mo bukas 'diba?" tanong ko. Andito na kasi kami sa harap ng bahay, yung mukha niya pag bibighay na. "Kung pwede.." 

 

Pinapasok ko na lang siya sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Pumunta muna ako sa kwarto nila mommy at daddy, nagpapahinga sila. Kakauwi lang ata sa trabaho. 

Umakyat na rin ako agad at nakita ko si Winter na nakapag palit na ata tulog na sa kama. Dahil nga minsan dito siya nag iistay, may iniwan na rin siyang mga damit. Nag ayos na rin ako at nagpalit na ng damit. 

Naglatag na lang ako ng comforter sa lapag at doon na lang natulog. Magulo kasi minsan si Winter matulog kaya dito na lang ako. Bago ako tuluyang matulog, chineck ko muna siya, nilagyan ko na rin ng kumot dahil lumalamig na. 

 

"Goodnight Winter"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
locksmith_19 #1
Otornim.. susubaybayan ko to. 🥺 fluff naman to db?