Chapter 4

hoy! bawal mainlove!

Sobrang haba ng pila dito ah, kanina pa ako nakapila. Andito ako ngayon sa Jollibee, gusto kasi ni Winter paano ba naman nag cram ngayon, sabi ko sabay kami sa Saturday nauna naman siya.

 

"Hey, kanina ka pa ba here?" tanong ni Ningning nang makita ako. "Yes and sobrang tagal ng pila, I'm getting impatient na" pagrereklamo ko. "Hi miss, I'll get your order na kasi mukhang nagmamadali ka" sabi sa akin ng isang crew.

Minju? Ok. That name was familiar to me.. Wait?!? She's Winter's ex!

"Ma'am, what's your order?" tanong niya ulit nang matulala ako dahil sa naalala ko.

"Oh.. uhm.. jolly hotdog, yum burger and sundae.. tapos one spicy chicken then yung drinks is coke. Thank you" sabi ko at sinulat naman niya yun lahat. 

She gave me a number and sinabing umupo muna. "Looks like you know her" napatingin naman ako kay Ning nang magsalita siya. "Uh.. yes? Someone I know" sagot ko naman.

 

Minju. The girl who broke my best friend's heart. Minju was her first ever girlfriend and first heartbreak, I was mad at her simula noon even now. How can she break someone's heart like that? It was like a nightmare for her.

 

"Here's your order, ma'am. Thank you and have a good day, Karina" she gave me a smile and walked away. 

"Are you okay?" tanong ni Ningning, "Yes" then I her a smile. "Punta akong España, sama ka?" tanong ko naman. Baka gusto niyang sumama lalo na nabalitaan ko close na sila ni Giselle. "I still have one more class eh."

 

 

Andito na ako sa coffee shop na madalas tambayan ni Winter, malapit lang din'to sa UST. "Wala ka ng klase?" tanong niya pero nakatuon pa rin ang mata niya sa libro, "Wala na, early dismissal" sagot ko naman. Ubos niya na yung dinala kong Jollibee sabi ko nga tirhan ako bibili lang ako ng sweets kaso naubos niya na ka agad. 

"Win" tawag ko. "Mmm?" sabihin ko bang nakita ko ex niya o wag na? Parang ako lang din masasaktan pag sinabi ko.

"Nakita ko siya.." panimula ko, "Sino?" nagtatakang tanong niy. Nag hehesitate pa talaga ako kung sasabihin ko, baka madistract lang siya. "Si San Pedro" palusot ko.

Natawa naman siya sinabi ko kahit ako natawa, corny puta para tuloy mamatay na ako. Atleast I made her laugh lalo na stress na stress na siya sa schoolworks niya. Sinabayan ko na rin siya mag aral dahil may oral kami bukas. 

"What if nag archi na lang talaga ako 'no?" bigla niyang sabi, "Natupad ko pa sana pangarap ko."

 

 

Kinabukasan ay buong araw lang ako nasa university, nakaraos na rin ako sa oral recit namin. "Hello!" bati ni Ningning sa amin, andito lang kami ngayon naka tambay sa Gonzaga. "Tapos ka na 'bang humagugol?" tanong ni Ryujin na kumakain na naman.

"Napalitan ng saya kahapon lang" masayang sabi niya at umupo sa tabi ko, "Iba ka talaga. Umiyak ka lang tas ngayon masaya ka na. Anong meron ha?" 

"Masaya kasi may nagpapasaya" sabi ko at kinurot siya sa bewang, "Ha? What do you mean? Wala kaya" mahina niyang sabi. "Sino yan ha? Baka mamaya may ka fling ka na naman" ani Ryujin.

"Meron!" sabi ko naman, "Sino yan, ha?!" tanong naman niya. "Wala. We're just friends, ok?" pagpapaliwanag niya, "Friends with benefits? Sabihin mo na kasi Ning, wag ka mahiya kami lang 'to" biro ni Ryujin. "Ops, baka naman may something na between you and Gise-" agad na tinakpan ni Ningning ang bibig ko nang banggitin ko pangalan ni Gigi.

"Giselle ba?! Teka, yun ba yung kaibigan Karina?" I nodded habang tinatakpan pa rin ni Ningning bibig ko. "Kaya pala ngumingiti ka bigla bigla ah" pang aasar ni Ryujin, "Friends nga lang nothing more."

"Then why are you asking me kagabi kung paano malaman if you're falling in love?" tanong ko, kagabi kasi patulog na ako bigla siyang nagtanong kung paano malaman pag nahulog or may crush ka.

"Next level ka na ah, di na umiiyak" sabi no Ryu sabay siko sa braso ni Ningning, "Tinanong ko lang naman.. Di naman ibig sabihin nun I'm liking someone."

"Sige na, sabi mo eh. Basta crush mo siya. Crush mo si Giselle!!" sigaw ni Ryujin at tumakbo palayo ayun edi hinabol ni Ningning. 

 

 

"Nasaan si Ningning?" tanong ni Giselle nang makita akong nakaupo sa bleachers, "Hinahanap mo na naman sa akin crush mo" asar ko at binigyan na mapangasar na ngiti. 

"Luh. Sinong nagsabing crush ko yun? Kaibigan lang naman" pagtanggol niya sa sarili. Tumabi siya sa akin at pinanood ang team nila Winter na nag memeeting. 

"You like her, don't you?" seryosong tanong ni Giselle, "Ha? Sino?" alam ko namang si Winter tinutukoy niya. "Si Jeno." 

"Gago! Hindi! Kadiri ka!" akala ko naman si Winter bwisit 'to, lagi kaming pinagkakamalan mag jowa ni Jeno dahil sa ibang students eh. "Joke lang. Si Winter kasi."

"Halata ba?" tanong habang nakatingin kay Winter na umiinom na ngayon ng tubig, "Sa akin halata, ewan ko na lang sa iba. Grabe ka naman kasi makatitig sa kanya parang wala ng bukas" saad niya. I can only admire her from a far tsaka I don't want to take a risk kasi ayokong masira kung ano mang meron kami ngayon.

 

Maya-maya rin ay natapos na ang practice nila, "Next week na UAAP, punta kayo ah" sabi ni Winter. "Ayoko nga" pagbibiro ni Yeji, inirapan lang siya ni Winter at kinuha yung duffle bag niya. 

"Rina, punta ka ha. Dapat andun ka, finals pa naman" sabi niya sa akin habang hinhila hila yung braso ko. Di talaga sure if makakapunta ako, what if may oral recit kami? Di ko naman pwedeng iskip yun. 

Bago kami umuwi ay kumain muna kami sa sisigan malapit sa dapitan, libre daw kasi ni Giselle. "These day napapansin kong laging naka ngiti si Giselle sa phone niya" simpleng sabi ni Winter, "Nako! Delikado ka na!" sumabay pa si Jeno. 

"Ha? May pinapanood lang ako." ani Giselle, sige lang Giselle kaya mo na yan. Alam ko naman kung sino at kung ano ang dahilan sa pag ngiti mo sa phone mo. 

 

Nang matapos kami kumain ay umuwi na si Yeji, si Giselle naman may kikitain daw baka naman si Ningning yan. Si Jeno at Jaemin ay sasama sa amin tumambay doon sa coffee shop, uunwind lang kami.

"Alam kong ang sudden pero may crush na ba kayo?" tanong ni Jaemin habang tinutusok ang straw sa kape niya, "Oo nga, ikaw Karina? Wala pa ba? Balita ko daming pogi sa blue school."

Napatingin naman ako kay Winter na nag phophone sa tabi ko, mukhang may kausap. "Wala. Wala akong crush" sabi ko at uminom ng kape. "Ikaw Winter?" tanong nila Jaemin.

"Ha? Crush? Hmm.. Meron ba? Di ko rin alam eh" sagot niya, "Tsk, impossible naman. Halos oras oras kang ngumingiti diyan." feeling ko tuloy may crush na 'to, what if ako? Charot, malabong mangyari yun. 

"Bakit niyo tinatanong? Kayo ba meron na?" tanong ko sakanila, may mga crush na ba 'to o mga nagiging marites lang tungkol sa buhay namin? "Wala. Nagtatanong lang kami" saad ni Jeno, "Study first muna" dagdag pa ni Jaemin.

 

 

"Karina" agad akong lumingon nang tawagin ko ni Winter, "Mag ready ka bukas ha." sabi niya at tumakbo na palayo. 

Anongt trip nun? Pagtapos akong ihatid mag ready ako, for what? Mamatay na ba ako bukas at kailangan ko maging ready? O baka aamin siya sa akin? Joke, hibang na naman ako eh.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
locksmith_19 #1
Otornim.. susubaybayan ko to. 🥺 fluff naman to db?