002

College Life: Love Not Allowed
Please Subscribe to read the full chapter

Ang bilis lang lumipas ng first week sa school.

4 days lang pasok namin, wala kaming pasok every Wednesday and Saturday.

Rest day daw, pero sabi ni Yeri hindi daw totoo yun kasi marami daw ipapasang kung ano ano once na nag start na talaga ang klase.

Nagulat pa kami ni Yeri kanina nung paakyat na kami, tinawag kasi kami nila ate sa baba yung mga nag tatrabaho don.

Baba daw kami mamayang 10 o’clock ng gabi dahil may parang party sila, tinanong naman namin sila kung every weekend ba yon, sabi naman nila hindi raw pag wala lang daw masyadong ginagawa at nag papaalam naman daw sila sa may ari.

Umoo nalang kami ni Yeri bago kami nag patuloy umakyat.

And di ko rin alam kung tadhana ba to at lagi ko nalang nakakasalubong si Winter.

Yeah, I decided to call her sa name nya kahit di pa talaga kami magkakilala talaga.

Hindi pa rin nga kami nag papansinan e, parang tamang daan daan lang ganon.

Wala namang kaso sakin, napansin ko lang.

Naka usap na rin namin si ateng maganda sa fourth floor, Ryujin pangalan nya medyo kaclose na nga namin ni Yeri e.

Medyo may pagkaingay din pala yon.

And guess what, she’s not ing straight.

Sabi na nga ba tama ang hinala ko e, tapos nalaman namin na may tiny crush sya kay Yeri nung una nya raw tong makita bago mag pasukan pero wala na raw ngayon mas okay raw na kaibigan si Yeri kesa jowain.

Maingay raw kasi, di ko naman tinantanan si Yeri about dito at inulit ulit sakanya na napaka ingay nya na dumating na sa point si Ryujin na i-uncrush sya.

Inis na inis naman si gaga.

“Oy, Ryu. Baba ka mamaya?” Bungad ko sakanya nung makita ko syang kakalabas lang ng kwarto nya.

Sakto kasi kakalabas ko lang din ng kwarto namin at balak ko tumambay dito sa labas.

Oh diba, sabi sainyo medyo close na kami e.

Di ko nga alam kung medyo pa nga to e.

“Oy. Bakit? Anong meron?”

“Ay di ka pa ba inaaya sa baba?”

“Di pa ko bumababa e. Ano daw ba ganap?”

“Party daw, kantahan tapos ayun shot siguro.”

“G ba kayo ni Yeri nyan?” Nagkibit balikat ako bago ako umupo doon sa isa sa mga upuan sa may table.

“Sabi lang namin sige e, depende pa. Ikaw ba?” Sumunod na rin sakin si Ryujin at umupo na rin sa isa sa mga bakanteng upuan dito sa may table.

“Pag pumunta kayo ni Yeri, punta din ako.”

“Bet mo ba?”

“Si Yeri? hindi na.” Sabay naman kaming tumawa, baliw din talaga to kahit kelan e.

“Tange, yung party kasi sa baba yung sinasabi ko.”

“Oo, I mean ayos lang. Wala namang pasok bukas e. Tsaka di rin muna ako uuwi samin ngayon.”

“Sige. Tawagin ka nalang namin mamaya.”

“Oo, katukin nyo nalang ako ni Yers mamaya.” Tumango ako, nagpaalam na si Ryujin at bababa pa daw sya dahil di pa pala kumakain si tanga.

Inaya ko nalang din sya na sumabay samin paminsan since mag isa lang kasi sya doon sa room nya.

Di pa nga namin natatanong kung bakit sya lumipat dito sa fourth floor e, sa third floor daw kasi sya nanggaling dati.

Tatayo na sana ako ng biglang may nagsalita.

Napatingin naman ako dito sa gulat ko.

Ay shet, si Winter pala.

Ahhk, ang ganda talaga lord.

Nakatingin lang ako sakanya tapos sya parang busy sa pag tingin tingin sa mga rooms.

Oh em gee, lilipat na rin ba sya dito sa floor namin.

LOOOORD!

“Ahm, hi?”

LOOORD! KINAKAUSAP NYA PO AKO LOOORD!

“Ahm, hello?” Pag aalangan kong sagot, ang cute nya gagi.

Sana wag na muna lumabas si Yeri sa kwarto, lord please lang po.

“Ah, kilala mo po si Ryujin?”

Ouch, sakit naman non baby Winter bakit naman si Ryujin hanap mo.

De joke lang, baka magkakilala sila.

“Ay, kakababa lang e. Bakit?”

“Ah wala naman, may sasabihin lang sana. Sige, thank you,”

“Ah okay sige.”

Yun na yun lord?

Tapos na yun?

Papasok na sana ako sa kwarto ng tawagin ulit ako ni Winter.

“Ahm, ate?”

Ay gagi, bakit naman ate tawag mo sakin baby.

“Po?” Gusto ko nalang kainin ng lupa.

Bakit naman po yung sagot ko, jusko.

“Ano pong pangalan nyo?” Medyo nahihiya nya pang tanong.

Hala. Halaaaa. Lord, tinatanong nya pangalan ko shet sandaleeee.

“Karina.”

“Ay okay po. Thank you ulit, ate Karina.”

Ang galang mo naman baby.

May po na nga may ate pa, shet ka.

“Alisin mo na yung po at ate mo, nakakatanda e.” Kako and tumawa sya ng saglit.

Pati pag tawa nya cute, ano ba Winter!

“Ay sorry. Nakakahiya kasi baka isipin mo feeling close ako e.” I wave my hand dismissively bago ako ngumiti sakanya.

“Hindi, okay lang. Ikaw, ahm ano name mo?”

Syempre kunwari lang na hindi ko alam.

“Winter.” Sagot naman nito at ngumiti sakin.

Tangna! Pati ngipin nya lord cute, bakit ganon?

“Wow, cold naman pala.” Tumawa ulit sya bago sya umiling iling.

“Sige, Karina. Baba na ko. Thank you ulit.” Tumango ako at nag wave na sya sakin.

Pag bukas ko ng pinto ng kwarto namin bumungad sakin ang isang nakangising si Kim ing Yeri.

“Ngiting aso ah.” Pag pupuna nito sakin.

“Chismosa amp.”

“Rinig ko yon. Tagos sa pinto natin yung kilig mo tanga ka.”

“Ayan, nakikinig sa usapan ng may usapan.”

“Bobo ka? E andito ka lang kaya sa tapat ng pinto. Pati nga usapan nyo ni Ryujin rinig ko, paka lakas ng bunganga nyo.” Inirapan ko lang sya at humiga na ako doon sa kama ko.

Umupo naman agad sya sa tabi ko, tinignan ko lang sya bago sya ngumiti sakin.

“Ano nanaman Yeri?”

“Kala ko aral muna bago landi?” Lord, please.

Bigyan nyo pa po ako ng enough strength para dito sa pinsan ko na to.

“Alam mo…”

“Hindi pa.”

“Bwiset ka. Alis nga, istorbo ka dito e.” Tinulak ko sya paalis sa kama ko, akmang babalik pa sya ulit.

Sinipa ko sya para di na sya makabalik, di naman malakas just enough to stop her from pestering me.

“Baba tayo mamaya ah. Mukhang masaya e.” Pahabol pa nito bago sya umakyat sa kama nya.

“Oo na. Manahimik kana.”

 

 

 

Kanina pa ako katok ng katok dito sa kwarto ni Ryujin pero hindi pa rin nya ako pinagbubuksan ng pinto.

Jusko, Ryujin ano bang trip mo sa buhay mo.

“Hoy. Ryujin, buksan mo to at tara na sa baba.”

Kakatok pa sana ulit ako ng biglang bumukas ang pinto.

Hay, Salamat naman.

“Tagal mo.” Bungad ko sakanya. Tumawa lang to at lumabas na sya ng kwarto nya.

Ni-lock nya muna to bago sya humarap sakin.

“Maka matagal ka naman. Nag pabango lang e.

“Wow, may pabango pa.”

“Baka kasi merong bebe sa baba e, sayang naman.”

“Alam mo ikaw puro nalang babae nandyan sa utak mo.”

“Sus, kala mo naman sya.”

“Hoy, wala akong bebe. Tsaka aral muna no.”

“Sige, Karina. Ilaban mo yan.”

Aalis na sana kami ng madaanan namin yung kwarto namin ni Yeri.

Napa isip tuloy ako.

“Wait.” Sabi ko kay Ryujin bago ako pumasok ng kwarto.

Nang makita ko naman agad yung hinahanap ko e lumabas na ako agad.

Sinara ko na rin ulit yung pinto ng kwarto namin ni Yeri at humarap na ulit kay Ryujin.

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
osumnevercease
#1
Chapter 6: what if jowain nyo na isa't-isa rn?
cleofierayne #2
Chapter 6: Hahahahaah ayan napooo hahahaa kuya Mikeee ang dami mo nang alam both sides pa gagii!!
ryujinie__
695 streak #3
Chapter 6: Tama rinig mo Win 😆
SR_Serenity
#4
Chapter 5: you're back! alam mo ba author paminsan minsan iniisip ko 'tong story na 'to kasi nami-miss ko siya 🥹
howdoyouknowmee
540 streak #5
WELCOME BACK
ryujinie__
695 streak #6
Chapter 5: Welcome back pi! 🤗
SR_Serenity
#7
Chapter 4: just started reading this at gusto ko lang sabihin na ang cute ng winrina. aaaaaaaa nakakapanggigil, sana all na lang hahahahaha
theia-quinn
#8
Chapter 4: miss ko na to :(
hiver_pogi
#9
BADING BADING BADING
yurielle
#10
Chapter 4: karina bat ang sabog mo naman ata?😭