006

College Life: Love Not Allowed
Please Subscribe to read the full chapter

I was busy rewriting my notes, di kasi ako makareview ng ayos pag sa phone lang ako tumitingin ng notes.

Alam nyo naman ngayon, flash flash nalang ng lesson sa white board or kung hindi naman e mas gugustuhin mo nalang makinig kesa magsulat, dahil for sure isang lingat mo lang di kana agad makakasunod sa lesson.

So as I was saying, busy ako sa pag susulat ng notes kaya di ko na namalayang nakaupo na pala sa tapat ko tong si Winter.

I have no class kasi, mamayang hapon pa kaya andito pa ako sa labas ng kwarto namin ni Yeri.

Si Yeri naman kanina pa pumasok, marami daw silang aasikasuhin sa school.

“Oy.” Bati ko sakanya at tumango pa, di ko pa rin inaalis yung tingin ko sa phone ko at nagpatuloy lang sa pag susulat.

“Kumain kana?” Sagot nya naman sakin.

I chuckled.

“Luh, pafall. Wag ganon Winter.” Hinampas nya naman ako sa braso at tumawa rin sya.

“Baliw, ano nga?” Tumingin ulit ako sa phone ko para icheck kung anong oras na.

Mag aalas dose na rin pala, mamayang alas tres pa ng hapon ang klase ko ulit.

“Hindi pa e. Ikaw ba?” This time tinignan nya ko ng nakakaloko.

Aba, anong trip nitong isang to.

“Ikaw ata pafall dyan.” Sabi pa nito.

I scoffed.

“Ayos lang, marunong naman akong sumalo.” Sabi ko pa bago ko tinaas baba ang kilay ko sakanya.

“Sabi na nga ba totoo ang balita na manloloko kayong mga engineering students.” May nakakalokong ngiti sakanyang mukha at agad naman akong natawa.

Di pa rin pala sya tapos sa issue na yan.

“Sabi ko naman sayo wag nyong ilahat, diba.”

“So, sa pafall ka kabilang hindi sa mga manloloko?” Tinitigan ko sya for a few seconds bago ako umiling iling.

Ayaw nya talaga tantanan tong issue na to.

Jowain ko kaya to para manahimik na.

“Parehas hindi ako kabilang sa dalawang yan, Winter.” I said while chuckling.

Kung sino man yung mga engineering students na mga manloloko at pafall please lang itigil nyo na yan.

Maraming inosente ang nadadamay e.

Niligpit ko na yung gamit ko at tumayo.

“Pasok ko lang to sa loob. Sabay ba tayo kakain?” Kako at tumningin sakanya.

Nakangiti at nakatingin sya saakin ng nakakaloko.

Lord, ayan nanaman po sya.

“Hindi nga sabi ako ganon.” Inunahan ko na sya sa balak nyang sabihin at tumawa bago ako naglakad papasok sa kwarto naming mag pinsan.

Narinig ko naman yung pagtawa nya sa labas ng kwarto namin.

I shook my head with a smile on my face.

“Tara?” Aya ko sakanya ng makalabas na ako ulit sa kwarto namin ng pinsan ko.

Nilock ko yun at humarap na kay Winter.

“Sure ka di ka kabilang?” Pang aasar pa nito saakin.

I sigh at umiling nalang.

Ligawan kita dyan ng matahimik kana e.

“Bahala kana nga dyan.” Sabi ko nalang at nauna na akong naglakad.

Narinig ko nanaman yung tawa nya bago sya sumunod sakin.

“Joke lang, ito naman pikon agad.”

“Di ako pikon. Paulit ulit ka kasi e.”

“Joke nga lang e. Sorry na, Karina.” She said bago pa nya ako hinawakan sa kamay at tinignan ako sa mata with her puppy eyes at naka pout pa nga.

Lord, bat ganto naman po yung hamon ng buhay ko.

Bakit po sa form pa na Winter Kim.

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko kasi nararamdaman ko na parang nag iinit yung mukha ko.

I cleared my throat bago ulit naglakad pababa sa hagdan.

“Oo na Winter. Tara na gutom na ko.”

“Sandali lang naman wag mo kong iwan.”

“Bagal bagal mo kasi.” I heard her scoff pero di ko na yun pinansin.

Sa karinderya nalang kami sa baba kumain, nakita ko rin agad si kuya mike na nakatambay lang doon sa isang table sa dulo.

Ngumiti ako sakanya at ganon din naman sya.

Parang gusto ko tuloy ng sizzling porkchop.

Tama yun nalang.

“Di ka nga manloloko at pafall, mang iiwan ka naman.” Narinig kong sabi ni Winter sa tabi ko.

I mentally facepalmed myself, di ba talaga titigil tong isang to.

Nakasimangot ito at natawa naman ako.

Para syang bata e.

Ginulo ko yung buhok nya at tinabig nya naman agad yung kamay ko kaya mas lalo lang akong natawa nung makita ko syang naiinis na inaayos yung buhok nya.

“Kainis ka.”

“Nyenye.” Kako bago ako humarap kay Ate Maria para sabihin yung order ko na isang porkchop at isang coke.

“Ako po ate isang sizzling sisig po at isang minute maid.” Sabi naman nitong si Winter.

“Dito na kayo, Karina Winter.” Pagtatawag naman ni kuya mike samin doon sa inuupuan nyang table sa dulo.

“Tara don.” Aya ko kay Winter at hiwakan sya sa lower back nya para sabihing mauna na sya.

“Sus pafall.” Sabi nito sakin bago nya tinapik ng pabiro yung kamay kong nakaalalay sakanya.

Gago? Anong pafall don.

Inalalayan lang kita Winter!

Lord!

“Hi kuya.” Bati naman ni Winter kay kuya mike ng makaupo na kami.

“Oy. Osige, lulutuin ko lang yung order nyong dalawa. Saglit lang.” Sabi naman ni Kuya mike.

Tumango at ngumiti lang ako sakanya bago ako nag scroll scroll sa phone ko.

“Ganyan ba talaga kayo?” Simula nya nanaman.

Halikan kaya kita para manahimik kana.

“Winter, hindi nga lahaaat.” Medyo naiinis ko ng sagot sakanya.

Tumawa naman sya at tinaas ang parehas nyang kamay para sabihing surrender na sya.

Napabuntong hininga nalang ako.

“E ikaw, ganyan ka talaga?”

“Win—”

“Seryosong tanong Karina.” Sagot nito at mukhang hindi naman sya nang aasar ngayon.

Nagkibit balikat lang ako.

“I don’t know, siguro. Ano bang tinutukoy mo?” Confused ko ring tanong kasi di ko naman alam kung ano yung pinupunto nya sa tanong nya saakin.

She makes random motion with her hands.

“Yan, yang ganyan.” Napakunot ang noo ko kasi di ko magets yung sinasabi nya.

“Anong yan ganyan?” Naguguluhan kong tanong sakanya kasi di ko talaga sya gets.

“Yan, yang parang caring?” May pag aalinlangan nya pang tanong sakin.

I tilted my head sa side, what does she mean?

“Ay weh? Di ko alam, caring ba ako?” Tanong ko pa sakanya.

Inirapan nya naman at natawa naman ako.

Kasi sa totoo lang di ko naman napapansin na caring ako.

But, my friends keep telling me na pafall daw ako, when I asked them naman paanong pafall they will all just laugh leaving me confused.

“Ewan ko nga sayo. Pafall ka lang talaga siguro ayaw mo lang aminin.” Sabi pa nito.

I pouted kasi di naman talaga.

“Tsk.” Kako at di nalang umimik pa.

Nag scroll nalang ako sa phone ko and natatawa minsan pag may nakikita akong nakakatawa sa feed ko.

I heard Winter scoff kaya naman napatingin ako sakanya at tinaasan sya ng kilay.

“Wala.” Sagot nito sakin at halatang parang inis sya.

Nagkibit balikat nalang ako bago ako napatingin doon sa counter at nakita si Ryujin.

“Oy, Ryu.” Tawag ko dito.

“Oy, Rina.” Sabi nito bago sya nag bayad kay ate Maria.

“Dito kana, sabay kana samin.” Kako, ngumiti sakin si Ryujin at tumingin sya saglit sa kasama ko na si Winter.

Umiling lang si Ryu at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
osumnevercease
#1
Chapter 6: what if jowain nyo na isa't-isa rn?
cleofierayne #2
Chapter 6: Hahahahaah ayan napooo hahahaa kuya Mikeee ang dami mo nang alam both sides pa gagii!!
ryujinie__
695 streak #3
Chapter 6: Tama rinig mo Win 😆
SR_Serenity
#4
Chapter 5: you're back! alam mo ba author paminsan minsan iniisip ko 'tong story na 'to kasi nami-miss ko siya 🥹
howdoyouknowmee
541 streak #5
WELCOME BACK
ryujinie__
695 streak #6
Chapter 5: Welcome back pi! 🤗
SR_Serenity
#7
Chapter 4: just started reading this at gusto ko lang sabihin na ang cute ng winrina. aaaaaaaa nakakapanggigil, sana all na lang hahahahaha
theia-quinn
#8
Chapter 4: miss ko na to :(
hiver_pogi
#9
BADING BADING BADING
yurielle
#10
Chapter 4: karina bat ang sabog mo naman ata?😭