004

College Life: Love Not Allowed
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik kaming tatlo na nakaupo dito sa classroom.

Kakatapos lang nung last period naming.

Algebra.

Yung totoo? Parang nung high school ako ang dali ng math sakin kahit itong algebra madali lang bakit ngayong college parang sobrang humirap naman ata.

“Lipad na lipad isip natin ah.” Unang pambabasag ng katahimikan ni Lia saming tatlo.

Actually, kasi kakatapos lang ng quiz.

Sa buong buhay ko, surprise quiz lang yung surprise na naranasan ko.

Sa kalagitnaan kasi ng lesson biglang nag announce si ma’am ng surprise quiz, though kahit short lang yun, still quiz pa rin yon no.

“May nasagot kaba?” Tanong ko.

Magkakatabi kasi kaming tatlo as usual, wala naman na kasing sitting arrangements, sa high school lang naman uso yun.

Nagkibit balikat lang sakin si Lia at ngumisi ng nakakaloko.

Tumingin kami kay Yuna na busy na sa phone nya ngayon at pangiti ngiti lang.

“Ikaw Yuna?”

“Ha?”

“Hakdog?”

“Ha? Hambalusin kita?” Pag aamba naman nito kay Lia na agad namang lumayo sakanya.

“May nasagot ka?” Pag uulit ko nung tanong ko, tumawa sya then balik nanaman sya doon sa pag tingin tingin nya sa phone

“Oo, tingin nyo sakin? Bobo?”

“Ay. Hindi ba?” Sagot naman agad ni Lia.

Sakit talaga sa ulo nitong dalawa na to kahit kelan.

“Nakita ko papel mo kanina walang sagot. Sino bobo?” Sagot naman ni Yuna, Lia gasped and gave Yuna a look.

“Ayan, mangongopya ka no?”

“Wala ka ngang sagot, paano ako mangongopya. Bobo ka ba talaga?” Bigla namang tumawa si Lia na ikinapagtaka naman naming dalawa ni Yuna.

“Dapat tumingin ka nung last thirty minutes.”

“Bakit?”

“Well, may sagot ako sa lahat.”

“Totoo ba?” This time nagsalita na ako.

Nacurious din ako kung totoo ba yung sinasabi nitong isang to e.

Minsan kasi di mor in malaman kung nagsasabi ba talaga to ng totoo e.

Though yung mga past quizzes naming sa ibang subjects mga pasado naman talaga.

Pero syempre iba yung surprise quiz diba, yung tipong pati score mo pwedeng masurprise.

“Oo nga, ugali ko lang talaga tumulala pag alam kong mahaba pa ang oras.”

“Ayaw mo lang magpakopya e.” Sabi naman ni Yuna na nag aayos na ng gamit nya.

Ginaya naman namin sya ni Lia.

“Dami mong sinasabi, nakita ko may sagot ka naman.”

“Di naman sure yon.”

“Utot mo Yuna. Same answers kaya tayo. Ikaw ba, Rina.” Tumingin ako saglit kay Lia bago ko nilagay yung notebook ko sa bag ko at sinuot na ito.

“Wag mong sabihing wala kang sagot, nakita ko kanina dalawa pa solution mo. Long and short method pa, yung totoo? Sinabihan ka ni ma’am na may quiz ngayon no?” Sabi ni Yuna na nauunang maglakad samin papuntang elevator.

Hanggang 8 floor kasi itong building namin pero mostly yung mga klase namin is nasa seventh at sixth floor lang.

Pinindot ko na yung down button ng elevator at hinintay itong dumaan sa floor naming bago ko sagutin si Yuna.

“Gagi hindi. May time pa kasi kanina kaya ano sinubukan kong lagyan ng long method yung ibang numbers tapos nag tugma naman yung sagot, kaya hinayaan ko na.”

“Gagi, naiiyak na ata ako.” Sabi bigla ni Lia, agad naman nabaling yung attention namin ni Yuna sakanya.

“Huy, bakit?’ Pag aalalang tanong ni Yuna sakanya, lumapit na rin kami kay Lia kasi baka may problema pala to na di sinasabi samin.

“Nasa tamang tropa na ata ako.” At kunwri pang nag punas ng invisible tears nya si gaga.

Sakto naman yung pag dating ng elevator, mukhang parehas naman kami ng nasa isip ni Yuna kaya pagka bukas palang na pagkabukas palang na elevator e agad naming tinulak papasok si Lia.

Gagang to, pinag alala pa kami, mag dadrama lang naman pala.

“Aray ko naman, masakit guys baka lang di nyo alam no?”

“Yun yung purpose, inaka. Kala ko seryoso na sasabihin mong bwiset ka.” Pag susungit ulit ni Yuna sakanya at pinindot na yung ground floor.

“Alalang alala nga kayo e. Kunwari ka pa dyan.”

“Si Yuna lang. Asa ka.”

“Wow, salamat Karina ah.”

“Walang anuman, Yuna. Walang anuman” Kako at tinapik tapik ko pa sya sa balikat nya.

 

 

 

Pagkarating namin sa ground floor e agad naman kaming lumabas ng school at dumiretso sa pinaka malapit na national bookstore.

May mga need kasi kaming bilhin para doon sa isang subject namin.

Tsaka may ipapagawa daw kasi syang plate samin next meeting kaya bumili na raw kami ng mga gagamitin namin.

Yung ibang mga kaklase namin next week nalang daw sila bibili inaya rin kasi namin sila para sabay sabay na kaso sabi nung iba wala daw silang dalang pera.

So ang ending kami nalang tatlo bibili, ewan ko pa sa iba kung san sila bibili, baka sa ibang bookstore siguro.

Tumitingin tingin nalang ako dito sa loob ng bookstore habang inaantay ko pang matapos bumili pa ng kung ano yung dalawa.

I saw a thing then bigla kong naalala si Winter.

Kinuha ko ito then parang bigla akong nagdalawang isip.

“Okay kana, Rina?” Biglang sulpot naman nung dalawa sa harap ko.

Napatingin ulit ako doon sa hawak ko.

Maybe I should get this one for her.

Or maybe not.

“Hala gagi, kailangan ba yan?” Tanong ni Yuna habang nakatingin sya doon sa hawak ko.

I shook my head.

“Nope, hindi naman.”

Inaaya na nila ako na pumunta sa counter para bayaran yung mga pinamili namin.

Pagkatapos namin magbayad e agad naman kaming lumabas ng bookstore at nag lakad na pabalik sa may school dahil doon pa daw yung sakayan nila.

 

 

 

Pagkarating ko naman sa dorm may nakita akong miryenda na lumpiang toge kaya bumili ako ng lima, since tig lima lang din naman isa e.

Pagkatapos isupot ni ate Maria yung binili ko e umakyat na rin ako agad sa taas.

Pinatong ko muna sa lamesa yung binili kong lumpiang toge dahil sa labas ng kwarto ko nalang kakainin yon magpapalit lang din muna ako ng damit.

After ko magpalit naalala ko yung binili ko sa bookstore para kay Winter.

Kinuha ko rin yon, baka sakaling dumaan sya sa labas aabot ko nalang siguro.

Lumabas na rin ako agad at nilagay sa platito yung suka na sawsawan ko.

Mapayapa akong kumakain ng makarinig ako ng mga yabag sa hagdanan.

Inabangan ko naman kung sino ito, bumungad naman sakin si Ryujin.

Tumango naman ito sakin at kaagad namang umupo sa isa pang bakanteng upuan dito sa may lamesa.

“Saan ka bumili nyan?” Tanong naman nya sakin habang ngumunguso dito sa hawak kong lumpiang toge.

“Sa baba. Di mo nakita?”

“Hindi e. Baba lang uli ako, bili lang din ako. Mukhang masarap e.”

“Sige lang, antayin kita dito. Pabili na rin akong coke, bayaran ko pag balik mo.” Tumango at agad namang umalis to.

Nag scroll muna ako sa phone at tinigil ang pagkain ko sa toge ko para masabayan ko si Ryujin, ang panget naman kung sya nalang yung kumakain pagbalik nya diba.

“Uy salamat” Napatingala naman ako sa nag salita.

Sus, si Winter lang pala.

Tinapik ko yung kamay nyang inaabot yung pagkain ko.

“Bumili ka ng sayo.”

“Damot mo naman, isa lang e.”

“Gutom ako.”

“Damot.” Sabi pa nito at napatingin naman sya doon sa upuan na may bag ni Ryujin.

“Sayo to?” Tanong nito sakin.

Umiling naman ako at tumango sya.

“Sige, pasok

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
osumnevercease
#1
Chapter 6: what if jowain nyo na isa't-isa rn?
cleofierayne #2
Chapter 6: Hahahahaah ayan napooo hahahaa kuya Mikeee ang dami mo nang alam both sides pa gagii!!
ryujinie__
695 streak #3
Chapter 6: Tama rinig mo Win 😆
SR_Serenity
#4
Chapter 5: you're back! alam mo ba author paminsan minsan iniisip ko 'tong story na 'to kasi nami-miss ko siya 🥹
howdoyouknowmee
541 streak #5
WELCOME BACK
ryujinie__
695 streak #6
Chapter 5: Welcome back pi! 🤗
SR_Serenity
#7
Chapter 4: just started reading this at gusto ko lang sabihin na ang cute ng winrina. aaaaaaaa nakakapanggigil, sana all na lang hahahahaha
theia-quinn
#8
Chapter 4: miss ko na to :(
hiver_pogi
#9
BADING BADING BADING
yurielle
#10
Chapter 4: karina bat ang sabog mo naman ata?😭