001

College Life: Love Not Allowed
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi talaga to ganto e. Hindi talaga.

Nakaplano na lahat, kung paano ako papasok, saan ako uupo, anong gagawin ko sa first day ng school pero ito ako ngayon habol habol ang hininga ko.

, nawala kasi sa isip ko na yung cr sa dorm is shared sa buong floor and I also forgot na lahat ng naka dorm don is schoolmate ko, so malamang first day din nila ngayon.

So, in short, di ko inaasahang late ako ngayong first day of school ko sa college.

At kung di pa naman ako malas ngayon, hindi ako umattend nung may pa tour dito sa school dahil umuwi na ako agad sa province after ko mag take ng entrance exam at malamang pasado ako.

So, yes para akong tanga na paikot ikot dito sa floor para hanapin yung room number ng first class ko.

After ng mga ilang minutong pag hahanap pa e nakita ko na, nasa may dulong dulo yung classroom namin.

Sinilip ko muna sa may maliit na salamin dun sa may pinto yung classroom and ang tahimik nila, walang nag kekwentuhan or what.

Mukhang nag sisimula na ata ang klase, umatras ako ng konti ng nagulat ako ng may nabunggo ako.

Napalingon agad ako sa likod and ngumiti lang saakin si ate.

“Late ka rin?” Natatawang tanong pa nito sakin. Tumawa nalang din ako at sinabing oo.

“Tara, pasok na tayo.” Pag aaya pa nito. Ngumiti ako ng konti at umatras pa ulit ng konti.

“Una kana. Baka mapagalitan tayo.” Napailing nalang si ateng late din at tumawa ulit ng saglit bago nya buksan ang pinto.

Sumunod naman ako agad sakanya at nag tinginan lahat samin yung mga kaklase namin.

Pag tingin ko dun sa table ng prof namin, wala pa rin.

Halos pumalakpak naman ako sa tuwa ng malaman na late din yung prof namin.

“San ka upo?” Tanong sakin ni ateng late din.

Lumingon lingon ako at mukhang wala ng upuan sa likod.

Sa may bandang gitna nalang at sa harap ang may bakante.

“Dun nalang siguro sa may gitna, ikaw ba?”

“Sama nalang ako sayo, wala akong kakilala dito e.” Tumango ako at inaya na sya pumunta doon sa bakanteng upuan.

“Ano pala name mo ate?” Tanong ko ng makaupo na kami sa upuan namin.

Kasi naman kanina pa kami magkausap tapos di pa rin namin alam pangalan ng isa’t isa.

“Yuna. Ikaw?”

“Karina.” After namin magpakilala sa isa’t isa e tumahimik na rin kami.

After ng mga ilang minuto nagulat ako ng may tumabi sakin at kinausap ako.

“Huy, dito ka rin pala.” Tinignan ko sya at napangiti naman ako, kilala ko to, ito yung kasabay ko nung nag entrance exam ako dito sa school na to.

“Oo nga. Buti dito ka rin, may kakilala na rin ako sa wakas.” Tumawa sya bago nya pa inayos yung pag kakalagay nung bag nya.

“Oo nga gagi. Alam mo ba tinakbo ko pa papunta dito kasi kala ko late na ko, I mean late naman talaga ako pero ayun buti wala pa yung prof natin.” Tahimik lang akong nakikinig sakanya at nakangiti, daldal talaga nito akala mo talaga matagal na kaming magkakilala e.

Sumilip sya sa katabi ko at naalala ko si Yuna.

Umayos ako ng upo para makita nya ng maayos tong isang katabi ko.

“Kilala mo?” Tanong nya sakin bago nya ulit sinilip itong isang katabi ko.

Mukhang nakaramdam naman na si Yuna at tumingin na rin dito sa isang katabi ko.

Ngumiti naman sya dito.

“Ay hala, hello. Lia nga pala. Ikaw?” Gusto ko nalang mapahilamos ng mukha.

Grabe na talaga yung kadaldalan nitong si Lia.

Natatawa nalang ako habang nakikinig sakanilang dalawa na nagdadaldalan na.

Juskolord, ganto ba buong college life ko?

“Saan tayo lunch mamaya?” Napahilamos nalang talaga ako sa mukha ko at natawa.

“Grabe ka, wala pa nga nag start klase lunch na agad nasa isip mo?” Kako nalang at nag kibit balikat to at nakitawa na rin sabay hinampas ako ng mahina sa kanang braso ko.

“Wala naman kasing gagawin ngayong mga first meeting sa subjects natin, sure ako.”

“San nyo ba gusto?” Tanong naman ni Yuna na nakadungaw na para makita nya rin si Lia ng maayos.

“Canteen nalang?” Sagot ko naman na hindi rin sigurado kung san ba talaga kami kakain. Pareparehas naman kaming bago dito e.

“Sige, dun nalang siguro.” Sagot naman ni Lia.

After ng mga ilang minuto e dumating na yung prof namin para sa first subject.

Wala ngang ginawa, inorient nya lang kami sa mangyayare sa buong semester sa subject nya then nag pakilala lang kami isa isa sa harap.

Block section nga pala kami so buong semester ko kaklase itong mga kaklase ko ngayon.

Yung mga sumunod na subjects namin is ganon lang rin, orientation, pakilala ng sarili then dismiss na rin agad.

Wala namang masyadong ganap, maliban kay Lia na nauntog dun sa glass door ng canteen ng school, hindi nya raw napansin na may glass door daw pala don, paano ba naman kasi ang daldal daldal nya habang naglalakad kami, di na namin napigilan ni Yuna ang tawanan sya kanina, halos itaboy na nga namin sya kanina kasi ang daming nakakita.

Nakayuko lang kami ni Yuna nung pumasok kaming tatlo ng canteen, kasi sobrang tawang tawa talaga kami.

Si Lia naman parang walang nangyare at minura pa kami, ang sama daw naming kaibigan at tinatawanan daw namin sya.

Hindi naman sya galit, nakikitawa pa nga sya at sinasabing nakakahiya nga daw pero wala na daw syang pake, di naman daw sya kilala nung mga taong andon sa canteen kanina.

Naghiwahiwalay nalang kaming tatlo nung uwian na.

Uwian pa kasi sila sakanila, ako nag dodorm lang malapit sa school namin.

 

 

 

 

Pag kaakyat ko sa floor namin e agad ko namang nakitang nakatambay tong dakilang pinsan ko sa sala dito sa floor namin.

May apat na floor kasi itong dorm namin, yung first floor e para doon sa karinderya sa baba, yung second floor naman is doon natutulog yung may ari at yung mga nag tatrabaho dito sa dorm, then yung third at fourth floor ito na yung mga pinapatirahan nila.

So dito kami sa fourth floor dahil ito nalang yung floor na may bakanteng kwarto na pang dalawahang tao lang, ayaw kasi nila mama at papa na may iba daw akong kasama na hindi namin kakilala, sakto naman itong pinsan ko e naghahanap din ng dorm kaya nagkasama na kami.

Dito kasi sa fourth floor parang may malaking sala dito, sa third floor puro rooms lang and hallways, ito rin yung nagustuhan ko dito sa floor namin, may sala, pwedeng tambayan pero allowed naman pumunta dito ang mga nasa third floor, may tv din kasi dito and may isang table na may apat na upuan, then may dalawang couch.

“Aga natin ah. Di ka pumasok no?” Bungad na bati sakin ng pinsan ko na nakatambay lang dito sa labas at nakaupo doon sa isang upuan sa may lamesa.

“Wag mo ko gaya sayo. Maaga nag dismiss. First day daw e.” Hinubad ko yung sapatos ko at iniwan lang yun sa labas sa may gilid ng pinto.

“Palit lang akong damit.” Paalam ko at sinara na yung pinto ng kwarto namin at kumuha ng pamalit.

After ko naman e lumabas na ako agad at sinamahan syang tumambay dito sa labas ng kwarto namin.

“Uy, may maganda sa third floor.” Bungad nito sakin, ito talaga walang preno ang bibig.

“Oh? Tapos?”

“Wala, sinasabi ko lang. Ganda, pre.” Ulit pa nito, natawa ako sakanya.

Kasi naman, straight to e, sadyang ganyan lang talaga sya mag appreciate ng mga nagagandahan nya.

“Para kang tanga.”

“Gusto mo makita? Alam ko room non, yung pagbaba mo dyan sa hagdan, yung unang kwarto na bubungad sayo.” Di ko na mapigilan at tumawa na ako ng malakas, grabe talaga tong pinsan ko, daig pa ko.

“Alam mo ikaw, stalker ka ba?”

“Tange, sinasabi na nga sayo e.”

“Di naman ako interesasdo e.”

“Sus, di ako naniniwala.”

“Study first.” This time sya naman itong tumaw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
osumnevercease
#1
Chapter 6: what if jowain nyo na isa't-isa rn?
cleofierayne #2
Chapter 6: Hahahahaah ayan napooo hahahaa kuya Mikeee ang dami mo nang alam both sides pa gagii!!
ryujinie__
695 streak #3
Chapter 6: Tama rinig mo Win 😆
SR_Serenity
#4
Chapter 5: you're back! alam mo ba author paminsan minsan iniisip ko 'tong story na 'to kasi nami-miss ko siya 🥹
howdoyouknowmee
541 streak #5
WELCOME BACK
ryujinie__
695 streak #6
Chapter 5: Welcome back pi! 🤗
SR_Serenity
#7
Chapter 4: just started reading this at gusto ko lang sabihin na ang cute ng winrina. aaaaaaaa nakakapanggigil, sana all na lang hahahahaha
theia-quinn
#8
Chapter 4: miss ko na to :(
hiver_pogi
#9
BADING BADING BADING
yurielle
#10
Chapter 4: karina bat ang sabog mo naman ata?😭