Two
Paris----
Balcony ng Paris (aka Room 1020)
11:00 PM
"Ilan taon na tayo dumadayo sa Paris?" tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang ulo na nakapatong sa balikat ko.
"Bilangin mo yung mga gumaganang poste ng ilaw sa baba yun ang sagot ko." Sagot niya at ngumuso sa kalsadang tanaw mula rito.
"Ah tat- oh namatay." Sasagutin ko sana ng tatlo ang tanong niya bilang yun naman talaga ang mga posteng nakasindi.
Kaso wala eh biglang kumurap at napundi yung tatlong poste at tuluyang nabalot ng dilim ang kalsada. "Gago Irene, sign na ba 'to?"
"Tanga Seulgi," binatukan ako ni Irene at hinawakan ng mariin ang braso kong nakapalibot sakanya. "Look at the sky, then count the stars, malay mo ganyan kadami ang taon na magsasama tayo sa Paris."
Sinunod ko naman siya, tumingin ako sa langit. Eh gago pala to sobrang maulap ni-isang kumukulisap na tuldok wala akong matanaw.
"Wala naman. Umulan kasi kanina tanga ka rin." hinawakan ko rin ang kamay na pinalo niya sa ulo ko. Naramdaman ko ang init nito, kahit ano yatang panahon, tag-ulan man o tag-araw sobrang init ng kamay ni Irene parang laging may lagnat.
"Ah ganon, baka hindi na dapat tayo nasa Paris. Baka pinapaalis na tayo ng tadhana 'no?" sabi niya habang seryosong nilalakbay yung pares ng mata ko.
Humigpit naman ang hawak ko. Nanlamig yung katawan ko sa sinabi niya, ni-hindi ko bigla maramdaman yung init ng kamay niya. Tangina nito tina
Comments