The Talk
21 DaysSabado na ngayon at nasa isang café ako. Hinihintay ko si Irene na papunta na raw. Matapos niya akong ichat about sa application letter, syempre nagtanong ako kung anong klaseng application letter kasi baka maling akala na naman ako. Ayun nga, sabi niya yung application letter daw sa IG live ko yung tinutukoy niya.
Kinilig ako mga bakla!
Haharot na rin sana ako pabalik pero naisip kong I’m a changed person. Hindi na ako marupok para kay Irene Lavarez.
Unless mag-effort siya para makuha ako.
Kaya nag-suggest ako sa kaniya na mag-usap kami ng maayos para maging clear lahat samin at para pag-usapan namin ang dapat na pag-usapan. Pumayag naman siyang makipag-usap yun nga lang, hindi nakikisama yung mga gawain namin. Since Monday, tambak na kami sa mga activities na dapat sagutan tsaka may mga group presentation pang nagaganap. Napagpasyahan namin na ngayong Sabado nalang kasi free kaming dalawa.
“Seulgi! I’m sorry talaga na pinaghintay kita.”
“Okay lang, Irene. Willing to wait naman ako.” Napangiti naman siya sa sinabi ko.
“Ako rin, willing to wait para sayo.” Sagot niya bigla.
“Bago yan ah! Marunong ka palang lumandi?”
“Not really, ngayon nga lang ako lumandi. Let’s just say na nag-aaral pako lumandi for you.”
Hindi ko alam anong nangyari kay Irene these past few days, napaka-unexpected ng sinasabi niya ngayon. Iniisip ko nalang na baka nauntog lang siya or something. Nagkamustahan kami saglit tapos nag-order siya ng makakain at maiinom since nakaorder na ako ng para sakin kanina habang hinihintay siya.
“So paano ba natin sisimulan?” Tanong ko kay Irene na sumusubo ng carrot cake niya.
“How about simula ng pagconfess mo sakin?” Tinignan niya ako, waiting for my confirmation.
“Sige, diyan ka na magsimulang mag-explain.” Sabi ko naman tsaka ininom yung Iced Mocha ko.
“I would like to say sorry, Seul. I’m sorry for being insensitive and immature in the past. Pag confess mo sakin, nabigla ako at hindi talaga ako ready makatanggap ng sincere confession. Hindi ko rin kaya na sabihin sayo na tumigil ka kasi I was starting to like you at that time.”
“Wait. Nagugustuhan mo rin ako dati? Kagaya nga ng sinabi ko kanina, willing to wait ako. Kung hindi ka pa ready sana sinabi mo sakin, ang sakit lang kasi na bigla kang lumayo.”
“Kung sinabi kong hindi pa ako ready, maghihintay ka sakin. What if narealize kong infatuation lang pala yung nararamdaman ko? Hinintay mo lang ako para sa wala, Seul. Ayoko rin naman sabihin sayo na tumigil ka kasi nga I’m starting to have feelings for you. So, I chose to pretend nothing happened at lumayo nalang ako para hindi mas maging complicated.”
“Ang selfish mo, Irene. Nagdecide ka for yourself, hindi mo naisip yung nararamdaman ko sa paglayo mo sakin.” Naluluha kong sabi.
“I was selfish and I’m really sorry, Seul. Akala ko tama yung ginawa ko pero akala ko lang pala.”
“Mabuti naman alam mo na.”
“Yeah. Habang hindi na tayo nagpapansinan masyado, I started missing you. I miss your voice, the way you laugh, yung eye smile mo… I just miss every part of you. Pero natatakot ako magfirst move baka kasi ikaw naman mismo yung lalayo. Ang kapal ko rin naman if ako yung lalapit kung ako lang din naman yung naunang lumayo. So I waited for you to approach me once again, and you did. For 21 days, nag-effort ka to start your day with me. Binilang ko talaga yon, and for the second time, natakot ulit ako. You stopped chatting, and since then napaisip ako ng mga dahilan kung bakit ka tumigil. Napagod ka na ba non?” May bahid ng lungkot yung boses ni Irene habang nakikipag-usap sakin.
“Actually, may nakita lang akong tiktok video about 21 days. If magchat ka raw after the 21st day, it means na may pag-asa ako sayo and you like me too. Hindi ka naman nagchat kaya I accepted the fact na wala na talagang chance magkasomething sating dalawa. Nagmomove on na nga rin ako.” Lumaki naman mata niya sa sinabi ko.
“What? Ganon pala yun? Sana nagchat nalang ako. We can’t go back to the past kaya I’ll make it up to you starting from now. Please wag ka na magmove on sakin.”
Napatawa naman ako sa sinabi niya. Ang cute kasi, parang may paawa effect pa yung pagkasabi niya na wag na raw ako magmove on.
“Pilitin mo muna ako.” Umayos naman siya ng pagkakaupo tsaka tinignan ako mata sa mata.
“Seulgi Silvestre, I wasted a lot of time making bad decisions about us. Nasaktan kita ng ilang beses at ayaw ko ng ulitin yon. If you give me a chance to redeem myself to you, I will make sure that you won’t regret it. Kaya please, wag ka na magmove on. Sige na.” Nag-gesture naman siya ng parang nagprepray kaya natawa na naman ako.
“Yun lang?”
“Hmm… if di ka magmove on sakin, mapupunta ka sa tamang tao kasi ako yung mag-aalaga at magmamahal sayo.”
“Sure ka na ba diyan?”
“Sure na sure.”
“Okay. Pwede mo na akong ligawan.”
“Kailangan pa ba yun?” Kumunot naman yung noo niya
Comments