Confusion

21 Days
Please Subscribe to read the full chapter

“Ms. Seulgi Silvestre, 2nd week pa lang ng klase nangunguna ka na sa lista ng may pinakamaraming late. Kamusta naman ‘yon?” Pagbati ni Sir Henry sakin pagbukas ko ng pinto.

 

“No comment po, Tito Boy.” Sagot ko naman kaya nagtawanan ang lahat. Napafacepalm nalang si Sir sakin.

 

Mabait naman si Sir Henry, naging teacher ko siya last year kaya medyo close na rin kami.

 

Nagmadali akong umupo sa bandang likuran kung saan nakapwesto ang aking mga fake friends. Sina Wendy Ruellas, Lalisa Perez, Moonbyul Galvez, at Jisoo Ferrer.

 

“Wow congrats umabot ka pa ng homeroom. Akala ko pa naman sa Chemistry ka makakarating.” Sabi ni Wendy na katabi ko sa kanan.

 

“Well surprise bish, andito na ako. Ang daya mo naman Byul, diba dito ka nakaupo?” Pagrereklamo ko habang sinusuot yung hood ko sa ulo. Nasa kaliwa ko kasi yung aircon kaya nararamdaman ko na naman pagsakit ng ilong at tiyan ko kahit ang kapal na ng hoodie ko.

 

“Sorry na, Seul. Hindi ko na kaya tumabi sa aircon.” Nag-peace sign pa yung ugok, inirapan ko nalang tsaka humarap kay Sir.

 

“Ayun nga guys, sa Friday na yung acquaintance party niyo. May program for SHS sa umaga tapos after nun, magparty party na tayo sa room. If interested kayo magperform sa program, kausapin niyo lang si Wendy since siya yung class mayor niyo. Yan lang announcement ko this homeroom, gawin niyo na gusto niyong gawin this period.” Umupo na si Sir sa upuan syempre, tapos nagpakabusy na siya sa laptop niya. Yung mga kaklase ko naman parang nakawala na sa hawla, ang iingay.

 

“Psst… sayaw tayo?” Medyo pabulong na tanong ni Lisa.

 

“G lang ako pag G kayo.” Sagot ni Jisoo na patago pang lumamon ng Cream-O.

 

“Ako rin G lang.” May pathumbs-up pa si Byul.

 

“Sorry guys, pinapakanta kasi ako ng SSG.” Medyo napakamot pa ng ulo si Wendy.

 

“Okay lang yun, Wends! Kaming apat nalang sasayaw.” Sabi ko naman sa kanya.

 

“May meeting mamaya sa mga sasali sa program, kasama yung mga SSG officers para mafinalize yung flow ng event.”

 

“Yieee… so magkakamoment kayo ni President Irene niyan, Seul!” Pang-aasar ni Lisa sakin.

 

“Ay may nakalimutan pala akong ikwento sa inyo.” Hinarap ko na sila ng tuluyan para mashare ko yung chika. Ganun din naman ginawa nila, humarap sila sakin mukhang atat na atat.

 

“Noong bakasyon kasi may Nakita akong Tiktok vid, hindi ko sure ano tawag dun pero parang 21 Day challenge. Dapat may gagawin kang consistent na bagay for 21 days sa taong gusto mo tapos ititigil mo yang bagay na yan after the 21st day. If manotice raw ng taong gusto mo na di mo na ginagawa, meaning may chance ka sa kanya.”

 

“Ginawa mo yung challenge kay Irene?” Tanong ni Wends.

 

“Oo ginawa ko siya. For 21 days straight, lagi ko siyang binabati ng good morning at exactly 7:30 tapos may kasamang song recommendations pa yan. Mga love songs, pang drama na songs, spiritual, kahit anong genre pa yan binigay ko na. Nagrereply naman siya sa chats ko, tapos nagkakaroon din naman kami ng convo na may sense araw-araw, pero noong tinigil ko na, natigil din pag-uusap namin.”

 

 

Malungkot pa rin talaga ako sa nangyari after ng challenge na yun. Hindi man lang ako kinamusta ni Irene gaya ng pangangamusta ko sa kanya daily, aside sa mga pagbati at song recommendations ko.

Ultimate crush ko talaga siya ever since nagtransfer ako sa school na’to noong grade 7. Na-inlove na rin ata ako simula noong naspike niya yung bola papunta sa ulo ko during PE class namin. Ang lala ng tama ko sa kaniya.

 

 

Irene Lavarez, why naman ganun?

 

 

“Ikaw ba lagi nag-iinitiate ng convo? Since grade 7?” Tanong ni Jisoo na kumakain na naman ng bagong bukas na Cream-O.

 

“May times naman na siya nag-initiate pero tungkol naman yun sa mga school works. Kapag hindi acads-related, ako nag-iinitiate.” Nakita ko parang napangiwi sila pagkasabi kong ako yung nag-iinitiate.

 

Well… mukhang ang desperate ko pala kasi ako lagi nag-iinitiate.

 

“Ganun talaga, Seul. Hindi porket gusto mo siya, kailangan niya ring gustuhin ka pabalik. Okay na rin na pinaramdam mong special siya para sayo. Diba inamin mo naman sa kaniya dati na gusto mo siya?” Sabi ni Wends na may kasamang hagod pa sa likod ko.

 

“Oo, umamin na rin naman ako last year. May point ka talaga as always, Wends. Hindi nga dapat ako nag-eexpect na gustuhin niya ako pabalik.”

 

“Tama! Okay lang yan, Seul. Hindi ka na puro What Ifs, puro ka na ngayon At Least diba.” Grabe si Byul parang hindi na siya yung nagsalita, parang sinapian ng taong may maraming wisdom to share.

 

“At diyan nagtatapos ang aking chismis. Hindi ko nasabi sa inyo last time kasi nakalimutan ko talaga. Ganon ata pag moving on stage.”

 

Nagkwentuhan na rin kami ng mga random topics, gaya ng kwinento ni Byul na may 500 regular load daw na naligaw sa number niya kaya ginamit niya sa CODM.  Madami pa kaming pinag-usapan na kalokohan at natigil lang yun pagpasok ng teacher namin sa Chem.

 

Parang gusto ko na umuwi.

 

 

 

 

 

Pagkatapos ng klase namin sa Chem at Research, nag-uunahan na yung mga kaklase kong lumabas kasi vacant na namin.

 

“Ang bagal mo talaga, Lisa. Nagsulat ka pa ng notes diyan pwede naman iphotocopy sa baba yung handouts na bigay kanina.” Bagot na sabi ni Byul habang tinitignan si Lisa na busy magligpit ng binder niyang nahulog.

 

“Ano? Pwede pala iphotocopy?”

 

“Oo! Lutang ka na naman.”

 

“Wala namang bago diyan guys.” Sabi ni Jisoo bago naglakad papunta sa pinto.

 

“Jollibee tayo, mga fakies.” Pag-aaya ko sa kanila. Namiss ko na naman kumain ng Chicken Joy, yung large fries din.

 

“Tara na nga para hindi tayo matagalan sa pag-oorder.” Nangunguna talaga si Jisoo sa paglalakad.

 

 

 

 

Mag-iisang oras na kami dito sa Jollibee, hindi pa kami nakakaalis kasi si Jisoo nakailang order na ng fries at Sundae dahil naiinitan daw siya. 12:30 pa balik namin kaya okay na rin tumambay dito since around 11 pa lang. Okay lang talaga tumambay pero biglang dumating tropa nila Irene, kaya nagbago isip ko.

 

 

Lord, isa na namang pagsubok sa buhay binigay mo sakin.

 

 

“Hi, Wendy! Hi rin sa inyo Seul, Byul, Lisa, at syempre sayo Jisoo. Pahinge naman ng fries mo.” Biglang sulpot ni Joy tsaka kinuha yung fries ni Jisoo na kakasawsaw niya lang sa Sundae.

 

“Pota ka Joy! Ang kapal mo talaga.” Medyo tumaas boses ni Jisoo tsaka sinabunutan ng mahina si Joy.

 

“Anong kaguluhan ‘to?” Lumapit naman si Yeri tsaka kumuha rin ng fries sa harap ni Jisoo.

 

“Mga patay gutom talaga kayo! Bumili kayo ng inyo, ano ba yan.”

 

Si Joy Herrera at Yeri Sarmiento ay parang twinpack na toothpaste o kahit anong paninda dahil kung nasaan si Joy andun din si Yeri. Mga kaklase namin sila dati noong grade 7 hanggang grade 9, kaya pag magkasama kami parang walang hiyaan.

 

“Hello guys, kanina pa ba kayo dito?” Tanong naman ni Rosé Buenavista kasunod sila Solar Wong at Jennie Mendez.

 

Siya nalang kulang… pano ba makakatakas dito.

 

Magtatago ba ko?

 

Tatakbo?

 

Mag-cr?

 

“Girls, san tayo uupo?”

 

Napalingon naman kaming lahat kay Irene na busy sa phone niya. Naramdaman niya atang nakatitig kami kaya tumingin siya sa direksyon namin.

 

“Oh! Hi sa inyo guys. How are you?”

 

Tangina feeling ko magiging marupok ulit ako.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
baeddeulgi_
#1
Chapter 3: Bakit kaya lumayo si Irene non, manliligaw din pala 😭
baeddeulgi_
#2
Chapter 2: Irene naglilista go bakla!
baeddeulgi_
#3
Chapter 1: Cute naman ni Irene dito, shy type tas si Seulgi laughtrip 😭
anaelhahaha #4
Chapter 4: cute ng manliligaw na nagbigay agad ng call sign hahaha.
kang_ddeul
#5
Chapter 4: hala ang cutie po hahahahahaha
PurpleCABBAGELover
#6
Chapter 4: Haaay, ang cute neto >.<
2014605911
#7
Chapter 4: 👀😆♥️
In fairness ah, brave soul na may style si Irene. Smart and sneaky pero respectful parin na manliligaw. Endearing at hindi arogante or assuming. Also points to her for admitting her fault and being straightforward of her intentions. Atleast clear talaga lahat at hindi siya nagbibiro. In hindsight, may merit din kahit papaano yung gusto niya sanang maging sila na kaagad ni Seulgi habang nililigawan niya siya. Doon din naman ang punta and gusto parin naman siya ni Seulgi so why not diba? Though of course it doesn't erase the fact na mas weighty yung merit nung dahilan ni Seulgi bakit kailangan pa rin manligaw ni Irene. Siyempre need niya muna patunayan yung sarili niya and make it up to Seulgi. Unfair din naman kung ibibigay kaagad gusto niya ng hindi man lang pinaghirapan.
wnsr_28
#8
Chapter 4: YESSSS
wnsr_28
#9
Chapter 3: Bakit siya nagpaparamdam jahahakehekeje irene ano ba hahahahahah! di ko alam bakit siya lumayo kay seul nung nag confess siya.. Maybe something happened.
2014605911
#10
Chapter 3: 👀 Aba. May nagparamdam at lumalaban 😆.No take backs na ba yan or just testing the waters kasi 100% agree ako kay Seulgi na dapat si Irene ang lumapit at magtapat ngayon. Woo her back. After all, Seulgi already did her part by putting in her own effort at nag confess naman na din siya dati sa kanya. Baka naman mamaya yang application letter na yan kunwaring legit application letter na sa iba pala ipapasa if ever na biglang tumiklop si Irene. With that said, bakit kaya lumayo si Irene dati? May mali ba siyang understanding sa motives ni Seulgi or something else? In denial ba siya dati?