Remember Forever - Sunflower & Sunshine

Remember Forever
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER TWO

 

“Don't tell me what I want to hear 'cause you think you should

And teach me to heal my scars

I've heard it said, that beauty is when scars become art.” When Scars Become Art by Gatton.

 

Seulgi's POV

 

Maaga kaming kumain ng agahan kasama si Moonbyul pati ang mga kapatid niya. Noong una ay natatakot pa silang lumapit sakin dahil baka daw pagalitan ko sila. Pero naging kumportable din sila sakin agad. Naligo ako at nagpalit ng damit, dalawa na lang ang natitirang damit ko na malinis. Apat na pares lang kasi ng damit ang kasya sa bag ko. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ma isusuot ko lahat ng damit na dinala ko.

 

Sinabihan ako ni Moonbyul na maghintay na lang, binilin daw sa kanya ni Irene na susundin na lang nila ako. Umalis na kasi si Moonbyul para sumama sa mga mag aani, ang mga kapatid naman niya ay iniwan din ako para maglaro. Hindi ko na namalayan kung ilang minuto na ang lumipas. Dala ko ang camera ko, cellphone at wallet.

 

Isang puting kotse ang pumarada sa harap ko, lumabas doon si Irene kasama ang isang matandang lalaki. Siguro ay 'yon si Don Carlos. Naglakad ako papalapit sa kanila, nakatingin lang sakin ang lalaki at nakangiting inilahad ni Irene ang kamay niya sakin at hinila ako papalapit sa kanya.

 

"Papá, si Seulgi po, siya yung kinuwento ko sayo kagabi. Seulgi, siya si Don Carlos," We shook hands after Irene introduced us. Kinakabahan ako dahil walang reaksyon sa mukha ang tatay niya.

 

"Huwag mong takutin si Seulgi, papá," biglang sabi ni Irene. Tumawa naman agad ang tatay niya at napailing.

 

"Wala naman akong ginagawa ah," depensa nito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko palalayasin niya ako at sasabihing bawal ako lumapit sa anak niya.

 

"Oh, siya, tara na at baka mahuli pa tayo." Sabi ni Don Carlos. Sumakay kami ni Irene sa backseat, magkatabi kami; malapit sa isa't isa. Ang tatay niya naman ay nasa harap katabi ng driver nila.

 

Mukha silang simpleng pamilya lang, hindi mo akalain na sobrang yaman. Simple lang manamit, sobrang lapit din sa tao. Napatunayan ko 'yon nang magkwentuhan si Don Carlos at ang driver nila. They looked like close friends. No boundaries that separates them.

 

"Kumusta ang tulog mo?" Marahan na tanong sa akin ni Irene.

 

"Maayos naman, salamat nga pala ulit." Sabi ko at tumingin sa kanya. Sa totoo lang, masakit ang likod ko dahil sa banig kami natulog.

 

Hindi ako sanay, pero mas mabuti na 'yon kaysa walang mahigaan kaya hindi ako nagreklamo.

 

"Mabuti naman, akala ko nga hindi ka maka-katulog ng maayos dahil hindi malambot ang higaan mo." Natatawa na sabi niya. Yun din ang akala ko, pero nakatulog ako, hindi man mahimbing, at least nakatulog parin ako dahil noon ay hirap na hirap ako. Pag gising ko nga lang ay masakit ang katawan ko, dahil din siguro sa pagod.

 

Maya-maya ay nakarating na kami sa simbahan. Marami nang tao, lahat ng madaanan namin ay binabati silang mag ama. Kilalang-kilala pala ang pamilya nila. Inimbitahan din ni Don Carlos ang mga ito na pumunta sa hacienda dahil bukas ito para sa lahat hanggang sa matapos ang fiesta. Kaya pala nag ani sila ng mga pananim ngayon, ibibigay pala nila lahat nang 'yon sa mga bibisita sa hacienda para makatulong sa pagkain na ihahain nila sa fiesta.

 

Nang makapasok kami sa loob ng simbahan, may nakalaan na pa lang pwesto para samin. Sa unahang bahagi ito, katabi ko si Irene at sa kanan naman niya ay si Don Carlos. Nakakahiya, para akong bata na unang beses nakapunta sa simbahan. Hindi ko alam ang gagawin, ginagaya ko lang ang mga ginagawa nila.

 

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Pinatayo kaming lahat, hinawakan ni Irene ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya, nakapikit ang mga mata, sobrang amo ng mukha. Sinasabayan niya ang pagkanta ng choir, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa kanya. As if she sees the world in color, but I don't. I envy her for that.

 

Matagal bago niya tuluyang alisin ang hawak sa kamay ko. At nang bitawan niya ang kamay ko ay kumapit naman siya sa braso ko. Hinayaan ko na lamang siya dahil ayos lang naman sakin. Pinasalamatan ng pari si Don Carlos bago kami umalis. Nauna na itong umuwi, sinabihan ako nito na ingatan ang anak niya. Gaya ng sabi ni Moonbyul, madami ngang tao, maingay at masaya ang mga ito. Naglalakad lang kaming dalawa, hawak pa rin namin ang kamay ng isa't isa.

 

"Irene," tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at huminto kami sa paglalakad.

 

"Pwede ba kitang kunan ng litrato?" Tanong ko sa kanya. Nginitian niya ako at tumango bilang sagot. Hindi ako mahilig kumuha ng litrato ng tao, pero pakiramdam ko ay tamang tama ang pagkakataon na 'to para kunan siya. Hindi ba weird? Kahapon lang kami nagkakilala pero napalapit na siya sakin. Magaan kasi siyang kasama.

 

Inayos ko ang camera ko at sinimulang kunan siya ng litrato, she's wearing a light makeup, naka dress siya na bagay na bagay sa kanya. Kahit maghapon ko siyang kunan ng litrato, hindi ata ako magsasawa.

 

"Picture naman tayong dalawa?" Suhestyon niya. So we did. We took photos together, I lost count on how many pictures we took. These little moments with her felt good.

 

Naglalakad lakad kami, at kapag may magandang background na nadadaanan ay kinukuhanan ko siya ng litrato. Hindi niya rin nakakalimutan na sabihing mag picture kaming dalawa.

 

"Puro ako na laman ng camera mo eh, ikaw naman ang kukuhanan ko ng litrato." Sabi niya sakin.

 

"Marunong ka ba?" Tanong ko. Napatawa naman siya at umiling.

 

"Hindi," simple niyang sagot. "Turuan mo ako, gusto din kitang kunan ng litrato."

 

Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad papunta sa isang waiting shed na gawa sa kahoy.

 

"Makinig ka ah," sabi ko sa kanya bago ko siya tinuruan kumuha ng litrato gamit ang camera ko. Sinubukan niya ang tinuro ko, pero hindi niya sakin itinapat ang camera, sa mga nadaan sa harap namin.

 

"Ah, okay, kaya ko na. Halika hanap tayo ng magandang background." Sabi niya at hindi na binitawan ang camera ko pati ang kamay ko habang naglalakad kami.

 

"Here," sabi niya at pareho kaming huminto sa tapat ng isang arko na puno ng bulaklak at iba't ibang makukulay na bagay. Nakatalikod ako sa kanya at tinaas ang kamay ko at nag peace sign.

 

"Seulgi," tawag niya sakin kaya napaharap ako. Nakangiti niyang pinindot ang camera. Napatawa naman ako dahil sa ginawa niya, tiningnan niya agad ang litrato na kinuha niya at napa simangot. Pinuntahan ko naman siya agad para tingnan kung ano ang problema.

 

"It's blurred," mabilis niyang sabi. May panghihinayang sa tono ng boses niya. Pinipigilan kong tumawa dahil sa reaksyon niya. Para siyang bata na inagawan ng candy, o kaya hindi nabilhan ng laruan na gusto niya.

 

Naka focus sa background kaya naka blurred ako.

 

"Hey, it's okay. First time mo naman eh, you can take another picture." Sabi ko, her face brightened up again. As if she got motivated.

 

"Talaga? Pose ka ulit dun, susubukan ko ulit." Sabi niya kaya bumalik ako. This time, nakaharap ako sa kanya at nakangiti.

 

She let out a small noise because of frustration.

 

"Sira naman ata 'tong camera mo," sabi niya at lumapit sakin para ipakita ang picture ko. It was blurred again. Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil halata sa itsura niya ang pagkayamot.

 

"Sinisi mo pa yung camera ko? Hindi to sira no, tingin ka sa akin." I said, she immediately looked at me. Kinunan ko agad siya ng litrato at bigla siyang natawa kaya ang sumunod na kuha ko sa kanya na ata ang pinaka magandang nakunan ko.

 

Pinakita ko sa kanya ang nakunan kong litrato. "See? Hindi naman sira ah," asar ko sa kanya.

 

"Pag ito natutunan ko, who you ka sakin," pagbabanta niya pero nakangiti naman.

 

"Paano ka ba natuto kumuha ng magandang litrato?" Tanong niya nang magsimula na kami ulit maglakad.

 

"Hm, naging hobby ko kasi. My dad used to take a picture of us. Lagi niyang dala ang camera niya, at kinukuhanan kami ng litrato palagi." Sagot ko sa kanya. Sobrang mangha kasi ng tatay ko sa camera noong nabubuhay pa siya. He was fascinated how cameras can capture a moment. Pwede mong balik-balikan ang isang pangyayaring na lumipas na.

 

"Really? That's cool. Papá used to play piano and guitar, so he taught me how to play instruments." Sabi niya at nilingon ako.

 

"Where's your father now? Hindi ba sila mag aalala na lumayas ka sa inyo?" Tanong niya.

 

"My parents have already passed away, including my little sister." I smiled bitterly. Nasasaktan pa rin ako kapag naalala ko ang sabi sakin pagkatapos mangyari ang aksidente. Pag gising ko… mag isa na lang ako. They all went on a long trip without me.

 

"I-I'm sorry, I shouldn't have bring that up," Paghingi niya ng tawad. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.

 

"Hindi mo naman alam," sabi ko sa kanya. She looked at me as if something's bothering her.

 

"Gusto mo bang mag perya mamayang gabi?" Tanong ni Irene sakin. Nawala din ang pag aalala sa mukha niya at napalitan ito ng ngiti.

 

"Perya?"

 

"Oo, mamayang gabi magbubukas 'yon. Isang linggo silang magtatagal dito." Paliwanag niya sakin.

 

"Ganun ba? Oo naman, tayo lang dalawa?"

 

"Hm, isama natin si Moonbyul at ang girlfriend niya."

 

"May girlfriend siya?" Tanong ko. Akala ko kasi may something sila ni Moonbyul. Turns out, nag assume lang pala ako.

 

"Oo, walong taon na sila. Hindi halata na babae ang gusto niya, ano?" Kung ako ang tatanungin? Unang kita ko pa lang sa kanya ay ramdam ko na, ganon din kasi ako. Kahit nga si Irene, pakiramdam ko ay babae din ang gusto niya. Pero mahirap manghusga, malay mo hindi pala?

 

"Actually, I had a hunch the moment we met." Sabi ko. Mukha naman siyang nagulat.

 

"Really? It took her five years to tell me that she's a lesbian. Magkababata kasi kaming dalawa, magkasamang lumaki. Natatakot siya na sabihin sakin ang bagay na 'yon dahil baka iwasan ko daw siya. Noong sinabi niya yun sakin, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Hindi ko rin kasi alam kung paano sasabihin sa kanya na babae din ang gusto ko." Natatawa niyang sabi. There, my hunch was right.

 

"That's cool, tanggap ka ng bestfriend mo pati ng mga taong nakapaligid sayo." Kumento ko.

 

"I was treated differently after I come out as a lesbian. They treated me like I was a plague, a disgrace." I chuckled. She looked so sorry for me, but I just shrugged it off.

 

"You don't have to feel bad about who you are. They're terrible for making you feel that…" she said gently.

 

"They are," I agreed and smiled bitterly.

 

"So, kasama natin si Moonbyul mamaya?" Tanong ko para maiwasan na ang topic na yon. Tumango siya at kinuha ang cellphone niya. Siguro ay tinext niya ang kaibigan niya para makapaghanda ito.

 

 

We spent the whole day roaming around. May mga nag iimbita din sa amin n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
patatangina
This story was sitting on my drafts for quite some time and I decided to finally publish it. Enjoy reading, I guess?
twitter: @srpatatangina

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
36 streak #1
Chapter 3: Unang iyak ngayong 2023 aemen
AnneTokki #2
Chapter 4: Why did I read this patatangina naman 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭
Moksy23
#3
😢
kkdalgi #4
Chapter 4: Punyeta! Maganda siya pero putangina talaga. 🥲
mengmengBellybeng90 #5
Chapter 4: Tf.. 🙂🙂 wala ko masabi pero sige.. sana.. may ulam ka today
samanarose #6
Chapter 4: panu mo nasabing mag eenjoy ako nito:( huhuhuhu pero grabedh damang dama thank you
seulbunny_ #7
Chapter 4: pagkatapos kong basahin, sa tingin mo otor nag enjoy ako? kung masokista ako baka inenjoy ko 🙂 char jk thanks po dito!
HeinzKang99 #8
Chapter 4: potang ina naman. leche
kang_ddeul
#9
Chapter 4: wahh ang gandaaaa 😭 thank you po otor-niiim! 😭✊
kiwi1198 #10
Chapter 4: alexa play binhi by arthur nery